22 Consider
Gusto kong sugurin si William Garcia sa clinic n'ya. Pero hindi ko magawa dahil malaki ang posibilidad lalong umalingasaw ang lihim nito at pamilya Dayrit na nais ko ring manatiling tago. Ang dahilan ko : mag-aalala si Kennie.
Baka hindi makapagkonsentra sa pag-aaral. Graduating na ang babae. I couldn't even tell her what I found out.
Pangalawa, maaring malagay sa alanganin si Gelo. A possibility that when the Garcias and Abellanas find out about him, they'd push on taking him away from Kennie. Worse, the wife and her family may think of harming the boy.
Hindi nag-iisip ang gago! Doktor ba talaga yun? Nabobobohan ako! Putang ina!
I was ranging mad. A strong feeling that I brought for a couple of days kahit ngayong papunta na uli ako sa Bataan.
Hindi nakabawas sa nararamdaman ko ngayon kahit ang isang rekomandasyon ni Ralph na inayunan ko.
"He was able to do this because, technically, it wasn't a duplicate birth certificate. Iba ang pangalan ng mga magulang. And the child's last name wasn't Dayrit."
"So, are we good to go or is there a 'but' that will follow?"
"Yeah, there's a 'but'. As you can see, like I told you before, William found the doctor. Teka, akala ko ba ipinahanap mo kay Rob?"
"I was about to."
Pero ang totoo, nagpabaya rin ako. I was so busy with work, and thinking of shielding Kennie and Gelo from any attempt of the Garcias to communicate with them, or any form of personal or physical contact. Naging kampante ako na magiging madali lang since Mom is preparing a back-up for us in case the custody battle for Gelo escalates. I put my guards down thinking it would be a smooth sail for that paternal acknowledgement.
Inabot ni Ralph ang fountain pen n'ya sa akin, "Sign here."
I did then, "What else do I need to know or expect?"
Ralph sighed, "Both yours and Garcia's birth certificates are legal. The only problem, of course, is that there's only one child. In technicalities, mas pabor sa iyo dahil nauna itong nairehistro. Pero maari pa rin n'yang makuha ang bata by proving that your birth certificate is null and void."
"How?"
"The doctor's and Kennie's confessions together. And if not that, then he will push it further ... DNA testing."
Nawalan ako ng kibo.
Masasalag ko ang pag-amin ni Kennie. I mean, I will condition her mind more not to say anything. That I will do all the talking.
But DNA...
Nahampas ko na naman ang manibela habang naghihintay sa pagpalit ng traffic light.
What a sneaky sunuvabitch doctor!
When I entered the Bataan proper, I checked the time.
Aabot ako.
So I put on my wireless earphones then waited.
"Hello, Mike?"
"I'll pick you up. May pag-uusapan tayo."
"Uhm, sige. Ano, Mike?"
"Yes?"
"Dala mo ba yung ano... yung OJT certificate ko?"
"Nasa kuwarto ko sa inyo. Why?"
"Ano, kung pwede ka raw makausap ng prof ko tungkol dyan."
"Why?"
"E-ewan ko."
"Alright. Ngayon na ba?"
"Sana."
"Kukunin ko muna. Babalik na lang ako d'yan."
"Sige, sabihin ko kay Sir."
After that call, napangiti rin ako sa wakas matapos ang mahabang byaheng kunot ang noo ko dahil iniisip ko si Wiliam Garcia.
I won't deny it this time. It was her who made me feel lighter now.
Since the night she confessed, I feel that she trusted me more. And that she has been consulting me about her and Gelo.
I like it. The feeling that someone depends on you.
"Alam ko, mahal na mahal ni Ate Racquel si W-william kahit ganun ang sinabi n'ya nang huli silang m-magkita," humihikbing patuloy ni Kennie."K-kahit ganun ang naisip n'yang paraan para sana na sila ang m-mapakasal, tumaas ang r-respeto ko kay Ate. Alam nya ... alam n'yang makakasira s'ya ng isang pagsasamang pinagbuklod ng batas at simbahan. At m-mapepeligro hindi lang kami kundi pati ang b-bata at si William mismo."
Naalala ko ang ikinamatay ni Racquel. I got worried about Gelo.
"May... may sakit din ba sa puso ang Mama n'yo?"
"W-wala."
"Then your sister...?"
"Na-depress si Ate. Post-partum d-depression," napaiyak uli si Kennie sa palad. "Maayos pa s'ya bago s'ya manganak pero...pero isang linggo pa lang si Gelo, naging matamlay si Ate. P-pati pagkain n'ya..."
"Sshh...slowly...breath slowly..." himas ko uli sa likod n'ya habang umiiyak.
Nakasiksik na ang babae sa leeg ko nang ituloy ang pagkukuwento, "Humina ang katawan ni Ate. K-kaya yung pag-absent ko, tinuloy ko na sa paghinto. W-walang mag-aalaga kay Gelo. Tsaka, wala na yung katulong namin, ilang buwan na. Kasi nga nagtitipid na rin kami. Hindi naman makapunta si Mama sa amin sa Batangas dahil nga nasa ospital pala si Papa. K-kaya pala kung hindi maliit, wala silang maipadalang pera. K-kaya ginamit na namin ang mga ipon namin ni Ate. N-nagbenta na ako ng mga gamit namin. Hinayaan lang ako ni Ate, kasi nga para kay Gelo. Lalong... lalong hindi kumain si Ate, kasi ibigay ko na lang daw kay Gelo. Ayaw n'ya na rin magpadala sa ospital. Basta... basta huwag ko raw ibebenta yung relo n'ya, kahit sobrang mamahalin nun."
"Yung relong binalikan mo sa Enrico noong sunog?"
"O-oo."
"Bakit?"
"Importante raw yun para sa kanya at kay Gelo."
Naisip ko, baka bigay ni William. Mabuti na rin na nasunog yun. Ebidensya na ang lalaki ang tatay ng bata.
"Tapos si Ate...nagbibilin na. Para kay Gelo. Na sabihin ko kina Mama at Papa na ... sorry daw. Binigay n'ya sa akin ang wala pang tatak na birth certificate ni Gelo. Na iparehistro ko ang anak nya sa apelyido ko. Huwag ko raw papalitan ang pangalan na binigay n'ya. Paulit-ulit n'yang sinabi na amin si Gelo at hindi sa mga Garcia. N-natatakot na ako nun. Lalo na at nagsasabi na s'ya kung paano n'ya gustong... gustong mailibing. Kaya tinawagan ko si Mama. Sabi ni Mama, bigyan lang daw sila nang ilang araw. Kasi galing daw sa sakit si Papa. Dalawang araw bago sila dunating, pina-check up ko si Gelo sa pedia n'ya. H-hindi na kasi kaya ni Ate. Bed-ridden na s'ya. Natagalan kami sa health center, mahaba ang pila."
Tuloy lang ako sa paghimas sa likod n'ya. I even hugged her tight because her body started shaking.
And I learned why as she continued.
"Pag-uwi namin ni Gelo, may t-tugtog akong naririnig sa kuwarto n'ya. Yung palagi kong naririnig na pinapakinggan n'ya. K-kanta n'ya yun kay William, alam ko. Akala ko... akala ko bumuti na ang pakiramdam ni Ate. Kasi nakatayo na s'ya para buksan ang stereo na sinadya kong itira para may libangan si Ate. Tsaka... tsaka nai-lock n'ya ang pinto ng kuwarto n'ya. Hinayaan ko na lang s'ya. Kaya lang napansin ko, paulit-ulit yung kanta. Kaya kinatok ko na si Ate."
"And..."
"D-di s'ya sumasagot. Tapos nag-umpisang umiyak nang malakas si Gelo sa crib n'ya sa sala. Iyak na di ko m-maintindihan. Tapos tumigil umiyak si Gelo. Humagikhik na p-parang may kalaro. Ewan ko, naisip ko uli si Ate. Kaya pumasok na ako sa kuwarto..."
Lalong nanginig ang katawan n'ya.
"Hey...you can stop..." nag-aalala na kasi ako.
Pero tinuloy n'ya lang, "N-nakahiga sa sahig si Ate. Hawak n'ya yung stereo ... tuloy at paulit-ulit pa rin yung tugtog... pero... pero..."
Niyakap ko na si Kennie habang nagkukuwento.
"Akala ko, nawalan lang s'ya ng malay...tapos... tapos may nakita akong daga galing sa loob ng daster n'ya. Medyo matigas na si Ate. Tapos may ilan na s'yang kagat ng daga sa tyan..."
Napahagulgol na si Kennie.
"Shhh... it's alright... I'm here..." I whispered.
That was when I remembered. Kaya siguro s'ya ganun katakot sa daga.
"Napaaga ang pagpunta nina Mama. Napansin ko na parang mahina nga si Papa. Sila na ang nag-ayos sa pagpapa-cremate ni Ate. Sinunod namin lahat ng b-bilin n'ya na walang burol. Na tulad nang pag-alis namin, t-tahimik s'yang ibabalik sa Bataan. Ang...ang masakit lang... hindi kami pinasama ni Gelo. Namatay na raw ang usok nang pagdududa ni Mada'm Garcia, huwag na raw pagningasin uli kung makikita si Gelo. Kaya... hindi ko man lang naihatid si Ate sa huling hantungan n'ya."
Namasa na rin ang mata ko sa mga narinig.
"She'd understand. Para kay Gelo naman. And you took care of her when she was ... sick, right?" I said trying to lighten up her feelings.
Nang medyo gumaan na ang paghinga nya, "Hindi ko alam na kapos na rin sina Papa sa Bataan. Kasi tuloy sila sa p-pagpapadala para sa pag-aaral ko at para kay Gelo. Hanggang sa makatanggap ako ng tawag kay Estrel, g-gamit ang cellphone number ni Mama. Kaya pala... kasi... dalawang araw na palang nakaburol sina Mama at Papa. Wala akong kaalam-alam."
Ang bigat sa pakiramdam ang marinig ang ganito, paano pa kung sa mismong nakaranas?
I kissed her temple and hushed her as she continued to cry.
Napabuntung-hininga ako bago bumaba sa tapat ng bahay-Kastila. Di ko na ipinasok sa loob ng bakuran ang kotse. As I was unlocking the gate, I felt eyes on me, so I looked around.
I suppressed a smirk seeing some neighbours sticking their heads out of their houses and yards, looking at me.
These people, despite what the late vice-mayor and his family did well for them... tsk!
"Ang hirap, Mike... ang hirap-hirap.. Pero wala naman akong pwedeng sabihin o isalag sa mga pinupukol nilang bintang sa akin. Na masama akong anak at kapatid. Wala ako pagkalibing ni Ate. S-sumunod... ilang araw nang n-nakaburol ang mga magulang ko bago ko nalaman... tapos uuwi ako na may k-kasamang anak."
Saglit s'yang tumigil dahil napapasinok sa sobrang pag-iyak at sama ng loob.
"Tahimik naming s-sinalong mag-ina ang panlilibak nila. Ang p-paninisi sa kamalasan nang isa sa tinitingalang pamilya sa bayan namin. Sa mga p-panahong halos wala kaming makaing mag-ina, s-sinamantala pa nang iba kapag nagbebenta kami ng mga gamit. T-tinatawaran nila nang husto. Walang dumamay nang totoo, Mike, wala... maliban kay Estrel at Nanay Mila."
May munting galit sa kalooban ko ang paunti-unting umuusbong. Gustong yumabong. Napapailing na lang ako. Lalong bumigat ang pakiramdam ko pagpasok sa bahay. Wala kasing tao. Nasa site ang mga staff namin.
Ganito ang inuuwiang bahay ng mag-ina noon. Napakahungkag.
Lumabas uli ako matapos makuha ang OJT certificate ni Kennie. I was locking the main door when my phone vibrated.
It was one of Agoncillo's agents.
"Yes?"
"May kotseng nakaparada sa kabilang kalsada, sir. Kani-kanina pa. Lumabas yung sakay, papunta d'yan."
Nakita ko na ang tinutukoy n'ya. Nagpaalam ako sa agent ni Rob na nagbabantay sa bahay na hindi ko alam kung saan nakapwesto.
Pormal akong naglakad papalabas sa gate. Nakatayo ang dalawang lalaki sa labas, sa gilid ng kotse ko.
I don't want to judge people by the way they dress but these two do not look like clients. I have this feeling that they're here because of the Dayrits.
"Magandang umaga, boss," ang bati nung isang naka-polo shirt na dilaw.
I knew it. They look like bodyguards or something like that.
Medyo naalarma ako. Nasa kotse ang lisensyado kong baril. Baril na dati-rati ay iniiwan ko lang sa condo ko, pero dahil kay Kennie at Gelo, sinimulan ko nang dalhin.
"Good morning," kaswal kong bati pabalik. "Ano'ng maipaglilingkod ko?"
"Kayo ho si Engr. Montecillo, di ba?"
"Oo, bakit?"
"Uhm, pinapunta kami ni Gov. Galing kaming Zambales."
Nakahinga ako nang maluwag, "Si Uncle Monching talaga. Pwede namang tumawag na lang muna."
"Gusto kasi ni Gov na makasigurado," may kahinaang sabi. "Nasa balwarte kayo ng ... kalaban."
Napatango ako, "Pakisabi kay Uncle, salamat. Ayos lang kami ng pamilya ko dito. We will let him know kung kailangan na talaga."
Nangingiti ako na sumunod pa ang kotse ng mga ito papunta ako sa university si Kennie. Kaya tinawagan ko si Uncle Monching.
"I just want to make sure. Your mother is noisy," natatawang sabi. "She even called your Aunt Carmela at the Ombudsman. Now it's all over the family. We all want to meet your junior."
"I'm fine. We're fine. We have bodyguards, Uncle," I answered chuckling.
"The Dayrits. I mean the father. He was in the same political party as I am. I didn't know that happened to them. Tuluyan na kasing umalis sa pulitika, according to my source. Tell the daughter I'm so sorry."
"It's alright. I will tell her."
"And my apo? Bumisita naman kayo dito. Malapit na lang ang Bataan dito."
"Sure, Uncle. Medyo sunud-sunod lang ang projects. Kapag maluwag na sched namin."
"Ikaw talaga, Angelo. Baka naman may iba ka pang anak?"
Natawa ako. "Wala na. Si Mommy talaga, oo! Mga kuwento sa inyo eh."
Yeah, my mother. Mukhang di n'ya sinabi ang totoo kina Uncle.
I wonder if his support would be the same if he learns who really is Gelo's father.
Bumisina ang tao ni Uncle nung papasok na ako sa campus, then they left.
Naroon lang pala si Kennie sa gate naghihintay, "Sino yung kinawayan mo sa kotse?"
Nakita n'ya pala so I told her, and why. Her face became more relaxed and at ease.
I smiled to myself that she didn't utter resistance when I took her bag to carry it.
I had second thoughts if I'd put my arm around her shoulder, so I didn't. She may feel awkward. Tama na yung ganito.
Then my conversation with my father crossed my mind.
"But...if given the opportunity... will you marry her?"
"Pinagsasabi n'yo, Dad?"
So my hand casually went up her shoulder, not minding the students around na kasabay at kasalubong namin.
Kennie looked up at me with questioning and awkward eyes.
"What?" I asked as if nothing is wrong about my action.
Bahagyang nag-pink ang pisngi n'ya tapos yumuko.
I suppressed a chuckle. Kinikilig ba ito o nahihiya or what?
Mas gusto kong isipin ang una. Mas okay kung ganun.
"I mean, if she agrees, to keep Gelo."
Naalala ko na naman ang sinabi ni Daddy.
Truth is, nagtatalo na talaga ang kalooban ko between her dream to be a nun, and her having a complete family set up.
Pwede kong baguhin ang isip ni Kennie tungkol sa posibilidad na pagmamadre, tutal pinakawalan na n'ya yun nang akuin n'ya si Gelo bilang anak.
Gagawin mo, Mike? It's already unbelievable if you will insist na dahil pa rin ito sa utang na loob.
Sundot ng utak ko.
I rest my case. I don't want to argue with myself.
Yeah, I admit. I'm attracted to her now. I don't know how deep. All I am sure of is that, there's something's there that wasn't there before.
I think, Kennie was one the reasons, if not the primary, kung bakit pinuntahan ko si Rika para kilalanin ang nararamdaman ko sa kaibigan ni Andromeda. Na kung meron pa ba, gaya nang dati.
It was easy for me to let go of my feelings for my past love.
If Kennie agrees, yes... it's not a bad idea about marrying her. Our opposite personalities compliment each other. I think we can work it out.
Nangingiti ako sa kapilyuhang tumakbo sa isip about that 'thing' after the wedding. At biglang akong namula sa tagong pagkapahiya nang mapansin kong nakatingin sa akin si Kennie though I'm sure she couldn't read my mind.
"Mike, dito tayo."
Patay-malisya akong tumingala sa sign ng pinto.
"Why at the dean's office?"
She started fidgeting.
"May problema ba, Kennie?"
Nagkibit-balikat s'ya, "E-ewan ko. Ngayon lang ako tinawag para kausapin nang kahit sino sa mga instructors at prof ko."
And her gut feeling was correct.
"It came to our knowledge na hindi naman natuloy ang OJT ni Miss Dayrit sa Enrico Apartelle," sabi ng prof n'ya. "At ang sabi ay hindi naman talaga pang-OJT ng management student ang trabaho n'ya doon. She was there for months as a janitress with some arrangement with the admin."
Si Darcy agad ang pumasok sa isip ko na maaring pinanggalingan ng balita. She may be banned here but there are ways to get the words though the university gates.
"And this," inangat naman ng dean ang OJT completion certificate na galing MonKho. "We cannot tolerate such behaviour."
"What behaviour?" I asked.
"Papaanong makumpleto n'ya ang OJT hours n'ya in a short span of time? Also, there's a rumor about the two of you and her son. Masyado yatang kumbinyente na meron agad na ganito si Miss Dayrit?" taas-kilay na balik ng dean. "Sa nakalap namin, nasa Maynila ang opisina ng kumpanyang pag-aari n'yo."
I have thought about this question beforehand.
"Nag-oopisina ako sa bahay nang dating vice mayor ng bayan n'yo. Which happens to be Miss Dayrit's father. In addition, I have two new projects in Bataan so my stay at their house will be prolonged. It only follows that she spends her OJT hours there, anytime I need her to work at my office. "
"Anytime, Mr. Montecillo?" may ibig ipakahulugan ang prof ni Kennie.
"Yes, anytime, Mr. Bernardo," I firmly answered. "Is there a problem with that?"
"Meron. Hindi namin alam kung anong klaseng trabaho ang nakapaloob at nangyayari sa loob ng bahay na yun kapalit ng certificate na ito. And it's Professor Bernardo, not Mister."
Anger suddenly rushed to my head.
"Mike, t-tama na," nagpipigil na umiyak si Kennie na hinawakan ako sa braso para awatin ako. "H-hayaan mo na lang."
"No, Roqueña!" then I turned to the two. " I issued that certificate para maka-graduate si Miss Dayrit this October. But she will continue to work for MonKho, which is now MonKhAr, para tapusin ang OJT hours n'ya. I, together with the two owners, agreed to do that to give a better chance for your student a better job, a better life. In fact, we will absorb her as an employee, after graduation. And by the way, it's not Mr. It's Engr. Montecillo."
Asar na asar ako.
"I'm afraid hindi ka makaka-graduate this October, Miss Dayrit," sabi ng dean.
Napahikbi si Kennie.
"It doesn't matter. She will still work for us. And if she doesn't graduate, she can always transfer to another university. A better one, fully paid by my company," inangat ko ang cellphone ko. "By the way, whatever nasty things you've just said, I've captured it in recording. Miss Dayrit can definitely finish her studies somewhere else, but let's see what will happen to your professional records once I present this to CHED."
Ngumisi lang ang professor, "Hindi mo siguro ako kilala."
"Should I?" pang-asar kong balik.
"Mike, tama na. Halika na," tinagtag ni Kennie ang braso ko.
"Kaibigan ko ang mayor dito, at ang mga Garcia at Abellana."
So that's it!
"Kaibigan lang?" sarkastiko kong sagot. "I am Engr. Michael Angelo Santillan Montecillo. Remember my middle name and think how I am related to political people with much higher positions than your friends. I don't even know if they also consider you as a friend or you are just a lap dog ordered to bully Miss Dayrit! So, don't you drop names of your influential friends. I'm gonna slap you with mine. I am not even telling you my very close associations with big names in the business world because I am very much part of that industry. Do not be so proud of your title as a professor. That's all you got for yourself, I guess. Ganyan ang ugali ng mga langaw na nakatuntong sa kalabaw. Mayabang. And you're both educators. You are the ones to be ashamed of what you're saying and acting now."
"M-mike... please!" umiyak na si Kennie. "Sir... sorry po."
"Don't apologize, Kennie!" tumaas na ang boses ko. Binalingan ko ang dalawa. "Tingnan natin kung hanggang saan ang iyayabang n'yo. Ipapahalungkat ko ang lahat ng personal n'yong baho at ang mga anomalya sa unibersidad na ito. I have plenty of money to spare. Hilahin n'yo si Miss Dayrit pababa, ibabaon ko kayo sa lupa. Yung hindi n'yo maibabangon ang dignidad n'yo. Let's see kung hanggang saan kayo kayang tulungan ng mayor at mga pulitiko n'yong kaibigan!"
Hinila ko na si Kennie palabas, iwan ang dean at prof na walang masabi.
"Sir, sandali lang po!"
Humabol ang sekretarya ng dean pababa kami sa building.
"What?!" inis kong balik.
"Mike..." awat na naman ni Kennie. "Tama na, please."
Ilang beses akong huminga nang malalim.
"Uhm... kung pwede raw po kayong bumalik sa loob, sabi ni Dean."
Ayoko sana pero hinatak ako ni Kennie.
My God!
This woman does not even have a small pride in her! And she is making me feel I'm swallowing my big ego as we headed back to the dean's office.
Although no apologies between us happened, naayos namin ang gusot. Tinanggap ng professor ang OJT certificate. And the dean assured that Kennie will graduate, provided she pass her other subjects.
Kaya, "How's your grades?"
Nasa kotse na kami noon palabas sa campus.
"Ayos naman kahit papano."
"Make sure you pass and graduate this October. I don't want you to stay longer in that goddamned university, Roqueña! Baka hindi ako makapagpigil, ihalo ko sa pundasyon ng building ang dalawang yun, tangna lang!"
"Mike, para kang ano," nakanguso n'yang sabi.
"Seryoso ako! Ikaw lang ang awat nang awat kanina eh."
Lumabi ito. Parang bata. Tss!
"Pwede?" turo n'ya sa car stereo ko.
"Ge, lang."
I thought she'd connect her phone to it but she chose to turn the radio on.
Saglit akong napatingin kay Kennie. Sumasabay s'ya nang mahina sa tugtog.
Hhmm... may boses pala kahit papaano.
Then the next song, made her stop.
Kay hirap palang umibig sa di tamang ng panahon
Kung bakit ngayon ko lang natagpuan ang isang katulad mo
"Yan yun..." she whispered.
"Huh?"
"Yung ... yung pinapatugtog lagi ni Ate Racquel. At huli n'yang pinapakinggan."
Di ako umimik. I listened, too.
Sana noon pa kita nakilala
Sana noon pa lang na ang puso ay malaya pang magmahal
Bukas nalang kita mamahalin
Sabay sa paglaya ng ating mga puso
Bukas na lang kita mamahalin
Suddenly, I felt sad for Racquel Camacho... and I hate to admit it, pati kay William Garcia.
There are just things that are not meant to be.
I heard Kennie sniff. Yung pigil at ayaw ipahalata sa akin.
"You know who the singer is?" pagpapagaan ko sa atmospera. "Pamilyar sa akin yung kanta."
Tumango s'ya, "L-lani Misalucha. Uhm, medyo matagal na yata yan."
Di ako nakatiis. Sumagot kasi na di man lang pumaling sa akin. Inabot ko ang tissue box sa dashboard.
"Here! Use this."
Di na nga s'ya nahiyang ipakita ang luha sa akin. Kinuha n'ya ang tissue para gamitin.
"It's okay to show me that you're crying, Kennie. I think nakakabuti sa iyo. You containing all those inside for years worsened your asthma."
"Huh?"
"When was the last time you used your inhaler?"
Alam ko napaisip s'ya.
"Your recent attacks we're very mild and you can suppress it. At yung kaninang pagtatalo namin sa Dean's office, dati-rati, hihikain ka na sa tensyon. We are going home now and still not even a small sign of asthma attack."
Tahimik lang s'yang nakikinig.
"I actually had a bit of time reading about asthma. One of the triggers of it to attack is stress and anxiety. Strong negative emotions, I guess. And since you're letting it go now..."
I left my sentence hanging. I know she gets what I mean.
I looked at the rear view mirror. Nakasunod na nga ang bodyguard ko. Naka-motor ito, angkas si Gerry.
"Mike..?"
"Hmm?" I said still looking on the road as I drive.
"S-salamat."
Saglit ko s'yang nilingon, "For what?"
"Uhm, kanina. Sa prof ko at sa ano... sa OJT ko."
I don't know but I felt giddy and shy at the same time. Para ngang may mainit na kuryenteng gumapang sa sikmura ko paakyat sa mukha.
I felt my face feeling warm so I looked at the side mirror on my left para di n'ya makita.
"Tss! Para yun lang," pilit kong pagmamayabang na sagot.
"Sunduin na natin si Gelo," sabi n'ya.
"Okay."
Dalawang kanto bago kina Estrel, "Kennie, birthday party ng panganay ni Rob this weekend."
Inabot ko ang invitation card.
Tiningnan n'ya.
"Uhm, check ko muna. Linggo ito. Ano kasi, midterms week na namin ang kasunod. Kailangan kong mag-review nang husto. Kailangan kong bumawi sa mga major subjects ko."
Bagaman inaasahan ko na ang indirect na pagtanggi n'ya, I felt down. I was still hoping she'd say yes.
"Uhm, pwede mo namang isama si Gelo, Mike. Ano, ipagpaalam mo na lang sa teacher n'ya kung di makakapasok sa Lunes kapag napagod lalo sa byahe."
Gusto ko, kasama ka.
I almost said but instead, "Alright. Pero, pwedeng dun ka kina Estrel matulog kung di kami makakauwi on Sunday night? Ayokong mag-isa ka dito."
"B-bakit? Wala ba si Kuya Gerry?"
"I uhm..." I was grasping for the right words to say.
Malaking ang tiwala ko sa mga tao ni Rob. It's just that I don't like the idea that it would only be him and her in the house the whole night.
"... well, Gerry will be here. Ano, mag-isa ka lang sa kuwarto mo," dugtong ko pagkahinto namin sa tapat nina Nanay Mila.
"Napapag-isa naman ako dun kapag tumatabi si Gelo sa iyo o kaya kina Kulot. Tsaka...nasanay na naman ako na mag-isa," kaswal na sagot habang inaalis ang seatbelt n'ya.
Pakiramdam ko, may laman ang sinabi n'ya. May hindi sinasadyang hugot ... and I hate hearing it from her.
Just imagining how she felt being alone is such a burden for my chest. Kaya di ko na napigilan ang bibig ko,
"Kennie, we both ridiculously want to keep Gelo, right?"
Bigla akong nagdalawang-isip kung sasabihin ko ba.
"O-oo naman. B-bakit?"
Tumigil s'ya sa pagbukas ng pinto ng kotse. Worry immediately scattered all over her face.
Oh fuck! Eto na. Naumpisahan ko na eh!
"If worse comes to worst... would you ... would you consider us getting married?"
=========================
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro