Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

12 OJT


Kennie's POV

Nagmamadali akong humigop sa inhaler ko. Patago lang sa locker ng Enrico.

Nakabalik na ako noong nakaraang buwan bago magpasukan.

Pagbalik na puno ng isyu.

Ito kasing si Mike, sumugod sa Enrico. Nagkakomprontahan na naman sila ni Sir Mar sa admin office.




"Sumugod nga kaninang bago matapos ang office hours dito si Engr. Montecillo," kuwento nung panggabing receptionist.

"Ha?"

Hindi ko alam yun. Pagdating ko galing sa pag-e-enroll, dumiretso ako kina Estrel para kunin na si Gelo. Nakagawian na kasi naming sumabay ng hapunan sa tauhan ng MonKho.

Umalis ako na wala pa si Mike. Hindi na uli nagpahatid ang anak ko kina Estrel dahil kay Mike nito gustong tumabi sa pagtulog.

Mag-aaral pa raw sila maggitara.

Hindi na ako kumontra. Nakita ko ang improvement at ang likas na tuwa ni Gelo sa paggigitara. Yun ngang tablet na regalo sa kanya, puro music at mga tumutugtog ng gitara ang laman. May nakita rin akong application game na gumagawa ng parang mga bahay o building. Minecraft ang pangalan sa pagkakaalala ko.

Pinakinggan ko na rin ang payo ni Estrel at Nanay Mila na hayaan ko na si Gelo. Na huwag ko ipagkait sa bata ang pagkakaroon ng kaligayahan sa ganoon. Limitado ang panahon na naririto si Mike. Na kahit saglit, ma-enjoy ng bata ang pagkakaroon ng father or kuya figure sa buhay. Hindi ko rin naman masasabi, maaring makatulong ang lalaki kay Gelo pagdating ng panahon. Nakita ko na may fondness s'ya sa anak ko. Matapos man siguro ang project nila dito, dadalawin n'ya ang anak ko kahit papaano kapag may oras s'ya.



"Tsaka ikaw. Alangan namang si Gelo lang," tukso pa ng kaibigan ko.

"Tigilan mo 'ko, Estrel. Ayan lang si Gelo. Marinig ka," saway ko.

"Maano. Para tulungan n'ya yung poging mama sa iyo."

"Hay, naku! Sige alis na kami," medyo naiinis kong sagot.

"Napipikon ang ale," tumawa ito nang mahina.

Inirapan ko s'ya matapos mag-goodnight kiss sa kanya ni Gelo. Hinatid kami nito sa gate nila.



Di ko naman kasi alam talaga kung bakit ako naiinis.

Siguro mas lamang na nahihiya ako. May ilang pagkakataon kasi na nakakalimutan ko na dumistansya sa kanya. Gaya nung sa daga at nung araw na pasukin kami sa bahay.

May ilang pagkakataon rin na hindi na ako makaalma kapag sinabi ni Mike na tutulungan ako maglinis ng sugat ko.

May natural talaga s'yang karisma sa babae. Nakakatakot!

Ibig kong sabihin, di naman nagpapahiwatig nang kahit ano si Mike katulad ni Sir Mar. Lamang, overprotective nga katulad na lang nitong usap-usapan sa Enrico.

"Bakit sa Facilities and Cleaning department ka pa rin daw, sabi ni Engineer," paliwanag ng receptionist.

Napabagal tuloy ako sa pagma-mop.

Kaya pala s'ya nanahimik nung kumustahin n'ya ang pagbalik ko sa Enrico kahapon ng umaga at sabihin kong sa dati pa rin ako nakapwesto.

"A-anong nangyari?" tanong ko.

"Umalis si Engineer. Pero wala pang isang oras, tumawag daw si Boss Ben. Mainit ang ulo pero pinahahanapan ka na ng puwesto sa admin. Kahit ano raw."

At siya ngang nangyari.

Kahit wala talagang opisina sa gabi, nagkaroon tuloy dahil sa akin.

Sa totoo lang, wala akong masyadong ginagawa. Kaya naglilinis na lang ako sa admin office kapag nagawa ko na ang mga kakarampot na gagawing iniiwan nila sa akin tulad ng filing at pagpapa-photocopy.

Kinausap ko si Mike tungkol doon.

"Your wounds aren't totally healed yet. It can still be infected ganyang nagbabalat pa ang palad mo. Mas malala kapag ganun ang nangyari."

"Iniingatan ko naman na di malalagyan ng mga cleaning agents--"

"Hanggang kailan ka papayag na ginagago ka sa Enrico kapalit ng OJT certificate mo?" balik n'ya sa akin.

Di na ako nakakibo.




Kaya eto ako ngayon sa may locker. Nagpipigil na hindi mapaiyak dahil sa mga parinig ng mga tao sa Admin office na papauwi na.

Na wala naman talaga akong silbi doon. Yung finance officer namin na nagrereklamo dahil tumaas ang kuryente dahil bukas ang opisina sa gabi, at nadagdagan ang pinapasweldo dahil kinailangang kumuha ng kapalit ko na janitress sa gabi.

"Ganitong bumabawi pa ang apartelle sa gastusin dahil sa letseng sunog na yun!" ang huli kong narinig bago sila umalis

Hindi ko naman kasalanan at ginusto ang nangyaring sunog. At tama lang naman na tumupad na ang management ng Enrico sa usapan namin.

Kaya lang, bakit parang kasalanan ko ngayon na dahil sa patung-patong na krisis pinansyal dito ay hindi maibibigay ang inaasahang clothing allowance ng mga empleyado?

Iyak na pigil na pigil ko lalo at kahit ang mga receptionists na dati kong kahuntahan ay maringgan ko nang,

"Pati tayo minamalas eh!"

"Ano pa ba'ng aasahan natin? Naperwisyo n'ya nga ang sariling pamilya at itong bayan natin dahil sa kaanuhan n'ya, tayo pa kaya?"

"Ewan ko nga kung bakit lapitin sa mga lalaki. Kita mo nga si Sir Mar. Ayan at nadagdagan ang kaagaw natin kay Engr. Montecillo."

"Kasi nga, tagung-tago ang kati sa katawan. Malamang tuwang-tuwa yan na napapaligiran s'ya ng puro lalaki sa bahay n'ya."

"Malaking pera ang nawala dahil di na bumalik ang mga taga-MonKho dito. Binawi pa yung advance nilang binayad."

"Eh di ba ang balita, kamukha ni Engineer yung anak n'ya?"

"Ay totoo! Nakita ko nung minsan kina Mang Donald. Kaso mo, sabi nila, tinatanggi mismo ni Engineer."

"May pag-asa pa tayo."

Nagtatawanan ang dalawang receptionists. Papauwi na yung isa na dati naman ay nagmamadaling makaalis.

"Malay mo, makahanap na s'ya ng kapalit dun sa mga construction worker ng MonKho para maihaharap n'ya sa anak n'ya na tatay."

"Walang nang pili-pili!"

At naghagikhikan uli ang dalawa.

Mabuti at di nila napansin ang pagpunta ko sa locker room. Nangangapos na ang hininga ko sa pagpipigil sa emosyon.

Naiwan ko kasi doon ang inhaler ko kasama sa paper bag ng baon kong pagkain para mamaya.

Di na kasi ako gumagawi kina Mang Donald. Baka naroon si Darcy na hanggang ngayon ay pasimple akong inaabangan. Di lang s'ya makapasok dito dahil sa mga receptionists namin at dahil na rin sa minsang itaboy s'ya ni Sir Mar nung minsang mag-abang s'ya sa may tapat.

"Kennie..."

Napapitlag ako.

Si Sir Mar, nasa gilid ko na pala. Paglingon ko, may isang luha ang tumulo sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Umiiyak ka ba?" nagkaroon ng bigat ang salita n'ya.

Napaiwas ako ng mukha nung plano n'ya punasan ang luha ko.

"H-hindi. Ano lang--"

"Si Engr. Montecillo ba?"

"Naku, hindi. Hindi! Wala ito," tanggi ko agad.

Wala kasi itong alam. Tahimik ang mga empleyado ng Enrico kapag nasa paligid si Sir Mar. Hayag naman kasi talaga ang panliligaw nito sa akin.

Tumikhim ako, "Bakit andito ka pa? Di ba kanina pang alas-dos ng hapon ang out mo?"

"Hindi na kasi tayo halos nagkikita. Busy ka na lalo sa school. Di naman kita maabala sa bahay."

Alas-sais ng umaga hanggang alas-dos ng hapon ang pasok nito. Ako naman, kung hindi alas-kuwatro ng hapon ay alas-seis ng gabi hanggang hating-gabi ang duty. Pang-umaga kasi ako sa university.

Sinabihan ko si Sir Mar na huwag pupunta na bahay kapag weekends. Nilaan ko na yun kay Gelo, na halos dalawang oras lang kaming magkita na parehong gising kapag weekdays. Weekends na rin ang oras ko para sa mga gawaing-bahay at mga paperwork ko sa school.

At nang minsang pumunta ito nang Sabado, agad na pumasok si Kuya Gerry, ang isang bodyguard namin para ipaalam na may kasama kaming mag-ina.

Nag-uwian kasi ang mga tao ng MonKho sa Maynila.

Ang awkward dahil naupo si Kuya Gerry sa puno ng hagdan na katapat naman ng sala. Tapos, tikhim pa nang tikhim. At talagang pinarinig pa sa amin na itinawag n'ya kay Mike at Rob na may bisita ako.

Wala pa tuloy sampung minuto, nagpaalam na si Sir Mar.

"Hinihika ka na naman," ang dagdag n'yang nakatingin sa hawak kong inhaler. "Kasalanan talaga ito ni Montecillo."

"Ha? Wala namang--"

"Kung hindi s'ya sugud nang sugod dito, hindi ka malalagay sa alanganing sitwasyon."

Napakagat ako sa labi. May punto s'ya pero ...

"May punto rin naman si Mike, Mar," depensa ko. "Alam mo, natin... na kahit ike-credit ng management sa OJT hours ko ang dati kong ginagawa dito, hindi yun sakop ng OJT description ko."

Nawalan s'ya ng kibo.

"Kung.. kung binibigyang pabor ng management na kailangan ko ng flexible hours, nakakatipid sila sa allowance na binibigay sa akin imbes na full salary with benefits. Yung SSS at Philhealth ko nga, di ba? Kung hindi pa hinabol ng abogado ng MonKho, hindi huhulugan."

"Ganyan ba ang mga tinuturo sa iyo ni Montecillo?" may bahid na inis sa boses n'ya.

"Tama naman ang pinupunto n'ya, Mar."

"OJT ka nga eh."

"Pero ang sabi ng abogado ng MonKho, nasa ledger ako as employee. Niloloko ng finance ang tax at ibang government reporting," giit ko.

Nawalan s'ya ng kibo uli. Mataman ko s'yang tiningnan.

"Alam mo, ano? Pero hindi ka nagsasalita."

"Pareho lang tayong empleyado dito, Kennie."

"Kamag-anak mo sila."

"Isa pa yan. Gusto mo bang ipahamak ko ang sarili kong kadugo?"

Nadagdagan ang dahilan ko para hindi sagutin ang panliligaw nito sa akin.

"Assistant manager ka. Pinsan mo ang manager na palaging wala naman dito dahil anak s'ya ng may-ari. Kung tutuusin, ikaw ang may pinakamataas na posisyon dito. Sa palagay mo ba, hindi mapepeligro ang trabaho mo at nang iba pa rito kapag pinasara kayo sa munisipyo dahil... dahil sa mga false documents nyo?"

"May utang na loob ang mayor dito kay Uncle Ben."

Kaya pala. Kaya pala nabigyan ang Enrico Apartelle ng panibagong permit to operate kahit may mga nadiskubreng kalokohan ang MonKho sa mga dokumento nito.

Iniisip ko tuloy, may iba pa kayang mga empleyado dito na iba ang nakadeklarang sahod at allowances? Paano pa sa isang branch nito sa kabilang bayan?

Di ko maiwasang mapailing. Sobrang dismayado ako sa mga narinig.

Kung ... kung si Papa ang naging Mayor dito, walang ganito.

Matamlay kong iniwan si Sir Mar sa locker room.

Alam n'yang ang damdami ko sa sinabi n'ya kaya di na rin s'ya nagsalita.

"Pakiiwang bukas ang pinto," sabi ko nung sumama s'ya papasok sa admin office.

"Naka-aircon tayo."

"Io-off ko. Di ko naman kailangan dahil mag-isa lang ako dito."

"Kennie..."

"Ayoko'ng maraming nasasabi ang mga tao dito, Mar. Isa pa, baka kung anong tsismis na naman ang umusbong na tayong dalawa lang dito ganyang gabi na. Kung pwede sana, umuwi ka na."

Napabuntung-hininga ito.

"Sige."

Pero, paglabas ko sa admin office nung break time ko, naroon ang lalaki sa reception area. Nagse-cellphone habang nakaupo sa isang couch.

Niyaya n'ya akong doon kumain kina Mang Donald. Natural na tanggihan ko.

"May baon ako."

"Mas mainam na makita ni Darcy na magkasama tayo kesa kay--"

"Mas tama na walang bagong isyu na sumulpot," putol ko sa sasabihin n'ya.

"Matagal nang balita ang panliligaw ko sa iyo, Kennie."

"Hindi pa rin ang sagot ko, Sir Mar," binigyang-diin ko ang Sir.

Mariing naglapat ang labi n'ya bago, "Sasaglit ako sa Mang Donald's para bumili ng pagkain ko. Hindi pa ako naghahapunan. Hinihintay kita."

Bigla akong na-guilty.

Nauna na ako sa maliit na pantry namin. Di ko inalintana ang pagsunod ng tingin ng receptionist at guard on duty.

Di ko na magawang mapasimangot pagpasok sa kainan ng mga empleyado.

Mayroong mga pinggan doon na hindi hinugasan.

Alam ko, sinasadya nila ito para gawin ko. Para naman daw may 'trabaho' ako kahit papaano.

Inabutan ako ni Sir Mar na tinutuyo ko ng basahan ang maliit na lababo.

"Bakit ikaw ang gumagawa n'yan? Di ba may bagong janitress na panggabi?"

"Uhm...ano, di kasi ako kampante na magulo ang lababo habang kumakain," sabi ko na lang. "Hayaan mo na."

"Kakausapin ko nga--"

"Huwag mo na itong gawing isyu, please lang, Mar! Huwag mo nang dagdagan."

Naglaban kami saglit ng tingin. S'ya ang unang sumuko.

"Sige, sinabi mo eh."

Wala kaming imikan hanggang matapos kumain.

"Hintayin kita hanggang uwian. Off ko naman bukas. Hatid kita."

Hinatid n'ya ako hanggang sa pinto ng admin office.

"Huwag na. Susunduin ako ang isang staff ng MonKho."

Kumunot ang noo n'ya, "E di i-text mo na huwag ka na sunduin. May anino ka naman, ano ang ikakatakot ng mga kasama mo sa bahay?"

"Mar, pwede bang--"

"Kennie, pakiusap naman oh?"

Tumikhim yung receptionist. Naririnig nito ang usapan namin dahil ang unang pasilyo pakanan lang ang pinto ng admin office.

"S-sige," napipilitan kong sagot.

Nag-text nga ako kina Foreman. Di ako nakatanggap ng reply hanggang oras nang uwian ko.

Muntik akong mapatampal sa noo pagbungad ko sa reception area.

Si Mike, naroon, nakaupo katapat ni Sir Mar. Kalong si Gelo!

"Mama!"

"Ibang klase talaga," mahinang sabi nung receptionist.

Hindi ko na pinansin. Di naman ako sigurado kung para sa akin ang sinabi n'ya o dun sa tinitingnan n'ya sa cellphone n'ya.

"Bakit gising ka pa, ha?" malambing kong sermon matapos kong halikan.

"Oo nga. Alas-dose na. Dapat tulog ka na, Gelo Boy," singit ni Sir Mar na tumayo na rin. "Halika na. Hatid ko na kayo."

"Si Tito Mike po kasi."

Saka ako naalangan dahil tumayo na rin ang lalaki bago tumikhim nang may kalakasan.

Paano ba ito?

Maryosep naman itong si Mike, oo!

"Kennie, sama kayo sa akin sa Maynila," simple nyang sabi.

Nanlaki ang mata ko. May narinig akong nalaglag na kung ano sa receptionist area.

"Bakit? Para ano?" naunahan akong magtanong ni Sir Mar.

Hindi s'ya pinansin ni Mike, "Come on."

"T-teka lang. Bakit nga?" tanong ko na.

"Mom's in the hospital. She wants to see you both."

Bumaha ang pag-aalala sa akin. Kaya, "Sir Mar, pasensya na. Mike?"

Naglakad na kami palabas. Sumunod si Sir Mar hanggang sa parking sa tapat ng Enrico.

"Why? Hindi n'yo naman kamag-anak--"

"Puro kabutihan ang pinakita ni Mrs. Montecillo sa akin at kay Gelo," putol ko sasasabihin n'ya. "Ano na lang ba yung presensya naming mag-ina sa ospital? Sabado naman bukas. Wala kaming pasok pareho ni Gelo."

"Sinagip mo ang anak n'ya. Tama lang na maging mabait s'ya sa inyo."

"Kailangan ba'ng doon matapos ang kabutihan para sa isa't-isa?" baling ko sa kanya.

Si Mike, ipinasok na sa backseat si Gelo.

"Akala ko ba, katulad ka ng Papa mo, Kennie?"

Napahinto ako sa pagbukas sa pinto ng kotse na katabing upuan ng driver's seat, "Ano?"

"Bigla kang sasama sa kanya? Ano ito, kakapit ka sa kanila dahil maimpluwensya at mapera--"

Impit akong napatili.

Sumadsad sa semento si Sir Mar.

"Maghinay-hinay ka sa mga salita mo, Belmonte."

"Wala ka sa teritoryo mo, Montecillo," ang sagot n'ya habang patayong pinupunasan ang dumugong labi.

"Aba't--"

"M-mike, 'wag! Si G-gelo!" nanginginig kong sabi. Kinapitan ko s'ya sa likod ng poloshirt.

Hindi ako sanay sa karahasan.

"Sir Mar!" pagdalo agad ng guard namin.

Nagulat ako na may dalawa agad na lalaking tumatakbo mula sa magkabilang direksyon.

Si Kuya Gerry at hindi ko kilala yung isa.

Lalo akong natakot.

"Mama!"

"Shit!" mahinang mura ni Mike.

Binuksan n'ya ang backseat. "Hey, angel. Okay lang kami. Walang gulo."

"Eh b-bakit po--"

Hindi ko na narinig ang usapan nila dahil sinara agad ni Mike ang pinto.

"Ma'm Kennie, ayos lang kayo?" tanong agad nung dalawang bodyguards.

"O-oo. Uhm..." tiningnan ko si Sir Mar. "S-sir...?"

"Dito ka nagta-trabaho tapos ganyan, Kennie?"

Nakuyom ko ang mga palad ko. Bukas-sara. Ilang beses.

Ang pinaghirapan kong oras sa OJT. Wala nang isang buwan ay matatapos ko na.

"Huwag na kayong lumapit," sabi nung bodyguard yata ni Mike sa guard namin.

"Ma'm?" untag ni Kuya Gerry. "Nasaan ang inhaler mo?"

Napatingin ako sa kanya. Saka ko napansin, umaangat ang balikat ko sa paghugot ng hangin.

Wala na sa akin ang bag ko.

Bago pa ako makasagot, bumukas uli ang kotse.

"Kennie!Oh, fuck!"

Dumukwang uli si Mike sa backseat.

Napakapit ako kay Sir Mar na lumapit na rin.

"K-kennie...sorry..."

"Ma'm, dito ka sa amin," pasimple akong kinuha at inalalayan ni Kuya Gerry.

Walang nagawa si Sir Mar dahil humarang ang bodyguard ni Mike nung nagtangka s'yang humakbang papunta sa akin.

"Ito ba, Kennie?" may bahid galit at hinanakit ang boses n'ya. "Kaya lalong lumayo ang loob mo sa akin?"

Inangat ko ang palad ko para patigilin s'ya magsalita. Nawawalan ng saysay ang pagpapakalma ko sa sarili para humupa ang hika ko.

"Here," lapit ni Mike. "I already put Ventolin in it."

"Mama ko!"

"Gelo, bumalik ka sa loob. Ako na'ng bahala sa Mama mo," maotoridad na sabi ni Mike na kahit ako, gustong mapasunod na kunin ang inhaler pero,

"H-hindi na, Mike," tanggi ko. "Ayos na 'ko. Sandali lang."

"Just fucking use it!"

Napatingin ako sa kanya. Nakumpirma ko sa mata n'ya ang pag-aalalang bumakas sa boses n'ya sa kabila nang pagmumura n'ya.

"A-ayokong masanay. Mike. Kakagamit ko lang kaninang hapon?"

"Bakit? Ano'ng nangyari?"

"Kasalanan mo at pakikialam mo!" sundot ni Sir Mar.

"Wala ako dito kanina. Ano'ng pinagsasabi mo?"

"Pinagkakaisahan si Kennie ng mga empleyado dito dahil sa kagagawan mo!"

"Ah ganun ba? And you're not doing anything about it?"

"Tama na, please! Nariyan ang anak ko!" halos pasigaw kong sabi dahil kinuwelyuhan agad ni Mike si Sir Mar.

Kaya umawat na rin yung guard at sina Kuya Gerry.

"Kennie, hindi ko magagarantyahan na hindi ito makakarating sa management. Ang OJT mo!" madiing paalala ni Sir Mar.

Nagulat ako sa sumunod na sinabi ni Mike, "Huwag mong ipapanakot sa akin ang putangnang OJT ni Kennie dito, gago! Hindi na uli papasok si Kennie dito at hindi na uli s'ya aapihin ng mga walang-kwenta nyong empleyado!"

"M-mike...?"

Saka n'ya ako tiningnan, "You will have your OJT certificate with my signature under MonKho. And I will personally hand it to your professor or dean. Kung kailangang sa presidente ng university n'yo, gagawin ko! Just concentrate on your damn studies and fucking graduate."

Napatanga ako, hindi dahil hindi ako sanay sa mga pagmumura, kundi sa mismong konteksto nang sinabi n'ya!

Nagkaroon uli ng komosyon dahil galit na susugurin ni Sir Mar si Mike, "Para-paraan mo para ilayo sa akin si Kennie na hayup ka! Ano? Bakit? Gusto mo rin s'ya, ha?!"

"Dahil sa lahat nang ayoko, makakakita ng taong ginigipit at inaapi! Ano'ng klase kang manliligaw?!"

Hindi ko malaman kung matutuwa o masasaktan ako sa sinabi ni Mike.

Teka... bakit ako masasaktan?

================

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b5yhsmd