Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2 Imposible

Imposible!

Hindi s'ya ang --

"Ehem!"

OA na pagtikhim ni Estrel para agawin ang atensyon namin.

Nag-iwas na ako ng tingin kay Engr. Montecillo. Inabot ko na ang inhaler sa nurse.

"What happened? Are you okay now?"

Nakayukong tumango ako at pasimpleng inangat ang kumot hanggang dibdib ko. Kita ko kasing bumabakat ang kawalan ko ng bra.

"Mama!"

Walang nakaawat na kay Gelo na sumampa na sa kama ko. Inalalayan na lang s'ya ni Engineer.

"Okay na 'kaw po? Nakahinga ka na?"

Nakangiting tumango lang ako at hinalikan s'ya sa noo.

Iniwasan ko ang mapatitig sa mata ni Gelo. Kasi may naglalarong hinala sa akin na alam ko namang imposible kaso...

"Mama, pereyo kami ng pangalan ni Tito Mike. Michael Angelo po din s'ya," buong excited na banggit ng anak ko.

Diyos ko po!

Mabuti at napigilan kong mapasapo sa bibig.

Saglit na nagtagpo ang mata namin ni Estrel. Nagtatanong ang tingin nang matalik kong kaibigan.

Pasimple akong umiling.

"Here. Maupo ka nga, Michael," sabi ng mommy n'ya na inilapit sa likod ang wheelchair.

"'My naman!"

"Sit!"

"Tsk!" pero naupo rin naman.

"Naku, iha, pagpasensyahan mo na ang anak ko," paumanhin ng babae. "Bunso kasi."

"I'm not the youngest, 'My."

"Ang ibig kong sabihin, bunso sa lalaki. At malayo ang agwat n'yo ni Michelle kaya asal bunso ka rin," sikmat sa kanya ng ina.

Natawa nang mahina si Estrel. Kahit ako nangingiti na na dagli ring nawala.

Para kong nakikita si Gelo sa kanya pagtanda.

"Ay, niaaway mo po si Tita Mommy!"

"Nakita mo na, Michael! Pati sa harap ng bata!"

"Big boy na po ako, sabi ni Mama ko," singit ni Gelo.

Napangiti na si Mrs. Montecillo. "Naku, para kang si Tito Mike mo noong bata pa. Parang nakikinita ko na na paglaki mo--"

Saglit na natigilan ang matandang babae. Napatitig kay Gelo.

Otomatikong niyakap ko ang anak ko para mapaharap sa akin uli.

Nakikita n'ya rin ba ang nakikita ko?

Alam kong wala naman akong dapat ikatakot dahil imposible talaga. Kaya lang, may di maipaliwanag na takot na gumapang sa puso ko.

"Sige na, Gelo. Baba ka na muna," sabi ko. "Magpapahinga muna uli ako."

Totoo naman na parang pagod pa rin ang pakiramdam ko, dangan at mas lamang na gusto ko lang umiwas.

Humalik si Gelo sa pisngi ko. Inalalayan s'ya ni Estrel pababa sa kama.

Inayos ng nurse ang dextrose line para hindi ko mahigaan.

Tumikhim si Engr. Montecillo, "Uhm...Kennie..."

Doon lang uli ako tumingin sa kanya.

Pinigil ko ang mapangiti dahil parang bata s'yang nagkamot sa ulo na tila nahihiya.

"Ano, I hope uhm, you don't mond me calling you you by uhm, your nickname."

"H-hindi. Ayos lang po, Engineer."

Kumumpas ang kamay n'ya na tila nananaway, "Tss, just drop the formalities. Mike na lang."

Tumango lang ako.

"Uhm, yeah. Salamat nang marami sa ano, sa pagligtas mo sa 'kin. Pati ikaw muntik mapahamak," dugtong n'ya matapos tumikhim uli.

Medyo nailang ako. Hindi kasi ako sanay na tinititigan ako, kahit nga kay Sir Mar na palagi yung ginagawa.

"W-wala po yun. Kahit naman sino."

Lumapit si Mrs. Montecillo sa gilid ng kama. Hinawakan ang kamay kong walang benda.

"Hindi lahat gagawin ang ginawa mo, Kennie," nakangiti n'yang sabi. "Sa lahat nang naroroon sa floor na yun na karamihan ay mga lalaki pa, ikaw pang babae ang bumalik para sa anak ko. The fact you knew the danger of the smoke to your asthma."

"Eh... ano po kasi..." nahihiya kong sinabi ang totoong dahilan kaya pinilit kong bumalik sa service room.

Ngumiti pa rin ang babaeng Montecillo, "Still, sa ganoong pagkakataon, hindi na maiisip nang iba ang mag-aksaya ng panahon na pasukin pa ang anak ko para mailabas sa nasusunog na building na yun. Taking in consideration that aside from your asthma, you have no training for rescue and the likes yet the courage was there."

Di na ako nagkomento uli.

Sa pananaw ko kasi, normal lang ang ginawa ko.

Tumikhim si Engineer, "Ano'ng meron sa relo mo? Ganun ba kahalaga yun para itaya mo ang sariling--"

"Oh come on, Michael!" salag agad ng mommy n'ya. "Can you just be grateful she saved you instead of scolding her?"

"Teka, nagtatanong lang naman ak--"

"Your tone doesn't say so."

Sumingit na ako. Kasi nagtatalo na naman silang mag-ina, "Ano, okay lang po, Ma'am. Ano kasi, b-bigay ng ate ko yun.. uhm...b-bago s'ya p-pumanaw."

Natahimik ang dalawa.

"Oh, I'm sorry," sabi ni Engineer.

"M-matagal na naman yun," sabi ko na lang. "Uhm..."

Di ko malaman kung paano ako magpapaalam para magpahinga na. Excuse ko lang naman. Di nga kasi ako kumportable sa presensya nila, lalo na ni Engineer.

At ... may bumabagabag sa akin kahit alam kong imposible talaga.

Kaya nagtakip ng bibig para magkunwaring takpan ang paghikab.

"Oh, I think we should go now," paalam ni Mrs. Montecillo.

Bago umalis, nagpasalamat uli sila at humingi ng paumanhin sa pag-abala sa oras ng pahinga ko.

Pagkahatid sa kanila ni Estrel sa pinto, pinakisuyuan muna ng kaibigan ko ang nurse na doon muna kay Gelo.

Nagkunwari akong matutulog na, pero best friend ko s'ya.

"Kennie, 'wag kang umiwas sa itatanong ko," malumanay n'yang sabi.

Napabuntung-hininga na lang ako at dumilat.

"Pinapauna ko na, Estrel. Imposible."

"Magkapangalan. Magkamukha."

"Karaniwan ang pangalang Michael Angelo. At sa mata lang sila magkamukha. Marami ang magkakamukha pero di magkaanu-ano. Ang iba nasa magkaibang panig pa ng mundo," katwiran ko.

"Sigurado ka ba?"

"Alam mo ba kung ilang taon na si Engr. Montecillo?" taong ko sa halip.

"Ang dinig ko, trenta. Pero wala sa edad yun, Kennie.Isa pa, taga-Maynila s'ya. Di ba't sa Maynila--"

Pinutol ko ang sasabihin n'ya, "Siyam na taon ang agwat. Sa palagay mo ba, papatulan n'ya ako noong kinse-desi sais anyos ako sa panahong edad beinte kuwatro s'ya?"

"Pwede. Di ba balita nga dito na babaero yan? Si Darcy nga, id-in-ate."

"Ilang buwan na sila sa apartelle. Kung s'ya ang tatay ni Gelo, malamang di na ako nagpakita sa kanya, di ba?"

Doon lang natahimik si Estrel.

Gusto kong ma-guilty. Bestfriend ko s'ya at nanatiling tapat sa akin. Pero kapag si Gelo ang usapan, mananatiling lihim ng pamilya namin kung sino ang tunay na ama ng anak ko. Lihim na ako na lang ang nakakaalam sa ngayon.

Hindi lang para sa kaligtasan ni Gelo, kundi para na rin sa pamilya ni Estrel. Kumplikado kasi.

Huminga si Estrel nang malalim.

"H-hindi lang kasi ako makapaniwala, Kennie. Akala ko noon, gusto mong maging--"

"May mga bagay na hindi pupuwedeng ibalik sa dati. At mga maling di mareresolba nang isa pang pagkakamali, Estrel."

"Kung bakit kasi sa Maynila ka pa nagtuloy ng highschool," buong panghihinayang n'yang nasambit.

Pagsara ng klase after third year, magkasama kami ni Ate Racquel na sa Maynila na tumira. Ayaw man naming magkapatid, di namin masuway ang gusto ni Papa at Mama. Lalo at wala nang isang taon ay matatapos ang termino ni Papa bilang vice-mayor sa lugar namin. Medyo mainit ang pulitika dahil maraming nag-uudyok sa kanya na lumaban na pagka-Mayor.

Lampas isang linggo pa lang mula nang sumama ako kay Ate ay napalipat na kami agad sa Batangas.

At sa panahong yun, hindi ko nakadaupang-palad si Engr. Montecillo. Kahit nga sa picture, di ko ito nakita.

Kaya imposible!

Nakatulog ako na yun ang gumugulo sa isip habang pilit kong hinahalukay sa alaala ko ang tungkol sa tatay ni Gelo.

Kinabukasan ko na nakilala si Engr. Aris Kho.

Siya ang pansamantalang nag-aasikaso sa naiwang trabaho ni Engr. Montecillo. Kahit halatang stress at aburido ang mukha, kita ang sinseridad sa singkit ntiong mata nang magpasalamat sa pagliligtas ko sa kaibigan n'ya.

Gaya ni Engr. Montecillo, gusto nitong Aris na lang s'ya tawagin. Medyo sinasanay ko pa ang sarili ko.

"Masama talagang damo 'yan si Mike. Nagpadala ng anghel dela guardia para di pa s'ya mamatay," biro nito.

Napangiti ako, "Nagkataon lang, Engineer."

"Aris na nga lang."

"Kahit nga ako, ayaw tawaging Mike," singit ng kaibigan n'ya.

Naroon ang lalaki. Hindi ito naka-wheelchair, pero may suot pa ring patient tag sa pulsuhan.

"Uhm, sasanayin ko pa sarili ko."

Medyo naiilang na naman ako. Maliban sa private nurse ko, kaming tatlo lang ang naririto. Umuwi kagabi sina Estrel at Gelo pagkaailis ni Sir Mar na sumaglit lang daw dahil tulog ako. Mamayang pagkagaling ng kaibigan ko sa trabaho sila babalik.

"Ano, umuwi na ba sa Maynila ang mommy mo?" baling ko kay Engr... uhm...kay Mike.

Napakamot si Mike sa ulo na wala nang maraming benda. Gauze na lang ang meron sa sugat n'ya.

"Baka kasama nun ngayon si Gelo."

Di ko maipaliwanag ang kabang bumundol sa akin.

"Pinuntahan n'ya sa bahay nina Estrel. Isasama yata sa pamamasyal n'ya dito bago umuwi mamayang gabi pa-Maynila," dugtong n'ya. "Ahm, I hope you don't mind. Mahilig sa bata si Mommy. Yung mga apo kasi sa dalawa kong kapatid, bihirang makasama. And also, she's just greatful about what you did for me."

Marahan lang akong tumango.

Natigil kami sa pag-uusap dahil may dumating na mga pulis at ilang lalaki.

Yung isa sa kanila, pinakilala ni Aris na Rob Agoncillo.

"He owns an investigation and security agency. He will help in the investigation."

"Ah, kumusta po?" ang tangi kong nasabi.

Di ko naman kasi magawang makipagkamay pa. May dextrose ang isa kong kamay at ang isa, balot pa ng benda dala ng malaking paso sa palad.

Tinanong nila ako tungkol sa nangyaring sunog. Inulit ko lang kung ano ang sinabi ko kagabi kay Mike at Mrs. Montecillo kung bakit ako bumalik sa service room sa kabila nang makapal na usok sa seventh floor.

"Ano'ng nangyari sa galos mo sa tenga, Ms. Dayrit? Nakita mo ba kung sino ang umatake kay Engr. Montecillo?"

"Ah, hindi po. Ano kasi, pinilit kong lumabas sa elevator na di bumukas ng tuluyan," sagot ko na napahawak nya sa sugat ko.

Naalala ko na naman kasi ang takot na naramdaman ko nang makulong ako sa elevator. Yung takot na mamatay nang walang kalaban-laban.

Napatingin ako sa nurse ko dahil lumapit agad s'ya. Gaya nang pagkaalarma ng mga kasama namin sa kuwarto ko.

Tapos inabot nung nurse ang inhaler ko.

Gusto kong mapailing. Hindi ko napansin na nagsisimula na naman akong hikain.

Saglit na tumigil ang mga pagtatanong hanggang masigurong kalmado na ako.

Saka ko naaalala, "May... may nakita akong lalaki sa employees entrance-exit sa likod ng apartelle. Pero, di ko kilala."

Nagkatinginan sila.

"Hindi mo kilala?" tanong nung Rob.

Umiling ako, "Pero ano, naka-uniform s'ya ng security guard gaya kina Manong Pong. Apat lang naman ang nagpapalitang guards namin. Maliban na lang kung may bagong hire ang management."

"Namumukhaan mo ba?" tanong naman nung isang pulis.

Napaisip ako sandali tapos marahang umiling. "Hindi ko masyadong nakita ang mukha. Nagmamadali ako papasok, ganun din s'ya palabas. Bandang tenga at panga lang ang nakita ko, maliban sa nakasuot sa kanya yung sumbrerong uniform. Ano kasi, hindi s'ya lumingon kahit nagkabanggan kami ng kaunti sa balikat. Di ko na rin pinansin kasi male-late na ako galing sa break. Ilalagay ko pa yung binili kong pagkain kina Mang Donald sa locker. "

"Mike," tawag ni Aris sa lalaki."Baka yun rin."

"A-ang alin?" tanong ko.

Saka nila sinabi. Security guard nga raw ang kumatok sa kuwarto ni Mike. Nagsabing may emergency raw at kailangang bumaba. Bago pa makatalikod si Mike para magbihis, pinalo s'ya sa ulo nang kung ano. At ang sunod n'ya lang nalaman, mausok na rin sa kuwarto n'ya at ang pagpasok ko sa kuwarto n'ya.

Biglang nag-init ang mukha ko. Noon ko lang naisip, halos hubad si Mike nung datnan ko. Parang makitid na shorts ... naka-boxers lang s'ya!

Maryosep! Naalala kong padapa akong nawalan ng malay sa ibabaw n'ya sa staircase pababa sa second floor.

Nakakahiya!

"Kennie," lumapit agad si Mike sa gilid ng kama ko. "Nahihirapan ka bang huminga? Namumula ka."

Lalong nag-init ang mukha ko. Umiling na lang ako nang umiling. "W-wala. Ayos lang ako."

Tumikhim yung Rob. "Kung magpapapunta kami dito ng sketch artist, kaya mo bang alalahanin ang itsura, kahit yung patagilid lang?"

"E-ewan ko. Di ako sigurado."

"Pwede mo bang subukan kung may maaalala ka?" si Aris.

Medyo nagtaka ako na tila nagpipilit siya.

"Uhm, si Engr. Mon-- si Mike ba? Hindi n'ya nakita?" ang tanong ko.

"Patay ang ilaw sa hallway pagbukas ko sa pinto. Nawala rin sa isip ko na buksan ang ilaw sa may doorway dahil antuk na antok ako," sagot ni Mike.

"Eh... uhm...s-sige, kung may maaalala ako."

Nagpaalam na ang mga pulis pero naiwan yung Rob at dalawa pa n'yang kasama. Medyo mahina silang nag-usap nina Aris at Mike sa parang maliit na sala ng kuwarto ko.

Napupukaw nila ang kuryosidad sa akin dahil narinig ko ang pangalan naming mag-ina. Hindi ako nagpahalata habang iniinom ang gamot na inabot ng nurse ko.

Maya-maya, bumukas ang pinto.

"Mama!"

Napunit agad ang labi ko sa isang malapad na ngiti.

Ngiti na nagkaroon nang pag-aalangan... kasunod ang uli kaba na di ko maiwasan at maintindihan.

May hawak si Gelo na pambatang gitara.

Wala man akong talento sa musika, alam ko na totoong gitara yun at mamahalin.

Kasunod n'ya si Mrs. Montecillo na kumikinang ang mata sa tuwa. At may bitbit din ang pustoryosang babae na malaking paper bag na may tatak nang isang kilalang toy shop. Ang malaking mall sa kabilang munisipyo lang mayroong toy shop na ganun.

Yung kaba ko, nadagdagan na nang tagong pangamba.

Pangamba na mas dapat kong alalahanin kaysa sa kaba sa walang basehan at kakaibang pagkagiliw ni Mrs. Montecillo sa anak ko.

Hindi naman siguro, Roqueña. Nasa kabilang ibayo ang boundary nang katabing probinsya.

Yun ang pilit kong paalala sa sarili.

"Gelo, baby," tawag ko sa pinasiglang tinig.

"Mama, tingnan mo. Nibili ni Tita Mommy."

"Naku, anak. Bakit ka nagpabili? Nakakahiya naman."

"Oh, he didn't. Ako ang kusang bumili. Nakita ko kasing ilang beses n'yang nilingon nang madaanan namin sa mall," salo ng ginang.

May tumikhim sa mga lalaki. Yung Rob yata kasi sa direksyon n'ya galing. Napatingin tuloy ako.

Nahuli ko ang pagtingin nito at ni Aris kay Mike.

"What?" ang nagtatakang tanong ng lalaki.

Umiling lang ang mga kaibigan n'ya tapos tumingin kay Gelo at kasunod sa akin.

Bigla ko tuloy kinausap si Mrs. Montecillo.

"Salamat po."

"Kulang pa 'yan kapalit sa buhay ng anak ko, iha."

"Hindi naman po ako humihingi ng kapalit. Tama lang po na tumulong sa kapwa."

Nagtuloy sa pag-uusap ang mga lalaki. Kami ni Mrs. Montecillo ang nagkwentuhan.

"Nalaman ko sa nanay ni Estrel na kayo na lang palang mag-ina ang nakatira dun sa bahay n'yo."

"Ah, opo. Iniiwan ko sa kanila si Gelo kapag may pasok ako sa school o kaya sa trabaho."

"Papaano yan? Hindi ka maaring magtrabaho hangga't di ka pa nakakabawi sa asthma mo. At ang kamay mo, kailangang pahilumin muna."

"Uhm, may tago naman po akong pera galing sa mga magulang at kapatid ko kahit papaano. Sa amin ni Gelo naiwan lahat. Madali lang kasing maubos ang pera kung wala akong income. Tsaka, yun na rin ho ang OJT1 ko. Pinakiusap ko sa management. Ililipat nila ako sa office or reception next sem."

"Malaki ang bahay n'yo kahit medyo luma. Dati palang vice-mayor ang Papa mo dito," kaswal n'yang sabi.

"Uhm, opo."

Bumaling ang babae sa anak, "Michael."

"Yes, 'My?"

Napatingin tuloy sila sa amin.

Nailang na naman ako.

"Di ba naghahanap kayo nang matutuluyan ng mga staff n'yo?"

Si Aris ang sumagot, "May nakuha na kami, Tita. Sa kabilang barangay."

"Malayo pa yun. Bakit hindi na lang kina Kennie?"

Nagulat ako sa suhestyon ng babae.

"Ah, eh... Ma'm..." awat ko, pero kinumpas n'ya lang ang kamay.

"Walang income ngayon si Kennie dahil di s'ya agad makakabalik sa trabaho. Sa kanya na lang kayo magbayad ng upa. Malaki yung bahay n'ya. Sinama ako nung mother ni Estrel para i-check dahil ilang araw na ngang hindi nauuwian at kukuha rin ng damit nitong bata. May maliit na sala at apat na malalaking kuwarto sa itaas. Sa ibaba, may dalawang maliliit na kuwarto. Malaki yung dining at kusina. Pwede kayong magluto, basta babayaran n'yo ng extra si Kennie."

Nagkatinginan ang tatlong lalaki.

"Baka kulangin sa tutulugan, 'My."

"May maliit na bahay sa likod nila. Papasang three-door apartment sa regular na studio-type sa Maynila.  Pwedeng lagyan ng tag-aapat na double-decks. Ako na ang sasagot sa pagawa tutal may hardware tayo sa kabilang bayan," pilit nung babae.

Napakamot sa ulo si Mike, "Eh, 'My. Baka hindi sanay si Kennie na may kasama sa bahay, lalo at puro kami lalaki."

"Aba, kesa sa wala silang kasamang mag-ina dun. Mas delikado. At least kahit sa ilang buwan, matitingnan-tingnan ng staff mo ang mag-ina. May income pa. Bayad mo na rin sa pangalawang buhay mo."

Tututol na rin sana ako pero naunahan akong magsalita ni Rob.

"Mike, I think your mom is right."

"Ha?" sabay pa naming nasabi.

"Why is that?" hindi kumbinsidong tanong ni Mike.

"First, you owe Ms. Dayrit your life. Second, I bet she won't accept money as a 'thank you' gesture from you or your company. But she and her son need to finance their living while she recuperates. So rent her place."

"Ahm, kaya ko naman. May tago akong pera," tanggi ko.

"Look, Ms. Dayrit," putol ni Rob. "I don't want to scare you but I already did a bit of background check on you."

Kahit pinaunahan n'yang ayaw n'ya akong matakot, ganun pa rin ang naramdaman ko sa kakasabi n'ya pa lang.

"Your savings is not that big. I bet you're intending that for your son's education, or maybe for emergency hospitalization or something. It will be cut down near to half if you can't go back to work in the next month or so. Your salary as part of the service and maintenance staff in the apartelle is not much of help, actually. Alam mo yun. But renting your place will make a big difference, especially if you will rent it to MonKho. Charge them per head."

Nasimulan kong mainis sa atribidong lalaking ito.

"May properties pa ang parents ko na pwede kong ibenta."

"Hindi mo nga mapaalis doon ang pinsan ng Papa mo dahil inaangkin na nila."

Natigilan ako. Pati yun?

"Rob, tama na!" awat ni Mike na tatayo pa sana pero naunahan ng nurse ko.

Nauumpisahan ko na naman kasing hikain sa inis!

Tinanggap ko ang oxygen mask at doon huminga. Iaangat ko ang kamay ko sana para ikumaps na ayokong sa bahay sila uupa pero namutla ako sa sumunod na sinabi ni Rob.

"Ang pinaka-importante sa lahat, kailangan mo...ninyong mag-ina ng kasama ngayon. Parang proteksyon na rin. Maaring balikan ka ng lalaking nakita mo sa apartelle. Ikaw ang nakakita sa kanya. At maaaring ikaw ang sadya n'ya at hindi si Mike. Don't forget. There's only one relative you have here in Bataan who's more interested in your parents' properties than you. And your father was a former vice-mayor here. Politics is dirty even after death."

=====================

Don't forget to comment or vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b5yhsmd