21 Another
Mike's POV
Tahimik kaming nagbyahe pauwi nakasunod kami sa SUV nina Mommy. Si Gerry ang nagmamaneho, katabi si Orlan sa harap.
Sa backseat kami nina Kennie at Gelo.
Kandong ko ang bata. Umiyak daw kasi sa nasaksihang pagkakagulo kanina sa inauguration. Pagbalik ko nga sa table namin matapos ang pag-uusap nina Aris at mga Lacerna, bumitaw agad si Gelo sa ina at sinalubong ako ng bata at niyakap. At doon ko nga napatunayan dahil umiyak uli ito sa akin.
"Tito Mike," hikbi sa leeg ko.
Kinarga ko s'ya. Tumayo na rin si Kennie para kalmahin ang anak.
"Tama na, Gelo. Di naman nasaktan si Tito Mike," ang sabi ng babae.
And when we settled back to our chairs, Mom smiled at us. "Kanina ka pa n'ya hinahanap."
"He got more scared thinking you were hurt," sabi naman ni Dad.
A warm feeling crawled in my chest. I kissed the boy's head and whispered to him, "Ayos lang ako. Inawat ko lang si Tito Aris. May salbahe kasing lalaki na lumapit sa kanila ni Tita Madel."
Doon lang nag-angat ng mukha si Gelo para tingnan ako. Pinunasan ko ang luha n'ya.
"Tito Mike..."
"Hmm?"
"P-pag may lalapit sa aming salbahe ni Mama ko, g-gagawin mo rin nigawa ni Tito Aris? Yun tulad dun sa p-pumasok say bahay namin po, di ba?"
Napangiti ako sabay tapik sa ulo n'ya, "S'yempre."
Nagtagal pa kami nang dalawang oras bago natapos ang inauguration party.
Tulog na si Gelo. Bagsak na nag braso nito na kanina lang ay mahigpit ang kapit sa balikat ko. Pasimple kong sinilip si Kennie sa tabi ko. Baka Kasi inaantok na since it's already past midnight.
But I was mistaken.
She looks like in deep thought. Hindi ako nakatiis. Kahit humingi na kami ng paumnahin sa mga bisita kanina,
"Kennie, I'm sorry about the commotion earlier."
"Hindi... Okay lang yun," was her answer without taking her eyes from looking outside the car window.
"Then what's wrong?"
"Ha?" Saka lang n'ya ako tiningnan.
"You've been awfully quiet since I returned from the hotel's office."
"Uhm.. Wala naman akong sasabihin," ang sagot na tumingin uli sa labas.
"No, there's still something else. Is it about the Garcias? Mom said you met them."
Nakita ko na napatingin sa akin si Gerry at Orlan sa rearview mirror. Di naman ako galit na nakalapit ang mag-inang Gloria at Winston Garcia kina Kennie.
It was my mother who introduced them.
Nanatiling nakatingin si Kennie sa labas pero, "B-bakit sila naroon, Mike?"
Tumikhim ako, "I'm sorry for not telling you. It's just that I had no good excuse not to invite them."
"A-alam mong s-sila ang iniiwasan namin."
"They... they're one of the owners of the building we will construct in Bataan. They are clients of MonKhAr."
Doon na napalingon sa akin ang babae na di makapaniwala. "A-ano?"
"I didn't know. The contract has been signed ...before Gelo's birthday."
Yeah. Nalaman ko na ang proyekto ni Mrs. Florence Guevarra na private district hospital ay popondohan nang limang pamilya. At tulad nang nabanggit ni Mrs. Guevarra noong puntahan n'ya ako sa site, ang mga anak nilang nalilinya sa medisina ay doon dim magtatrabaho. Gaya ng anak n'yang doktor.
At tama ang pagkalkula ko. Kaya pala tila nagpahaging ang babaeng Guevarra na ireto ako sa anak n'ya. Si William ang sinasabi ni Mrs. Guevarra na nagkagusto ang anak lamang ay asawa ng matalik na kaibigan. Ibig sabihin, doon din magsasanay ng medisina ang lalaki at ang misis nito.
Napuno ng pag-aalala ang mukha n'ya. I reached for her hand which was a bit trembling, too.
I squeezed her palm lightly, "Kennie, I don't want to let them think that I'm scared of them."
"Paano kung... kung ikaw ang mapag-initan ng--"
"I can take care of myself ... and the two of you. Kaya nga andyan sina Gerry at Orlan. And before they get to you, there're my parents and my friends who rally with me to protect you."
When I felt her squeeze my hand back, my lips curve. She looked outside again.
She's still somewhat worried. I dunno know.
"Kennie..."
"Hmm?"
"Did the Garcias tell you something?"
"W-wala."
"What's bothering you then?"
Silence and a sigh were her answer.
"Wanna talk about it?"
Walang sagot, so I just kept her hand in mine and squeezed it again.
But I thought that was it. That I will be left silently pissed off thinking what's bothering her until I was about to leave their room in my Mom's house after I laid Gelo on the bed.
"Just take off his shoes, pants and barong. Huwag mo na gisingin," bilin ko kay Kennie, then headed to the door.
"M-mike...?" she called.
I looked back, "Yes?"
"Y-yung tingin nila."
"What?"
"H-halatang di sila n-naniwala kay T-tita Dolly n-nung sabihing a-apo nila si G-gelo."
So that's what's bothering her. But I'm glad that Mom and Dad are all behind and supporting me.
"And...?"
"N-nag-aalala ako.. para kay T-tita Dolly."
"Why?"
"P-parang ... parang m-may ibig ipakahulugan ang mga palitan nila ng salita ni Mada'm G-garcia."
Napangiti ako.
I know my mother. She's a monster.
Reason I was fond of Juno. Ang pagkakaiba lang nila, tahimik na tipo si Mommy, unlike Juno who was a bit noisy and impulsive.
But thing is, may pagka-control freak at possessive si Mommy. Kaya nga lumayo ang pamilya ng mga kuya ko. Though I think, Mom already learned her lesson.
Nevertheless, just like me, my Dad adores her and would support her all the way. Just like how my parents support me now with my fight for Kennie and Gelo.
And I like it. My Mom being possessive of Gelo.
Mas hindi magiging madali para sa mga Garcia ang makuha ang bata.
si Kennie lang ang pinag-aalala ko. Masyadong malambot, at matatakutin. But I can't blame her.
With the way she poured her out heart to me last night... she is still a child forced to become an adult.
She still called out for her father's and mother's names when she thought I'd attack her.
And she cried like a little girl while sitting on my lap habang,
"S-sa Maynila raw sila nagkakilala ng pormal ni W-william."
"Si Emily?"
"S-sa ibang ospital nag-aaral para maging ... maging pediatrician."
I learned from Kennie that William was already in relationship with Emily Abellana for a year before he met Racquel. At that time, the guy was still a general internist, and was still studying to be a surgeon.
They met because Racquel was a med rep. William became her client. It started there. Inilihim daw iyun sa kanila ng ate n'ya. Sa dalawang dahilan.
Una, hindi inilihim ni William sa babae ang relasyon nito kay Emily. Iginiit nito na s'ya raw ang mahal ni William. Na si Emily lang naman ang nagpilit sa relasyong yun. At nagkaroon nang katuparan ang gusto ng anak ng congressman nang hilingin sa ama na gustong makasal kay William. Pulitika ang ginamit na dahilan ng ama para mapagbigyan ang nag-iisang anak. Pagkakataon na makadagdag para bumango lalo ang pangalan nila dahil doktor ang lalaki. At isang oportunidad na hulmahin sa pulitika.
Tama lahat ng hinala ko at ang report ni Rob tungkol sa pag-iisa ng Garcia at Abellana.
Pangalawa,
"Kilala namin ang mga Garcia at Abellana dahil nga sa pulitika. Nang nakaraang eleksyon, hinimok nila si Papa na lumipat sa partido nila. Tumanggi si Papa dahil nga buntis na si Ate nang lampas dalawang buwan. At si...si William nga ang ama. Balita nang kakakasal pa lang nito kay Doktora," ang humihikbing sabi.
"Wala akong m-mapagpipilian," ang sabi n'ya sa pagitan nang paghikbi. "Pangarap kong mag...mag-madre para makapagsilbi sa simbahan at sa k-kawanggawa pero... ano'ng klase akong kapatid at anak...k-kung sarili kong pamilya ay pababayaan kong m-mapahamak?"
"Pinilit ka ba ng ... mga magulang mo?"
Umiling s'ya.
"Then why? Is it about protecting your father's name for politics?"
"H-hindi."
"Eh ano?"
"Para kay A-ate at kay G-gelo."
"Bakit di na lang sinabi kay William na buntis ang Ate mo para sila ang napakasal?"
"Y-yun talaga ang unang g-gustong mangyari ni Ate Racquel..."
"But your parents' disagreed?"
"Si A-ate ang n-nagbago ng isip."
"W-what?!"
"M-may nakaalam ng ... ng lihim na relasyon nila. Ang n-nanay mismo ni William. Nakipagkita siya kay P-papa at M-mama. Nagbanta na ilalabas ang pagiging kerida ni Ate sa publiko. At malalagay sa peligro ang buhay naming lahat k-kapag nalaman ni M-mayor Garcia at Cong. A-abellana."
"So, alam ni Mrs. Garcia ang tungkol kay Gelo?"
Umiling si Kennie, "Kaya ako sumama kay Ate pa-Maynila. Doon na ako nag-aral kahit fourth year high school na ako."
"I thought you stayed in Batangas?"
Suminghot pa ito, "L-lampas isang linggo pa lang kami sa Maynila, pinuntahan kami ni William.N-nung una, ako lang ang nasa bahay. P-pero nung pangalawa, nagpang-abot na sila ni Ate."
Tapos umiyak ito, "Ang hirap. Kasi, nakita ko. Umiyak si William kay Ate. Niyaya n'ya na lumayo na lang sila. Nagmamahalan talaga sila. Pero... wala akong magawa para sa kanila."
"Tumanggi si Ate. S-sinabi n'ya ... hindi n'ya mahal si William. Umalis si W-william na galit. Nalaman ko kung bakit nagdesisyon ang kapatid ko na ganun."
"Why?"
"Pinuntahan d-daw s'ya ni Dra. Abella--- ni Dra. Garcia. Nagbanta. Nalaman nito si Ate ang n-naging dahilan kaya muntik h-hindi matuloy ang kasal nila ni William. At..."
"At...ano?"
"Nagduda ang babae na buntis na nga si Ate."
Oh shit!
"So... what then?"
"K-kaya kami lumipat sa Batangas. Sa dulong probinsya.K-kahit sina Mama at Papa, noong una, tutol pero s-sinuportahan ko si Ate. Di ko s'ya pwedeng hayaan sa lugar na wala s'yang kilala."
Naluha uli ito, "Kabuwanan ni Ate...nawalan kami ng kontak kina Mama. K-kaya pala, na-ospital si Papa. Nito ko lang nalaman kay Estrel pagbalik namin si Gelo sa Bataan, na-operahan pala sa kidney si Papa. Di nila sinabi sa amin. Kaya pala nabenta ang karamihan ng gamit na antique sa bahay at y-yung lupa ni Ate Racquel, kaya a-ayaw umalis ni Tiyo Lando... kasi may nautang daw sa k-kanya sina Mama. Yun na raw ang b-bayad."
"Alam mo ba kung magkano yung utang sa Tiyo Lando mo?"
"Ayaw n'ya sabihin. A-ayoko na rin makipagtalo. Nakakapagod. Isa pa, masyadong malaki na sa amin ni Gelo ang bahay-Kastila."
"Don't worry about my mother. Dad will always be there for her. And she has us her children. And she has my aunts and uncles in the government. Makakahanap si Mrs. Garcia ng katapat. She doesn't know my Mom."
Napamata sa akin si Kennie.
"We have relatives in the government too, so chill. They can't scare my family."
And I didn't go straight to my room after that conversation with her. Instead, I knocked at my parents' room.
And they weren't surprise to see me.
"So my son is coming back to Mommy like a little boy ... because of a girl," nanunuksong tono ni Dad. "The last time you came here was when you were in high school crying over a puppy love you gave up for a friend."
"Tss. Huwag na nga!" naasar kong sabi at umakmang lalabas uli.
Nakaka-badtrip pa na pinaalala sa akin ang paglalasing ko noon at pag-iyak kay Mommy.
"Pablo, para kang sira!" natatawang saway ni Mommy. "Tigilan mo't nami-miss ko ang anak ko."
"Michael, mauna ka na sa baba. Meet us at my study room. Magpapalit lang kami ng damit," natatawa ring tawag ni Dad sa akin.
Ang lakas din talagang mang-asar ni Dad! Kay Mommy lang s'ya di umuubra. Bagay silang mag-asawa!
That evening, my parents urged me to talk to Kennie na sa Maynila na lang sila manatili pagka-graduate nito sa darating na Oktubre. Madali lang mai-transfer si Gelo kahit mid-school year since he's still in kindergarten.
"I don't know if she'll agree. Doon s'ya lumaki at naroon ang bahay ng pamilya n'ya.," namumrublema kong sagot.
"Eh... di yayaing mong magpakasal!"
Nagulat ako sa sinabi ni Mommy. Tapos si Dad, kagat ang labi. Nagpipigil ng ngisi.
"Aw common, 'My!" angal ko.
"Ayaw mo? Aba, Michael Angelo, sa nakikita ko, si Kennie lang yata ang makakapagtimpi sa kalokohan mo. She's loyal and family oriented. Kita mo nga, ang laki nang isinakripisyo para sa pamangkin."
Napakamot ako sa batok.
"And she's clean. Unlike the girls you hang out with."
"Mommy!"
Nakakaeskandalo pala kapag galing na sa bibig ng nanay mo ang mga kalokohan mo, lalo na kung ang pinapatungkulan eh ang isang katulad ni Kennie na kaunti na lang ay pwede nang ihilera sa mga santa.
"Why? I'm correct, right? She never had any boyfriend. I still believe you made advances on her reason she cried the last time you two came here from Bataan."
Tangna talaga oh!
"You can't make me believe with your lame excuses. Alam na alam ko mga ganyang style. Para ka lang Daddy mo!"
"Hey, bakit ako nasali d'yan? Not fair!" reklamo ni Dad.
"Babaero ka naman talaga dati ah!"
"'My, I can't marry her! She wanted to be a nun!"
Natigilan silang dalawa. But my father was quick to recover.
"But...if given the opportunity... will you marry her?"
"Pinagsasabi n'yo, Dad?"
"I mean, if she agrees, to keep Gelo."
Napapantastikuhan ako sa naririnig. Isa pa, sa naging pagtatapat ni Kennie, gusto kong matupad ang pangarap n'ya. Tingin ko doon s'ya magiging masaya.
"It's her dream to serve the church."
"Kung itutuloy n'yo ang planong kayo ang tatayong magulang ni Gelo, tatanggapin ba sya para mag-madre?"
Ako naman ang natigilan. But then, "Well, so long as she isn't married, she can be a nun. Kahit may anak pa. It's not even a requirement for a sister to be a virgin... and Kennie is. She's just a mother in the paper."
"Where did you get that?"
"'My, you enrolled me in a Catholic school from elementary until mid-high school."
She rolled her eyes.
She knew. She only wanted to bait me.
What the --!
She's pushing me to Kennie!
I dunno but maybe I just don't want to entertain that deep inside, I was happy about it.
"Basta. Just let me know if that old Garcia lady confronts you."
"You don't like her, do you, 'My?"
"No, I just don't like her countenance. Nagdududa talaga si Gloria tungkol kay Gelo," patungkol n'ya kay Mrs. Garcia. "Ayokong lumaki ang bata sa ganoong klase ng pamilya. Atin na lang ang bata. Baka apihin nila si Gelo ko."
Apung-apo na talaga ang turing n'ya sa bata.
That conversation made me call Ralph the next day to work on Gelo's papers.
Noong una, nagtatawa ito sa akalang umamin na ako na ako nga ang tatay ng bata. But when I told him the story, "Kumplikado pala yan, bro."
"I know, that's why I called you. Your law firm is the best our group has."
"Idiot! That's falsification of documents. Thing is, ganun na nga ang ginawa ng pamilya Dayrit. Hindi sila dumaan sa tamang proseso ng adoption."
"And how can they, if Kennie was only sixteen then?"
"Madaling maabswelto si Kenie dahi menor de edad pa s'ya noon. Ang mangyayari, mamamantsahan ang malinis na pangalan ng pamilya nila. Lalo na ang tatay n'ya."
"Nobody will know. Kaya nga gagawin namin ito. Pumayag na si Kennie."
"That, she will be liable. She's now at the legal age. What if William Garcia got to have the doctor who signed Gelo's birth certificate. Kung tumestigo ang doctor na buhay talaga ang bata? You said it yourself, the same doctor was the one who signed Racquel's son's fake death."
"Ipapahanap ko na kay Rob."
"What if the father got to have a court order for DNA testing then?"
"I still have Rob to work that out."
"Sira ulo ka talaga," medyo natatawang sabi. "Sige, I'll work on it. Email me Kennie's and Gelo's personal details. Tawagan kita kapag pipirma ka na sa paternal acknowledgement."
Doon medyo nakahinga na ako.
Although hindi mawaglit sa isip ko ang sinabi ng mga magulang ko.
Should I consider asking Kennie about marriage?
A part of me is saying yes, and another says no.
"Problema?" si Jeff.
Umiling ako.
"Everyone's celebrating. Ikaw, parang hindi."
"Oo nga," segunda ni Erol.
Katatapos lang ng karera ni Juno at Agoncillo. Nagseselebra ang lahat na sa wakas, nagkaayos na ang dalawa. Umalis ang mag-asawa na karga ni Rob ang asawa papasakay sa Audi nito.
Alam naming mag-uusap ang mga ito.
Bigla akong napangisi. Malamang masusundan na si Thunder!
Ganyang magkasundo na eh patay na patay si Agoncillo sa kapatid ni Andromeda.
"Oh tapos ngingisi ka. Ano, naisip mo na ba kung paanong gagawin mo kay Kennie?"
Tiningnan ko si Jeff nang patagilid, kunut-noo, "'Tol, walang ganyanan ha? Pinoprotektahan ko nga. Hindi ako bantay-salakay."
Tumawa ang dalawa.
"Not so you. Binago ka na rin ng pag-ibig," tukso ni Erol.
Di ko matanggap ang sinabi ny'a. Hindi yun totoo!
"Tss," ang tangi kong nasabi.
Mabuti, lumapit sa amin ang dalawang matalik na kaibigan ni Juno.
"Ayos lang kayo rito?" si Paul.
"Okay lang," sagot ko. "Salamat sa beer."
Nasa isang bar kami kasama ang mga taga-drag racing community. Sumama rin saglit dito ang pamilya ni Andie para makihalubilo at magpasalamat sa grupo ni Juno .Pero umuwi rin agad dahil dala nila ni Reid ang dalawang anak ni Agoncillo.
"Wala kaming gastos dito," natatawang singit ni Troy. "Pera ni Pikachu ang pambayad dito."
"Pikachu?"
"I mean, asawa ni Dyosa," natatawang sagot nito.
"Why Pikachu? Japanese cartoons yun, di ba?" si Erol.
"Wala, basta," si Paul sabay siko kay Troy. "Gago ka talaga!"
I don't know but I noticed that despite Paul's smile, it didn't reach his eyes. Parang malungkot nga ito. Nagpaalam na ang dalawa na babalik sa mga kaibigan nila.
"I really have this feeling," simula uli ni Jeff.
"Ano?"
"Na tama ang hinala natin sa unang boyfriend ni Bunso."
Nagkatinginan kaming tatlo. Sabay tango sa isa't-isa.
"Tangna, ang hirap talaga ma-friend zone," napapailing si Erol. "Tingnan n'yo si Andie at Aris."
Natawa na lang kami. "Tado! Iba naman yun!"
"Oy, narinig ko pangalan ko. Mga gago kayo ah!"
Heto na nga at kasama si Madel. Nagpaalam mag-CR ang babae kanina. Sinamahan ni Aris.
Insecure at paranoid talaga ang tarantadong Intsik na ito!
Although alam namin na pinakiusapan ni Andie ang babae na pumunta dahil maliban sa pamilya ang turing at family event daw ang karera kanina, nais ni Andie na naroon si Madel in case na magkaroon ng emergency. Mayroon daw maglalapat ng first aid.
Kahit nurse pa lang, malaki ang tiwala ng bestfriend ni Aris sa babae pagdating sa usapang medikal.
Pasimple kaming nagkalabitan nina Jeff.
This douche bag chink seemed to take advantage that his daughter's mother is not comfortable with the crowd. Nagagawa n'yang nakahawak sa kamay nang walang imik na si Madel.
Kunsabagay, mabuti na rin yun.
"Feeling mo, celebrity ka?" pambabara ni Jeff dito.
Natawa uli kami.
"Uuwi na rin kami," sabi ni Aris. "Baka magising si Emma at hanapin kami. Sila lang nung yaya sa condo."
"Oh eh sige. Maya-maya, aalis na rin ako. Nagbilin ng longgan si Sarah. Dadaaan pa ako sa Alabang market. Dun na lang may fruit stand na mabibilhan kapag ganitong oras."
Buntis si Sarah sa pangalawa nilang anak. On her second trimester.
Tinapik ako ni Aris sa balikat, "Oh fuckboy, bukas ha?"
I raised my middle finger at him, "Sige."
Umalis na ang dalawa.
Tumikhim si Jeff, "So, wala na talagang bawian yan ha?"
Sasabay kasi ako kay Aris bukas papunta sa law firm ni Ralph. Kaninang bago umalis kasabay nina Reid, nagsabi ang abogado na kailangan kaming pumunta sa opisina nito.
Si Aris, para pirmahan ang paternal acknowledgement ni Emma.
Ako naman, may importanteng bagay na pag-uusapan tungkol kay Gelo. Yun ang dahilan kaya di ako masyadong makasabay sa pagsasaya dito. Ayaw lang ni Ralph na sabihin kanina dahil ang karera ng mag-asawang Agoncillo ang ipinunta namin dito.
"Oo. Kailangan eh," sagot ko.
"At maiiwan ako mag-isa sa office bukas. Hanep kayo. Kakasali ko pa lang sa kumpanya," pabirong reklamo pa nito.
"Pasensya na. Nakausap ko si Kennie, inabangan s'ya ni William kaninang gabihin s'ya ng uwi galing thesis brain storming nila."
"Ano raw ang sinabi?" si Jeff.
"The usual. Ipakilala s'ya sa bata. Di naman nagtagal dahil nailayo na agad nung bantay n'ya si Kennie."
"Buti di pinupuntahan si Gelo sa school?"
"Pinuntahan na. Pero di raw bumaba ng kotse, sabi ni Orlan. Nakatanaw lang."
"Kunsabagay, sabi mo nga, lihim sa pamilya n'ya ang tungkol sa bata."
"Kaya pa ba, 'tol? Kailangan mo ng tulong?" si Erol.
"Ayos lang. Nakasuporta naman parents ko."
Kahit nga si Michelle na umuwi last week ay nanghinayang na di n'ya uli naabutan ang mag-ina sa bahay dahil hinatid ko na kinabukasan matapos ang inauguration. Mahilig sa bata ang bunso naming kapatid, pero ayaw magkaanak pa.
Mas priority nito ang mag-travel kasama ang fiance.
Isa pa, kinausap na ni Mommy ang pinsang n'yang governor sa Zambales. Pati ang tiyahin sa Ombudsman.
And Dad just let her be but said,
"Sweetheart, let me know if you need me to get in touch with Gen. Robert Agoncillo," him pertaining to Rob's father.
Oo, magkakilala ang mga magulang naming magkakaibigan noon pa. Pero naging malapit lang sila dahil sa aming mga anak. Ang parents lang ni Aris ang distant, dahil nga sa hindi pa nagkakaayos ang kaibigan namin at ang ama nito.
But we are hoping for the best. Mas tatatag ang sirkulo namin. Mas mahirap buwagin.
The more I got restless because after I got back to my condo, I got a call from Orlan, who's watching over from outside the house in Bataan.
It was freaking two in the morning!
"Dumaan ang kotse ni William Garcia. Nag-menor lang, umalis agad."
"Si Gerry?"
"Alam na n'ya. Uhm, Boss?"
"Oh?"
"May dumaan uling sasakyan. Parang ... parang yun ang dahilan kaya di huminto si Garcia."
"Fuck!"
"Di naman huminto. Sumunod lang."
"Nakuha mo ang plaka?"
"Nakapatay ang plate lights at headlight. Hindi kita."
"Damn!"
"We'll notify you if something else comes up."
Aburido ako kinabukasan. Nahalata nga ng sekretarya ko kaya pinagbuti nito ang pagkuha sa minutes ng meeting ko sa isang project kong papatapos na. Mag-o-opening na rin ito this month. Then next month, yung project malapit kina Kennie, opening na rin. Mauumpisahan na ang pwesto ni Mang Donald's at kasunod na ang project ko sa bayan ng mga Abellana at Garcia.
Tangna!
Nangangati na nga akong maumpisahan ang ospital na yun. Mas marami akong malalaman with first hand information.
Naniniwala ako sa kasabihang : Keep your friends close. Your enemies closer.
May inggit akong naramdaman habang pinanonood si Aris na pirmahan ang pangalawang papel sa birth certificate ni Emma.
Sana ganun lang din kadali ang kay Gelo. Kaya lang may pakiramdam ako na may aberya. Base sa pagkakasabi ni Ralph kagabi na dito kami dapat mag-usap sa opisina n'ya.
"Ipapadala ko na lang sa office mo ang anotated copy ng birth certificate ni Emma na Kho na ang dala n'yang pangalan," sabi ni Ralph.
"Sure. Thanks!" ngiting-ngiti ang loko. Saka bumaling sa akin. "Mauna na 'ko sa office. May meeting pa ako sa Rivera project ko."
"Ge lang."
Tumikhim si Ralph paglabas ni Aris,"Mike...?"
May nilapag s'yang mga dokumento.
Inisa-isa ko yun.
Pamilyar ako sa karamihan. Ang birth certificate ni Gelo. Paternal acknowledgement. Affidavit...
Biglang nagdilim ang mukha ko sa huling dokumento doon.
"That's what I want to talk to you about, Mike," umpisa ni Ralph.
It was another birth certificate.
Same doctor.
Same hospital.
Registered just less than two weeks ago.
Mother's name is not Kennie's.
It was Racquel's.
Father's name ... Dr. William Garcia!
Child's name is Michael Angelo Camacho Garcia.
The fucking bastard!
====================
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro