Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14 Calm Down



"A-ayos lang kami," pilit kong kinakalma ang boses ko pero kay Gelo ako nakatingin.

Ayokong titingin s'ya sa lalaki kaya ikinulong ko ang mukha n'ya sa palad ko para sa akin lang s'ya titingin.

"Mama, nidudugo po."

"I'm really sorry," nag-squat ang lalaki paharap kay Gelo. "Ito, gamitin mo."

Humugot pa ito ng panyo para sa sugat ng anak ko.

Napatayo ako bigla sabay karga kay Gelo.

"H-hindi na. Okay lang. Sige," sabay lakad papalayo.

"Wait, miss!"

Hindi ko pinansin. Diretso ako sa paglayo.

Dumadagundong ang dibdib ko.

"Mama, yung tablet ko po, nibitawan ko."

"Ha?"

At otomatikong napalingon ako. Isang maling galaw.

Pareho kaming napaharap mag-ina sa lalaki na sumunod pala sa amin. Hawak nito ang tablet ni Gelo.

At nabasa ko sa mukha niya ang ayaw kong mangyari.

Rekognisyon... at pagkamangha!

Mabilis kong itinago ang mukha ni Gelo sa leeg ko bago pa mapatingin sa anak ko ang lalaki.

"Honey...?"

Pareho kaming napatingin sa babaeng lumabas sa aisle na pinanggalingan nito.

Lalong nanlaki ang mata ko sabay talikod.

Diyos ko! Diyos ko! Huwag po!

Naiiyak na ako sa isip habang naglalakad palabas sa appliance store.

"Ma, yung tablet ko—"

"Hayaan mo na!" matigas kong sabi kay Gelo.

Natensyon ang katawan ng anak ko. Hindi ito sanay na ginagamitan ko nang ganoong tono.

Naramdaman ko ang pigil n'yang hikbi.

Nakaramdam agad ako ng guilt at awa pero hindi ito ang tamang oras.

Mas dapat na makalayo kami dito ngayon!

"Kennie!"

Mike, huwag mong isigaw ang pangalan ko! Gusto kong ibulyaw sa kanya.

Saglit akong lumingon sa kanya at tinuro ko ang direksyon papalayo tapos lakad uli.

Humabol si Mike.

"Kennie, ano'ng nangyari?"

"A-ano, magsi-CR lang kami. Huhugasan ko ang sugat ni Gelo."

"Sugat? Saan? Bakit?"

"SA siko lang. Naano s'ya dun sa loob," mabilis kong sagot sabay lakad uli.

Nakita ko na parang nagtatanong yung babae sa lalaking nakabangga kay Gelo. Lamang, halatang ikinubli ng lalaki ang tablet sa hawak na laptop bag.

"Namumutla ka."

"Hindi, ano, kailangan ko ring magbanyo."

"Nabili mo na ba?" pag-iiba ko sa usapan.

Nahalata ni Mike kaya pinigilan ako sa braso, "Kennie, what's wrong?"

Sa gilid ng mata ko, umalis yung babae tapos lumingon uli sa amin yung lalaki at nagsimulang humakbang sa direksyon namin.

Nataranta ako.

"Nasa'n ang inhaler mo?" biglang tanong ni Mike.

"Ha?" isang kataga pero ang hirap sabihin kasi,

"You're having an asthma attack, damn it!"

"Sa CR na," pilit ko sabay lakad uli.

"Akina si Gelo."

"Ako na."

"Kennie!"

Pinili kong mas bilisan ang paghakbang kaysa ang pansinin pa ang matigas na tono ni Mike.

Kalma, Roqueña! Hindi pupwedeng dito atakihin.

Kausap ko sa sarili.

May ilang tao sa ladies room.

Paupo kong nilapag si Gelo sa lababo. Tapos dumiretso ako ng tayo sabay hinga nang marahan at malalim.

"M-mama...?"

Napadilat ako at tumingin kay Gelo.

Nakatitig s'ya sa akin gamit ang matang mamasa-masa sa luha.

"Tsk!" sabay hinaplos ko s'ya sa ulo. "Sorry, anak."

Marahan pa rin akong humihinga nang malalim para tuluyang guminhawa ang paghinga ko.

"Okay lang po. Nihihika 'kaw po eh."

Lihim akong nalungkot sa pagkakaunawa n'ya sa nangyari.

"Kennie...? Ayos ka na ba? Si Gelo?"

Si Mike, tumatawag mula sa labas.

"Oo, sandali lang."

Saka ko hinugasan ang sugat ni Gelo. Ginamit ko ang panyo ko para ibalot sa siko n'ya na may sugat.

"Sigurado kang ayos ka lang?"

"Oo nga."

"Wait for me here. I'll just get my card and the receipt back there."

Nagkaroon ako nang mas mahabang oras para magpakalma. Nariyan naman si Mike at Kuya Gerry. Hindi s'ya basta makakalapit.

Isa pa, hindi rin n'ya basta-bastang iwan ang asawa para lang sundan kami.

Ang malaki kong piniproblema ay kung ano ang susunod n'yang hakbang sa mga susunod na mga araw.

Ibinaba ko si Gelo sa lababo nang umungot ito na manunubig.

Naghilamos ako habang nasa loob s'ya ng cubicle.

Habang inaayos ko ang pagkaka-tuck in ng polo ng anak ko sa maong short nitong suot, ang daming gumugulo sa isip ko.

Kennie, ano'ng gagawin mo? Maaring makuha sa iyo si Gelo. Hindi lang pera at impluwensya ang meron sila kundi--

"Kennie, hindi pa kayo tapos?" si Mike, nakabalik na.

"Palabas na," hinawakan ko na si Gelo sa kamay.

Isang huling buntung-hininga bago kami lumabas.

Napansin ko man ang pag-aalala sa mukha ni Mike na agad napalitan ng relief pagkakita sa amin, mas inuna ko ang pasimpleng tumingin sa hallway na iyon kung naroon s'ya.

Nakahinga ako nang maluwag.

"Umalis na sila nung kasama n'ya," kaswal na sabi ni Mike.

"Ha?"

Nanlaki uli ang mata ko nang iabot sa akin ni Mike ang tablet ni Gelo.

"S-salamat," pilit ko mang gawing kaswal, pero nanginig ang boses ko.

Hindi ako tumitingin kay Mike. Hindi dahil ayokong kumpirmahin ang pagtatanong sa mata n'ya kung mayroon man, kundi kahit walang tanong, may makukuhang s'yang sagot sa mukha ko.

"Wow! Nakuha mo po, Tito?!" biglang sumigla ang boses ni Gelo.

Tinapik at hinaplos ito ng lalaki sa ulo.

"Si Kuya Gerry. Kinuha n'ya dun sa ..." tapos tumikhim. "...lalaking nakabangga sa iyo."

Nakuyom ko ang palad.

Nagkaharap ba silang dalawa? O may sinabi si Kuya Gerry dito?

"Tara, uwi na tayo. Magsasaing pa si Mama mo para sa hapunan."

Di kami nagkikibuan hanggang pag-uwi.

Medyo nakaluwag sa isipin ko na hindi naman nagtanong si Mike. Wala rin akong nakitang pagbabago sa kilos n'ya hanggang maghapunan kami kasama ang staff ng MonKho.

Kaswal itong nagbilin sa mga tao n'ya na bukas dadating ang mga biniling washing machine.

"Automatic ang mga yun. Gawan n'yo ng paraan na magkaroon ng sariling tubo ng tubig pareho," tapos tinanong ako kung saan pwedeng ilagay.

"Sa ano," medyo nailang ako. Hindi ko inaasahan na bigla n'ya akong kakausapin."...sa labahan na lang din sa likod."

"Alright."

Nagbigay s'ya ng pera sa assistant engineer n'ya. Maliban sa PVC pipes at bagong outlet ng kuryente, pinagagawan n'ya nang bagong patungan ang mga washing machine at extension ang bubong sa likod para hindi mababasa. hindi man s'ya bumili ng tumble dryer, malalaki ang mga industrial washing machine na kinuha n'ya.

"Gelo, isang oras lang ang lesson n'yo ni Tito Mike ha? May school ka pa bukas," bilin ko pagkatapos ko s'yang linisan at palitan ng pajama.

Tapos na ko na rin s'yang turuan ng assignments n'ya.

"Opo," excited na sagot bago lumabas ng kuwarto, bitbit ang gitara n'ya.

Hindi ko napansin ang oras sa dami ng homework at aaralin ko. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng maraming oras para mag-aral. Kadalasan, nakakatulugan ko ang mga paperwork ko o binabasa. Sa jeep o kapag breaktime ko lang naitutuloy dahil may pasok ako noon sa Enrico. Kaya nga kadalasan, average lang ang nakukuha kong marka. May pasang-awa pa nga.

Ayaw mang tanggapin ng pride ko, ipinagpapasalamat ko ang dagdag na oras ko sa university at kay Gelo dahil kay Mike.

Hanggang mapatingin ako sa oras. Lampas alas onse na ng gabi.

Nagmamadali akong lumabas ng kuwarto.

Patay na ang ilaw sa sala at kusina. Yung antique na lampshade na lang sa dining ang bukas.

May ilaw na nanggagaling sa dating opisina ni Papa na gamit ngayong kuwarto ni Mike. Nakaawang ang pinto nun.

Naku, talaga si Gelo! Ito naman kasing si Mike, kinukunsinti.

Magaan akong humakbang papunta roon. Sumilip.

Si Gelo, tulog na sa kama. Nasaan si Mike?

May nagtakip sa bibig ko.

Papalag sana ako pero nakilala ko ang boses at amoy ni Mike pagbulong n'ya.

"Ssshhh..."

Bigla akong kinabahan.

"Pumasok ka sa kuwarto ko. Doon muna kayo ni Gelo."

"B-bakit?" bulong ko pabalik.

"Basta. Mamaya ko na ipapaliwanag."

Di na ako umangal nang mahina n'ya akong itinulak papasok.

"Don't open the door if it's not me or Gerry."

Lalo akong natakot sa sinabi n'ya. Bago pa ako makapagsalita, naisara na n'ya ang pinto.

Nangangatog ang tuhod ko na lumapit kay Gelo. Nahiga ako sa tabi n'ya sabay yakap dito.

Kumikilos na ba s'ya? O may kaugnayan pa rin ba sa sunog at nanloob dito?

Nakikiramdam ako sa paligid. Kasabay nang pagpapakalma sa sarili. Nasa kuwarto namin ang inhaler ko.

Tahimik naman.

Pero ang tagal bumalik ni Mike.

Napadilat ako nang may narinig akong parang nagtatalo.

Maliwanag na!

Napabalikwas ako. Tulog pa rin si Gelo. Pero wala si Mike!

Pagtingin ko sa wall clock, pasado alas-seis ng umaga.

Nagmamadali kong tinakpan ng unan ang tenga ni Gelo at lumabas ... para matigilan.

Si Sir Mar, nasa sala malapit sa main door.

Siya ang kasagutan ni Mike!

At pareho silang napalingon sa akin dahil katapat ng sala ang opisina ni Papa!

Kitang-kita ang paglatang ng galit sa mukha nang dati kong bisor.

Namula ang mukha at leeg. Kuyom ang palad.

Kunont -noo naman si Mike na bumaba ang mata sa dibdib ko.

"Bumalik ka sa loo-"

Impit akong napatili dahil napaupo na si Mike. Sinuntok s'ya ni Sir Mar.

Dadaluhan ko sana si Mike kaya lang mabilis s'yang nilapitan ni Sir Mar. Pero sinipa n'ya ang lalaki.

Bumalandra si Sir Mar sa main door.

Umawat agad ang mga staff ng MonKho na naroroon lang sa sala at iba sa labas ng main door.

"Putang ina ka, Montecillo!" galit na mura ni Sir Mar.

"Tang ina mo rin!" sagot pabalik ni Mike. "Gago ka, susugud-sugod ka dito!"

Inilapat ko ang pinto ng kuwarto. Baka magising si Gelo!

"Kaya pala," gigil na sabi ni Sir Mar. "Hindi ko akalain, Kennie! Sana sinabi mo na lang sa akin!"

"Ha?! Ano'ng --"

"Yan ang kapalit ng luhong natatamo mo at OJT certificate?" disgustong n'yang sabi.

Saka ko napagtanto ang ibig n'yang sabihin. Alam ni Sir Mar na si Mike ang gumagamit sa dating office ni Papa bilang tulugan.

Para akong sinampal sa sinabi n'ya. Nangilid agad ang luha sa mata ko.

"Hindi ka seseryosohin nito!" galit n'yang duro kay Mike.

"You disrespectful fucking bastard!" sigaw ni Mike.

Lalong hinigpitan nina Foreman ang hawak sa dalawa dahil magsusuguran na naman.

"Tangna ka, Belmonte! Hindi mo alam ang mga nangyayari ngayon dito. Paduduguin ko yang bastos mong bunganga!"sigaw uli ni Mike.

"Alam ko na. Ngayun-ngayon lang!" tapos dumura ito sa sahig. "Tangna, Kennie! Hindi ako nakinig sa mga usap-usapan dito tungkol sa iyo. Pero ngayon, mismong mga mata ko na--"

"Ay gago ka!"napamura ang isang staff ni Mike.

Hindi na natapos ni Sir Mar ang sasabihin. Sinuntok ito nang nagmurang staff. Pati yung dalawa pa na may hawak sa kanya, nakisuntok at sipa na rin.

"Bastos ka!"

"Tarantado!"

Puro mura ang narinig ko. Tapos ang paisa-isang daing ni Sir Mar.

"Tama na! Tama na, pakiusap!" napatili na ako.

Humugos na ang mga staff ng MonKho para umawat. Nagulat ako na pati si Kuya Gerry, nasa loob na rin para umawat.

May braso na umakbay sa akin nang mahigpit. Si Mike.

Kinupkop ako paharap sa kanya.

"Yung inhaler! Kunin n'yo ang inhaler ni Kennie!" bigla n'yang utos.

Pumipito na pala ako sa bawat hugot ng hangin.

"Breathe slowly! Slowly, damn it!" paulit-ulit na sabi ni Mike.

"Boss, nasaan?"

"Tingnan n'yo sa kuwarto nilang mag-ina!"

Lahat sila napatigil. Sa nanlalaki kong mata, nakita ko si Sir Mar na nanghihinang napaupo sa sahig, pasandal sa dingding. Putok ang kilay at may dugo sa labi.

"Calm down, Kennie! Putang-ina! Nasaan na yung inhaler?!"

Napatingala ako kay Mike. Pinupunasan n'ya ang luha ko sa mata.

Tapos kinulong ang mukha ko sa palad n'ya.

"Please, please! Calm down," mas mahinahon na n'ya sabi. "Gayahin mo ako huminga. Sabay tayo."

Isinandal n'ya ako sa pinto ng kuwarto n'ya para tumuwid ako ng tayo. Hawak n'ya pa rin ang magkabila kong pisngi.

"Slowly... slowly...inhale through your nose, then out to your mouth," bulong n'ya na magkalapat ang noo namin. "Sumabay ka lang sa paghinga ko."

"Kalma lang...I'm sorry... Just , please. Kumalma ka," naroon ang pakikusap sa boses.

Pumikit ako habang sinusundan ko ang paghinga n'ya. Nakakaduling kasi na halos magkadikit na ang mukha namin. Sinusundan ko na lang ang ritmo ng paghinga n'ya base sa hanging tumatama sa mukha ko galing sa bibig n'ya.

"Boss, ito na ang inhaler!"

Hindi kami tuminag ni Mike.

Mas naka-focus kami sa paghinga naming pareho.

May tumikhim, "Engineer, ang inhaler ni Ma'm Kennie."

Saka kami parang natauhan. Kinuha n'ya.

"Ito, gamitin mo."

Umiling lang ako, "H-hindi na. K-kaya ko na."

"Sigurado ka?"

Tumango ako.

Inilapit n'ya ang bibig sa tenga ko at bumulong, "Hindi na kami mag-aaway. Just go back inside."

Umiling ako.

"Go inside," mahinang giit n'ya. "Your proud titties are protruding on that thin sleepwear."

"Ha?"

"Tss. Wala kang... wala kang bra," gigil-bulong n'ya.

Nanlaki ang mata ko. Bigla kong iniyakap ang braso sa sarili. At kahit di s'ya nakatingin sa dibdib ko, namula ako.

Kaya pala n'ya ako pinapapasok kanina, at ngayon ay tinatakpan sa mga lalaking naririto ngayon.

"Jesus," anas n'ya. "Go!"

Nagmamadali akong bumalik sa kuwarto n'ya.

Tulog pa rin si Gelo pero iba na ang puwesto.

Natatarantang umikot ang mata ko sa loob ng kuwarto hanggang makita ang hinahanap ko.

Ang tuwalya ni Mike.

Agad kong ibinalabal sa akin tapos naupo sa kama.

Naririnig ko ang usapan nila, pero gaya kanina, hindi ko mawawaan.

Medyo sound proof ang mga kuwarto dito dahil gawa sa narra at mahogany ang mga dingding at pinto.

Maya-maya, may narinig akong umalis na sasakyan.

Ilang minuto uli na may pag-uusap sa sala bago kumatok si Mike.

"I'm coming in."

Kinipkip ko ang tuwalyang nakabalabal sa akin pagpasok ni Mike.

Umangat ang kilay n'ya.

"P-pahiram muna," sabi ko.

Tumikhim s'ya, "Nagpunta si Belmonte para mangompronta dahil hindi ka pumasok kagabi."

Alas-seis ang duty nito. Malamang, nakumpirma nitong di na ako pumasok mula sa receptionist.

"Baka s'ya rin ang napansin naming parang umaaligid dito kagabi."

"Ha?"

"Kaya kita pinalipat muna dito. But there's a possibility na ibang tao. Hindi inabutan ni Gerry. Bigla raw nawala. Tapos may narinig s'yang sasakyang papalayo na."

"Magpapaalam ako nang maayos sa Enrico," sabi ko.

"Alright pero sasamahan kita."

"W-wag na, Mike. Lalong lalaki ang isyu. P-pakiusap naman. Ayoko. Umalis si Sir Mar na g-ganun ang itsura."

"Tss. Tapos itong cut sa labi ko, di mo naisip?" turo n'ya sa bibig.

"Eh... tara. Lagyan natin ng yelo."

"Mamaya na. Pag-alis na ng mga tao ko. Bakit ka ba hindi nagba-bra kasi? Puro lalaki kaming kasama n'yo dito."

Namula na naman ang mukha ko. "Matutulog na nga kasi ako. Hindi na bumalik si Gelo. Nawala sa isip ko dahil hating-gabi na wala pa s'ya. Nag-alala ako."

"Kasama ko, mag-aalala ka? Hinahayaan mo ngang matulog kami n'yang magkatabi."

"Hindi yun ang usapan naming mag-ina kagabi. Bakit ka ba nagtataas ng boses?!" naasar ko na ring sagot.

"Tss."

"M-mama?"

Napalingon kami kay Gelo.

"Nig-aaway kayo po?"

"No!" salag agad ni Mike. "Pinagsasabihan ko lang ang Mama mo."

Napanganga ako sa sinabi n'ya sa anak ko.

"Dadalhan ko na lang kayo ng agahan dito."

Yun lang at lumabas agad s'ya.

Inis na inis ako.

Nakalabas nga lang ako pag-alis ng mga tauhan n'ya na nakabalabal pa rin sa akin ang tuwalya n'ya.

"Hurry up or both of you will be late for school," istriktong sabi.

Napanguso ako.

Feeling ito? Tatay ko s'ya? Namin ni Gelo?

Nakakainis!

Mabilis kaming naligo at nag-ayos mag-ina.

Paglabas sa kuwarto namin, nagtaka ako na naroon sa sala sina Kuya Gerry at Kuya Edmund, yung pumalit dun sa Chito.

"Kennie, mag-uusap tayo. Bigay mo muna kay Gelo yung tablet n'ya. Saglit lang ito."

Dun nila sinabi sa akin na hindi na papalitan si Kuya Gerry dahil, "Parang close-in bodyguard n'yo si Gerry. Dito s'ya matutulog sa bahay lalo na kung gabi. Full-time na s'ya. Si Edmund, gaya pa rin ng dati, kay Gelo sa school at dito sa bahay. Pero kung mag-o-off si Gerry, s'ya ang papalit kay Gerry, then we will get a temporary from Rob's agency."

"Mike, masyado naman yatang--"

Tiningnan n'ya ako nang seryoso at nanliit ang mata.

Di ko na itinuloy ang sasabihin ko.

Hinatid kami ni Mike mag-ina. At pag-uwian, sinundo n'ya ako. Dumiretso kami sa bahay ni Boss Ben para pormal akong magpaalam.

Mas mukhang nasiyahan pa nga ang tusong matanda sa nangyari. Nabawasan ang dahilan para gipitin s'ya ni Mike.

Akala n'ya lang pala yun dahil nag-iwan ng salita si Mike, "I will push through with the lawsuit against your management for negligence reason my staff and I were caught up in that fire if any of you pester Ms. Dayrit or her son. Make sure that your nephew gets that!"

"Bakit mo sinabi pa yun?" sita ko sa kanya nung nasa kotse na n'ya kami papunta kina Nanay Mila para sunduin si Gelo. "Baka si Sir Mar pa nga ang magdemanda dahil binugbog n'yo!"

"Excuse me! I can counter that. He tresspassed and slandered you! S'ya nga ang unang nanuntok. Marami akong witnesses. Kasama ka dun."

Sumasakit ang ulo ko kay Mike!

Bago kami umuwi, bumili pa ito ng mga prutas para kay Nanay Mila. Para matuwa naman daw ang matanda.

Kinagabihan, bumalik si Mike sa Maynila.

Kampante naman ako dahil naroroon si Kuya Gerry.

Minsang nag-abang si Sir Mar sa akin sa palabas sa campus, t-in-ext agad ako ni Kuya Gerry para sa ibang gate dumaan. Ganun din nung si Darcy ang mag-abang.

Hindi ko na pinapansin ang mga tsismis ng mga kapitbahay.

Tila nagkaroon na kaming mag-ina ng sariling mundo kasama ang staff ng MonKho sa loob ng bahay namin.

Lamang, may mga pagkakataong nalulungkot pa rin ako dahil umabot sa campus ang tsismis na naglalandi raw ako sa engineers at tauhan ng MonKho. Hindi ko alam kung saan galing yun.

Napansin ko rin ang pananamlay ni Gelo. Kaya lang, ayaw n'yang magkuwento sa akin kung bakit.

"Kennie, may problema ba si Gelo?" tanong ni Estrel nang minsang isama nila itong magsimba.

"Bakit mo nasabi?" kahit alam ko na ang isasagot n'ya.

"Tahimik s'ya. Hindi katulad dati. Pati si Nanay, napansin yun."

Naiyak ako sa bestfriend ko. Sinabi ko sa kanya ang hinala ko. "Ayaw n'yang magsalita sa akin, Estrel pero baka yun nga kasi."

"Hayaan mo, sasabihin ko ke Nanay, para masabi n'ya sa teacher ni Gelo."

"Baka lalo lang s'yang ma-bully sa school."

"Ano, hahayaan mo na lang na ganun? Lumaban ka naman, Kennie. Huwag kang masyadong mabait at tupi sa mga tao dito."

"Uhm, s-sige. Ako na ang kakausap sa teacher n'ya."

"Totohanin mo 'yan ha?"

"Oo."

Pero, wala naman raw, sabi nung teacher.

Ang napansin ko lang, mas indifferent ang dalagang guro sa akin.

At nang sumunod na linggo na naroon uli si Mike, parang mas lalong nalungkot ang anak ko.

"Kennie, galit ba sa akin si Gelo?" si Mike.

Nasa dining ito kahit mag-aalas onse na ng gabi. Mukhang naghihintay na lumabas ako.

"Ha?"

"Umiiwas sa akin. Hindi nga nagpaturo ng gitara."

Natahimik ako saglit, "Mike...?"

"Oh?"

"Ano'ng oras ang balik mo sa Maynila bukas?"

"Gabi pa. Bakit?"

"Pwede mo bang... ipasyal si Gelo."

"Why?"

"Hindi s'ya nagkukuwneto sa akin. Kahit anong pilit ko. Naalala ko, sa iyo s'ya nagsabi ng saloobin n'ya noon."

"Sure."

Ganun kasimple.

Kinabukasan, pagdating ko mula sa university, wala pa silang dalawa.

Nag-uumpisa na akong mag-alala dahil maghahapunan na, wala pa sila kaya tinawagan ko na si Mike.

"We're bonding and having fun. Chill ka lang. Di ba, ikaw na rin ang nag-request?"

Napangiti ako. Nagsalita na si Gelo ko sa kanya, sigurado ako.

Tama ako. Nagpaturo na uli s'yang maggitara sa binata, kinagabihan.

"Bukas na lang ako uuwi sa Maynila," deklara ni Mike bago kami matulog.

Nalaman ko kung bakit.

"Ihahatid ko kayo ni Gelo. Pero baka ma-late ka sa first subject mo."

"Bakit?"

Ang sagot, nakuha ko sa mismong school ni Gelo.

Direkta kaming nagpunta sa principal's office para ireklamo ang teacher ni Gelo.

Siya pala ang dahilan kaya matamlay ang anak ko.

Pinatawag si Miss Quintos, ang teacher.

Umiyak si Gelo na naglahad na narinig n'ya ang guro na nakikipagkwentuhan sa mga nanay doon tungkol sa akin at ang pagiging putok sa buho ng anak ko.

Naiyak na rin ako.

"Ma'm, bakit naman ho?" sabi ko. "Bata yan. At inaano ba namin kayong mag-ina? Nanahimik na nga lang kami sa buhay namin."

Umiiyak na humingi ng paumanhin ang babae. Ayaw nitong mawalan ng lisensya sa berbal na pang-aabuso kay Gelo dahil galit na nagbanta si Mike,

"Magdemanda ka, Kennie. Susuportahan kita. Kami sa MonKho at nina Mommy."

"Ms. Dayrit, please!" umiiyak na pakiusap uli nung teacher.

Napatitig ako sa kanya. Tapos kay Gelo. Matipid akong ngumiti sa anak ko habang nagpupunas ng luha naming mag-ina.

"Hindi na, Mike."

"What?!"

Napakagat-labi ako, "Humingi na s'ya ng sorry."

"The hell?!"

"Walang pamalit na teacher, Mike. H-hindi lang si Gelo ang mawawalan, kundi ang ibang mga bata, apektado. Isa pa... inaasahan yata ang sahod ni Miss Quintos sa kanila."

"Then she should have acted properly!"

" M'am..." nakikusap na tawag ni Miss Quintos.

Tumikhim ang principal, "Ms. Dayrit, ganito na lang po. Ayoko rin naman pero para fair, suspension na lang."

"Hindi po. Sapat nang humingi n'ya ng paumanhin."

"Mama...?"

Pagtingin ko kay Gelo, halatang naguguluhan na rin ito.

"Anak," hinaplos ko s'ya sa ulo. "Ano ba ng itinuro ko sa iyo?"

Yumuko s'ya at humikbi, "Tatanggap ng sorry po."

"Good," malambing kong sabi.

"Pero, nigagalit ako, Ma. Masakit dito po," hawak n'ya sa dibdib tapos humikbi.

Naitakip ko ang palad sa bibig dahil naiyak uli ako.

"Shit!" narinig kong bulong ni Mike.

"Alam mo kung bakit masakit? Kasi hindi mo pinapakawalan ang galit dyan. Kasi akala mo pagganti ang makakawala nang nararamdaman mong sakit," turo ko sa puso n'ya."Kapag nawalan ng trabaho si Teacher, masaya ka ba na walang magtuturo sa inyong magkakaklase? Yung paghihiwalayin kayo para ilagay sa ibang classroom? Masaya ka ba kung walang sweldo si Teacher tapos magugutom s'ya?"

Humikbi uli si Gelo sabay iling.

"Alam mo ang pakiramdam nang magutom, di ba, anak?"

Tumango si Gelo.

"What?!" bulong ni Mike.

Napakagat ako sa labi. Ayokong ipagsabi yun.

"Ngayon, masaya ba ang gumanti?"

Umiling uli si Gelo, tuloy sa paghikbi.

"Ano ngayon ang gusto mong gagawin natin kay Teacher?"

Naging masinsin ang pag-iyak ng anak ko tapos humakbang palapit kay Miss Quintos.

Huminto s'ya sa tapat ng guro n'ya at yumuko, "Teacher, sorry po. Pinaiyak ko kayo."

Humahagulgol na niyakap ni Miss Quintos si Gelo, "I'm sorry. I'm sorry, Angelo."

"Unbelievable!" paungol na reklamo ni Mike. "Definitely unbelievable!"

=================

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b5yhsmd