31 Bubble Bath
"Calm down, Kennie. Calm down."
Paulit-ulit na sabi ni Mike habang naghihintay kami kay Ralph sa presinto. Akbay-akbay n'ya ako. magkatabi kaming nakaupo sa tanggapan ng police chief doon.
Mali mang ipagpasalamat, pero ganun ang nararamdaman ko ngayon.
Una dahil umaga nangyari ng lahat. Na papaalis pa lang si Mike.
Pangalawa, kasama ni Michelle si Gelo at Tita Dolly mula pa kahapon sa isang out of town trip. Bukas pa nang hapon ang balik nila.
Ginawa yun ng kapatid at ina ni Mike para makapagkonsentra ako sa mga dokumentong kailangang lakarin para sa mga pag-aari ng mga magulang ko, ang pagpunta namin sa Amerika at ang pagpapaupa sa SchulzAS ng lupa namin sa tabing dagat.
Pinabalik ni Mike si Kuya Gerry sa bahay. Naiwan ko kasi ang inhaler ko nang sunduin kami ng mga pulis sa bahay. Kasama ng mga ito ang ilang opisyal ng home owners' association sa village nila. Kilala ang mga Montecillo kaya siniguro ng mga ito na biglaan man ang pagpunta ng mga pulis sa opisina ng asosasyon, ay maayos ang magiging pagkuha sa amin.
May mga tinatanong ang mga pulis at imbestigador pero nanatili kaming tikom ang bibig. Lalo at tinatanong kung nasaan si Gelo.
"We will wait for our lawyer," ang tanging pahayag ni Mike.
Kanina ay kinausap na ng lalaki ang isa sa dalawa pang bodyguards na kasama namin. Ayaw n'yang iparating pa muna kay Rob ang nangyari dahil nasa honeymoon pa ang bagong kasal. Wala pa rin si Aris dahil nasa Cebu pa kasama ang pamilya. Ganun din ang mga Schulz na nasa Palawan pa. Sinasamantala na walang pasok ang mga bata dahil unang linggo pa ng Nobyembre ang tapos ng school break.
Si Tito Pab ay hindi sumama sa presinto, ayon na rin sa kagustuhan ni Mike.
"Dad, please call Ralph. We need you to help us work on stuff outside the precinct. I will be limited to move while in there."
Ilang oras na kami sa presinto. Wala pa si Ralph pero bago magtanghali ay may isang abogado ng law firm nito ang nauna nang dumating. Yun ang pansamantalang humarang para hindi kami makuhanan ng mugshots ni Mike na tila mga kriminal.
Nagtalo ito at ang pulis.
"Atty. Marquez will be here soon with the proof that the child is Engr. Montecillo's and Ms. Dayrit's son," ang sabi ng abogado. "There is no kidnapping that happened. Kapag kinuhanan n'yo ng mugshots ang kliyente namin, kami ang magdedemanda sa inyo ng pagsunod sa maling pagkakaproseso nitong arrest warrant. Pati na ang judge na nag-issue nito na walang matibay na basehan!"
Natigil sila sa pagsasagutan dahil may dalawang dumating.
Si Sir Jeff at Rika. Kaswal lang sila sa isa't-isa dangan ay halata ang pag-aalala para sa amin.
Saglit akong naiwan sa kinauupuan dahil tumayo ang katabi ko para salubungin ang dalawa. Kung natigilan si Jeff dahil nagyakap si Mike at Rika, ako naman ay nakaramdam ng di maipaliwanag na kirot sa puso.
Bakit? Dahil ba ang babaeng ito ay minahal ni Mike noon... o maaring mahal pa rin ngayon?
Tinapik ni Sir Jeff si Mike sa balikat, "Ayos lang ba kayo? Can we bail you out?"
"The charge is non-bailable but Ralph is working on countering it," sagot ni Mike.
"Hey," si Rika na tumabi sa akin at kinapitan ako sa kamay. "Ayos ka lang ba? Kalma lang ha? Tutulungan namin kayo."
Matipid akong ngumiti nang may pasasalamat. Doon na kami inabot ng tanghalian. Lumabas si Sir Jeff para bumili ng pagkain namin. Hindi ako makaramdam ng gutom sa sobrang tensyon, pero pinilit ako ni Mike na kumain.
Nakamasid ako sa kanilang magkakaibigan na sa kabila ng antas ng kabuhayan nila, tila pangkaraniwang mga tao lang na sumabay sa aking kumain ng take out food galing sa isang sikat na food chain. Nag-usap sila. Narinig ko na naman ang pangalan ng mga Agoncillo at Schulz. Pati ilang pangalang pamilyar sa akin dahil narinig o nabasa ko na sa mga balita.
Makaraan ang kalahating oras, may tumawag sa hepe ng presinto. Puro 'opo'at 'yes, sir' ang narinig namin.
Hindi nagsasalita si Mike. Basta, pinagitnaan nila ako ni Rika sa kinauupuan namin.
Wala pang limang segundo matapos ang unang tawag na yun, nag-ring uli ang telepono.
"Yes, your honor," ang sabi na naman nung hepe tapos tumingin sa amin, at tumangu-tango. "Uhm, sige po, hihintayin namin."
Tumikhim ang hepe matapos ang tawag, tila tinitimbang ang sasabihin.
"Tsk, pasensya na, Engr. Mike... Ms. Dayrit. Maghintay pa tayo saglit. Kailangang makita ko muna ang pirmadong papel ng husgado na maaari kayong i-release. Sumusunod lang ako sa batas."
Ang hinihintay pala namin ay si Atty. Marquez.
May inabot itong dokumento sa hepe na binasa naman niyon. Tapos ay nag-usap ito at ang dalawang abogadong naroon. Saglit lang ay nagkamay na ang tatlong lalaki sa isa't-isa.
Nilapitan na kami ni Atty. Marquez, "May dalawang grupo ng field reporters sa labas. Mukhang may nag-tip na may malaking istorya silang makukuha dito ngayon."
"Fuck!" napamura na si Mike.
"May pwede kayong daanan sa likod, Engr, Montecillo," sabi ng hepe na may itinurong pinto. "May pangalawang pinto sa loob ng banyo ko."
Ang nangyari, ang mga kaibigan ni Mike at si Atty. Marquez ang naunang umalis ng tanggapan para linlangin ang mga nag-aabang sa labas, at para sabihan sina Kuya Gerry na sa likod nga kami dadaan.
Naroon na nga ang kotse ni Mike paglabas namin.
Lamang, dadaan pa rin kami pabalik sa tapat ng presinto.
"That fucking asshole!" mura ng katabi ko.
Sinundan ko ng tingin ang direksyon ng mata ni Mike.
Napasinghap ako.
Si William, pababa ng kotse n'ya kasama ang tatlong bodyguards!
Wala akong imik. Hindi ko na nga maintindihan kung sinu-sino at ano ang mga sinasabi ni Mike sa mga kausap n'ya sa cellphone habang nasa byahe. Kinakain ako ng takot at pangamba sa maaring kahinatnan nang nangyari.
Wala sa loob na kumapit ako sa braso ni Mike, mahigpit. Na tila nakakapit ako sa isang lumulutang na salbabida sa gitna nang nag-aalimpuyong dagat.
Otomatikong umangat ang braso n'ya paakbay sa akin, gaya nang otomatikong sumiksik ako sa dibdib n'ya. Nakaramdam ako nang kaligtasan.
Di ko napigilan ang mapahikbi. Para kasing sa yakap lang ni Mike ako nakakaramdam nang kalayaang gawin yun.
"Hey..."
Lalo akong napaiyak. Sumubsob na talaga ako sa dibdib n'ya.
"Mike... Mike..." daing ko.
"Wait, Ralph. I'll call you back."
Saka n'ya ako ikinulong sa dalawang bisig n'ya at inalu-alo.
"It's alright. We'll get through this. I'll take care of everything."
Naniniwala naman ako sa kanya. Sobra-sobra.
Si Mike ang itinuturing kong timbulan ng kaligtasan naming mag-ina. Sa kanya na nakasalaylay ang buhay namin ni Gelo.
Ang huling parte ng pag-iyak ko ay dala na nang kaluwagan ng kalooban mula sa sobrang takot na naramdaman ko kanina.
Dala nang labis na pasasalamat sa lalaking ito na hindi ako pinabayaan bagkus ay sinamahan ako sa bagyong dala ni William. Isinama ako papalabas sa presinto na akala ko ay magiging tahanan ko na sa mahabang panahon.
Pero heto, magkasama kami sa kotse n'ya pauwi... magkayakap... magkasama.
At ayun na naman... ang imahe ng traje de boda sa isipan ko.
Mas malinaw na ... na suot ko!
"We're here."
Napadilat ako sa pagkakayupyop kay Mike.
"Nasa'n tayo?" tanong kong nakatingin sa paligid.
Nasa parking area kami sa loob nang isang gusali.
"Sa condo ko. May mga reporters din daw sa gate ng village sabi ng presidente ng home owners association namin. Kausap ko kanina. Dito na idederetso nina Michelle si Gelo bukas."
Inalalayan n'ya ako pababa.
Gusto kong manliit sa ganda pagpasok pa lang sa elevator. Para akong nasa kahon na salamin.
Pinindot ni Mike ang thirty-seven.
Dios mio! Ang taas!
"Hey," ginagap n'ya ang kamay ko.
Nahalata n'ya yata na di ako sanay sumakay sa elevator. At bahagyang humigpit ang kapit ko sa magkasalikop naming kamay nang maramdaman ko ang pag-usad nang kinalululanan namin. Sa umpisa lang pala yung pakiramdam na parang nakakalula, tapos wala na.
Sa ilang segundong nakatayo kaming dalawa sa loob nun, di ko maiwasang tingnan ang repleksyon namin ni Mike. Magkatabi. Magkahawak ng kamay.
Naglalaro na naman ang imahinasyon kong dati ay hindi naman aktibo. Nito lang mga nakaraan.
Nakikita ko ang larawan ni Mama at Papa. Nang araw na ikasal sila. Sa huwes lang sila ikinasal. Nakabistidang puti si Mama at si Papa, ang nakagawian naming barong kapag may pormal na okasyong dadaluhan.
Lamang, iba na ang nakikita ko ngayon. Si Mama, nakasuot nang makabagong traje. Gaya nang nakita ko sa Google. At si Papa... naka-itim na tuxedo.
Hanggang sa kumunot ang noo ko.
Hindi pala si Papa at si Mama ang tinitingnan kong yun sa repleksyon sa salamin... kundi ako at si Mike!
Tumikhim ang katabi ko.
Napakurap ako sabay paggapang ng init sa leeg at mukha ko.
Magkahugpong pala ang mata namin ni Mike sa repleksyon namin sa katapat na salamin.
At parang namumula rin ang lalaki!
Maryosep! Nakakahiya!
Hinila ko ang kamay ko pero hindi n'ya binitawan.
"Oh, bakit?"
"Uhm, ano, m-makati ang likod ko," palusot kong hindi umubra dahil,
"Saan ba? Dito?"
Pinigilan ko ang mapaigtad kasi nga andun na at s'ya na ang kumakamot sa likod ko.
"How's this? Did I hit the right spot?"
"Ah... eh... oo. Tama na. Salamat."
Saktong huminto ang elevator at may apat na lalaking sumakay. Kinabig ako ni Mike sa kanya kahit malaki pa ang espasyo. Ilang floors lang, bumaba agad ang mga ito.
Ang awkward. Kasi si Mike, halos nakayakap pa rin sa akin.
Tumikhim ako at patay-malisyang kumalas.
Kumabog ang dibdib ko dahil di n'ya ako hinayaang makagalaw. Napatingala ako sa kanya.
Ayun at nag-init na naman ang mukha ko.
Nakayuko siya sa akin. Nagtama ang mga mata sa halos magkadikit na ngang mga mukha namin.
Ni hindi ko magawang kumurap.
"Do you know what I was seeing while looking at us in the mirror?" bulong n'ya.
"A-ano?"
Para akong sira.
Bakit ba nakikibulong ako?
"Me in a dashing black suit standing beside you while... "
Binitin n'ya ang sasabihin kaya di ko napigilang bumulong na naman, "W-while a-ano?"
"... you're wearing an elegant wedding dress."
"H-ha?"
Yun lang ang nasabi ko. Pareho pala kami nang iniisip kanina.
Kasabay nang pag-init muli ng mukha ko at hindi ako makagalaw.
Dios mio! Dios mio!
Lumalapit ang mukha n'ya lalo sa mukha ko!
Ting!
Ang hudyat na sumira sa mahikang bumalot pareho sa amin nang mga sandaling yun!
"Damn!" bulong n'ya tapos tumikhim. "Come. This is our floor. We're getting off."
Pinilit kong iwaglit sa isip ang nangyari sa elevator kasi parang wala lang kay Mike nung naglalakad kami sa hallway ng floor na yun papunta sa unit n'ya.
Isa pa, baka ako lang ang nag-iisip nang kung anu-ano.
Nakakahiya na talaga pag nagkataong malaman ng lalaki ang tumatakbo sa isipan ko.
Dapat... dapat kaswal lang din ako gaya n'ya.
Malaki ang unit ni Mike para sa isang tao, oo... pero walang maikukunsiderang pribadong silid maliban sa banyo.
Malaking studio-type bachelor's pad. Maganda ang pagkakadisenyo sa paghiwalay ng sala, kusina at bar counter. Dominante ang kulay ng puti at ibat'-ibang shade ng berde.
Namangha ako nang hawiin ni Mike ang madilim na berdeng kurtina sa dingding. Gawa pala yun sa salamin. Tanaw ang mga mas mabababang gusali at ang siyudad sa ibaba.
May hagdan akong nakita pasalungat sa direksyon ng pinto. Tumingala ako. Saka ko napansin na mas mababa ang kisame sa may bandang kusina kumpara sa sala.
"That's the mezzanine. The bed's there and another bathroom," turo ni Mike sa itaas ng hagdan sa ulunan namin.
Akala ko veranda sa loob ng condo. Gaya ng sala, palagay ko ay maganda ang tanawin doon.
"Gelo won't fall from there. He's big enough to know not to play on the railings. You will love it here specially during sunrise and in the evening."
Sa palagay ko nga rin.
"Feel at home, sweet. You and Gelo will stay here until we fly to US," ang sabi na iniwan ako sa sala.
Umakyat s'ya mezzanine. Base sa tunog ng galaw n'ya, nagbihis ito.
Tapos nagsalita, akala ko ay ako ang kausap. May kausap pala sa cellphone n'ya.
Saka ako nakaramdam nang panlalagkit. Ang init nga Kasi sa presinto kanina. Mahina ang buga ng aircon sa tanggapan ng hepe pero nanatili kaming nasa loob niyon na sarado ang pinto. Umaga hanggang hapon kami doon. Isa pa, naramdaman ko ang pananakit ng balakang ko dahil sa matagal na pagkakaupo.
"Hey..."
Napasinghap ako.
Ayun at nakatayo sa paanan ng kama. Kita sa mga siwang ng bakal na railings na naka ano lang s'ya... Ano nga ba'ng tawag dun?
Ayun, boxers!
Ang lapad ng balikat. Makinis ... matipuno...
Mabilis kong ibinalik ang tingin sa mukha n'ya... kasi naman!
Maryosep! Nagkakasala ako sa nilalang na ito.
"B-bakit?"
"Ikaw ang bakit nakatayo pa d'yan?" kunut-noo na nangingiti n'yang tanong pabalik.
Nakatukod na ang mga siko n'ya sa railings at nakadukwang sa akin sa ibaba.
Di ko tuloy malaman kung ano'ng gagawin.
"Pwedeng ano, makiinom?"
"The glasses are in the cupboard. The hot and cold water dispenser's over there but you can also check the fridge. Take anything you want."
Saka lang ako nakakilos nung naglakad uli s'ya papalobb sa mezzanine.
Panlalaki talaga ng disenyo ng pad. Parang nakabaon sa dingding yung ref tapos yung stove n'ya, ewan ko kung paano magluluto sa ganito. Di ito gas stove, pero parang electric stove na parang hindi naman.
Walang ibang laman ang ref kundi puro canned beer, juice at softdrinks ang meron. Yun lang.
Kumuha na lang ako ng baso sa isang built-in cabinet saka kumuha ng tubig na malamig sa dispenser.
May nag-doorbell.
"I'll get it," sabi ni Mike na pababa na sa mezzanine.
Napangiwi ako. T-shirt lang ang nadagdag sa suot n'ya.
"My God, Mike! Could you be a little decent with your clothes?" boses ni Rika.
"Sorry, kadarating lang din namin halos. And it's my place. I can wear anything I want."
Napakagat-labi ako nang sabay silang pumasok sa sala. Naka-angkla ang babae sa braso ni Mike.
Si Sir Jeff naman ay nakasunod lang sa kanila. Parang... parang nakasimangot?
"Ayan si Kennie," tukoy sa akin na may mailkling pagkaway bilang pagbati ng babae. "Tapos alam mong may darating kang mga bisita."
"You're not visitors. Your family," maikling sagot ni Mike. "Si Ralph?"
Tumikhim si Sir Jeff. "Paparating na yun. Ako na magpapatuloy sa kanya. Tangna, Mike, mag-shorts o magpantalon ka nga!"
Natatawang sumunod ang lalaki at umakyat uli sa mezzanine.
Nilapitan ako nang dalawang bagong dating para kumustahin.
Saktong bumaba si Mike nang dumating si Ralph kasama si Tito Pab.
"Your mom already knows," sabi ng daddy n'ya. "Dito na nga sila didiretso bukas."
Nag-usap uli kami sa estado ng kasong gumulantang sa amin. Doon ko nalaman na tumulong na ang mga kamag-anak nina Mike na nasa pulitika at ginamit ni Ralph ang mga koneksyon para makakuha agad ng husgado na maglalabas ng bagong court order na hindi kami makulong ngayong araw.
"Your Uncle Monching's head is burning hot when we talked over the phone," Tito Pab. "Inawat ko na lang na tawagan ang Tita mo sa Ombudsman."
"Alam na ba ni Tito Monching ang totoo, Dad?"
"Yeah, I had to tell him."
"Ano'ng sabi?"
Sumingit si Ralph, "He requested to talk to me, Mike. He will help in every way possible he can... but just like I've said, kapag napatunayan na sa korte kung sino talaga ang tatay ni Gelo, at ilaban ni William ang karapatan n'ya sa bata, we cannot do anything. He's the father. Kennie is only the aunt."
"Ako ang legal na ina," sabat ko na.
Seryoso akong tinitigan ni Ralph, "That's right. But if we will look into it, you falsified a public document. And that is penalized from two to six years imprisonment."
Saka hinarap uli si Mike, "I told you before. She may be acquitted for that crime dahil menor de edad s'ya nang gawin ang dokumento. Lamang, maaring makasira sa pangalan ng pamilya n'ya dahil ang mga ito ang humimok sa kanya na gawin yun."
"A-ayokong masira ang pangalan nina Papa. Nananahimik na sila," sabi ko.
"Kennie," baling ni Ralph. "Madaling malusutan ang kasong yun but when Mike acknowledged Gelo as his son and signed a legal paper for the boy to carry the Montecillo name... that's a different story. You're no longer a minor now."
"She has nothing to do with it!" salag agad ni Mike.
"Maaring hindi ganoon ang lalabas. Either both of you will be charged, or she will be pinned down kung papalabasin na niloko ka para papaniwalaing anak mo si Gelo."
"Hindi tayo darating sa puntong yun. There's Rob and his agency kapag humingi ng DNA testing si William," laban pa rin ni Mike. "Amin si Gelo!"
Kung ako ay nanggigipuspos sa mga naririnig at kakaiisip sa maaring mangyayari, si Mike ay galit na galit.
"M-mike..." kapit ko sa braso n'ya. "Huwag kang magtaas ng boses. Lalo akong ... akong natatakot."
Kumalma naman s'ya.
"If you need a place to stay outside the country... just let me know," offer ni Rika sa akin. "You will be safe and protected in Japan."
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Mike at Sir Jeff.
"Akala ko ba iniiwasan mo ang ex-husband mo?" sabi ni Mike.
Ngumiti lang si Rika nang tipid at umiling, "Hindi na s'ya magtatangkang lumapit sa akin."
Tumaas ang kilay ni Sir Jeff.
"Why is that?"
Ngayon ko lang narinig na nag-usap ang dalawa.
Nagkibit-balikat lang ang babae. "Basta."
"Nah, Kennie and Gelo will be staying in San Fran once their travel documents are fixed."
Tumikhim si Ralph, "That's something I was about to tell you, Mike."
"What?"
"I just found out bago ako pumunta sa presinto kanina. Gelo and Kennie are in the DFA watchlist. They can't leave the country."
"The fuck?!"
Tumango si Ralph, "Looks like Garcia is either cautious, thinking ahead or aware of your plan."
Naglagutukan ang mga daliri ni Mike nang ikuyom n'ya ang mga palad. Tapos tumingin kay Ralph. Nag-usap ang mata nila.
"Uhm... no, Mike. Not a good idea."
Naguluhan ako. Mukhang pati si Rika. Pero si Sir Jeff at Tito Pab ay naunawaan ang tinginang yun nang dalawa.
"No, son," sabi na nga ng matandang Montecillo. "You don't have to resort to that."
"Ang alin?" tanong ko.
"Mike, it is a known fact now na magkalaban kayo ni Garcia. At parehong maimpluwensya. If he is killed, ikaw ang unang suspect."
"MIKE!" pabigla kong sambit. "Ano'ng... ayoko!"
"N-no, sweet," inakbayan ako. "I won't."
Tiningnan ko s'ya. Hindi ako kumbinsido sa tono n'ya.
"I promise. A pinky promise. It was just an idea. But I won't. Don't think about it. We still have Rob. I'll take care of it."
Saka lang ako nakumbinsi. Pero, nakaalis na ang apat ay nababagabag pa rin ako.
"Here. I think kasya sa iyo 'to. Magpalit ka na at magpahinga."
Si Mike, may inaabot na damit sa akin. Tapos na kaming kumain ng hapunan na pina-deliver n'ya lang.
"Kanino yan?"
"Uhm..." napakamot ito sa batok. "Sa ano, kaibigan kong babae."
"Nanghiram ka para sa akin?"
Alumpihit uli s'ya, "No. They ...uhm... I mean, she left it here."
Tiningnan ko sa mukha si Mike. Napaiwas s'ya ng tingin.
Saka sumagi sa isip ko.
Bigla akong napasimangot. May kung ano'ng kumudlit sa dibdib ko sa isang hinala na pumasok sa isip ko.
"Wala bang iba?" mahina kong tanong.
"Would you wear my clothes?"
Tumango ako at nagulat. Yung kamay n'yang nakatago sa likod ay may hawak na damit n'ya.
Parang sira lang!
Natawa ako nang walang tunog. Ganun din s'ya.
"Iniisip ko kasi baka ayaw mo," ang sabi na may masayang tono.
"Baka magalit ang kaibigan mo kapag ginamit ko yan."
"Di na sila babalik dito," kaswal na sabi. "I don't bring girls here twice."
Napatingin ako uli sa kanya nang may pagkamangha.
Pagkamangha sa di magandang interpretasyon sa sinabi n'ya.
"Oh, shit!" bulong nya, sabay napahawak sa sentido.
Siguro, napagtanto n'ya ang hindi sinasadyang pag-aming nagawa.
"Forget what I said, Kennie. That was before. Matagal na 'yun."
"Di mo naman kailangang magpaliwanag."
"Baka kung ano kasing isipin mo eh. Ayokong masira sa 'yo."
Di na ako nagkomento. Una, iba naman na talaga ang iniisip ko. Pangalawa, parang kinikiliting ewan ang sikmura at butu-buto ko sa sinabi n'ya.
Tumalikod na ako papunta sa banyo. Baka makita n'ya ang hindi ko mapigilang pagngiti at pamumula.
"Sa'n ka pupunta?"
"Maliligo at magpapalit," sagot kong hindi lumilingon.
"Use our bathroom upstairs. The one here is for visitors. Tsaka nandun sa taas ang tuwalya at mga toiletries."
Napalingon tuloy ako. Kunut-noo.
"Those are mine, sweet. My previous girl visitors had different soaps. I threw those after they left."
"Uhm... wala naman akong sinasabi."
"It's written all over your face, Roqueña."
"Ha?"
"You're blushing, and you look as if you're jealous," tapos tumawa.
Pigil ang inis na umakyat na ako sa mezzanine.
"Ako magseselos?" bubulung-bulong kong sabi sa sarili. "Bakit naman?"
Nawala ang inis ko nang makapasok sa banyo sa itaas. May bathtub!
Isa sa mga pangarap ko ang makaligo sa ganito. Yung pupunuin ng bula bago maglulublob.
Kay Ate Racquel ko naririnig ang ganito. Nung magtrabaho s'ya bilang med rep noon, kasama ito sa mga nae-enjoy n'ya kapag mataas ang benta n'ya. Binibigyan sila ng bonus ng kumpanya na free hotel stay. Naglambing pa nga ako sa kanya na magpagawa ng bathtub sa itaas na banyo naming sa Bataan. Hindi lang pumayag si Mama. Kaya nangako noon si Ate na kapag may pagkakataon, ipaparanas n'ya sa akin ang bubble bath. Na ide-date n'ya ako bilang regalo kapag graduate ko ng highschool. Pero, hindi na nga natuloy. Kasi...
Hindi. Mas pipiliin ko pa rin si Gelo kaysa sa bubble bath. Minsan lang dumating ang isang anghel na tulad n'ya. Ang bubble bath, makukuha sa ibang pagkakataon, gaya ngayon!
Isinantabi ko ang hiya at inis kay Mike. Lumabas uli ako sa banyo at tinanaw s'ya sa may sala.
Nanonood ito ng TV.
"Mike..."
"Oh?" tingala n'ya sa akin.
"Pwedeng ... makigamit ng bathtub?"
Saglit na kumunot ang noo n'ya, "Sure, go ahead."
Di ko alam kung papaano ko sasabihin ang itatanong ko kaya nakatingin lang ako sa kanya.
"What?" taas-kilay untag.
"Uhm... kasi... meron ka nung mabula?"
Parang nag-isip pa s'ya tapos tumikhim. "Yeah, I have. Wait."
Umakyat s'ya. Tinuruan n'ya akong magtimpla ng bubble bath dahil inamin ko naman na yun ang unang beses ko.
May nilagay pa nga s'ya na bath salt daw.
"Timplahin mo na lang ang init ng tubig. If you're not satisfied with the bubbles, dagdagan mo na lang nito. Organic naman yan," itinuro n'ya sa akin yung ginamit n'yang liquid soap. "Use that bathtub pillow para mas ma-relax ka."
Lumabas na s'ya kaya excited akong naghubad.
"Gamitin mo rin—"
Um-echo ang tili ko sa CR.
"Jesus Christ!" nagulantang na bigkas ng lalaki.
Pulang-pula ang mukha kong napaupo para itago ang katawan.
Mahabaging langit!
Panty na lang ang suot ko!
"Damn it!" pabulong n'yang sermon na iniyakap sa akin ang hawak n'yang bathrobe. "Next time, lock the door."
Wala akong ibang masabi.
Hiyang-hiya ako!
Ilang minuto na s'yang nakalabas bago ako nakatayo.
Parang ayoko nang lumabas dito. Nagbabad na talaga ako sa bathtub.
May giyera sa utak ko.
Ang nangyaring kahihiyan kani-kanina lang. Ang problemang kinasasangkutan naming mag-ina at Mike. Ang pagtatalo sa isip ko kung tama ba na idamay ko ang lalaki at mga pamilya at kaibigan n'ya sa isyu namin ni Gelo. Ang pipi kong pakikipag-usap kina Papa sa isip ko.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakapikit. Palagay ko ay nakatulog na nga ako.
Napanaginipan ko si Ate Racquel. Umiiyak ako sa kanya.
"Kennie...si Gelo... atin si Gelo. Hindi sa mga Garcia."
"Ate... paano ko ipaglalaban? Alam na ni William," napahawak ako sa dibdib at leeg ko.
Nahihirapan akong huminga gayong hindi naman masinsin ang pag-iyak ko habang kausap ang kapatid ko.
"Yung relo... yung binigay kong relo sa iyo..."
"Ha? W-wala na yun, Ate. Hindi ko na nakuha matapos ang sunog sa—"
Hindi ko matapos ang sasabihin. Kinakapos na talaga ako ng hangin. Ang bigat-bigat na ng dibdib ko. Para akong masusuka na ewan.
"Hanapin mo, Roqueña. Gawan mo ng paraan. Ipakita mo kay—"
"God dammit, Roqueña! Breath! Fuck it! Breath!"
Humahalo si Mike sa magulo ko panaginip.
Napaubo ako. At nasuka na nga... ng tubig na lasang sabon.
"Oh God! Thank you! Lord, thank you!"
Si Mike ang nadilatan ko.
Puno ng takot at pag-aalala ang mukha.
May luha pa nga!
"Roll to your side," malambot n'yang utos.
Tuloy ako sa pag-ubo. Himas n'ya ako sa likod.
"Are you okay now?" ang sabi nung paupo n'ya akong iharap sa kanya mula sa pagkakahiga sa tiled flooring ng banyo.
Tumango ako lamang bigla ring natensyon. Bathrobe lang ang nakatapis sa akin. Hindi pa nga maayos ang pagkakatakip sa hubad kong katawan.
Yung tensyon na napalitan nang init na gumapang mula sa sikmura ko, paakyat sa dibdib hanggang umabot sa mata ko.
Kasi, bigla akong niyakap ni Mike, at garalgal na sinabi.
"I thought I lost you...I don't want to lose you... I won't let it!"
==================
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro