15 Blow the Candle
In-excuse ko si Gelo na hindi makakapasok ngayong araw.
Kailangan n'yang ipahinga ang musmos na isip at damdamin sa katatapos na kumprontasyon. Dahil ako mismo na matanda na, tila naubusan ng enerhiya sa mga nalaman at angyari.
Nagdesisyon akong lumiban na rin sa klase.
"Pasyal tayo, baby," sabi ko sa kanya. Papunta kami sa parking kung saan ang kotse ni Mike. "Bonding tayong dalawa, buong araw."
Nagningning agad ang mata n'ya. "Talaga po?"
Napangiti ako.
Bumaling s'ya kay, "Tito Mike, sasama ka po?"
"Ihahatid ko na lang kayo kung saan kayo mamamasyal," tipid na ngiting sagot n'ya."Kailangan ko na talagang bumalik sa Maynila."
"Ay..." napanguso si Gelo papasakay sa likod ng kotse.
"Babalik ako sa isang araw. Birthday mo, di ba?" sagot ni Mike nung nakaupo na kaming dalawa sa harap.
Nanlaki ang mata ng anak ko, tumingin sa akin, "Birthday ko na talaga, Mama? Five na po ako?"
Natawa ako. "Oo. Sabay na natin mamili mamaya para sa handa mo."
"Tito Mike, kasama mo po si Tita Mommy tsaka si Tito Daddy, di ba?"
"Baka mauna sila. May meeting kami nina Aris sa bagong project namin dito sa Bataan."
"Uhm, a-anong oras dadating sina Tita Dolly?" nag-aalangan kong tanong.
Masama ang loob ni Mike sa akin dahil pnalampas ko ang ginawa ni Miss Quintos. Ngumingiti lang ito kapag si Gelo ang kausap pero kapag ako, matipid lang ang sagot at seryoso pa. Gaya nito.
"Before five in the afternoon."
Kailangan ko palang makapagluto agad kahit papaano. Hindi bale. Nakauwi na ako bago mag-alas dos ng hapon. Magpapatulong na lang ako kay Nanay Mila. Ganun din si Estrel. Nagsabi na ito na maagang mag-a-out sa trabaho nang sabihan ko tungkol sa birthday ni Gelo.
"I-ikaw? Ano'ng oras ka dadating?"
Saglit n'ya lang aking tiningnan bago ibinalik ang mata sa pagmamaneho, "
"Mga before seven."
Di na ako nagtanong uli. Mahahalata na ni Gelo na galit sa akin si Mike. Ayokong masira ang magandang pakiramdam ng anak ko matapos ang ilang araw na sama ng loob na kinimkim n'ya.
"Saan ko kayo ihahatid?"
"Uhm, uwi muna kami. Magpapalit."
Naka-uniform pa kaming mag-ina.
Sa isang public park na may playground kami nagpahatid. Gusto kong dalhin si Gelo sa mga lugar na pinagdadalhan sa amin nina Papa at Mama noon.
Nang umalis si Mike, nakita ko na si Kuya Gerry na isang di halatang distansya. Nagtanguan kami.
Nakakatuwang panoorin si Gelo. Mas masaya s'yang makihalubilo sa mga estrangherong bata kaysa sa mga sariling kaklase.
Minsan talaga, mas madaling makitungo sa mga di nakakakilala sa iyo. Walang panghuhusga sa pinanggalingan o pinagdaanan mo. Mga panghuhusga kahit di naman talaga nila alam ang totoo.
"Mama, uhaw ako," tumatakbo itong bumalik sa bench na inuukopa ko.
Inabot ko sa kanya ang bottled water. Tapos pinunasan ko ng pawis.
"Kain ka muna nitong banana-q. Binili ko doon kanina."
Natawa ako na halos iisang kagat n'ya yung saging. Tapos nagmamadaling tumakbo pabalik sa mga kalaro.
Pinagmamasdan ko si Gelo.
Tapos napabuntung-hininga.
Hindi kaya nagtataka ang bata kung bakit kamukha n'ya si Mike?
Napanguso ako. Hindi siguro kung magkakaharap sila ng ama. Pero, yung nga pinakaiiwasan kong mangyari.
Mas malaking gulo. Gulo na buong pamilya namin ang umiwas.
Napailing na lang ako. Hindi ko maubos maisip ang pagkakataon.
Nang una kong makita si Mike, hindi ko nakita ang pagkakamukha nila ng tatay ni Gelo. Mausok na noon sa apartelle at emergency lights na lang ang bukas. Idagdag pa na may sugat pa itong dumudugo sa gilid ng ulo at nagpa-panic na ako.
Pero nung magising ako sa ospital, napansin ko na. Itinatanggi lang ng utak ko.
Pero habang nagtatagal, nagiging mas kamukha nga yata ni Gelo si Mike. Siguro, dahil mas nakakasama n'ya ito kaysa sa ama.
I mean, di pa nga n'ya totoong nakikilala ang lalaking yun. Kunsabagay, kahit ako. hindi ko ganun kakilala ang tatay ni Gelo, maliban sa kuwento. Sa totoo lang, dalawang beses ko lang s'ya nakita sa personal.
Napabuga ako ng hangin sa bibig.
Kahit huwag na silang magkakilala. Para walang gulo.
Nakahinga na nga ako nang maluwag-luwag dahil walang na uling nabanggit sina Kuya Gerry at Mike na umaaligid sa bahay.
Maliban kay Sir Mar.
Napangiwi ako.
Nagpunta yun sa bahay isang linggo makaraan ang away nila ni Mike. Papahilom na ang pasa at sugat sa mukha. Pinagpasalamat ko na lang na di ito nagdemanda o kung ano, kahit kumalat ang balita na galing s'ya sa bahay nung magkaganoon s'ya.
"W-wala naman akong pinagkuwentuhan sa nangyari, Kennie," ang sabi n'ya matapos humingi ng paumanhin. "Haka-haka lang nila ang kumalat na balita."
Ewan ko rin. Sa lakas ba naman ng bangayan nila ni Mike, imposibleng walang narinig ang kahit isa sa mga kapitbahay namin na tila nag-aabang lagi ng eksena sa bakuran namin.
"Hindi ko magagawang sirain ka. Nadala lang ako sa galit kaya ... kaya ko nasabi yun," nakayuko n'yang dugtong.
Nasa dining kami noon.
"Wala namang dapat sirain dahil hinusgahan n'yo na ako sa mga mali n'yong akala, Mar," mahinahon kong sagot.
"I'm sorry. Sana mapatawad mo ako."
"Napatawad na naman kita."
"Eh... b-bakit iniiwasan mo pa rin ako? Ilang beses akong nag-abang sa school mo."
"Para hindi ka na umasa. Noon ko pa naman sinabi, di ba? Ikaw lang ang makulit."
"D-dahil ba kay... kay Engr. Montecillo?"
Hindi agad ako nakasagot.
"Kennie?"
Nagbuntung-hininga ako. "Dahil kay Gelo, Mar. Para kay Gelo."
"Kailangan n'ya ng father figure. Kaya kong--"
"Nakita na n'ya kay Mike."
Mariing naglapat ang bagang n'ya. "So, s'ya nga ang pipiliin mo?"
"Wala akong sinabing ganun. Dadating ang panahon, hahanapin ni Gelo ang tatay n'ya. Panahon na ako mismo, hindi ko na s'ya mapipigilan."
"Paano ka? Ang kaligayahan mo?"
"Masaya na ako kay Gelo. Ako lang ang makakapagsabi kung ano ang tunay na makakapagpasaya sa akin."
Hindi s'ya nagtagal dahil pumasok si Kuya Gerry sa may sala. Tinabihan si Gelo habang gumagawa ng homework. Kaming mag-ina pa lang sa bahay dahil wala pang alas-singko ng hapon.
Alam ko, umalis s'ya na may paniniwalang si mike ang dahilan kung bakit ayaw ko pa rin sa kanya.
Kaya minsan, napapaisip ako.
Si Mike nga ba?
Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang usaping 'yan na laging laman nang usap-usapan ng mga tao sa amin.
Wala akong sagot.
Mas maraming bagay ang gumugulo sa akin kaysa pagtuunan yun ng pansin.
Sa isang foodchain kami nagtanghalian. Tapos, dumalaw kami kina Papa, Mama at Ate.
Nagpahid ako ng luha matapos maikling dasal para sa mga magulang ko.
"Halika," yaya ko sa kanya nung tila tapos na s'yang magkuwento sa lolo at lola n'ya.
"Pupuntahan natin s'ya, Ma?"
"Oo."
"Ba-bye po," kaway n'ya sa nitso nina Papa at Mama.
Nasa kabilang panig ng sementeryo ang pinagkakanlungan ng abo ni Ate Racquel. Yung sa tabi ng mini-chapel dito. Doon ang mga katulad n'yang cremated. Wala kasing kolumbaryo dito sa amin.
"Ako maglalagay, Mama," boluntaryo ni Gelo.
Nasa mas mababang window-type na nitso kasi si Ate.
Hinayaan ko na s'ya. Pati sa pakikipag-usap n'ya kay Ate Racquel. May panibagong luha na tumulo sa mata ko nang haplusin ni Gelo ang pangalan ng kapatid ko sa lapida at halikan yun.
Hindi na n'ya maaalala ni Ate Racquel. Apat na buwan pa lang s'ya nang mamatay si Ate. Si Papa at Mama, nakakausap n'ya sa phone or video call. Kailanman ay hindi sila nagkita sa personal. Hindi kasi maaari.
Gayunman, kilala n'ya lahat ang tatlo. Lagi akong nagkukuwento kay Geloa bago kami matulog. At palaging naroon sa bedside table n'ya ang larawan nina Papa, Mama at Ate Racquel.
Kasama sa mga kuwentong yun ang mahigpit kong bilin na huwag ipagsasabi ang sikreto naming mag-ina.
Isang tao lang ang hindi ko masyadong naikukuwento kay Gelo. Ang tatay n'ya. Wala naman akong masyadong masasabi tungkol sa lalaki. Wala rin akong larawan. Hindi ako nagtangkang hanapin ito sa social media.
Mahirap na.
"Hinahanap po ba n'ya ako, Ma?"
"Hindi ko alam, anak. Matagal na kaming hindi nagkita at nag-usap."
"Mahal n'ya kaya ako?"
"S'ya lang makakasagot n'yan, Gelo."
"Bakit di mo po nisasabi sa kanya na merong ako, Ma?"
"Di kasi pwede. Isa pa, baka kunin ka n'ya sa akin. Alam mo naman kung bakit, di ba?"
"Opo."
"Pero huwag kang magagalit sa Papa mo. Hindi lang talaga pwede ngayon. Kapag malaki ka na, aalamin ko kung pwede na kitang ipakilala."
Di s'ya kumibo.
"Basta ang tatandaan mo, kahit wala ang papa mo, mahal na mahal kita."
"Opo."
Kaya alam ko na excited lagi si Gelo kapag birthday n'ya. Hindi yun dahil sa handa. Una sa lahat, hindi kami naghahanda. Maliit na cake at ice cream lang, masaya na kami. Nadagdagan lang ang simple naming selebrasyon noong bumalik kami dito. Dahil kasama na namin sa pagseselebra si Estrel at Nanay Mila.
Ang dahilan talaga, gusto na ni Gelo na lumaki. Hindi man n'ya direktang sinasabi, gusto na n'yang makita ang ama.
Nakakalungkot na nais ko s'yang pagbigyan agad-agad pero kumplikado kasi.
Kung mangyayaring ipakilala ko s'ya sa ama, gusto ko sa panahong kaya na ni Gelo ipagtanggol ang sarili n'ya. Hindi ngayong paslit pa lang s'ya at walang kalaban-laban.
"Mama, gutom uli ako po," ungot ni Gelo.
"Mall tayo?"
"Sige po! Laro tayo dun sa pinaglaruan namin ni Tito Mike."
Kain uli kami sa fastfood.
Hindi ko na masyadong iniinda ang nagagastos namin ngayong araw. Minsang lang naman ito. Isa pa, halos wala ngang mabawas sa binayad na upa nina Mike. Yung pagkain naming mag-ina, idinadamay na ng mga sa pamimili nina Foreman. Sobra pa nga dahil may extra pang cookies at pasalubong para kay Gelo.
Ang anak ko ang sumasalo sa pagka-miss ng staff ng MonKho sa mga anak nila.
Yung kuryente, nagulat na lang ako na bayad na. Kaya yung bill na lang sa tubig ang binayaran ko nitong nakaraang dalawang buwan.
Nag-withdraw ako sa isang ATM.
Ewan ko, bigla akoong kinabahan habang hinihintay ko ang perang lumabas sa machine. Kinapitan ko agad ang kamay ni Gelo at nagpalingun-lingon. Pakiramdam ko kasi, may nagmamasid sa amin.
Wala namang kakaiba sa paligid. Hinanap ng mata ko si Kuya Gerry.
Nagtama ang mata namin. Tumaas ang kilay n'ya na tila nagtatanong.
Umiling lang ako.
Mabuti na lang at narito s'ya.
Umalingawngaw sa isip ko ang sinabi ni Sir Mar nang huling gabi ko sa Enrico.
"Bigla kang sasama sa kanya? Ano ito, kakapit ka sa kanila dahil maimpluwensya at mapera--"
Mukhang nagkakatotoo ang mga sinabi n'ya.
Pero kailangan. Malaking tulong kasi sa amin. Naiinis man ako sa ilang asal ni Mike, alam kong lihim akong umaasam na mag-e-extend talaga sila sa bahay ganyang may bago pala silang project dito sa Bataan.
Kaya lang kasi, pwede rin silang lumipat. Sabi n'ya nga, sa ibang bayan. Baka malayo. Hindi naman n'ya sinabi kung aling bayan dito.
"Gelo, isang oras lang ang laro, ha?" bilin ko nung bumibili ako ng mga tokens nya. "Maggo-grocery pa tayo para sa birthday mo."
"Okay po."
Sumusunod lang ako sa kanya kipkip ang may kalakihan komng shoulder bag. May dala kasi akong pamalit damit at kung anu-ano pa para kay Gelo.
Parang gusto ko magsisi na pinasama ko ito kay Mike kahapon. Mga nagbubugbugan ang nilalaro sa arcade. Pero, binawi ko ang iniisip. Kitang-kita na nag-e-enjoy si Gelo. Napapasigaw pa nga kapag nakakatama sa kalaban.
"Aba, aba!"
Napalingon ako.
Si Darcy, kasama ang isang kaibigan.
"Iba na talaga kapag nakakahawak nang maraming pera. Tigil sa trabaho, pasyal-pasyal."
Hindi ko s'ya pinansin.
Kinalabit ako, "Huy, balita ko, nakakarami ka na ah?"
"Ha?"
"Pa-inosente ka pa. Wag ka na nga. Ayan ebidensya nag kaipokritahan mo," turo kay Gelo.
Nakuyom ko ang palad. Buti nakatutok ang anak ko sa nilalaro.
"Darcy, tigilan mo ako."
"Hoy, Kennie! Huwag mo ipagsiksikan ang anak mo kay Engineer. Magkamukha lang sila. Kayo na pareho ang nagsabi na hindi n'ya anak, di ba?"
"Ano bang pinagkakaganyan mo, Darcy?"
"Makati ka kasi. Di ka na nadala na nagkaanak ka high school pa lang. Una, si Mar na boss mo sa Enrico. Tapos si Mike. Ano yan? Nakahanap ka nang sasalo sa anak mo kasi kamukha at mas mayaman?"
"Di mo alam sinasabi mo."
"Hello! Alam nang buong sambayanan kalandian mo, gurl!" sarkastikong sabi.
Napahagikhik ang kasama nito.
"Excuse me," si Kuya Gerry, lumapit na. "Huwag kayo gumawa ng gulo, miss."
"Tingnan mo, bes," sabi ni Darcy sa kaibigan. "Bagong boyfriend?"
"Bodyguard," seryosong sagot ni Kuya.
"Oh!" maarteng nagtakip ng bibig. "Tsk! Tsk! May ganun talaga? Iba ka, Kennie. Kaya pala sinasamantala mo na naroon sina Mike sa inyo."
Tapos malisyosa ngumiti tapos inilapit ang mukha sa akin at mahinang sinabi, "Alam ko, masarap humalik si Mike pero, kumusta s'ya sa kama?"
Di ko napigilang itulak s'ya, "Ang bastos mo!"
"Wow! Look who's talking! Teka, ano ba?!"
Hinawakan na ito ni Kuya Gerry sa braso, "Kapag di ka pa umalis, tatawag ako ng guard at kakaladkarin ka namin palabas."
"Bitaw nga! Aalis na ako!" pero bumaling uli sa akin at nanduro. "Samantalahin mo na ang pagkakataon mo, Kennie. Kapag nagsimula nang i-reconstruct ng MonKho ang property namin, hindi ko na pakakawalan si Mike!"
Napamata ako dito.
"Hindi mo alam?" tapos ngumisi. "Kabahan ka na!"
Sabay tumalikod.
Di agad ako nakakilos.
"Ma'm, ayos ka lang?" tanong ni Kuya Gerry.
"O-oo," nanginginig na kinuha ko ang isang bottled water sa bag ko.
Kinakalma ko ang sarili. Hindi talaga ako masanay sa mga ganitong komprontasyon.
"Dala n'yo ba inhaler n'yo?"
"Ha?"
"Baka kasi hikain kayo," tipid na ngiting sagot ni Kuya Gerry.
"Hindi. Ayos lang ako."
"Dito na lang ako. Para di na uli lumapit yun sa inyo kapag tinoyo."
Kasama na rin namin s'ya sa paggo-grocery. Ang dami kong pinamili kaya tumulong na rin ang lalaki sa pagbubuhat.
"Dami nito, ah," magaan n'yang komento nung isa-isa na naming nilalagay sa trunk ng taxi.
"Birthday ni Gelo sa isang araw. Maghahanda kami nang maagang hapunan. Invited ka."
"Sige ba. Di ka umorder ng cake?"
"Pagkagaling ko na lang sa school sa mismong birthday."
Pagdating sa bahay, nagtaka ang mga staff ng MonKho.
"Bakit ang dami naman, Ma'm Kennie?"
Sinabi ko sa kanila.
Tuwang-tuwa ang mga ito. Hinihiritan ang assistant ni mike at si Foreman na maaga silang pauwiin sa birthday ng anak ko.
"Sasabihan ko si Boss," ang sagot. "Pero malamang yung mahusay lang magluto ang papayagan para tumulong."
Palakpakan sila.
Naging magaan ang atmospera nang gabing yun, lalo pa at tumawag si Miss Quintos na ngayon n'ya lang ginawa.
"Ms. Dayrit, may homework sina Gelo. Send ko na lang sa FB mo."
"Um, sige," binigay ko ang FB name ko. "Salamat."
Natuwa ako sa ginawi ng babae. At least, mukhang sincere naman sa paghingi ng tawad.
Kinabukasan, naging abala ako sa school. Nagtanong ako sa mga classmates ko tungkol sa na-miss out ko kahapon dahil sa pag-absent.
Tumawag ako kay Nanay mila na male-late ako sa pagsundo kay Gelo, ganun din kina Foreman.
Alas-otso na kami nakatapos sa ginagawa. May reporting kaming tinapos ng groupmates ko para bukas.
"Paano ang OJT mo, Kennie?" tanong nang isa kong classmate. "Balita namin, di ka na raw pumapasok sa Enrico."
Ito na nga ba ang sinasabi ko.
"May nagsabi sa amin na di naman talaga scope ng kurso natin ang trabaho mo dun," usyoso nung isa.
"Uhm, kaya nga ako umalis," sabi ko na lang.
"Mahahabol mo ba ang required hours? Marami nang inaasikaso at hinahabol ang mga katulad mong graduating."
"Ako na bahala dun. Huwag n'yo na yung problamahin. Kayo, dapat maghanap nma rin kung saan kayo mag-o-OJT ngayon pa lang. Para di kayo magahol sa oras."
Mga fourth year kasi ang mga ito. Alam nilang mga back subjects lang ang kinukuha ko ngayon para maka-graduate ako nang October.
"Saan ka nag-o-OJT? Baka pwede mo kaming i-rekomenda?"
Alam ko na sumasagap lang ng balita ang mga ito sa akin.
"Uhm, itatanong ko dun sa boss dun. Ano, sige. Kailangan ko nang umuwi."
Tumalikod na ako na hindi hinihintay ang mga sagot nila. Ayoko sa mga huwad na pag-aalala.
Bago mag-alas-nueve ko na nasundo si Gelo.
"Tapos na ang homework n'yan," sabi ni Estrel. "Musta sa school?"
"Ayos lang."
"Parang hindi."
Sinabi ko sa kanya ang nangyari kanina.
"Hmp! Hayaan mo sila. Mga tsismosa!" inis na sabi. "Dito ka na kumain. Tapos na kami pati si Gelo."
Patapos na akong kumain nang may mag-Tao po.
"Susunduin lang namin yung mag-ina. Gabi na kasi," ang sabi nang dalawang taga-MonKho. "Hindi kami sanay na ginagabi sila sa labas."
Natawa sina Nanay, "Oh sya! Patapos na kumain."
"'Nu ba 'yan, Kennie! Kakainggit ka naman. May bodyguard na sa labas, may sundo pa!" natatawa rin si Estrel.
"Oy, bukas ha?" paalala ko.
"Oo. sure na yun. Half-day lang ako sa office.Sabay kami ni Nanay pupunta."
Kahit ako excited.
Di ako mapakali hbang nasa klase kinabukasan. Tingin ako nang tingin sa oras.
Bibili pa ako ng cake at ice cream ni Gelo kaya nag-text ako kina Estrel na pumasok na lang sila sa bahay kapag wala pa ako. May kopya naman sila ng susi.
Papunta na ako sa sakayan ng dyip nang mag-ring ang phone ko.
Si Mike!
Nag-alala ako. Hindi kaya sila makakapunta?
Madi-disappoint si Gelo.
"Hello?"
"On the way na sina Mommy. Nasaan ka na?"
"Uhm, kakalabas ko lang sa campus. Ano, Mike, malapit na ba sila?"
"Mga two hours pa yun bago dumating. Bakit?"
"Ah, sige. Ano kasi, bibili pa ako ng cake at ice cream."
"Don't bother. Sabi ni mommy, umorder na s'ya. Ako na bahala sa ice cream. Umuwi ka na."
Di na ako nakasagot. Dila tone na ang kasunod.
Napanguso ako. Parang tatay kung makautos!
Marami nang nahiwang rekado sina Estrel at Nanay Mila pagdating ko. Maya-maya lang, apat na staff ng MonKho ang dumating para tumulong.
"Natutuwa ako," sabi ni Nanay mila habang abala kami sa pagluluto.
"Bakit po?"
"Parang dati lang. Nakaka-miss kasi."
Napangiti ako.
Totoo naman.
Naalala ko na isa si Nanany Nila na nagboboluntaryong tumulong kina Mama sa pagluluto kapag maraming bisita. Parang bayanihan. Hindi nagpapabayad ang ilang tumutulong sa loob n bahay namin. Kapag nakakain na at nakalinis, nagpapaalam na sila sa mga magulang ko para umuwi.
Ganun nila kamahal si Papa bilang vice-mayor dito.
Tapos na kaming magluto at hinahanda ang mga pagkain sa mesa nang magsabi si Kuya Gerry, "Ma'm Kennie, may bisita kayo."
Ang una kong nakita ang ang mga naghahabaang leeg ng mga kapitbahay namin sa kanilang mga bakuran. Saka napansin ang nakahintong mamahaling SUV sa kasing-taas kong gate.
Napangiti ako nung makilala ko ang sasakyan kaya, "Gelo, halika! May bisita ka!"
Binitiwan n'ya agad ang tablet n'ya at bumaba sa set.
Saktong pagbungad n'ya sa pinto, lumabas sa SUV sina, "Tita Mommy! Tito Daddy!"
Tumakbo si Gelo. Siya ang nagbukas ng gate.
Binati agad nila ang anak ko at hinalikan sa pisngi, matapos magmano sa kanila.
"Tita Dolly, ipasok na lang sa loob yung sasakyan," sabi ko.
"Ako na, Ma'm Kennie," sabi ni Kulot naung makitang binubuksan ko ang malaking gate.
Nagpasalamat ako dito at pinuntahan ang mga magulang ni Mike na nakatayo lang sa may labas ng pinto.
"Pasok po kayo."
"Sandali lang. Naroon pa ang regalo ko sa birthday boy," natatawang sagot ni Tita Dolly. "Ilalabas nung driver at bodyguard."
Yung cake yun, sa palagay ko.
Nang mai-park na ang sasakyan sa loob ng bakuran, halos malula ako nang ilabas ang cake.
"WOW!" tuwang-tuwa na naman si Gelo. Patalun-talon pa. "Akin yan po?"
Malaki yung cake na natatampukan sa ibabaw ng edible staute ng batang lalaki na kaedad ni Gelo tapos may hawak na gitara. Kita yun dahil transparent ang mga gilid ng box.
"Ako yan po, di ba? Di bapo?" excited na sabi ni Gelo nung idaan sa harap namin yung cake.
"Oo. Pinagawa ko talagang kamukha mo. Regalo ko yan sa iyo," sabi ng babaeng Montecillo. "Teka, kinukuha ni Tito Daddy yung regalo n'ya. Nakaharang kasi yung cake."
Isang may kalakihang box ang hinugot ng daddy ni Mike mula sa likod ng SUV.
Di pa man nahahawakan ni Gelo, tumatalon at pumapalakpak na ito.
"What's wrong with your neighbors?" may bahid na inis sa tinig ni Tita Dolly.
"Po?"
"Ako ba ang iniirapan ng mga yan? Excuse me, makinis pa siko ko sa kanila!"
Napapahiya man, natawa pa rin ako sa sinabi n'ya, "Pasensya na po. Huwag n'yo na lang pansinin, Tita. Pasok na tayo sa loob."
Pagdating sa sala,nagungulit agad ang anak ko, "Pwede ko na po buksan legaro ni Tito Daddy, Ma?"
"Sige lang."
Muntik na naman ako mapa-'Diyos ko!' nang makita ang laman nun.
Kaya pala malaki. Lego Creator playset!
Libo ang halaga nito!
Hind matapos ang kaka-'Wow!' ni Gelo.
Inistima ko ang mag-asawa. Tapos pinakilala ko sina Estrel at Nanay Mila.
Nagsisimula nang magdilim nang magdatingan ang mga tauhan nina Mike.
Nagbigay galang sila sa mga magulang ni Mike.
Natuwa ako na nag-effort ang mga ito na mag-chip in para magbigay ng ireregalong mga laruan sa anak ko.
Iba pa ang regalo ng assitant engineer ni Mike.
Halos hindi na kami pansinin ng celebrant dahil sobrang busy s'ya sa mga bagong laruan.
Tingin ako nang tingin sa oras. Wala pa si Mike.
Tinawag ni Kuya Gerry ang atensyon ko at pasimpleng nagsabi, "May bisita."
Napaisip ako kung sino habang papunta sa pinto. Wala naman akong ibang inimbitahan.
Si Sir Mar ang nakita kong nakatayo sa labas ng pinto!
Awkward man, tinawag ko si Gelo. Nakita ko kasing may dalang regalo ang lalaki.
"Happy birthday, Gelo Boy!" bati n'ya sabay abot sa dala.
"Tengk yu po!"
Tapos iniwan agad kami bitbit sa regalo na pinupunit agad ang balot.
"Mga bata talaga," kaswal na sabi.
Alam ko, pinapawi n'ya lang ang pagkailang namin pareho. lalo na s'ya dahil nakatingin sa direksyon namin halos lahat ng tao sa loob ng bahay.
Tumikhim ako, "Paano mo nalaman?"
"Narinig kong usap-usapan sa Mang Donald's. Nabanggit yata nung isang tauhan dito nung kumain sila kahapon," tapos nagbuntung-hininga. "Hindi n'yo ako inimbita. Kaya inimbita ko na ang sarili ko."
Bakas ang tampo sa mata n'ya.
Ang awkward talaga!
"Uhm, ano kasi. Yung nangyari nung nakaraan sa inyo dito at sa Enrico..."
"Si Gelo ang may birthday. Kayo ni Gelo ang ipinupunta ko dito, hindi naman sila."
"Pasok ka. Kain ka muna," pag-iiba ako.
Walang imik s'yang sumunod s akin. Saglit na nabawasan ang pag-iingay ng mga tauhan ng MonKho. Yung iba itinago ang asar sa lalaki sa pagpunta sa likod.
Pinakilala ko kay Tito Pablo na tumaas ang dalawang kilay nang sabihin ni Sir Mar na manliligaw ko s'ya.
"Oh, I see..." ang komento ng lalaking Montecillo.
Napalingon kami sa may pinto dahil may humintong sasakyan, tapos bumusina nang dalawang ulit.
"Si Tito Mike!" sabi agad ni Gelo na tumakbo sa pinto.
Kabisado na nito ang gawi ng lalaki.
Napasunod na ako.
Ayun na nga ang lalaki pababa ng kotse.
"Tulungan n'yo 'ko," sabi sa ilang tauhan n'ya na doon kumakain sa lumang garden set namin sa gilid ng bakuran. "Kunin n'yo yung ice cream."
"Ayun!" tuwang sabi nina Tolits.
"Tito Mike! Tito Mike! Tingnan mo po, oh!" excited na salubong Gelo, hawak ang fire truck na laruan at Lego na ginawa n'yang parang building.
Naiwan ako sa labas lang ng maindoor.
Kinarga agad ito ng lalaki, "Wow naman! Regalo ito ni Tito Daddy, di ba?" turo n'ya sa Lego.
"Opo. Tas ito po, si Tito Mar!" tukoy sa fire truck.
Napakagat-labi ako nung pabiglang napatingin sa akin si Mike, kunut na kunot ang noo.
Pagdaan nila sa akin,"Nice one, Kennie," sarkastikong parinig nito sa akin.
Kinakabahan tuloy ako.
"Huwag kang mag-alala. Sinabi ko na sa iyo, hindi ko na 'yan aawayin sa harap mo. Basta umayos lang s'ya. So, chill."
Napabuga na lang ako ng hangin sa bibig.
Obvious na nagpipilit na gawing maaliwalas ang atmosperana ng mga naroroong nakakaalam sa nangyaring gulo sa pagitan ni Mike at Sir Mar.
Walang kamalay-malay ang mag-asawang Montecillo.
Si Estrel at yung assistant engineer ang abala sa pagkuha ng mga picture.
Nakalimutan ko na ang pagkailang nung pagkatapos mag-blow the candle, sabihin namin kay Gelo na mag-wish.
"Ito pinakamasaya ko pong berdey. Teng kyu po kay Mama ko, tsaka sa lahat sa inyo po. Sana ganito lagi pag-berdey ko..."
Naluha kami sa sinabi n'ya.
"E di tuwing birthday mo, ganito," sabi ni Mike. "Yun ba ang wish mo?"
Umiling si Gelo.
"Eh ano?"
Kumagat s'ya sa labi tapos tumingin sa akin, "Sana po, malaki na agad ako po."
Napatakip ako sa bibig. Alam ko ang gusto n'ya.
"Bakit naman? Masarap kaya maging bata," sabi ni Tita Dolly.
"Gusto ko na po malaki na ako para pede ko na makita ang Papa ko," tapos tumingin uli sa akin.
Tumulo na ang luha ako. Napahikbi ako.
Natahimik kaming lahat. Kahit ang mga taga-MonKho.
"Hey..." inakbayan ako ni Mike.
May tumikhim sa pinto. Si Kuya Gerry, "May bagong dating. Bisita rin yata."
Mabilis kong pinalis ang luha sa mata ko.
"May iba ka pa bang inimbita?" si Estrel.
Umiling ako.
"Tuloy po kayo," narinig kong sabi mula sa labas nangisang taga-MonKho kaya humakbang na ako papunta sa pinto.
"Gelo, halika. Bisita mo yata," tawag ni Mike.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Kuya Gerry. Hindi ko yun pinansin.
Pero napahinto ako sa gitna ng sala nang bumungad ang bagong dating.
Nanginig ang tuhod ko.
"W-william..." kusang lumabas yun sa bibig ko.
"Roqueña," tawag n'ya sa akin.
Umiling ako. "P-please...wag..." pabulong kong sabi.
Di ko intensyon yun para sa kanya, kundi para sa mangyayari kung anuman ang sasabihin n'ya ngayon.
"...gusto kong makita ang anak ko."
===============
NGANGA, mga chichi!
================
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro