16 Tatlong Papel
Mike's POV
Natatakpan ni Kennie ang bagong dating na bisita.
Pero nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Gerry at ilang staff ng MonKho na naroon sa sala.
Then Gerry looked at me.
I immediately got what he meant in that two seconds warning look. My heart started racing.
The thing I wanted Kennie to talk to me about since that day at the mall, but she kept her mum.
And finally, I got to know his name from her mouth.
"W-william," she said, stuttering.
Fuck!
Not a good timing.
Yes, I wanted to meet the guy and find out the truth. But now is not the right moment.
Kanina pa ako nabubwisit sa presensya ni Mar Belmonte, and now this?
"Who's the visitor?" si Mommy, with Dad just behind me.
Kinarga ko agad si Gelo dahil nagtatalo ang loob ko kung dapat bang naririto ang bata o ipapasok ko sa loob.
But there's no time!
And it will make the celebrant confused kung bigla ko siyang ipapapasok sa kuwarto.
"Roqueña..."
Kennie stepped back when he called her name so the guy came to my view.
Then I heard my mother gasped. She saw him, too, and was first to react.
And I was stunned myself.
Our resemblance is so evident, from nose up, except for the hair because his is curlier than mine. And also, he looks a bit older than I am. Marahil ay may aura ito na parang stressed at aburido.
"P-please... wag..." bulong ni Kennie.
S'ya ang tatay ni Gelo?
Suddenly, I didn't understand the fear that enveloped my heart, and ... jealousy?
My eyes went to his left hand holding a brown envelop and a paper bag with a gift inside. But what he's holding weren't the things which caught my attention.
It's the wedding ring he's wearing!
What the fuck?!
Kaya ba... kaya ba umiiwas si Kennie?
"...gusto kong makita ang anak ko."
S'ya ang tatay ni Gelo! And he is fucking married!
Kitang-kita ko ang panginginig ng mga kamay ni Kennie na nasa tagiliran n'ya.
I stepped beside her and wrapped one of my arm around her shoulder tight as I carry Gelo on the other.
I ignored how this William guy's eyes widened seeing me and the boy he's looking for.
"Sweetheart, kaibigan mo?" kaswal kong tanong kay Kennie.
Marahas na napatingin sa akin ang babae. Hindi ko pinansin ang magkahalong tensyon at pagkabigla n'ya.
"M-mike..."
I gave her the look not to utter another word.
I don't know if she understood it or she was really out of words to what's happening, because she shut her mouth.
She was just looking at me baffled.
Just like everyone else na alam na walang kami talagang ugnayan ni Kennie, lalo na at hinalikan ko ang babae sa noo then said to the guy, "You look familiar."
Kahit ang totoo, ngayon ko lang s'ya nakita.
I meant familiar, kasi magkamukha kami.
Though it was still obvious that he's confused, too, he extended his hand, "I-I'm William Garcia. I'm Micheal's--"
I immediately cut him off, "I'm Engr. Michael Angelo Montecillo Sr...."
I heard my Mom and Dad whispered, "What?!"
Because I'm not a Sr., for Pete's sake!
It's just that this is the only quick way to shoo this guy away. To stop him from totally ruining today's celebration. And to keep Kennie and Gelo from more embarassment.
Not with a fucking married guy!
Then I looked fondly at the little guy I'm carrying, "And this little man here is our boy. Michael Angelo Jr."
Fuck! Bahala na mamaya o bukas kung ano ang magiging resulta ng kagaguhang pinagsasabi ko ngayon.
Ang importante, matulungan ko si Kennie na paailisin at mapalayo ang William na ito!
Lalong natensyon ang katawan ni Kennie, yet biglang umangat ang isang kamay n'ya para kumapit sa bewang ko.
She knew what I was up to.
Lalong natahimik ang mga nakarinig. But my Mom and Dad were quick to think.
I am their son.
They knew how I think.
"Come here, apo," sabi agad ni Mom kay Gelo. Kinuha n'ya sa akin ang bata sa akin. "May bisita yata ang Mama mo."
Sumama naman agad sa kanya si Gelo pero nilingon ang lalaki sabay turo sa hawak nitong paper bag, "Akin yan din po?"
Saka lang parang natauhan ang lalaki.
Agad lumamlam ang mata nito na tumingin kay Gelo, "U-uhm, yes. Oo. Ito, oh."
I was the one who stepped forward to get the gift from him because I know, Kennie doesn't want this man close to her son.
From the looks of it, William wants to hand it to Gelo himself so I discreetly whispered a warning, "Don't. You are very much mistaken, Mister! He's not yours and don't ruin my boy's birthday!"
"Come, boy," I heard Dad said. "Hahatiin mo pa yung cake mo."
Then I heard them walk back to the dining.
"Wala kang alam!" William whispered back. "Ask Roqueña!"
Damn!
Totoo ang sinabi n'ya.
Wala talaga akong alam but I have to stand firm to my claim.
This is my chance to pay my debt to Kennie for saving my life!
"Tito Mike! Yung gift ko po!" malakas na tawag ni Gelo mula sa dining.
Oh shit!
Ngumisi ang lalaki. "Tito Mike, huh?!"
"Mamaya na yung gift mo. Kain muna tayo nung cake," salo ni Mommy.
Then everyone chatted awkwardly. Wary of what may happen between William, Kennie, and me, who were left in the living room, near the door.
"We were about to tell him but you came to ruin his birthday wish to know me, you jerk!" pigil na pigil kong bulong.
"Ako ang tatay ni Michael Angelo."
"I'm the fucking M.A. Sr! Give me the fucking gift and get out, or else I'm gonna find out who your wife is and tell your stunts here!"
He suddenly shut his mouth.
"Gotcha!" pang-asar kong bulong.
I found his weakness. Kaya malamang, nakasuot ito ng cap para itago ang mukha kahit papaano. Lihim ang pagpunta rito
His eyes narrowed then let go of the gift, "Siguraduhin mong makakarating yan sa bata."
I held on to it.
"That's for me to decide."
"Hahanapin n'ya."
"Papalitan ko nang katulad."
"Then, hindi ako aalis hangga't di ako nakikitang binubuksan 'yan ng anak ko," kumpiyansa n'yang sabi.
I looked at Gerry. He immediately stepped towards us.
"M-mike..." awat agad ni Kennie na kumapit na sa pangharap na t-shirt ko. "H-huwag dito, please. Si Gelo. Ngayon lang naging masaya nang ganito si Gelo na birthday n'ya."
Gerry stopped mid-way then looked at me.
"Gusto kong makausap si ...si Gelo," ulit ni William.
Humigpit ang kapit ni Kennie sa t-shirt ko.
"I'm not permitting it," I firmly said.
"What gave you the right?" hamon n'ya
"I am the father."
"Really?" ang sarkastikong sabi.
"Mama," biglang tawag ni Gelo, "Kakain na tayo ng cake po. Akin po yung kamukha ko, ha?"
Mabilis kaming nagpakita nang matamis na ngiti paglingon sa kanya.
"S-sige lang," Kennie's struggling to keep her voice normal.
But her breathing is starting not to.
And I was glad that Estrel, who was observing from the dining just stepped in and whispered, "Kennie, inhaler mo."
I see that she is also tensed but for Gelo, she's acting as if nothing's wrong. Patago nitong inabot kay Kennie ang inhaler.
Yet from the looks of it, kilala ni Estrel si William.
"Sweetheart," baling ko kay Kennie. "Just take one. Kahit isa lang, please."
Nagkaroon kasi s'ya ng hesitasyon. Alam kong ayaw n'yang umaasa sa inhaler. But I cannot guarantee if to what extent this scene will bring us to.
Pero matigas ang ulo nito.
Hindi ko maintindihan kung bakit sa akin lang s'ya nagpapakita nang ganito! At bakit ngayon pa!
Sa halip ay, "Estrel, pakikuha nitong regalo ni ... ni ... sa ano, sa kuwarto namin."
And the best friend did quietly.
"W-william, umalis ka na, please," sa wakas ay sinabi n'ya.
"Ipakilala mo ako kay Gelo."
Umiling si Kennie, "W-wala kang karapatan sa kanya. H-hindi ikaw ang tatay n'ya."
"Mama, ansarap po! Kain na kayo po!" sigaw na alok ni Gelo. "Tito ano po, kain ka po! Masarap po yung cake ko po tsaka ice cream."
Napuno na naman ng tensyon ang mga naroroon.
"W-william, please. Huwag ka manggulo."
"Narinig mo s'ya. Inimbita n'ya ako. Ayaw mo sigurong madidismaya ang bata, ha, Kennie?" he challenged her.
Humigpit uli ang kapit ng babae sa bewang ko.
It was my queue. And the best I thing I had in mind was to turn and tell Gelo, "Uuwi na raw s'ya, angel."
"Fuck!" the guy muttered.
"Ay...!" dismayadong sabi ng bata.
Di naming napigilan na bumaba s'ya sa kinauupuan sa dining at bumalik sa amin sa sala.
"Tito uhm... ano pangalan mo po?" nakangiting tingala n'ya sa lalaki.
"William," ang malambing na sagot. Then he squatted to level himself to Gelo. "Ako ang—"
"Gelo, anak," putol agad ni Kennie na bumitaw sa akin. Biunuhat n'ya ang bata at bumalik sa tabi ko. "Tapusin mo na pagkain mo. Magho-homework pa tayo dahil may school pa bukas."
An idea came to me. Tomorrow is Friday.
"Huwag mo munang papasukin si Gelo bukas, sweet," sabi ko. "Bakasyon muna s'ya kina Mommmy at Daddy until weekend."
I saw relief in her eyes when she looked at me. It was a silent agreement to what I said.
"Talaga po?"
"Oo, kaya tapusin mo na pagkain mo. Sam aka na sa kanila pag-uwi," nakangiti kong sabi.
"Yehey!" natutuwang sabi tapos nagpalapag na sa ina.
Pero bago umalis, hinawakan ni Gelo si William sa braso, "Antay lang po ikaw. Dala ka po ng handa ko, ha?"
Malapad ang ngiti ng lalaki na tumango, "Sure."
Wala na kaming nagawa.
Basta ayun na si Gelo, nagsasabi kina Nanay Mila na magbalot ng pagkain para kay William. Tapos pinamamalita na sasama kina Mommy pa-Maynila.
Wala man sa plano, alam kong very willing ang mga magulang ko na dalhin si Gelo.
Gaya ko, walang plano si Kennie na bumalik sa dining hangga't di umaalis si William.
Sasamahan ko s'ya na bakuran ang bata palayo sa lalaking ito.
We definitely look stupid just standing here face to face. Nagpapakiramdaman. Nagbabantayan sa maaring sabihin nang bawat isa.
Hanggang marinig na naming si Gelo na excited bumalik.
"Eto po," inabot sa lalaki ang isang paper bag. "Sabi ko po kay Tita Estlel, lagyan po lahat ng handa ko. Ngayon lang po ako maraming handa eh. Tsaka masarap lahat. Luto po yan ni Mama ko, tsaka nitulungan s'ya ni Nay Mila tsaka—"
"Gelo," putol ko sa excited n'yang pagmamalaki. "Tapos ka na ba kumain? Aalis pa kayo nina Mommy, di ba?"
"Ay, oo nga pala po!" saka tumingin uli kay William. "Sige po. Teng kyu po sa legaro. Mamya ko na lang po bubuksan. Tita Mommy!"
Tumakbo na uli pabalik sa dining at tinatanong na si Mommy kung pupunta uli sila sa Enchanted Kingdom.
"Now, get out," kaswal kong pagtaboy sa lalaki.
"Alright," tapos tumingin kay Kennie. "Hindi ito ang huli nating pagkikita."
Ramdam ko sa katawan ni Kennie na natakot ito.
"I'm watching," I injected. "I won't let you ruin my—"
"Ipapakain ko sa iyo lahat nang sinabi mo," putol n'ya sabay abot sa brown envelop na hawak.
Inayos nito ang suot na cap at tumalikod agad pagkakuha ko noon. Bago ko yun mabuksan,
"Kennie," si Mar Belmonte, seryosong nakatingin sa babae. "Uuwi na rin ako."
"Good. Dapat kanina pa," parinig ko. "Wala ka nga dapat dito."
"M-mike, tama na, please," saway ni Kennie.
Tumikhim si Belmonte, "Sige lang, mag-angas ka sa akin, Engr. Montecillo. Tingnan ko lang kung magagawa mo 'yan sa tatay ni Gelo."
"Ako ang tatay ni Gelo!" gigil-bulong ko.
"M-mike...! Tama na, huwag mo nang—"
Natikom ang bibig ni Kennie dahil tiningnan ko s'ya nang matalim. Gaya ko na humigpit ang pagkakaakbay sa kanya, ganun din s'ya sa bewang ko.
"Wala akong pagsasabihan sa natuklasan ko ngayong gabi, Kennie. Dahil naiintindihan ko na kung bakit ka nagtago noon at nanahimik. Kung bakit hindi na sumabak sa pulitika si Vice kahit sigurado ang panalo n'ya noon kung tatakbo s'yang mayor dito. Marami lang akong hindi maintindihan kung bakit si William pa, at kung kailan at paano kayo... Tsk!"
Napabuntung-hininga ang lalaki, "Sa ngayon, yun lang ang tulong na maibibigay ko sa inyong mag-ina kung ipaglalaban ni William ang karapatan n'ya sa bata."
He turned towards the door but stopped halfway, then asked, "Kennie... kaya ba mas pinili mong maging malapit kayo kay Engr. Montecillo?"
"Hah?" nalito si Kennie.
"Hindi maitatatwang magkamukha sila ni William. At kahit sino, maaring mapagkamaling tatay ni Gelo. Ano'ng laban ko?"
"H-hindi yun ganun, Mar..."
He waved his hand as a sign of defeat. Just like how his shoulders fell when he turned around to leave.
Naging malaking palaisipan sa akin ang sinabi ni Belmonte.
Sino ba si William?
Halatang ilag dito si Estrel, maging si Belmonte.
Hayun nga at nagpakita na nang pagkatalo ang lalaki bago umalis.
"A-akina na 'yan, Mike."
Hindi ko ibinigay ang brown envelop sa kanya, "Sa akin inabot. Hindi sa iyo."
"H-hindi ka kasali sa gulong ito."
"I am. I claimed Gelo, did you forget?" sarkastiko kong sagot.
Daddy cleared his throat, "Son, come. Let's finish the celebration."
Belmonte, the reason there was awkwardness here earlier, may have left. But with that William guy coming here, caused a heavier air among us adults.
Pinanatili naming masaya ang natitirang oras para sa birthday ni Gelo.
Tinulungan ni Estrel si Kennie na mag-empake nang damit ni Gelo. Natagalan sila sa loob kaya pumasok na rin si 'Nay Mila sa loob.
"Kayo muna kay Gelo," sabi ko sa ibang staff ko nang makita sina Mommy at Dad na parang may pinagtatalunan na pasimple. "Aliwin n'yo muna yung bata."
"Sige, boss."
Walang nagkokomento sa mga tauhan namin mula pa kanina hanggang sa paglilinis sa dining at kusina. Alam nila na maselan ang isyung nalaman namin ngayong gabi.
Pinuntahan ko ang mga magulang ko sa sala.
"Huwag mo akong pinagbibintangan na nambabae, Dolores," si Dad sa mababang tono. Naghihinanakit ito, alam ko. "Tumigil ako sa mga kalokohan ko nung itanan kita."
"E sino yung dumating kanina, ha? Kamukha ni Michael," halatang nagseselos si Mommy.
"Why ask me? Ikaw ang mas kamukha ni Michael."
Natahimik ang nanay ko. Totoo naman yun. Ang dalawang nakatatanda kong kapatid ang kamukha ni Dad. Kami ni Michelle, kay Mommy.
"Ako dapat ang nagtatanong sa iyo, hon," may halong panunukso na sa tono ni Dad kaya nakatikim s'ya ng kurot kay Mommy. "Ouch!"
"Sira ulo ka!" my mother hissed with suppressed smile.
Napangiti ako. Akala ko mag-aaway sila.
I cleared my throat, "Dad.. 'My...?"
Sabay silang napatayo mula sa paunti-unting pagliligpit sa mga regalong laruan ni Gelo.
"Hey."
"Ano'ng plano?"
I looked at them seriously, "I ... I actually do not have a clear plan, to be honest."
Dad chuckled, "Yeah, right! You surprised us with what you said to that guy earlier about you and Gelo."
Umingos si Mommy, "Well, we are Montecillo. We stand to what we say. Where's Gelo?"
"He's with my staff. Kennie's preparing his clothes for his stay with you."
"How about the mother?" asked Dad.
"I'll have additional security for her. I do not know who that William guy is."
Nagkatinginan sina Mommy.
"Michael, why did you say that to him? He's the father," concerned na sabi ni Dad.
"He's married. He's wearing a wedding ring."
"Oh!" sabay silang nagulat ni Mommy.
"Yeah. And it seemed his wife didn't know about him coming here."
"Paano mo nalaman?"
I told them what transpired. Even my thoughts about Belmonte and Estrel na tila may pangingilag sila sa lalaki.
"Napansin ko rin yun. Si Manang Mila rin," sabi ni Mommy. "Napansin n'yo ba ang agwat sa edad ni Kennie at nung tatay ni Gelo. What do you think?"
Umiling ako.
Ayokong isipin na pumatol ang babae kay William noong high school pa lang ito. Unless he seduced her to his bed being a minor and innocent she is, or ... raped her!
Damn!
NAkakainit ng ulo ang tinatakbo ng utak ko!
Tumigil kami sa pag-uusap nang marinig namin sina Estrel na nagsalita.
Tumulong na ako kina Mommy iligpit angmga laruan ni Gelo sa ilang eco-bags na binigay kanina ni 'Nay Mila.
Sigurado kasing magdadala ang bata sa tatlong araw n'yang bakasyon sa Maynila.
"Nasaan si Kennie?" tanong ko kina Estrel.
She looked at me but said nothing.
Galing sa pag-iyak ang bestfriend ni Kennie. Gayun din si 'Nay Mila.
"Engineer, h-hayaan mo muna s'ya," awat nito nung humakbang ako papunta sa kuwarto ni Kennie.
"Baka hikain s'ya."
"Ayos lang si Kennie. Lalabas s'ya mamaya kapag paalis na si Gelo."
Kaya naghintay na lang kami.
I just told my assistant and foreman na bahala na sila sa mga natirang pagkain.
"Di na lang kaya ako aalis, Mama?" si Gelo. "Niiyak ka eh."
Halata kasi ang pamamaga ng mata ng babae.
"Ayos lang ako. Mami-miss lang kita," sagot ng babae na nagpipigil uli na mapaluha.
Alam naming lahat na nagdadahilan lang ito.
"Pinki pramis ko, Mama. Uuwi ako po."
"Susunod ang Mama mo bukas ng gabi," singit ko. "Kailangan n'ya lang pumasok sa school bukas."
Saglit akong tiningnan ni Kennie pero walang pagsalungat o anupaman mula sa kanya.
"So, okay na?" sabi ni Mommy.
That settled it.
Hinatid namin sila hanggang sa sasakyan.
"Everything will be fine, iha," I heard Mom tell Kenny when they hugged. "You are already family."
"S-salamat po. Pasensya na sa abala."
"No, Kennie. Thank you," Mommy said instead. "I'm happy to have met you and Gelo. But that's only an add on. We will never forget the second life you gave my Michael, kahit muntik mo na ring ikamatay."
Then my Dad tapped her on the shoulder, "We will support you. Just ask, okay?"
Tumango ang babae.
We watched them leave, without paying attention to a few neighbors peeking out of their windows.
Then I told two of my staff na ihatid pauwi sina Estrel kahit ilang kanto lang ang layo nun mula rito.
Sa palagay ko, nakaramdam ang staff ng MonKho na kailangan naming mag-usap ni Kennie, kaya hindi na rin sila nagsipagtagal sa sala. Maaga silang nagsipagpahinga.
Tinawag ko si Gerry, "Nakuha mo?"
I was pertaining to William's car plate number.
Tumango ito. "Nagpang-abot sila sa labas kanina. Nag-usap sandali bago magkasunod ang sasakyan na umalis."
Napatiim-bagang ako.
Mukhang bumaligtad agad si Belmonte sa sinabi n'ya.
"Pakitawag kay Rob. I want to know more about William Garcia."
"M-mike..."
I looked at her, "Are you going to talk now?"
Napakagat-labi ito. Walang salitang namutawi sa labi n'ya. Basta yumuko lang.
"Alright, I can always ask Rob."
"M-mike... k-kasi--"
"Nagbitaw na ako ng salita, Kennie. Paninidigan ko ang sinabi ko. And I need you to cooperate."
"Paano kung... kung..."
Ngumisi ako, "Then just watch. Huwag ka na lang kumontra. That's the best you can do."
"Hindi mo alam --"
"I will know everything. Let's start with the envelop that jerk gave."
Saglit kong iniwan si Kennie sa sala para kunin ang envelop na itinago ko sa kuwarto kanina.
"Itatawag daw ni Rob sa iyo kapag may info na galing sa agency," sabi ni Gerry pabalik na ako sa sala.
Sinabi rin nito na may papunta nang sariling bantay si Gelo sa bahay nina Mommy. At mamayang gabi para sa dagdag na magmamanman dito sa Bataan.
Dinatnan ko si Kennie na parang wala sa sariling nakatulala. Hilut-hilot ang mga palad sa isa't-isa.
I sat on the chair across her.
She just watched silently as I pulled out the papers from the brown envelop. Tatlong papel lang naman yun.
I heard her soft gasp.
I can understand that.
The first sheet was Gelo's birth certificate.
So Kennie gave birth at the age of sixteen. Gelo was conceived when she was only fifteen, for Pete's sake!
Tarantadong William yun! Mapagsamantala!
I read further and voila! The father's name is blank!
That was a relief. Mas malaki ang tsansa ko na ilaban si Gelo. Basta hindi kokontra si Kennie sa sinabi ko.
Kayang-kaya nang lakarin ni Ralph ang pag-aayos ng papel for paternal acknowledgment.
Bahala na si Kennie kung gusto n'yang gamitin ni Gelo ang apelyido ko. Kung ayaw n'ya, then the boy can keep his mother's name.
Ang importante, hindi maaangkin ni William Garcia ang bata at maiiwas sila sa gulo.
Isa lang ang napansin ko.
Gelo's birth certificate was registered late. Five months late.
When I got to the next paper, it was a death certificate of Racquel Camacho.
Camacho? Not Dayrit?
I looked at Kennie who was obviously tensed and really quiet.
Then I remembered what Estrel told me. Sa ina lang magkapatid si Kennie at yung Racquel.
I looked at the date.
So, she died four months after Gelo was born.
I flipped the paper to the last page.
I saw Kennie's hand tremble.
I don't know why, so I looked at the paper.
Then my brows creased.
I thought it was just a medical abstract when Gelo was born because the letter head was of the same hospital kung saan nanganak si Kennie.
But it wasn't Kennie's. It was Racquel's!
I slowly lifted my eyes to Kennie.
Her tears started flowing.
"Kennie..."
Napahagulgol na s'ya sa palad.
The medical report stated that a day before Gelo was born, Racquel Camacho also gave birth but the baby was already dead before being born. Reason she had to undergo an emergency C-section.
And the baby was a boy!
=======================
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro