Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17 Perfect Shot

Kennie just kept on crying. No confession came out of her mouth. Not even a word.

Walang kumpirmasyon kung ang Ate Racquel n'ya ba talaga ang nanay ni Gelo.

At ayaw ring tanggapin ng utak ko na si William ang ama kung si Kennie ang totoong ina. They just really don't fit right in any way I could think of.

Something is really off.

I know, I can't make her talk now, but I know she will. I just need all proof laid down in front of her where she have no other way to turn to but to tell the truth.

Lumipat ako ng upuan sa tabi n'ya at mahigpit s'yang inakbayan.

Nanatiling nakatakip ang mga palad n'ya sa mukha at umiiyak.

"Hey...come on. Stop crying," malumanay kong sabi. "I won't pressure you about this."

Di naman s'ya tumigil sa paghikbi sa dibdib ko. Hinayaan ko na habang ako nag-iisip.

Ang daming gumugulo sa isip ko. Gumugulo na wala naman talaga akng kinalaman.

You just dipped yourself into the shithole, moron!

Napangiwi ako.

Tsk! Tangna, sa sinabi ko kanina, I just didn't dip. Nag-dive pa ako!

Gusto kong mapakamot sa ulo.

Di ko kasi maatim na pabayaan ang mag-ina.

Kennie didn't leave me in that fire. There was even a closed door between us but still she unlocked it just to get me out.

Despite her difficulties breathing due to her asthma, she used all the strength she has so both of us could survive.

I knew I was the first to pass out that night. The last thing I remembered was she was begging me to move as she was trying to carry and pull me to safety going to the stairs.

Hindi n'ya ako iniwan kahit pwede na s'yang tumakbo na lang para siguradong makaligtas at makauwi sa anak.

O anak nga ba?

Naihilamos ko ang palad sa mukha.

No, I just can't leave her ... them like this. Because she never did it to me.

She's really kind-hearted and very fragile.

Matigas lang talaga ang ulo minsan ... at sa akin pa!

Tss!

Then my phone vibrated.

It was a call from Rob.

Kaya lang pagtingin ko kay Kennie, nakatatulog na pala.

Gaano na ba kami katagal sa pagkakaupo dito?

I cancelled the call. Magigising ang babae kapag nag-usap kami ni Agoncillo.

I texted him instead.



I can't talk now. I'll just call you later or if you have anything, email it to me.




The reply I got was an email alert after a couple of minutes.

Kennie moved a little,maybe to get a more comfortable position. I tapped her shoulder lightly and hummed a tune. Lalo s'yang sumiksik sa akin kaya inayos ko ang pagkakaakbay ko sa kanya..

There's still a little girl inside her unconsciously looking for someone to protect her.

Naawa ako. Inagaw sa kanya ng tadhana ang pagiging teenager dahil sa nangyari.

And I felt guilty in a way.

Puro kagaguhan ang ginagawa ko noong teenager ako.

When she steadied, saka ko binasa ang email ni Rob sa smartphone ko.

It was about William Garcia.

Nasa linya ito ng medisina at ang asawa.

General surgeon ang lalaki at pediatrician ang babae. May isang anak na babae na dalawang taon pa lang. Anim na taon nang kasal.

Tumaas ang kilay ko.

So, bagong kasal lang halos sila nung ipinagbubuntis si Gelo?

Nanliit ang mga mata ko habang patuloy na binabasa ang dokumento.

Saka ko naintindihan ang pangingilag ni Belmonte at Estrel sa kaugnayan ni Kennie kay William.

Anak si William ng mayor nang pinakamaunlad na bayan dito sa Bataan, at ang asawa nito ay anak ng incumbent congressman!

And this town where the previous vice-Mayor Dayrit used to be a political leader is just a third class municipality.

To top it all, kaalyado nila sa pulitika ang mayor dito ngayon. Mayor na dapat ay matatalo ng tatay ni Kennie.

Napapailing na lang ako.

The fuck!

MonKho just signed a project in the town where William lives!

That five-storey medical building na isinadya pa sa akin sa site ni Mrs. Florence Guevarra!






"Are you a relative of the Garcias?"

"Not that I know of. I mean, wala kaming kamag-anak. Why, do I look like them?"

She smiled, "Actually, yes."

"Ah, guwapo," biro ko na.

Tumawa s'ya nang may class, "I'm afraid I have to agree. My daughter had a crush on him. Only that he was my daughter's bestfriend's husband."





Fuck! Si William malamang ang tinutukoy n'ya!

Malay ko ba naman, eh napaka-common ng apelyidong Garcia!

Saka ko naalala. Si Mrs. Guevarra. S'ya ba ang ang sabi kay William?

Kaya ba may tila nagmamanman dito makaraan ang pagkikita n'yang yun kay Gelo?

Did she really take a photo or video of Gelo that day?

Binaba ko ang cp sa tabi ko at napasabunot sa ulo.

Tangna!

Pinag-uusapan pa namin kung sino sa mga engineers ang kukuha sa project na yun.

Sinasabi na nga nina Aris at Jeff na ako na. Tutal kinuha ko na rin ang maliit na project para sa property ng Mang Donald's.

My point was, at least, I get to stay longer in Bataan.

Yeah, I will ask for that new project. Nasa planning stage pa lang naman at approval sa design ng Archi Department.

Either tapos na ang building na ginagawa namin ngayon pati kay Mang Donald, or patapos pa lang.

I can still take the work load.

But damn!

Papasok ako sa balwarte ng kalaban?

The fuck!

Hindi kaya pag-initan nila ang malaki naming hardware?

Oo, naroon ang isang hardware ng mga Montecillo. Doon pinakuha ni Mommy ang mga materyales para mapaayos ang quarters sa likod nitong bahay-Kastila. At doon din kami kumukuha para sa project namin ngayon.

And truth is, dahil maliit na project kumpara sa regular naming hawak, si Mommy ang may hawak sa titulo ng Mang Donald's.

After talking it over with Airs and Jeff, we decline Mang Donald's proposal. Maliit ang property at nasa probinsya pa. And the income it will generate to us will be slow and minimal.

Kaya si Mommy ang magpi-finance pero MonKho ang ta-trabaho.

In case na hindi makabayad si Mang Donald, si Mommy at Daddy ang magreremata ng property.

Mom's reason,





"At least I have more reason to visit Gelo. Isa pa, pina-imbestigahan ko. Nalululong sa pagsasabong si Donald Santiago. So, I'm interested with the property. It's a corner lot, meaning, a good investment."

Napapailing na lang kami ni Daddy.



Napatingin ako kay Kennie.

Mahina itong naghilik.

She's physically tired with the birthday preparation and at school, plus emotionally stressed about William's appearance earlier.

Nangangawit na rin ang balikat ko. Kailangan ko pang i-set up ang desktop na regalo ko kay Gelo.

Sinabihan ko sina Kulot na pasimpleng ipasok sa kuwarto ko kanina. Nakalimutan ko nang ipakita sa bata dahil sa nangyari.

Dun na lang siguro sa kuwarto nilang mag-ina. Para magagamit ni Kennie sa school for thesis.

Well, ang totoo n'yan, di ko alam kung ano ang ireregalo kay Gelo. I know I just used the boy's birthday to purchase the PC and the printer. Nung makita ko kasi ang mga ito mall, si Kennie ang unang pumasok sa isip ko. Nagre-renta pa ito sa compshop at nagpapa-print malapit sa university kaya nade-delay ang pag-uwi.

But of course, it'll be useful for Gelo's school works and hobby.

"Kennie..." mahina long tawag para gisingin.

"Papa...Ma..." bulong n'ya.

Lalo akong naawa.

Di na ako kumilos muna. Binasa ko muna uli ang email ni Rob.

The Garcias and Abellanas used to be on different political parties but joined together in the last election to become a stronger political allies. What made the union of the two families was the marriage of William and Emily!

Kasama sa report ang pagiging istrikto ng biyenang lalaki ni William. May bali-balita na may takot ang pamilya Garcia sa incumbent congressman. Wala itong anak na lalaki kaya katulong nito ang mayor na kumbinsihin si William na pumasok sa pulitika, lamang mas pinagtutuunan nito ng panahon ang piniling propesyon.

Pero hindi raw malayong mangyari na kumandidato ito sa susunod ng eleksyon para palitan ang ama na nasa huling termino na. Nagagawang isama na ito sa mga free medical missions sa bayan nila.

Hayan nga at magpapatayo ng katamtamang laking ospital na pribado man, mag-aatas ng araw na libre ang konsultasyon pati ang gamot.

Maagang pangangampanya. Tss!

Hindi ako kuntento sa laman ng report.

Walang nabanggit tungkol kay Kennie o kay Racquel.

Kaya nag-email ako kay Rob alamin ang kaugnayan ni William kahit sino sa magkapatid.

Himbing na talaga ang babae. Ramdam ko na ang bigay na bigay na bigat n'ya.

Nagpalingun-lingon ako. Kami na lang ang naririto sa baba, at si Gerry, nasa dining. Nakahiga sa pinagdugtung-dugtong na upuan.

Shit! Oo nga pala, dito na s'ya sa bahay kapag gabi. Sa sala s'ya natutulog sa para bantayan ang mag-ina.

Alam kong bihasa ito sa trabaho pero kailangan ding magpahinga nang maayos.

Kaya dahan-dahan akong tumayo at binuhat ang babae.

Gumising agad si Gerry pagdaan ko sa dining dahil malapit doon ang kuwarto nina Kennie.

"Sir..." mahinang sabi.

Tinuro ko ang pinto ng mag-ina, "Pakibukas."

Tumalima agad ito pero, "Naka-lock."

Naalaangan naman akong kapkapan ang babae para sa susi.

"Kaya ko itong buksan," boluntaryo ng lalaki.

Alam ko naman pero, "Uhm, huwag na. Baka ayaw n'ya talagang basta may papasok sa kuwarto nila."

Saglit na nagtalo ang loob ko sabay, "Dun na lang sa kuwarto ko."

Ang nangyari, sa sala kami pareho natulog ni Gerry gaya nung gabing may tila nagmamanman dito sa bahay.

Mababaw lang ang naging tulog ko kaya nang magsipaggising na ang mga staff ng MonKho, bumangon na ako.

Nagkakape kami ni Gerry at ilang tauhan nang lumabas ang babae sa kuwarto ko.

"Good morning, Ma'm," bati nang ilan sa amin.

Halatang hiyang-hiya ito sa akin, dahil bumati s'ya pabalik na hindi ako tiningnan. Tapos nagkulong uli sa kuwarto n'ya.

"Magtabi kayo ng agahan," sabi ko. "Kayo na ang bahalang magligpit dito. Dun muna ako sa kuwarto."

Masyado pa kasing maaga.

Habang nagpapalipas ng oras, I logged in to my social media accounts.

Hinanap ko si Kennie.

Naka-private.

Pero napangiwi ako.

Her cover pic is a church that looks familiar to me. Then her profile pic is a hand praying the rosary.

I think it's her hand.

I can't even view her friend's list.

No twitter nor IG.

I searched for Racquel Camacho.

Ang daming lumabas na result. Pero walang kamukha ni Kennie. Baka deactivated na.

Then I looked for William Garcia. Marami ring lumabas na result but I found what I'm looking for.

Hindi ito madalas mag-post. Kung meron man, tungkol sa anak na babae, at sa trabaho n'ya. Walang bakas ni Kennie o Racquel doon.

I stalked Dr. Emily Abellana-Garcia's social media. Ito ang maraming posts tungkol sa anak, asawa at kung anu-ano pa.

Isa lang ang sigurado ako sa larawan nilang mag-asawa. I didn't see William looked at his wife lovingly. Not the way I see Dad , Reid and Rob look at their wives.

May hinalang nabubuhay sa akin. Hindi talaga gusto ng lalaki ang napangasawa!

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok.

Isang alumpihit na Roqueña ang nabungaran ko. Nakaligo at nakabihis na para pumasok.

I check the time.

Tsk! Lampas isang oras na pala akong nakahiga. Ni hindi ko napansin ang oras.

"Uhm, ano, sabi ni Kuya Gerry nagkape ka pa lang daw."

"Where is he?"

"Ano, kasabay ko. Nag-aagahan. Uhm, ano, kain ka na rin. Ipinaghain na kita."

Talagang nahihiya ito kasi tumalikod agad kahit di pa ako sumasagot.

Sumunod na lang ako.

During breakfast, I told her about the desktop, "Mamayang pag-uwi mo na lang, bago tayo sumunod kay Gelo."

Wala ang inaasahan kong pagtanggi n'ya.

Basta tumango lang pero nung sabihin kong ise-set up ko sa kuwarto nila,"H-hindi na. D'yan na lang sa ilalim ng hagdan para may kaunting privacy pa rin. Tsaka ano, para makagamit din sina Kuya Tolits pag gusto nilang mag-Facebook."

May punto s'ya, at talagang hindi maramot. Kaso, parang mas nahagingan ko na ayaw n'yang basta nagpapasok sa kuwarto nilang mag-ina.

I wouldn't think much about their room if not for the call from Rob after I dropped Kennie at her university.

"Mike, I got word from the agency . They didn't get anything that would connect them to each from the social media accounts of William Garcia and Kennie. Racquel's were deactivated long ago, so there's nothing to see."

"Oh, I see," nanlulumo kong sagot. "How about phone records?"

"Nothing. But there's something odd about Kennie's FB account."

"What?"

"She doesn't have any friends in the list. Kahit si Estrel. Just pictures, and some old posts which are about Christianity."

"Wala ring alam si Estrel kundi pa nangyari yung kagabi," sabi ko.

"I think I know why," si Rob.

"Why then?"

"The Abellanas. Kennie wanted to protect everyone from them by shutting everybody from knowing about Gelo's origins."

"Meaning?"

"There are unconfirmed rumors about the Abellanas political reputation. It is a nasty one. Remember the guy Gerry caught inside the house, and the one who bailed him out?"

"Oh...!"

"I'll try to dig in some more. I'll keep you posted."

"Rob?"

"Yeah?"

"How about the fire incident?"

"Our leads are cold. Kahit yung sa Zamboanga. However, yung nakita n'yo na parang nagmamanman sa d'yan, gaya nang sinabi mo, posibleng walang koneksyon sa sunog. So be careful."

As I was communicating via video call with my other assistant engineer sa isang papatapos nang project sa Quezon City, I can't help but fall into my thoughts again.

I think Kennie was only forced to go back in Bataan out of need. O maaring dahil narito ang pinagmulan n'ya, ang properties ng mga magulang. Lalo't galing pa sa ninuno ng ama ang bahay nila.

"Boss...?"

"Oh, I'm sorry! Ano nga uli yun?"

May itinatanong pala ang assistant ko.

"Sa Monday ba, narito kayo sa site?"

"Monday or Tuesday. My secretary will inform you. Kailangan ko ring makipag-meeting sa mga clients natin. That building is soon to open in a month."

"Okay. See you then," paalam nito.

I answered some more emails at nag-usap pa kami uli ng foreman at assistant engineer ko. Then I headed to my car to fetch Kennie at school.

Nasa tapat na ako ng university when I called her para ipalaam na narito na ako.

Her phone's unreachable.

Kinabahan agad ako, so I ringed Gerry.

"Kasama n'ya ang ilang kaklase. Nagpapa-photo copy ng libro," ang sabi. "Baka empty batt kaya di mo matawagan."

"Narito na ako sa labas, pakisabi."

But more than thirty minutes passed, walang Kennie na lumabas. So I called Gerry again.

"Nag-CR. Halos twenty minutes na nga sa loob."

Napakunot ang noo ko.

Kanina, may nakita akong babae na pumasok sa gate. Nagdadalawang-isip ako kung si Darcy yun. Medyo natatakpan kasi nang dalawang kasama. Isa pa, hindi ako nilapitan kahit dumaan sa tabi ng kotse ko. Darcy would always get my attention. So, I thought, nagkamali lang ako kaya di ko pinansin.

Nagmamadali akong lumabas sa kotse ko.

Agad akong nag-iwan ng ID sa guard, "Susunduin ko lang girlfriend ko. Hinihika sa CR."

Yun ang naisip kong sabihin.

Tinawagan ko uli si Gerry, "Saang CR s'ya?"

"Malapit sa field. Yung may paikot na CR, malapit sa mga food stalls."

Tinakbo ko na. Nakita ko ang lalaki na umiinom ng softdrinks sa may stall.

Tinuro n'ya ang CR.

Pareho kaming naalarma nung may lumabas na dalawang babae dun na tila nag-aalala. Tapos may mga papasok na pinigilan ng mga ito, tapos nagbulungan.

Iniwan agad ni Gerry ang iniinom sa stall kahit hindi pa ubos at sumabay sa akin papunta doon.

Wala na akong pakialam kahit kami lang ang naliligaw na lalaki sa side na ito ng CR.

"Di mo ako madadala.... arte... malandi!"

"...akina ... dyan sa bag ko..."

"Totoo yatang... bigay mo na."

"Huwag kayo makialam! Labas!"

"Wag... buksan cubicle..."

"...please... palabasin ... ako...makahinga..."

Yun ang narinig ko nung malapit na sa CR. Nakuyom ko ang palad.

Kilala ko ang dalawa sa mga boses na nanggagaling sa loob.

"Miss, excuse!" sabi ko sa nakaharang sa pinto.

Nanliit ang mata ko sa nakita.

Naroon si Darcy at may tatlong kasama. Lamang, hawak ng anak ni Mang Donald ang bag ni Kennie.

May folder at mga papel din na nakakalat sa sahig. Basa na ang karamihan sa mga ito.

"Darcy...yung bag ko, please! Andyan ... inhaler ko!"

Galing sa loob nung cubicle na pinipigilang mabuksan nang dalawa pang babae sa loob ng CR.

Hinihika na si Kennie base sa naririnig kong paghinga n'ya.

"What the hell!" galit kong sigaw.

Namutla agad si Darcy nang makita ako, "M-mike!"

Walang sabi-sabi kong hinablot ang bag sa kanya at hinawi ang dalawang babae sa tapat ng cubicle.

I don't give a fuck nung mapaupo ang mga ito sa basang sahig, at si Darcy naman ay mapaluhod sa lakas ng pagkakahablot ko sa bag ni Kennie.

"Tumawag kayo ng guard," si Gerry, patungkol sa ibang college students doon na nasa may pinto.

Napalakas din yata ang pagbukas ko sa cubicle dahil napaupo si Kennie sa toilet bowl.

"Shit! Shit! Damn it!"

Sunud-sunod na akong napamura. Nagsisimula nang mangasul ang labi ng babae. Hilam ito sa luha.

Lumuhod ako sa harap n'ya habang mabilis na hinalungkat ang inhaler sa bag n'ya.

"Here, take it! Hurry up!" abot ko sa inhaler n'ya.

"Walang lalabas!" dumagundong ang boses ni Gerry.

Palagay ko ay sina Darcy yun na nagtatangkang tumakas.

Kennie has somewhat calmed down and her breathing is stable when I helped her out of the cubicle.

Marami-rami na ang mga taong nag-uusyoso sa labas ng CR. May guwardya na rin.

We ended up at the university administration office.

But it wasn't what I expected.

"Huwag n'yo na lang pong i-suspend," si Kennie, sa pagitan ng pag-iyak.

Naihilamos ko ang palad sa mukha. Heto na naman kami. Parang replay lang nung sa teacher ni Gelo.

"Kennie naman," reklamo ko. "You could have died!"

"A disciplinary action has to be given," sabi ng Dean ng Office of Student Affairs.

Umiyak ang tatlong kasama ni Darcy.

"Ano po, palitan na lang nila yung mga pina-xerox ko at ipa-print uli yung draft ng thesis ko. Ayos na po yun."

"Kahit kami na rin magpa-print ng final thesis mo, Kennie," pakiusap nung isa.

"K-kahit huwag na."

"Sigurado ka dyan, Ms. Dayrit?"

"Opo, Ma'm."

"I hope you will not have anything against it, Engr. Montecillo. Si Ms. Dayrit na ang nagsabi," baling sa akin ng dean.

Nagpakilala akong guardian ni Kennie at person to notify in case of emergency.

Tumango na lang ako sa dean matapos tapunan nang patagilid na tingin si Kennie. Umiwas lang s'ya mata sa akin.

Tsk!

Samantalang ang anak ni Mang Donald, walang reaksyon. At tila walang pakialam na i-ban itong makapasok sa university kahit pa alumni s'ya doon.

Balak pa nga sanang kontrahin ito ni Kennie pero si Darcy pa ang galit.

"Huwag ka na magbait-baitan, Kennie. Wala sa bokabularyo ko na magkaroon ng utang na loob sa iyo!"

Kaya di na rin nagdalawang-isip ang dean na ituloy ang pataw na parusa sa babae. Katwiran nito, may record na ito nung nag-aaral pa doon. Ginawan lang ni Mang Donald ng paraan na maka-graduate ang anak na may good moral certificate. Ito at diploma na di naman ginagamit dahil di naman naghahanap ng trabaho. Nakuntento na lang sa minsang pagtambay-tambay at pakikialam sa kantina at grocery nila.

Paglabas sa opisina, tuluyang inaway ni Darcy ang mga kaibigan.

Well, ex-friends, I guess.

"Huwag n'yo akong ginagaya sa inyo na nagpapaniwala sa mga santa-santita! Huwag n'yo na 'ko kausapin kahit kailan!" galit na sabi pa, bago nag-walk-out.

Yun ang narinig namin habang nauuna paglabas. Sadya pang binangga si Kennie sa balikat nung lampasan kami.

Maswerte ang anak ni Mang Donald na babae ito. Kung hindi, baka kanina ko pa nasuntok!

Wala kaming imikan sa kotse pauwi. Ganun din nung i-assemble ko ang computer table at i-set up ang desktop sa ilalim ng hagdan.

"Yung internet broadband, dadating sa Lunes nang hapon. Yung mga tao na nila ang mag-i-install. Bayad na ang dalawang taon na lock in period nun," sabi ko kay Kennie pagkatapos. "Mag-ayos ka na. Pupuntahan na natin si Gelo."

Di s'ya tuminag sa pagkakatayo kaya,

"May problema ba?" tanong ko.

Kinagat nito ang labi, "Galit ka ba?"

Napabuntung-hininga ako, sabay iling, "Hindi. I just... I just can't believe that I could actually get to know someone who has a lot of patience and so forgiving. Because... I'm not like that."

Di pa rin s'ya kumilos.

"Oh, ano pa?"

"S-salamat."

"Saan?"

"k-kanina. Sa CR."

"Tss. Sige na. Baka gabihin tayo. Gusto ni Mommy, dun tayo maghapunan."

Nagpaiwan si Gerry para magbantay sa bahay. Uuwi kasi ang mga taga-MonKho nang weekend.

Hinayaan ko na. May kasama akong security detail na nakadistansya lang. At mayroon din naman si Gelo sa bahay nina Mommy.

Dahil weekend, inabot nga kami ng traffic. Tumawag na si Mommy kung nasaan kami.

"Mauna na kayo, 'My. Baka malipasan ng gutom si Gelo," sabi ko. "Naipit kami sa traffic."

Ipinasa ko ang phone kay Kennie para makausap ang anak.

Sa isang Asian restaurant na kami kumain nang may madaanan kami.

We were almost done, when I got a message from my bodyguard na nasa paligid lang.


May nagmamanman sa inyo.


Walang pasabi na hinawakan ko ang kamay ni Kennie na nasa ibabaw ng mesa. Nabigla ito.

I smiled and stared at her.

"Someone's on our tail. Smile. Act sweet," bulong ko, then I took a tissue to wipe a stain of sauce on the side of her lips.

Natensyon ito. Kaya kabaligtaran ang nangyari sa binilin ko.

Inurong ko ang upuan sa tabi n'ya sa pabilog na pandalawang diner.

Doon ko napansin ang isang lalaking naka-cap malapit sa counter pero nakatayo lang. Nagpipipindot sa cellphone n'ya.

"Hey," untag ko kay Kennie. "Stop looking around. Mahahalata tayo."

Nanginginig ang kamay nitong may hawak na kubyertos.

"H-hindi ko na gusto ang nangyayari, Mike," mahina n'yang sabi.

"Me, too," sang-ayon ko. "So, you have to be use to us like this. Lalo kapag nasa Bataan ako."

"Eh.. ano ...kasi..." umpisa n'yang pagtanggi.

"By the way, you and Gelo will attend the inauguration of MonKhAr. Malamang na may makikibalita kung kasama kayo."

"Uhm... sige."

Tinapos na namin ang pagkain. Then we billed out.

On our way out, nahagip ng mata ko ang lalaking naka-cap. Nakatayo sa tabi nang isang motor at nagse-cellphone pa rin.

We headed to the car. As I open the door for her, I saw the man discreetly lift his phone at our direction.

Damn!

"Kennie..." I held her arm.

"Oh?"

We need that perfect shot.

A perfect shot for whoever the boss of this guy is following us.

Walang sabi-sabing inabot ko ang batok ni Kennie.

Walang s'yang nagawa nang maglapat ang labi namin.

Napapikit na rin ako.

What the fuck, Mike?!

Hiyaw ko sa utak.

Tang-ina!

Ayoko ko mang aminin, pero gusto ko ang pakiramdam ng labi n'ya sa labi ko.

"Don't," I whispered when she tried to push me back.

"M-mik--"

I took that opportunity to deepen the kiss. Hinapit ko pa lalo ang batok at bewang n'ya sa akin.

Nanginig ang baba ng babae.

Then a bigger doubt hit me.

Hindi si Kennie ang nanay ni Gelo?!

Because I think, I just stole her first kiss!

=================

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b5yhsmd