13 Hilera
Bitbit ang maliit na travelling bag para sa aming mag-ina, bumiyahe na kami pa-Maynila nang hatinggabi ring yun.
Hindi ko kinikibo si Mike na ayun at tila walang-kwenta sa kanya ang nangyari pati ang pagtatalo namin kanina pag-uwi sa bahay.
Kinapitan ako ni Mike at giniya papasok sa kotse. Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang. Maliban sa shock ako sa mga sinabi n'ya kay Sir Mar, ayokong matakot lalo si Gelo.
Sa likod n'ya ako pinasakay. Tapos,
"Willy, ikaw ang mag-drive," utos n'ya sa bodyguard nya. "Gerry, sumabay ka na."
Nailang ako nung maupo s'ya sa tabi ko kaya kinuha ko si Gelo para ipagitna sa amin.
Nahuli ko ang patagong pag-irap ni Mike.
"Gerry, sabihan mo si Rob na may mga nakakita na sa iyo maliban kay Belmonte. And the receptionist, not sure if those were pics or video she took."
Tumango lang ang lalaki.
Ganyang nakita na s'ya ng guard at receptionist, malamang na papalitan na ito gaya nung Chito. Nung si Sir Mar pa lang kasi ang nakakita kay Kuya Gerry, hinayaan lang nina Mike at Rob.
Saglit lang, nasa tapat na kami ng bahay.
Pinakisuyuan ko si Kuya Gerry na mauna na sila ni Gelo sa loob. Siguradong tulog na sina Foreman dahil maaga ang alis ng mga ito pa-Maynila tuwing Sabado para sa dalawang araw nilang rest day.
"Ano'ng sasabihin mo?" inunahan na ako ni Mike nung nakapasok na sa bahay sina Gelo.
"Bakit mo ako pinangungunahan tungkol sa OJT ko?"
"Why not? Sa nakikita ko, pinagsisiksikan mo ang sarili mo sa isang lugar na ayaw na sa iyo."
"Pinaghihirapan ko ang—"
"I gave you an easy way out!" tumaas nang bahagya ang boses n'ya.
Nabigla man, "H-hindi ko hinihingi."
"I don't care," sarkastiko n'yang sabi. "I'm giving it anyway, whether you like it or not!"
"Masyado ka nang nakikialam sa buhay naming mag-ina!"
"Newsflash, sweetheart! The moment you saved me from that fire, you gave me all the permission to," seryoso n'yang sabi na nilapit pa ang mukha sa akin.
Napaatras tuloy ako. Hinagip n'ya ang pulsuhan ko para ilapit uli ako sa kanya.
"You cannot fight, Kennie. So I will do it for you and Gelo. So you better start learning how to show your fangs."
"Aba't—"
"Not another word, Roqueña," bulong n'ya. "Now that I'm so damned pissed off, you'll regret it, I assure you."
Biglang nagsara ang bibig ko. Para akong natakot nung tawagin n'ya ako sa tunay kong pangalan na ngayon n'ya lang ginawa, tapos sa ganun pa kababang boses.
Kaya di ko na talaga s'ya kinausap hanggang makarating kami sa gate ng village kung saan daw nakatira sinaTita Dolly—
Teka--!
"Mike, akala ko ba nasa ospital si Tita Dolly?"
"Na-discharge na s'ya kanina pang hapon," patamad na sagot.
Ni hindi nga dumilat o inangat ang ulo mula sa pagkakasandal sa backseat. Si Gelo, sa kanya nakayupyop habang natutulog.
"Ano?!"
"Sshh!" saway n'ya dahil gumalaw ang anak ko.
Nanggigil na binulungan ko ito, "Niloko mo 'ko?!"
"Porque ba nakalabas na si Mommy sa ospital, di n'yo na dadalawin? May edad na ang nanay ko. I will give her whatever she asks especially if it's as trivial as taking you two to her. Visiting her is not a biggie for you to do, right? Mas mahirap pa nga ang pagtitiis mong manatili sa Enrico at Bataan," nakapikit pa rin n'yang sabi.
Nanliit ang mata ko sa inis habang nakatitig sa kanya.
Nagpaparinig na naman ito sa isang bagay na wala akong masasabi dahil alam n'yang hindi ako nakikipagtalo sa usaping yun.
Naku, ang sarap pingutin!
Biglang pumaling si Mike sa akin at dumilat, "Ang gwapo ko, 'no?"
Tapos ngumisi.
Umakyat yata ang lahat ng dugo sa ulo ko sa asar.
"Oouuccchhh!" daing n'ya pero tipid na tipid pati ang pagkilos para mapigilang hindi ko lalo mapihit ang tenga n'ya.
Ewan ko. Basta umangat ang kamay ko papunta sa tenga n'ya tapos pinilipit yun.
"K-kennie, magigising si Gelo... aray!" bulong n'yang nakangiwi at hinawakan n'ya ang kamay ko sa tenga nya. "Bitaw at baka masaktan ka kapag pinilit kong alisin yan."
"Nakakainis ka!" gigil-bulong ko ring sabi.
Sa kabila ng pagkakangiwi, nakita ko ang pagkinang ng mata n'ya sabay nang pigil na ngisi sa pinakita kong inis. Kinang at ngisi nang pagkapilyo.
Bigla kong nabitawan ang tenga ni Mike.
Kilala ko ang pilyong ngiting ganun pero kahit kailan ay hindi nakatikim ng pingot sa akin ang isang taong yun na nagmamay-ari nang ganoong ngisi.
Pinagmasdan ko ang paghimas ni Mike sa tenga. Bago pa s'ya makasalita uli, tumingin ako sa dinadaanan namin.
"Sana ganyan ka rin sa naghahamak sa inyong mag-ina tulad nang paglaban mo sa 'kin," sundot ni Mike.
Hindi ko s'ya nilingon. Bigla akong nalilito sa mga nakikita kong pagkakatulad nila ni Gelo.
"Kennie...? Ano'ng problema? Bigla kang nanahimik."
Umiling ako, "Wala."
"Tss."
Tumikhim yung Willy na s'yang nagmamaneho. Naiwan si Kuya Gerry sa Bataan para magbantay sa bahay.
Di na uli kami nag-usap ni Mike.
Sa looban pa ang bahay nila. Inabot pa nang halos sampung minuto bago kami huminto sa harap nang malaking puting gate. Saglit lang, binuksan yun ng security guard at isang palagay ko ay hardinero.
Mag-aalas-kuwatro pa lang nang madaling-araw kaya mga dim lights lang ang nakabukas sa bawat malilit na tore ng sementong bakod. Gayunman, hindi nun naitago ang malaking lote at garden nina Tita Dolly.
Maryosep! Ang yaman pala talaga nila. Tapos piningot ko lang ang anak ng may-ari ng bahay na tutuluyan naming mag-ina ngayon hanggang bukas.
Lihim akong napangiwi.
Napabuga ako ng hangin sa bibig nung bumaba na si Mike, karga ang natutulog pa ring si Gelo.
"Ako na lang. Salamat po," tanggi ko nung akmang kukunin nung hardinero ang maliit kong travelling bag.
"Si Mommy at Dad?"
"Tulog pa, Sir."
"I see."
May isang may edad na babae ang sumalubong sa amin pagbukas ng main door.
"Michael, ke aga-aga mong--"napahinto ito sa pagsasalita nang makitang bitbit ni Mike si Gelo.
"Aba'y kaninong--"nahinto na naman nung makita ako sa likod ng lalaki. "Aba't ... Aba'y mag-ina mo, Michael Angelo?!"
"Naku, hindi po!" tanggi ko agad.
Tumawa ang lalaki, "Si Nanay Rosing talaga, oo! 'Nga pala, Nay, si Kennie--"
Napabuka ang bibig ng matandang babae,"Ikaw si Kennie? Diyos ko po!"
Nagulat ako na bigla ako nitong niyakap, "Salamat, iha! Salamat sa pagligtas sa anak ko!"
"Po?!" nalito ako.
Kumindat sa akin si Mike tapos umiling.
"Ito malamang si Gelo," ang sabi na sinipat ang mukha ng anak ko. "Totoo nga!"
Parang alam ko na ang gusto n'yang ipahiwatig.
"Iha," kalabit sa akin. "Sigurado ka bang--"
"'Nay, hindi! Tumigil kayo ni Mommy," natatawang saway ni Mike. "Akyat na muna kami."
"Sige, sige. Maghahanda ako nang makakain n'yo bago kayo matulog."
Sumunod na lang ako kay Mike.
"Yaya ko si 'Nay Rosing. Di na yan nakapag-asawa kasi di nahintay nung boyfriend n'ya dati. Nag-asawa ng iba. Naging yaya rin ni Michelle," kuwento n'ya papaakyat kami sa hagdan. "Pero sa akin pinaka-close. Sa akin napunta ang pagkasabik sa anak. And at that time, I felt dethroned as the youngest child. Limang taon agwat namin ni Michelle. Nasobrang baby kasi nag-iisang babae."
Tumango lang ako.
"Here, use this room. Pakibukas," ang sabi pagkahinto namin sa dulong kuwarto.
Nilapag n'ya si Gelo sa malaking kama at hinubaran ng sapatos.
Ang hirap ipaliwanag nang nakita kong fondness sa mukha n'ya nung haplusin ang anak ko sa noo dahil nag-ungot ito.
"Sleep tight, angel," narinig ko pang bulong n'ya matapos itong halikan sa noo.
Tumikhim s'ya, "Pwedeng gumalaw, Kennie."
Napapitlag ako.
Naiilang kasi ako. Marangya ang kuwarto. Kumpleto sa gamit mula furitures, TV, vanity mirror, may sariling banyo.
"This used to be the only guestroom we have. Pero naging tatlo na nung mag-asawa ang dalawa kong kuya. Ginagamit nila ang dating kuwarto kapag narito sila with their families, which is..." nagkamot ito sa batok. "Bihira."
"Si Michelle?"
Ngumuso ito, "Travel blogger yun at lagi pang sumasama sa fiance n'yang marine vet . So laging wala dito."
"Ah, so ikaw lang ang laging kasama nina Tita Dolly?"
"Hhmmm... nope."
"Ha?"
"I have condos. I mean a condo. I often stay there."
Naawa akong bigla sa mga magulang ni Mike, partikular kay Tita Dolly. Kaya siguro sabik sa bata. Kasi nagkanya-kanya na ang mga anak.
Naalala ko sina Papa.
Laging nilang sinasabi sa text at tawag na miss na miss na kami ni Ate lamang at dahil sa nangyari...
Nailing na lang ako sa isip.
Ayoko na yung balikan. Lalo lang akong malulungkot.
"Ipapaakyat ko na lang ang pagkain mo dito. Baka magising si Gelo na walang kasama e umiyak."
"Okay."
"Uhm, Kennie?"
"Oh?"
"Please don't mention anything to Mom about her being sick, alright?"
Matipid akong napangiti. Mahal na mahal n'ya talaga si Tita Dolly kahit lagi silang nagtatalo noon sa Bataan.
Tanghali na kami nagising ni Gelo at doon namin nakaharap ang Daddy ni Mike.
Mas kamukha ng lalaki ang ina, pero kuhang-kuha naman ang palalong panga at ilong ng ama.
Akala ko noong una ay istrikto si Tito Pablo.
Naiilang nga ako kasi seryoso n'ya kaming inoobserbahan, kasama si Mike. Lalo na si Gelo.
Kaya lang, nahuli ko ang tagong ngisi nito na puno nang kapilyuhan nung lagyan uli ni Mike ng pagkain ang pinggan namin ni Gelo.
Yung kapilyuhan na nakikita ko sa anak n'ya at anak ko.
Malapit nang sumakit ang ulo ko sa kakaisip lalo na nung magsalita ito.
"Hindi talaga ako makapaniwala, honey," sabi kay Tita Dolly.
"Ang alin, hon?"
"Na... uhm..." tapos natawa nang walang tunog. "Na hindi anak ni Michael si Gelo."
"Dad!" nagulantang si Mike.
"Gelo, nguyain mo nang husto ang pagkain," pag-aalis ko sa atensyon ng anak ko sa usapan.
Tumawa ang mag-asawang Montecillo.
"I mean..." saka ako binalingan. "Kennie, iha. Please don't be offended, alright? Are you sure you and my son never met before?"
"Eh... h-hindi po talaga. "
"Mommy, will strangle your better half for your beloved son, please?" walang emosyong baling ni Mike sa ina.
Palagay ko, mas makulit si Tito Pablo kaysa kay Tita Dolly kung gugustuhin nito. Mas madaling mapikon si Mike sa mga hirit ng ama.
"Nah," kumupas ang may edad na lalaki. "Forget what I said. Though the resemblance is quite remarkable, I'm just teasing you, son."
Natawa na kami kasi nag-ikot ng mata si Mike sa ama.
Matapos kumain, nagtaka ako na walang gamot na ininom si Tita Dolly. Dunko rin napansin na walang bakas ng tusok ng dextrose sa alinmang kamay nito.
Kaya nag-obserba pa ako nung magyaya silang mag-tsaa kami sa lanai sa gilid ng bahay.
Masigla si Tita Dolly. O maaaring dahil natutuwa na narito kami at aliw na aliw kay Gelo.
Ayan nga at nagpapabibo ang anak ko sa kung anong mga itinuro sa kanya ni Mike sa paggigitara.
Hindi ako nakatiis, "Tita Dolly, kumusta po ang kalusugan n'yo?"
Huminto sa ere ang kamay ni Mike na titira sa chess.
Pati si Tito Pablo, napalingon. Gaya ni Tita Dolly, tila nagtataka sila sa tanong ko.
"Uhm, Well... I'm fine. I just had my check up yesterday."
"Ah..." pasimple kong sinibat si Mike nang pailalim na tingin. "Mabuti naman po."
Napatikhim ang lalaki saka patay-malisyang tinuloy ang pakikipaglaro sa ama.
"Why did you ask?"
"Wala lang po."
Di ko magawang komprontahin si Mike. Halatang umiiwas ito.
Bandang hapon, nagyayang mamasyal si Tita Dolly. Hindi sumama ang dalawang lalaki dahil may mga lakad pa raw. Nauna pa ngang umalis sa amin.
Pinagbigyan ko ang babaeng Montecillo. Nagpunta kami sa Enchanted Kingdom para mag-enjoy raw si Gelo.
Kung anu-ano ang binili n'ya para sa bata kahit paanong tanggi pa ang gawin ko.
"Ito, para sa iyo, Kennie," nilapat n'ya ang isang t-shirt na may tatak nang nasabing amusement park. "Para may souvenir kayo."
Si Gelo ang madalas nagra-rides. May ilang pagkakataon na sinasamahan ko s'ya kung kailangan ng adult companion. Masaya na ako na kuhaan s'ya ng pictures. May dalang DLSR si Tita Dolly at yun ang pinagagamit sa akin.
Kahit naiinis ako sa pagsisinungaling ni Mike, nagpapasalamat pa rin ako at the same time.
Masaya si Gelo ko. Tumataginting ang mga halakhak.
Ang makapunta s'ya dito sa murang edad ang isa sa mga iniisip kong gustong gawin lamang ay walang pagkakataon at sapat kaming pera noon.
Kumaway ako kay Gelo nung sumakay na s'ya sa kiddie bump car. Kinuhanan ko uli s'ya ng litrato.
Mamaya, ilalagay ko sa iisang album sa FB ko ang mga narito sa DLSR at mga selfie naming mag-ina kanina sa phone ko.
"Nagsinungaling sa iyo si Michael, ano?" kaswal na umpisa ni Tita Dolly habang pinanonood namin ang pag-e-enjoy ni Gelo.
"Po?"
"Kaya kayo napasama dito sa Maynila."
Napakagat-labi na lang ako at napangiti. "Hayaan n'yo na po. Masaya naman si Gelo."
"Salamat, iha."
"Po?"
"Na kahit di ka namin kadugo, nag-aalala ka sa akin. Na nakaagaw pa ako ng oras sa busy schedule mo."
Di ako nagkomento.
"Na hinahayaan mong ma-enjoy rin ni Michael si Gelo."
"Po?"
"Gaya naming mag-asawa, nami-miss din n'ya ang mga pamangkin."
"Nasaan po ba sila?"
"Sa Cebu at La Union. They're the ones managing some of our hardware branches in those regions."
"Ang layo rin pala."
Malungkot itong ngumiti. "Nilayo sila ng mga asawa nila sa amin."
"Po?"
Nagbuntung-hininga s'ya, "May kasalanan din ako. I didn't like the women my older sons chose. Maybe I was a jealous mother. Nanay ako eh. Sanay na nasa akin ang loyalty ng mga anak ko."
Ngumiti s'ya, "Isa pa, pakiramdam ko, hindi pa handa ang mga napangasawa nila para magpamilya. Kaya palagi akong parang anino nila. Nakikialam. Until my daughters-in-law joined together against me. We had a clash. So your Tito Pablo interfered. He talked to my sons. Nagdesisyon ang mga anak ko na paghahatian na nila ang pagma-manage sa mga hardwares namin. So, ayun. I only get to see my grandchildren during summer and Christmas vacation. Busy kaming mag-asawa sa pagma-manage ng mga hardwares namin dito sa Metro Manila at yung ilan sa outskirt like in Bataan and other nearby provinces."
"Eh yung MonKho po?"
"That's Mike's and Aris' company. Soon, another friend will join them. We're an ally. Of course, we will support my son's endeavours. And I'm proud of him for establishing something big for himself. Anyway, the SchulAz chain of resorts, hotels and some restaurants is their biggest client. Very close friend nila ni Aris ang mag-asawang may-ari."
Napapatango na lang ako. Alam ko ang SchulzAS.
"Sana, hindi makaapekto sa pagkakaibigan n'yo ng anak ko ang mga kalokohan n'ya sa babae."
"Ah.. ehh..." natatawa kong sabi. "Alam n'yo po pala yun?"
"He became like that before graduating highschool. His first love dumped him over for his friend. He gave way. But I saw him cry. Hindi namin s'ya pinagalitan ni Pabs nung magnakaw s'ya ng alak sa wine cellar at maglasing sa kuwarto n'ya," nangingiti n'yang kuwento. "We understood. Puppy love. Puberty and stuff. You know."
Actually, di ko maiintindihan yun. Wala pa akong makukunsiderang puppy love or love talaga sa opposite sex. Puro crush lang talaga. Nakatuon ang isip ko noon sa pagmamadre tapos dumating si Gelo.
"But the second one, that hit him hard. That was after graduating college. Kaibigan ni Andromeda Schulz. Ang karibal ni Mike, kaibigan uli. Parang kapatid. Muntik silang magkasira. Pero nag-asawa yung babae. Lalong nagloko si Mike. Kaya di na ako nagtaka nung may pumunta sa ospital na Darcy yata ang pangalan."
Natawa ako nang mahina.
"Kilala mo?"
"Opo. Anak nung may-ari nang malaking canteen at grocery sa amin. Sa Mang Donald's po."
"Dios mio! Pikutin mo na lang si Mike kesa mapunta sa babaeng yun."
Nasamid ako sa sinabi n'ya.
Tumawa lang ito.
Sa EK na rin kami naghapunan dahil gusto ni Tita Dolly na makapanood kami ng fireworks.
"I told you," natatawang sabi nito nung magtatatalon at magsisigaw nang puro 'Wow' si Gelo.
Nasa EDSA na kami nung may tumawag sa babae.
"Oh, bakit?... Pauwi na kami.... Dios mio, Michael! Minsan lang ito. Maanong mapuyat ang bata? Yung nanay nga walang sinasabi tapos inaaway mo ako ngayon?!... Naturalmente, kumain na kami. Alam yan ng Daddy mo!"
Tinapos nito ang tawag. Tapos nginitian ako.
"Hayaan mo yun," ang sabi lang.
Natatawa ako sa kanilang mag-ina.
Mabuti na lang at nakatulog na si Gelo kandong ko. Napagod kasi talaga.
Naghahanda ako na pati ako ay makakarinig kay Mike. Pero pagdating namin, walang kibo lang itong nakapamewang sa labas ng frontdoor nila. Ang lalaki na ang kumarga kay Gelo paakyat sa kuwartong ginagamit namin.
Malamang, alam ng lalaking ito ang atraso n'ya sa akin!
Wala kaming kibuan hanggang naghahanda na kami pabalik Bataan kinabukasan.
"Dadalaw ka uli kay Tita Mommy at Tito Daddy, Gelo ha?" sabi ni Tita Dolly nung papaalis na kami.
"Opo. 'Kaw din po dadalaw sa 'ken kasama si Tito Daddy?"
"Oo, sige. Kailan ba birthday mo?"
Tumingin sa akin si Gelo.
"Sa ano po, sa makalawang Huwebes."
"Aba eh malapit na pala!" sabi ni Tito Pablo.
"Ano po, imbitahan ko kayo lamang, maliit na salu-salo lang sa bahay."
"Di ka ba maghahanda para sa mga kaibigan mo sa school?"
Natahimik kami ni Mike sa tanong ng Daddy n'ya. Pero, nagulat kami sa di inaasahang masayahing sagot pa rin ni Gelo.
"Nasa bahay po mga kaibigan ko, Tito Daddy. Si Kuya Kulot, si Kuya Tolits, si Porman..."
Lumatang ang awa sa mukha ng mag-asawa habang iniisa-isa ni Gelo ang pangalan ng staff ng MonKho.
"...tas pupunta po sigirado si Tita Estrel tsaka si 'Nay Mila. 'Punta po kayo ha?"
"Of course. Oo, baby boy," pinigil ni Tita Dolly ang manginig ang boses.
Pagkasakay naming mag-ina sa kotse, natanaw ko na saglit at seryosong nag-usap si Mike at mga magulang n'ya.
Tahimik ang lalaki pag-upo sa backseat matapos sabihan si Kuya Willy na aalis na kami.
Papadilim na pagdating namin sa bahay. Bukas nang madaling -araw pa ang dating ng mga staff ni Mike gamit ang mga service vehicles ng kumpanya.
"Mike, uuwi ka na ba agad?" sabi ko pagkakain namin ng take out food sa isang local resto na nadaanan namin.
"Bakit?"
"Pwedeng ikaw muna kay Gelo? Maghuhugas lang ako ng pinggan tsaka magkukusot lang ako nang ilang damit. Ayokong matambakan."
"Magkukusot? Nasa'n ang washing machine mo?"
"Ipapaayos ko pa. Ano kasi, luma na yun. Bumigay yung ano, yung tub."
"Huwag na. Bibili na lang tayo bukas."
"Eh, Mike, hindi ako pwedeng gastos nang gastos. Wala akong source of income pagkatapos ng project n'yo."
"Sagot ng MonKho. Dalawa ang bibilhin natin bukas. Para may magamit na rin ang mga staff namin dito."
"Eh--"
"Magdadagdag kami ng bayad para sa kuryente. Ano, may sasabihin ka pa?"
"May pasok ako bukas?" alanganin kong sagot-tanong.
"Hindi ka naman aabutin ng gabi sa school, di ba?"
"Eh, sa Enri--"
"What the fuck, Kennie!" tumaas ang boses nito.
Napalingon ako kay Gelo sa sala. Walang reaksyon mula rito. Naka-earphone ito habang nagta-tablet.
Napaigtad ako nung biglang tumayo si Mike at lumabas. Narinig ko ang pagbukas ng kotse.
Naku, nagalit na yata talaga! Nag-walk out!
Mali ako ng hinala dahil eto na s'ya uli, may hawak na legal white size envelop. May tatak ng MonKho.
"Ito'ng dahilan nang pag-alis ko kahapon kaya di ako nakasama sa inyong mamasyal. Kailan ko ibibigay sa professor mo?"
Di ako nakakibo. Seryoso pala talaga s'ya sa sinabi n'ya kay Sir Mar.
"Ano, Kennie? Kailan?"
"Uhm... ako na lang. Akina na."
Inangat n'ya nung kukunin ko. "Nope. I said I'll bring it there. So when?"
"Mid-August. Bago mag-midterms."
"So, bukas?"
Wala na akong nagawa.
Kaya heto kaming tatlo kinabukasan ng hapon sa mall. Sinundo pa n'ya si Gelo sa school bago ako pinuntahan sa university.
Hindi ako mapakali. Lumipat kami sa kabilang bayan dahil wala raw sa mall s bayan namin ang hanap n'ya.
Kanina pa kami nagtatalo, sa totoo lang.
Hindi ako kampante na mamasyal sa malls lalo pa at sa labas ng bayan namin.
"Bakit yan?" tanong ko. "Commercial grade yan, Mike. Tapos dalawa ang kukunin mo?"
"Ang daming staff ng MonKho sa bahay mo. Kailangan heavy duty."
"Pambihira naman, Mike! Halos seventy thousand ang isa nyan eh! At dalawa ang kukunin mo. Tapos kukuha ka pa ng pang-tumble dry eh ang laki ng lote sa likod namin para pagsampayan. Naka-spin dry na naman ang mga damit."
Gusto nitong kumuha nung dryer na pagkakuha sa damit, isusuot na lang.
"Hindi ikaw ang magbabayad. Bakit ka nagrereklamo?"
Naihilamos ko ang palad sa mukha, "Bitbitin n'yo yan pagkatapos ng project n'yo ha!"
Sumasakit ang ulo ko sa lalaking ito. Natututo akong magtaas ng boses at makipagtalo.
"Matagal pa yun. May bago kaming project dito sa Bataan. Baka mag-extend kami sa bahay n'yo."
Nagulat ako sa sinabi n'ya.
"Saan?"
"Teka, nasaan si Gelo?" sa halip ay tanong n'ya pabalik.
Napalingon-lingon na rin ako.
Si Kuya Gerry ang una kong nakita. Sumenyas sa amin paturo sa mga hilera ng refrigerator sa loob ng appliance center na yun.
"Ako na," sabi ko kay Mike.
"Gelo," malumanay kong tawag paglapit ko sa hilerang kinaroroonan n'ya.
Paglingon nito, halatang guilty ang mukha. Alam n'ya ang bilin ko na huwag s'yang lalayo sa akin sakaling mabitawan ko ang kamay n'ya.
Tumakbo s'ya papunta sa akin.
May lalaking biglang lumabas sa kabilang aisle. Huli na para magbabala sa anak ko.
"Ay!"
"Oh shit!"
Natumba patagilid si Gelo.
Nagmamadali ko s'yang dinaluhan.
"Anak, ayos ka lang?" tanong ko habang pinapagpag ang maong short at braso n'ya.
"Mama, may sugat yata po," pinakita ang siko n'ya.
"I'm sorry, Miss. Hindi ko sinasadya."
Tiningala ko ang lalaking nakabangga kay Gelo.
Nanlaki ang mata ko.
Bigla akong nag-iwas ng tingin payuko sa anak ko.
Diyos ko! Diyos ko!
Hindi n'ya sana ako namukhaan!
=================
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro