Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

23 Tempting



Kennie's POV

Pinipilit ko naman na maging kaswal ang pakikitungo kay Mike nang mga sumunod na araw na naririto s'ya sa Bataan. Kaya lang, ang hirap pala.

Kasi di ko malaman kung ano ang iisipin at mararamdaman matapos ang tanong n'yang yun sa akin.




"If worse comes to worst... would you ... would you consider us getting married?"

Literal na hindi ako nakagalaw. Napatunganga ako sa mukha n'ya.

Parang tumigil ang lahat maliban sa mata naming tila nag-uusap at nagtatanong sa isa't-isa.

Ang sa kanya, ay naghihintay ng sagot kung handa ba ako sa sinabi n'ya para masigurong amin si Gelo.

Hindi ako makasagot dagil mas nilalamon ako nang sariling tanong para sa kanya na kung bakit naisip n'ya ang bagay na, at kung handa rin ba s'ya.

Di ko maisaboses.

Dahil yung di ko maipaliwanag na pagbayo ng dibdib ko tuwing naririyan s'ya, lalong lumala!

Ayoko man, pero gusto kong hilingin ngayon na atakihin ako ng hika kahit sandali lang. Para malihis ang usapan.

Natataranta kasi ako na di ko malaman ang dahilan.

Bakit n'ya kasi naisip yun at itanong pa sa akin?!

Ayoko nang ganito. Yung pakiramdam na nakakalito.

Nagawa ko na nga lang balewalain ang pagkailang kay Mike mula noong palabasin n'yang anak namin si Gelo. At nasimulan ko nang maging kumportable talaga sa kanya. Nasa punto na nga na pakiramdam ko, kailangan kong magsabi sa mga bagay na dati ay di ko naman pinapaalam pa sa kanya. Siguro, dala na rin na lagi n'yang sinasabi na s'ya ang bahala. Kaya minsan kahit maliliit na bagay, sinasabi ko pa sa kanya para malaman ang nasasaloob n'ya. Kung okay lang ba o hindi. Yung parang nagpapaalam ako. Nagiging importante na sa akin ang sasabihin ni Mike.

Tapos ito, magtatanong s'ya nang ganito?

Hindi nakakatulong eh.

Sa isip ko, naroon ang piping dalangin nang pasasalamat na dumating si Mike sa buhay naming mag-ina. S'ya, ang pamilya at mga kaibigan n'ya. Hindi man sila tubong Bataan, nagkaroon ako ng kakampi.

Oo, narito sina Estrel pero iba kasi sina Mike.

Iba dahil kahit naroroon pa rin ang malaking pag-aalala sa akin at hiya dahil sumali na si Mike sa gusot ng pamilya ko, alam ko kaya nilang tapatan ang kinatatakutan ko.

Kami, magpapakasal?

Hindi ko inisip yun kahit kailan. Kasi parang hindi tama. Kahit ... kahit minsan nalilito ako sa dapat na maging tratuhan namin ni Mike.

"I'm... I'm sorry. Forget what I said."

"Ha?"

"Ayokong maguluhan ka lalo. Kalimutan mo na ang sinabi ko. I'll do the thinking about this issue. Just concentrate on your studies. Common. Gelo's waiting."




Napabuntung-hininga ako. Tipid na ngumiti sa sarili.

Kahit ginugulo ang isip ko, pinilit kong sundin ang bilin n'ya. Nairaos ko ang midterms last week.

Hindi na uli nagbanggit si Mike tungkol doon, bagaman may napansin akong kaunting pagbabago.

Sinisiguro n'yang s'ya ang maghahatid-sundo sa aming mag-ina.

Kaya eto nga ako ngayon, naghihintay kay Mike sa waiting area sa labas ng gate ng campus. Tatlong oras na mula nang matapos ang huli kong klase. Nag-meeting pa kasi kaming magkaka-grupo para sa thesis defense. Medyo mahuhuli raw s'ya sa pagsundo. Di naman n'ya sinabi kung bakit. Di n'ya ugali ang mahuli.

Dumaan sa harap ko ang dalawang ka-grupo ko na tumambay pa yata sa canteen.

"Uy, Roqueña," tawag sa akin. "Yung interview ha? Ikaw na bahala dun. Tsaka huwag mo kalimutang i-video."

"O-oo."

Yun ang binigay nilang parte ko sa thesis namin. Ang mag-interview ng mga opisyal ng mga kumpanya na lumalahok sa charity or social cause.

Napatingin ako sa folder ng thesis draft namin.


The impact of customer perception on customer loyalty with regards to corporate social responsibility.


Yun ang title ng thesis research namin.

Ang interview ang naisip ng mga ka-grupo ko na idagdag dahil nakukulangalan ang prof namin sa draft. At naaprubahan na nga yun.

Maluwag kong tinanggap ang parte kong iyun dahil may punto naman sila. Nariyan si Mike.

Ang hindi ko lang alam ay kung may civic activities ba ang MonKhAr.

Kaya nga ramdam ko ang pagkainip sa paghihintay kay Mike. Nahihiya naman akong mag-text o kaya ay tumawag para lang tanungin kung malapit na ba s'ya. Baka kung ano ang isipin na nung tao. Busy s'ya dahil malapit na ang opening ng building na ginagawa nila malapit sa Enrico.

At sinimulan na ang pag-renovate nila sa property ni Mang Donald.

Tingin ko, yun ang dahilan kaya tinigilan na rin ako ni Darcy. Mas madalas kaysa dati na naroroon si Mike sa kanila.

Ito yung banta n'ya sa akin noon.

Wala sa ugali ko ang sumimangot pero sa naalala kong yun kay Darcy, at sa posibilidad na ginagamit na n'ya ang oportunidad na ito para maakit si Mike, napasimangot talaga ako.

Naiinis akong ewan.

"Hey! What's the frown about?"

Napakurap ako nang dalawang beses at kumunot ang noo.

Sabay na nag-init ang mukha ko.

Nakakahiya!

Si Mike, nakadungaw sa bintana ng kotse n'ya... sa tapat ko.

Ni hindi ko napansin. O masyado akong nahulog sa iniisip kaya parang nawala ako sa sarili.

Kasi naman! Ano ba itong nangyayari sa akin?!

Umiling lang ako at tumayo na. Nakita ko na rin si Kuya Gerry mula sa kaliwang kanto na lakad-takbo na papunta sa isang lalaking naka-motor. Umangkas s'ya sa bodyguard ni Mike.

"Yung totoo, Kennie. May problema ba sa school?" tanong n'ya nung papaalis na kami.

Nakahinga ako nang maluwag.

Akala ko, naghihinala s'ya na sila ni Darcy ang dahilan ng pagsimangot ko. Nakakahiya pag nagkataon!

At mabuti s'ya narin ang nagbanggit kaya sinabi ko ang tungkol sa thesis interview.

"Yeah, we have but," ngumuso ito. "isang beses pa lang naming ginawa. Hindi pa nga kami nakarating ni Aris. Mga empleyado lang namin. Nagtanim sila sa La Mesa Watershed Reservation. So, I think I'm not the right person to ask about it."

"Ay," pabulong kong reaksyon sa panghihinayang.

"It's alright."

Tinapik n'ya ang kamay ko sa kandungan. Mabuti, napigilan ko ang mapasinghap nang pisilin n'ya pa yun nang magaan bago bitawan.

Ayun na naman kasi. Nagbago ang pagpintig ng puso ko. Natatakot na ako sa nararamdaman ko. Ewan ko kung bakit.

Napanguso tuloy ako.

"Don't pout," natatawang sabi. Bigla ko tuloy kinagat ang labi ko. Natawa uli s'ya. "I know a few people you can interview."

"Talaga?" bigla kong nakalimutan ang nararamdaman kong kaba.

"Uhuh! The two Mrs. Schulz."

"Ha? Dalawa ang asawa ni—"

"Oh, no,no!" napahalakhak s'ya.

Ang sarap pakinggan nang tawa n'ya. Pasimple ko ngang hinaplos ang braso ko kasi tumayo nang kaunti ang balahibo ko.

"Reid's head over heels with Andie. I mean, the other Mrs. Schulz is his mother," natatawa pa ring dugtong. "Anyway, both are into charity and stuff. You might as well talk to Madel. Dati s'yang beneficiary ng mommy ni Reid."

"Eh... paano ko sila mai-interview?"

"You'll... talk to them?" nahimigan ko ang panunukso doon.

"Kasi naman eh!"

Tumawa uli ito. Para lang baliw!

"Ang cute mo mainis," sabay pindot sa ilong ko. "I'll arrange it then I'll bring you to Manila this weekend."

"Si Gelo?"

"Of course, we will bring him."

"Hindi. ano, ang ibig kong sabihin, okay lang ba na isama ko s'ya sa bahay ng mga kaibigan mo?"

"Sure. May makakalaro naman s'ya kina Andie. Di pa n'ya nami-meet si Hope at yung kambal."

Di kasi nila isinama noong inauguration ng MonKhAr.

May itatanong pa sana ako nang pindutin nya nag bluetooth sa tenga nya.

"Bakit, Orlan?" sagot n'ya say tumawag. Saglit lang s'yang nakinig at bumulalas, "Ano?!"

Kinabahan agad ako. May nangyari ba kay Gelo?

"Huwag mong payagang pumasok! Paparating na kami!"

Yun lang at tinapos na n'ya ang tawag. "We have to hurry up."

Parang alam ko na.

"S-si William ba?" tanong ko.

Tumango si Mike, "With a fucking bodyguard. I think totoo ang balita."

"Balita?"

"William is shutting down his father-in-law little by little."

"Hindi ko m-maintindihan."

"Rob said it looks like William has something that is keeping the Abellanas at bay. Mukhang di na nangingilag na ipaalam sa pamilya n'ya ang tungkol kay Gelo. Ayan at may kasamang visible escort. Fuck!"

Napahampas pa nga si Mike sa manibela. Ako naman, nakaramdam ng takot.

"M-mike... Si Gelo..."

"I know. Ako'ng bahala!"

Nagmamadali na kami. Nadatnan nga namin doon ang isang itim na SUV. Pamilyar sa akin ang ganoong sasakyan. May ganyan sa munisipyo namin. Nakasunod sa mayor.

Sa akin ay isang bagay na di nakagawian noong panahon na isa si Papa sa pinuno dito. Napakasimple lang namin. Kahit nga ang mayamang ex-mayor, ay nakibagay dahil nakita n'ya na tila tinitingala si Papa noon, kaysa sa kanya.

Tumatambol ang puso ko. Nasa may gate si Kuya Orlan, pinipigilan si William pumasok. Sumali na rin ang dalawang bodyguard n'ya sa pakikipagtalo.

Sinenyasan ni Mike sina Kuya Gerry kaya nauna na ang dalawa papunta sa gate nina Nanay Mila.

Agad hinanap ng mata ko si Gelo, hindi alintana ang ilang kapitbahay nina Estrel na nag-uusyoso na sa kanilang mga bakuran.

Medyo malakas na ang boses ni William at nagkakatulakan na sila.

Tama ang sabi ni Mike. Wala na ang bakas ng pagtatago sa dating kasintahan ni Ate Racquel. Hindi ito nakasumbrero o hooded jacket kagaya noon.

Nakita ko si Estrel sa pinto nila. Halata ang takot sa mukha. Wala ang anak ko at si Nanay Mila. Malamang ay nasa loob at sadyang itinatago ang bata kay William.

Hiyang-hiya ako sa kaibigan ko. Sobrang abala na ito sa kanila.

Ang mainit na kamay ni Mike na gumagap sa palad ko ang bahagyang napakalma sa akin.

Hinila na n'ya ako, "Pumasok ka agad sa loob. Huwag mong ilalabas si Gelo hangga't di ko sinasabi."

Nangangatog ang tuhod ko paglapit namin sa gate.

"Huwag ka manggulo dito, Garcia," sita ni Mike kaya nilingon kami ng mga lalaki.

Hindi ko rin malaman kung saan o kanino ako titingin dahil pati mga nag-uusyosong mga kapitbahay ay nakuha na ang atensyon sa amin.

"Gusto kong makita ang anak ko!" ang matapang na sagot ni William.

"You're assuming too much," ramdam ko ang pigil na galit sa boses ni Mike.

"I think you're the one assuming. Sinabi ko na sa 'yo, hindi kapani-paniwala ang gusto n'yong palabasin ni Roqueña," sarkastikong balik ni William.

Lalo akong kinabahan. Marami ang makakarinig sa usapan nila! Nagbubulungan na nga ang mga nag-uusyoso.

"M-mike, huwag dito, please. William...please. Para kay Gelo na lang," naiiyak na akong nakikiusap.

"Then let me in. I want to see and meet my son!"

Gaya ni Estrel, may ilan silang kapitbahay na napasinghap. May kalakasan Kasi ang pagkakasabi nun ni William.

Tumulo na nag luha ko.

"You asshole!" pagigil na bulong ni Mike sabay kabig sa akin payakap. "Gelo is mine!"

"Mike, tama na please. Huwag dito," tingala ko sa kanya sabay tagtag sa gitnang kwelyo ng polo n'ya.

Pero hindi kami tuminag sa pagkakaharang namin sa gate.

"Dun tayo mag-uusap sa bahay," matatag n'yang sagot.

Naglaban sila ng titig ni William. Ang lalaki rin ang naunang gumalaw. Sinenyasan ang dalawang bodyguards n'ya.

Walang salitang umatras sila pabalik sa itim na SUV nila.

"Sumunod agad kayo. Or else, the conversation will happen here, right now!" tila nag-uutos na sabi ni William bago tumalikod papunta sa backseat ng SUV, pero bago pumasok sa sasakyan ay nilingon kami. "Ayokong may madadatnang tao mo sa bahay ng mga Dayrit."

Pabalibag nitong isinara ang pinto ng sasakyan.

"Fucker!" galit na bulong ni Mike tapos bumaling sa akin.

"M-mike..."

"Trust me. I'll handle this," tapos tumingin kay Orlan at tumango.

Pumasok ang lalaki sa bahay na s'ya namang takbo ni Estrel sa amin.

"Kennie... mabuti dumating na kayo," halata ang takot sa mukha n'ya.

"Ginagap ko agad ang kamay n'ya, "Sorry, Estrel. Sorry sa abala."

Magaan s'yang tinapik ni Mike sa balikat, "Pasens'ya na talaga. Ako na ang bahala. Hindi na kayo aabalahin ni William."

Tumingin s'ya kay Mike at kiming ngumiti. May nahamigan akong kung anong kinang sa mata ng kaibigan ko patungkol sa lalaki.

Ewan ko, pero parang may hindi tama doon. Gaya nang parang may mali rin sa kaunling kudlit sa dibdib ko.

Nilingon ko ang bahay nina Estrel, "Hindi pa ba lalabas sina Kuya Orlan at Gelo? Baka mainip si William at kung ano ang gawin sa--"

"Garcia is not seeing my boy, Kennie."

May mainit at masayang pakiramdam na hatid yun sa kaibuturan ko.

May kakampi ako. Heto sa tabi ko, nakaakbay sa akin ang tagapagtanggol namin ni Gelo!

"Pakisabi kay 'Nay Mila, pasensya na talaga. After this talk with Garcia, I will come back here to personally apologize for this mess," sabi uli kay Estrel saka ako giniya sa kotse n'ya. "Let's go."

Tumango na lang ako sa kaibigan ko dahil nagmamadali na kami ni Mike. Papasakay ako sa kotse, saglit ko uling nilingon si Estrel.

Hatid-tanaw n'ya kami ... partikular si Mike.

Nauuna sa amin sina Kuya Gerry na nakaangkas pa rin sa motor ng bodyguard ni Mike habang ang katabi ko ay tumawag na sa assistant n'ya. Base sa usapan nila, naroon na sa tapat ng bahay sina William.

"Kina Mang Donald na kayo maghapunan. I-charge n'yo sa opisina ang gastos. Ngayon na. Huwag n'yo na ituloy ang pagluluto. Sa likod kayo dumaan. Dalian n'yo."

Nakaparada na sina Kuya Gerry sa tapat ng SUV nina William.

May mga kapitbahay kami na nagsipaglabasan na sa mga bahay nila kahit oras na dapat ay nagluluto ang mga ito ng hapunan. Nag-uusyoso dahil walang pangingiming nakatayo ang mga di inaasahan naming bisita sa tapat ng gate namin.

Di ko malaman kung paano ako lalabas ng kotse ni Mike nang umikot s'ya sa side ko at bulsan nag pinto nun.

"Come. And don't dare turn your head down, Kennie," sabi ni Mike. "The moment you agreed to your sister na akuin si Gelo at pumayag ka sa palabas ko, you should have seen this coming. Tutulungan kitang lumaban. Ilalaban natin ang bata. Gaya nang sinabi ng ate mo, sa pamilya n'yo si Gelo. Ating dalawa si Gelo!"

"M-mike..."

Seryoso n'ya akong tinitigan sandali, "Trust me, Kennie. Hindi ko hahayaang makuha si Gelo. Keep your head up in front of everyone. Marami kami dito. Hindi umalis ang staff ng MonKhAr. Nasa likod lang sila lahat."

Saka ko lang inabot ang kamay n'ya alalay ako palabas sa kotse. Mahigpit n'ya yung ginagap. At dahil sinunod ko ang bilin n'ya na huwag yuyuko, kitang-kita ko ang dagdag na pagkamangha sa mukha ng mga kapitbahay namin.

Naunang pumasok sa bakuran namin sina William at kasama n'ya kasi binuksan nan i Kuya Gerry ang gate.

Dahil tahimik at madalang ang sasakyan, narinig ko ang pag-uusap nang ilan nung papalapit pa lang kami sa bahay.

"Sinasabi na nga ba eh!"

"Bakit anyan si Dr. Garcia? Di ba taga-kabilang bayan yan?"

"Baka naman kapatid ni Engr. Montecillo? Magkamukha eh."

"Magkaiba ng apelyido."

"Malay n'yo. Gaya ni Kennie at Racquel."

"Hindi magkamukha ang mga anak ni Rosalia. Mas nakuha ni Roqueña ang maamong mukha ni Vice."

"Baka naman... yung bata kaya ang ipinunta?"

Lalong ginagap ni Mike ang palad ko at mahinang sinabi, "Huwag mong pansinin. Wala kang obligasyon magpaliwanag sa kanila. Bilisan natin. Baka pati sa mga kapitbahay mo, mapaaway ako."

Kaya di ko na narinig pa ang mga insensitibo nilang pag-uusap.

Naqroon pa rin naman ang kagandahang-asal sa dating kasintahan ni Ate Racquel. Naghintay ang mga ito sa labas ng pinto para paunahin kaming pumasok sa loob bilang may-ari ng bahay.

Halata na nagmamadali ngang lumabas ang mga taga-MonKhar. Naiwan pa ang hindi natapos na hihiwaing gulay at karne sa mesa. Tanaw kasi mula sa sala.

"Upo kayo," sa wakas ay natagpuan ko ang tinig.

Si William lang ang naupo sa single-seater. Nanatiling nakatayo ang dalawang kasama sa likuran n'ya.

Magkatabi naman kami ni Mike sa katapat na mahabang narra set.

"Uhm, g-gusto n'yo ba nang maiinom?" kinakabahan ko ng alok.

"Hindi sila magtatagal," pauna agad ng katabi ko na pinigilan akong tumayo.

"Nasa'n si Gelo?" yun naman ang salo ni William. "Bakit hindi n'yo kasama?"

"Wala akong balak ipakita sa 'yo ang anak ko," kaswal na sabi ni Mike.

Ngumisi lang ang kaharap namin, "Anak mo? Siguradung-sigurado ka sa pagsasalita pero sinasalungat nang kilos mo."

"The fuck you talkin' about?!" mainit na sagot agad ni Mike.

"Takot kayong magkaharap kami ng anak ko."

"Anak ko si Micheal Angelo! He's my junior!"

"Not anymore!" sabay lapag nang isang sobre sa center table. Tapos tumingin sa akin. "Open it."

Pero naunahan ako ni Mike at galit na nilamukos yun. Ni hindi n'ya binasa man lang o binuksan.

"You think maangkin mo ang anak ko sa isang papel na ito?"

"Dahil 'yan ang totoo!"

"Totoo? Kailan mo lang ito pinarehistro sa isang hinala na wala kang basehan!"

"M-mike... ano ba 'yan?" nalilito kong tanong dahil sa sagutan nila.

"Pinarehistro n'ya ang anak natin sa pangalan nila ng ate mo."

Napasinghap ako sabay tingin kay William.

"Itatanggi mo ang totoo, Roqueña?" hamon nito sa akin. "Kaya ba wala rito si Gelo dahil ayaw mong marinig n'ya ang pagsisinungaling mo? Sinabi ni Racquel sa akin na gusto mong mag-madre, hindi ba? Hindi mo na kailangang karguhin ang anak ko. Tuparin mo ang pangarap mo!"

Wala akong mahagilap na sasabihin. Napailing na lang ako. Paulit-ulit.

"Ilabas n'yo si Gelo! Ipakilala n'yo ako sa kanya!" tumaas na ang boses ni William. "Kung kinakailangang abutin ako ng umaga dito pag-uwi ng bata, gagawin ko!"

Diyos ko! Diyos ko!

Baka magwala si William. May mga kasama s'ya. Siguradong may dalang baril ang mga ito.

At tiyak din akong hindi ko hawak ang maaring gawin ni Mike at mga kasama pa naming iba!

Tapos sabay silang napatingin sa akin.

"Oh shit!" si Mike sabay kabig sa akin payakap.

"What the –she has asthma?!" si William.

"Slowly... breath slowly..." bulong ni Mike.

"Does she have an inhaler? Where is it?" lumapit si William at hinawakan ako sa balikat.

Tinabig ni Mike ang kamay n'ya,"She doesn't need it!"

"I'm the doctor here! Don't tell me—"

"Fuck off! Get lost!" dinuro ito ni Mike. "Kasalanan mo ito. Doktor kang naturingan!"

Napatigil uli sila sa pagtatalo dahil halos pumito na ako sa paghinga.

"Umalis ka na! Nilalagay mo sa peligro ang mag-ina ko. Tahimik kami dito!" taboy ni Mike.

"Hindi ako aalis hangga't may isang pasyente na kailangan ang atensyon ko. Asthma can be fatal!"

Wala nang mapagpilian si Mikece kundi ang kunin ang inhaler sa bag ko.

"Now, get out!" gigil na taboy ni Mike nang makahigop ako dun ng gamot.

Di agad tuminag si William. Tila hinintay na kumalma muna ako.

"Babalik ako, Roqueña," mas kalmado na n'yang sabi. "Ako ang mas may karapatan kay Gelo. Tiyahin ka lang."

Nakulong ang hikbi sa lalamunan ko. Hindi naman ako binitawan ni Mike sa pagkakasiksik sa loob ng yakap n'ya.

"Huwag kang magpapakakalmante sa impluwensya at kalayaang tinatamasa mo ngayon, Garcia. Hindi lang ako ang kalaban mo, kundi ang pamilya ng asawa mo."

Napasinghap ako sa narinig.

Ano ang ibig sabihin ni Mike?

"Kakampi ko na ngayon ang pamilya ko, Montecillo."

"Do not put us in the crossfire of your own family's war. You wouldn't like me meddling in your affairs to protect my own," sagot ni Mike.

"Tss. Let's see," ang sabi lang ni William bago tumalikod.

"Ayos ka na ba?" ang tanong sa akin nang marinig ang pag-alis ng SUV.

Tumango ako. Saka ako napahagulgol.

Noon lang lumabas ang lahat ng takot na nararamdaman ko kanina.

Napabuntung-hininga ai Mike, "Hey... it's alright now. Umalis na s'ya."

Bilga akong napatingala kay Mike.

"Si Gelo! B-baka balikan n'ya si Gelo kina Estrel."

Tinitigan ako ni Mike bago, "Wala s'yang aabutang Gelo sa bahay ng kaibigan mo."

"Ha? Pauwi na ba sila dito?"

Umiling ang lalaki, "Pag alis natin kina 'Nay Mila, bumiyahe na rin sina Orlan at isang agent ni Rob pa-Maynila..."

Nahigit ko ang hininga, "K-kasama si...?"

Tumango si Mike. Napaiyak ako.

Pakiramdam ko, niloko ako. Yung nilayo n'ya ang anak ko sa akin nang walang paalam.

"I'm sorry... I'm sorry..." bulong n'ya uli himas ako sa likod. "I promised you that I will do my best to protect you both. That I won't even give him a chance to talk to Gelo, Kennie. Please understand."

Iyak lang ako nang iyak.

Giniya ako ni Mike papasok sa kuwarto n'ya,"May pag-uusapan tayo. You need to know some things I found out."

Hindi na ako tumanggi. Narinig ko kasi na pumasok na mula sa likuran sina Tolits. Nakakahiyang abutan nila akong umiiyak.

Isa pa, marami akong tanong kay Mike base sa naging takbo nang pagtatalo nila ni William kanina.

At nasagot naman n'ya yun.

"Hindi ko agad sinabi sa iyo ang tungkol sa pinarehistro n'yang birth certificate ni Gelo. I don't want to worry you lalo't midterms week mo yun nang malaman ko."

Sinabi n'ya rin ang tungkol sa pinagkukuhanan ng lakas ng loob ngayon ni William, "Hindi pa malinaw kahit kina Rob kung ano ang totoong dahilan kaya pumayag ang tatay ni William na maging kaalyado ng mga Abellana gayong dati silang magkalaban ng partido. Pero kung anuman yun, mukhang nakakuha na si William ng panlaban doon kaya matapang s'yang kalabanin ang sariling biyenan."

"Si G-gelo, Mike? Paano si Gelo?"

"Kina Mommy at Daddy s'ya mag-i-stay. Gelo will be transferred to another school in Manila. Ako na ang bahala sa lahat. You will spend your weekends there para magkikita pa rin kayo. Unless, you need to stay here since you will be busy for your thesis and graduation stuff."

Napatango na lang ako. Tumingin ako sa kandungan ko.

Nakaupo kami nun sa gilid ng kama n'ya.

Ipapaubaya ko na kay Mike ang lahat. Mas may kakayahan s'yang protektahan ang anak ko.

"At Kennie..."

"Oh?"

"Yung sinabi ni William kanina."

"Alin dun?"

Ilang segundo n'ya akong tinitigan. Tila binabasa ang kung ano sa mukha ko.

"He's tempting you to let go of Gelo so you can pursue ... p-pursue your dream to be a nun..."

Natigilan ako. Pero agad akong umiling, "S-si Gelo muna. Bago ang pangarap ko, Mike."

Noon ko lang s'ya nakitang ngumiti mula kanina.

"Good. Kailangang panindigan natin ito. Malaki ang posibilidad na makuha s'ya ni William."

Nangilid agad ang luha ko sa narinig.

"Don't cry. We will work this out."

"Paano? Paano n'ya magagawa yun?"

Sinabi n'ya sa akin ang mga payo ni Atty. Marquez.

"Huwag kang aamin kahit ano'ng mangyari, Kennie. Ganyang nakausap na n'ya ang dating OB ng ate mo. Alam na talaga ni William ang totoo."

"P-paano nga kung... kung... yung DNA?" naiiyak kong sabi.

"I will take care of that. I will find a way or something."

"Natatakot ako, Mike."

Inabot n'ya ang kamay kong nasa kandungan ko, tapos naupo s'ya paharap sa akin mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama n'ya.

"Don't be. I'm here."

Matipid akong ngumiti, "N-nakakahiya sa 'yo, Mike. Sobrang abala na talaga ito sa inyo nina Tita Dolly."

Tumikhim s'ya, "Kennie...?"

"Hhmm?"

"It may be our last option."

"Ang ano?"

"Us... getting married."

Napabuka ang bibig ko sa sinabi n'ya.

===================

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b5yhsmd