10 Stool
I was a bit surprise na madaling maka-pick up si Gelo habang tinuturuan ko.
Ibig kong sabihin, kumpara sa ibang bata sa edad nito lalo at ito ang unang beses na makahawak s'ya ng gitara.
And boy, this little guy has a good pick up with tune, too.
Alam mo yung kahit di n'ya kabisado ang lyrics and hums it instead, nasa tono? Although may mga off key, hindi na masama para sa isang bata.
Isang beses lang ito nagsabi na masakit ang mga daliri sa pagkakadiin sa strings ng gitara.
Interesado talaga s'ya matuto. Yun ang importante sa lahat. Maliban sa mabilis ang learning process, enjoy pa.
Kagaya ko noong turuan ako ni Daddy maggitara.
And I'm also surprise that I enjoyed our teaching session. Hindi ko nga naalala ang mga emails ko. Pati oras, di ko na napansing lumipas kung hindi pa lumabas uli sa kuwarto nila si Kennie.
Natigilan pa nga ito nang makita kami.Tapos tiningnan si Gelo.
"Uhm, Tito. Tama na po," sabi n'ya na tila nagi-guilty.
Ano'ng meron sa tingin na yun ni Kennie?
"Ah, okay. Pagod ka na ba?" I asked as he massaged his palms and fingers.
Kinuha na n'ya sa akin ang gitara n'ya, "Indi po. Niiistorbo ko na tarbaho n'yo. Kanina pa po tayo.Sige po.Tengk yu."
Napatingin na lang ako sa likod nito habang papasok sa kuwarto nilang mag-ina.
Gusto kong mapabilib sa pagpapalaki ng babae sa anak. Walang ingay.Walang paluan.Yung tipong 'makuha ka sa tingin'. Partida, ni hindi nga galit ang mata ng babae. Simple at saglit na tingin lang.
And I applaud both mother and son for that. Mukhang di mamumrublema ang babae kay Gelo paglaki nito.
Kumpara kay Mommy at Daddy. Grabeng sakit ng ulo ang inabot sa aming magkakapatid. Makukulit kami noong bata pa kami.At laging nag-aaway. Palibhasa, isa hanggang dalawang taon lang ang agwat namin nina Kuya. Si Michelle lang ang limang taon ang agwat. Kaya limang taon akong bunso noon.
Bumalik ako sa tapat ng laptop ko at nagbasa ng emails. Yet, in my peripheral, I'm watching Kennie move around the kitchen.
Nilabas n'ya yung malaking saingan na pang-piyesta yata.
Tipid akong napangiti. Bilib ako sa mga taong manual magsaing, paano pa yung pandalawampung tao na sinaing?
Hindi ko nakitaan ng tutong ang kanin namin dito. Kahit yung malasahan man lang. Siguro nga, sanay dati ang bahay na ito sa maraming bisita noon.
Gusto ko sanang tulungan ang babae dahil hindi pa hilom ang sugat n'ya sa kamay. Lamang, nag-aalangan ako.
Una, dahil ilang beses n'ya kaming tinanggihan nang mga nakaraang araw. Pakiramdam n'ya raw ay nawawalan s'ya ng silbi sa sarili n'yang bahay.
Panagalawa, may masama itong pakiramdam sa akin dahil sa nangyari kanina.
Kung natutulig ako sa katahimikan ng pakikitungo n'ya sa akin mula kanina, mas wala akong matinong maisasagot sa kanya kung kukumprontahin n'ya ako sa mga sinabi ko kay Darcy.
Kanina kasing tinuturuan ko si Gelo, I realized, I said the wrong words.
Kennie has the right to be mad. I could have just told Darcy to back off again.
The option and choice thingy may go out of proportion. Sa ugali pa man din ni Darcy. At ang mapagpatol na mga tao dito sa lugar nina Kennie.
Idagdag pa nga ang sitwasyon ngayon na dito kami umuupa at ayun nga, malaki talaga ang hawig ko kay Gelo.
Bigla akong napatayo dahil sa impit na sigaw ng babae kasunog ang malakas na ingay na likha nang pagbagsak nung malaking saingan.
Napatakbo ako sa direksyon ng babae dahil tumuntong ito sa isang stool sa kusina. Di alintana ang kumalat sa sahig ang bigas na may tubig.
"Hey, careful!"
"Mama!"
Pati si Gelo, napalabas sa kuwarto nila.
"May daga!" namumutla ito at nangatal ang baba. Tapos patingin-tingin sa sahig. "May dumaang daga sa paa ko!"
"Wala naman akong nakita," kalmado kong sabi.
Di ko malaman kung aalalyan ko ba s'ya or what dahil baka mahulog. Wala pa man ding sandalan at tatlo lang ang paa ng stool na kinatatayuan n'ya.
Baka masamain na naman ng babae kapag hinawakan ko s'ya sa bewang o kung saan. Nanigas nga nung akbayan ko kanina sa harap ni Darcy.
"Meron!" she said in a bit high-pitched tone. Nagpapanic talaga."Naramdaman ko. Tumakbo sa paa ko!"
"Mama, baka po mahulog k-- Ay!"
Ayun nga ang daga. Dumaan sa harapan ni Gelo. Pati tuloy ang bata, nagulat.
Napatili na naman nang impit si Kennie, "Gelo, halika dito!"
Gusto kong matawa.
S'ya nga lang, hindi na magkasya ang dalawang paa sa stool.
"Itaboy mo!Itaboy mo!" natataranta n'yang sabi.
Di ko tuloy malaman kung ano ang uunahin ko. Yung pag-aabang na baka mahulog s'ya o yung hulihin ang daga.
"Mama, tumakbo na," nauna nang mapahagikhik si Gelo. "Baba na 'kaw. Baka--"
Napatili uli ang babae. The mouse just crossed the kitchen floor, and went under the stool.
Lalong nataranta ang babae.
Gumewang ang stool . Kinapitan ko yun. But it didn't help. Nawalan na s'ya ng balanse. Mabuti at napakapit s'ya sa balikat at likod ko.
Kinuha ko ang braso n'ya at inikot sa leeg ko bago tumalikod sa kanya, "Come, ride on my back. Ililipat kita sa sala."
Akala ko ay tatanggi s'ya, pero mabilis na pumasan sa likod ko si Kennie.
Shit! Ang lambot ng dibdib n'ya sa likod ko!
"Mike... Mike... hulihin mo! Pakialis naman, please!" naiyak na s'ya habang sinasabi yun sa tenga ko habang nakasampa sa likod ko. "Huwag mo akong ibababa!"
Dun ako parang nagising sa kaberdehang tumatakbo sa utak ko, "Okay, okay. I won't. Just keep still. Madudulas tayo, oh."
Itinuro ko ang nakakalat na dapat ay isasaing n'ya.
Narinig ko ang paghagikhik ni Gelo dahil talagang pati hita ng ina, nakakapit sa bewang ko. At nung tumakbo ang daga papunta sa dining room, lalo pang humigpit ang kapit sa akin, pati ang braso n'ya sa leeg ko. Nasasakal nga nga ako.
Di ko na magawang matawa. Ramdam ko na takot talaga ito sa daga. She forgot that she was mad at me.
Maliit lang naman yung daga. Bahay-daga nga. Paano kaya ito kung yung mga dagang nasa kalye o estero na malalaki?
Naiisip ko pa lang, natatawa na ako sa magiging pagtatarang nito kapag nagkataon.
"Dumugo na ang sugat mo," sabi ko nung ilapag ko s'ya sa narra set.
Natanggal ang pagkakadikit ng micropore tape at gasa. Malamang nung mabitawan ang malalking kaldero, nagasgas sa kamay n'ya. May kabigatan yun kung may laman.
"Let's clean it up."
"Pakialis muna nun daga, Mike. Nasa kuwarto ko pa ang medicine box ko eh."
"Ipapakuha ko na lang kay Gelo. Unahin muna natin ang sugat mo. Maiimpeksyon yan."
"Please?" pilit n'ya.
Nakaupo ito pero kipkip ang hita at di ibinababa ang paa sa sahig.
Napabuntung-hininga ako."Alright."
"Ano, maghugas ka ng kamay pagkatapos ha?"
Napapailing na lang ako nang patago.
Di ko naman nahuli yung daga. Hindi ko na nga nakita. Sinabi ko na lang na tumakbo na palabas.
"Paano na lang yan kung kayo lang ni Gelo ang naririto?" tanong ko nung tinutulungan namin s'ya ng anak n'ya sa sugat n'ya.
"Ako po ang nagpapaalis," singit ni Gelo. "Kahit nipipilit ni Mama na lumayo ako. Onti lang naman po ang daga. Minsan lang po kami may nikikita."
"Ah, good boy!" I patted his head.
Di na naman nagsasalita ang ina nito.
Siguro nahimasmasan na. At nahihiya.
Namumula ang mukha eh. Haha!
Yet, I see she was trying to cover her embarrassment. She even helped in cleaning up the mess in the kitchen.
"Sayang..." bulong n'ya.
Kahit ako, nanghihinayang dahil ang dami noon but, "Just throw it away. Marumi na yan. At baka naihian na nung daga kanina, magkasakit pa tayo."
Parang natigilan ang babae bago mabilis na kumuha ng walis-tingting at dustpan.
Inako n'ya uli ang pagsasaing matapos kong hugasan ang malaking kaldero pero, "M-mike...?"
"Oh?"
"Paki ano... pasuyo naman," turo n'ya sa pinto papalabas sa likod bahay. "Pakisara. Baka pumasok uli yung ano..."
"Alright."
Pigil na pigil ko ang mapahagikhik pagtalikod para isara ang pinto. Kasi naalala ko ang itsura n'ya kanina. Parang bata. Akala mo, dragon ang nakita.
Kung ano'ng kinaingay n'ya kanina, s'ya namang kinatahimik n'ya lalo habang naghihintay maluto ang sinaing.
Palagay ko, alam ni Gelo na masamang biruin ang ina sa daga dahil di na rin ito nagbanggit kahit nung pagdating ng mga staff namin at magtanong.
"Aba, ang daming bigas nito ah."
"Sayang naman!"
"Ano ba'ng nangyari?"
Nakita nila na naka-plastic ang basang bigas sa gilid ng basurahan sa kusina. Nagluluto na kasi ng ulam ang mga nakatoka ngayong gabi.
Namula ang mukha ni Kennie na patay-malisyang tumutulong magtastas ng kangkong.
Tumikhim ako, "Nadulas lang sa kamay ni Kennie. Hayaan n'yo na."
Nang gabing yun pagkapasok ng mag-ina sa kuwarto nila, kinausap ko ang foreman namin na paglinisin ang staff namin nang husto sa bahay. At hanapin ang pinaglulunggaan ng mga daga.
"Ipa-treat din dapat itong bahay. May ilang bahay ng anay akong nakita sa likod," ang sagot. "Maganda itong bahay-Kastila lalo na kung mape-preserve."
"Sige, kontakin mo yung contractor natin sa pest control. Ipa-schedule mo this weekend," pagpayag ko.
Kinabukasan, naghanda na rin ako pabalik sa Maynila pagkaalis ng mga tauhan ko.
"Kennie..." tawag ko sa atensyon n'ya dahil di pa rin ako kinikibo.
"O-oh?" bahagya lang s'yang nag-angat ng mata mula sa iniinom na Milo.
Parang hanggang ngayon, nahihiya pa rin s'ya sa nangyari kagabi. Tila natabunan nun ang asar n'ya sa akin dahil kay Darcy.
Nakabihis na rin ito. Hinihintay n'yang matapos maligo ang anak dahil ihahatid n'ya kina Nanay Mila bago s'ya pumasok sa university.
Sinabi ko ang tungkol sa pest control sa darating na Sabado. Tumanggi s'ya gaya nang inaasahan ko.
"Hindi lang ito tungkol sa daga," katwiran ko.
Namula ang mukha n'ya sabay iwas ng tingin sa akin.
"Sinabi ng mga tao ko na may ilang parte ng bahay ang inaanay na. Sayang naman at bibihira ang mga bahay-Kastila na namamantine."
At nilahad ko ang pinakamatindi kong rason na alam kong di n'ya matatanggihan, "Regalo ko na para kay Gelo. S'ya naman ang magmamana nitong bahay pagdating ng panahon.Wala namang babaguhin.Lalagyan lang ng gamot ang dapat para di tuluyang rumupok."
Hindi na s'ya uli kumibo. I took it as a yes.
Hinintay kong makapag-ayos sila.
"Sabay na kayo sa akin."
"H-huwag na. Out of way ang daan mo papunta sa--"
"May sasabihin ako sa iyo."
Binitin ko talaga para ma-curious s'ya at pumayag. Nangyari ang gusto ko.
Nauna na naming ihatid si Gelo kina Estrel. Wala na roon ang kaibigan ni Kennie, pero naroon na si Nanay Mila na saktong nagwawalis sa tapat ng bakuran nila.
"Kelan ka po babalik, Tito?" buong pag-asam na tingala ni Gelo nung ihatid namin s'ya sa tapat ng gate.
"Next week pa."
"Maraming tulog pa po?"
Napangiti ako, "Medyo konti lang.Hayaan mo, pagbalik ko, tuturuan uli kita. Basta practice ka lagi dun sa mga tinuro ko sa 'yo, ha?"
He beamed at me, "Sige po. Pinky promise po yun ha?"
So I took my pinky and hooked it with him, "Pinky promise."
Humalik ito sa akin, gayun din sa ina. Nagbilin pa na bilhan s'ya ng doughnut pagsundo sa kanya mamaya.
"Mike... ano yung sasabihin mo?" ungkat ni Kennie ilang kanto na lang sa university n'ya.
Sinulyapan ko s'ya saglit bago ibinalik ang mata sa daan, "Uhm... iimbitahan ko sana kayo ni Gelo."
"S-saan?"
"Birthday ng anak nang isa sa mga close friends ko sa Saturday. Sa Maynila. Gusto ka ring ma-meet ng mga kaibigan ko."
Di s'ya umimik.
Kaya di na rin ako nagsalita uli hanggang huminto ako sa tapat ng gate ng pinapasukan n'yang unibersidad.
"Kennie...?" untag ko. "Two to three hours lang naman ang byahe. Susunduin ko kayo sa umaga then dun kayo kay Mommy mag-stay overnight. Hatid ko kayo pabalik dito Sunday afternoon or evening."
Wala pa ring sagot.
"Kennie?"
"N-next time na lang, Mike. Ano kasi...di ba may dadating na pest control sa Sabado? Ano, gusto ko sanang nasa bahay ako kapag andun sila."
Shit! Mali yata ako sa pagpapa-schedule nun.
"Uhm, eh di next Saturday na lang yung pest control."
"Next time na lang talaga, Mike," malumanay man, alam kong hindi ko mababago ang desisyon n'ya.
Kaya, "Sige. Panghahawakan ko ang next time na yan ha?"
Tumango lang s'ya tapos nagpasalamat bago bumaba ng kotse ko.
I watched her walk going inside with bowed head.
Napansin ko rin na may ilang estudyanteng nakatingin sa kanya tapos titingin sa kotse ko.
Tsk!
Isang lingon lang, Kennie...
Isa lang. Ihahatid kita hanggang classroom mo para di ka naglalakad nang nakayuko.
Wala. Hanggang makapasok s'ya, hindi lumingon ang babae.
Tss.
Nauumpisahan ko na namang ma-guilty. Halatang napilitan lang itong magpahatid sa pag-aakalang napakaimportante nang sasabihin ko sa kanya.
Napilitan dahil katumbas nang paghatid ko sa kanya ay maaring umusok ang panibagong usapan patungkol sa kanilang mag-ina.
It was almost twelve when I parked at my slot in MonKho. Nakasalubong ko na nga sina Aris at Jeff sa reception.
"'Tol, fuck boy oh!" kalabit nung singkit kay Jeff sabay turo sa akin.
I raised a dirty finger at them hearing him mimicking how Juno calls us her bosses.
Yung kapatid talaga ni Andromeda! Na-comatose na at lahat, nuknukang bratinela pa rin!
The two just chuckled.
"Lika, lunch tayo," yaya ni Jeff.
"I'm tired driving," sabi ko. "Kagagaling ko pa lang sa Bataan."
"I'll drive. Carpool na lang tayo sa kotse ko," si Aris.
As we got inside his car, binuksan agad ni Jeff ang car stereo ni Aris.
Tahimik kami nung una habang ninanamnam ang pop rock musicna tumutugtog doon.
Paminsan-minsan pa nga kaming sabay na napapa-headbang.
Di ko maiwasang sabayan ang ilang stanza.
Tell me what you want to hear
Something that are like those years
Sick of all the insincere
I'm gonna give all my secrets away
This time, don't need another perfect lie
Don't care if critics never jump in line
I'm gonna give all my secrets away
"Nice...nice..." mahinang komento ni Jeff na gumagalaw ang kamay na akala mo ay may invisible na drumset sa harap n'ya.
Lalo akong ginanahan kaya napapakumpas-kumpas pa ako nung sa bandang rap na.
And everyday I see the news
All the problems that we could solve
And when a situation rises
Just write it into an album
Send it straight to gold
I don't really like my flow, no, so
"Woooh! Ayun oh!" malakas na sabi ni Aris na napapahampas pa sa manibela.
Si Jeff, tuloy lang sa imaginary drumming n'ya.
Suddenly, I felt nostalgic. Napatigil tuloy ako sa pagkanta.
Kulang kami.Wala si Erol at si Andie.
Gaya noong college days namin sa family van nina Jeff. Kapag may practice or gig kami.
Madalas, ako ang katabi ni Jeff sa harap.
Si Aris kasi, pasimpleng pumapag-ibig nun kay Andromeda sa loob ng van. At si Erol, tahimik lang sa likod.
Tahimik na mandirigma. Kasi naghihintay lang pala kina Sarah na siguradong darating para suportahan ang bestfriend na bokalista rin namin. Haha!
Biglang naalala ko si Gelo at ang pagtuturo ko sa kanya kahapon. Napangiti ako.
"Oh, nginingisi ni Fuck Boy?"
Napatingin ako sa rearview mirror.
Nakatingin nga sa akin ang chinitong mata. Nang-aasar.
"Look who's talking!" balik ko. "Ikaw nga, may Emma na!"
"Uuy, naiinggit!" tukso n'ya.
"Gago!"
"E di ba, may Gelo na?" pang-asar na gatong ni Jeff.
"Tangna n'yo. Di ko anak yun ha!" natatawa kong sabi.
Kami pa lang mga lalaki ang nakakaalam. Si Erol nga, binubuyo rin ako.
Ang daldal kasi nitong si Aris at Rob.
"Madali mo lang malalaman ang totoo. Magsabi ka lang," suhestyon ni Agoncillo.
That was the first day I was conscious after the fire incident, and we saw Gelo accompanied by Estrel and Nanay Mila.
"Excuse me! Di ko nga kilala yung babae," sagot ko.
"Bakit, kilala mo ba lahat ng nakakasama mo sa gabi?" hirit ni Aris.
"Tigilan mo ako, Kho," natatawa kong sabi. "At least kahit sa mukha, pamilyar ako."
Natawa ang dalawang lalaki.
"Sira ulo ka, Agoncillo! Kapag itong kaanuhan n'yo umabot sa iba," banta ko.
Tumawa lang sila nang mahina.
Tumawa dahil umabot nga sa barkada ko. Kahit sa asawa ni Andie.
"You and that douche bag are really friends," umiiling na sabi na patukoy sa bestfriend ng asawa n'ya.
Aris gave him the middle finger which made our friends chuckle.
Mabuti atnasa likod-bahay sina Andie at iba pang mga bisita.Naroon ang main thanksgiving dinner na hinanda ni Mommy para sa pagkakaligtas ko dahil sa sunog na nangyari.
Narito kaming magkakaibigan sa library/office ni Dad having our wine and liquor while talking over the incident and the on-going investigation.
Gusto nga sana ng mga magulang at kapatid ko na imbitahan sina Kennie but again, she declined. She had to run after her special exams since she missed the finals.
"Whatever these two," turo kokay Aris at Rob, "...told you, are not true. Maraming magkakamukha sa mundo."
"Yeah, right. Sinabi rin yan ni Kho," sagot ni Reid.
"Should I expect another client for my firm working on some birth certificates and all?" sundot ni Ralph.
Tangnang! Ito'ng hirap eh.
Mga kaibigan ni Reid ang humahawak sa imbestigasyon at mga legal matters sa nangyaring sunog.
Nadagdagan ang kumukuyog sa akin.
Tumikhim si Jeff, "Ano, Mike? Makakarating ba yung mag-ina sa birthday ni Hope?"
"Hindi eh. May ano... may schedule sila."
"Aba, humihina na ang convincing power natin sa chicks ah," komento ni Aris.
"Wow ha! Kumusta naman ang pangungumbinsi mong lumipat na sa iyo ang mag-ina mo?" sikmat ko pabalik.
"Bago magpasukan, lilipat na sila. Akala mo ha!" kumpiyansang sagot.
"Tss. I mean, yung agad-agad. Wag ka na!"
"Malakas pa rin 'yang si Mike. Iba'ng modus n'yan," biglang sundot ni Jeff.
"Bakit?Ano'ng meron?" nagtaka si Aris.
Ako rin.
"Mas matindi ang atake ni Mikey Boy ngayon. Kaya okay lang na hindi makakarating yung mag-ina. Kaya siguro itinatago sa atin yung babae. Tapos may Gelo pa," natatawang tukso uli.
"Gago! Pinagsasabi mo?" pasimple kong sinipa ang sandalan n'ya.
"Tumawag kanina ang Resource and Logistics Department. Nasa meeting ka," tukoy n'ya kay Aris. " Nag-inform daw yung contractor natin sa pest control na full sila sa Sabado. Pero nagrekomenda ng kakilala sa Bataan. Nagtaka ako dahil ang alam ko, tapos na ang initial pest control sa project ni Mike. Yung susunod eh sa final touches na nung building."
Napangiwi ako. Nakalimutan ko kasing i-on ang cp ko habang nagcha-charge ako sa kotse on my way here.
Ayun. Nalaman nila na para yun sa bahay nina Kennie.
Nagdududang napatingin sa akin si Aris nung sabihin ko ang dahilan na sayang ang bahay kung hindi mape-preserve.
"Gago! Out of my pocket yun," salag ko. "Nagbigay ako ng pera sa assistant engineer ko."
"Sagot ng MonKho yun, tanga," sikmat ni Aris. "Ang mura ng upa natin sa lodging n'yo dun."
"Eh bakit ganyan ang tingin mo?"
"Wala. Basta," pero natatawa ang gago.
Di na ako nakasagot dahil nag-park na kami sa tapat nang isang American resto.
During our lunch, we were busy talking about updates sa mga projects. Ito ang kinukuha naming pagkakataon para sa aming tatlo para hindi na kami laging umaagaw sa working hours namin. We'd rather have meetings with our staff kapag office hours.
Hindi na uli naungkat ang tungkol sa pest control at mag-ina.
Before I went home to my condo, sumaglit na ako sa mall to buy a gift for Hope. And I couldn't stop myself from going to a music store to buy some tabs for beginners para kay Gelo. Mas mabuti kung tuturuan ko s'yang bumasa nang ganito. At may maiiwan ako sa kanya para pag-aralan kung sakaling narito ako sa Maynial.
Parang bigla akong nalungkot.
Naisip ko kapag natapos na ang project namin sa Bataan. Ilang buwan na lang kahit idagdag pa ang dalawang linggong extension na hihingin namin dahil sa di inaasahang kailangang baguhin.
Hindi bale. Kapag may time ako, dadalaw-dalawin ko silang mag-ina.
Doon na rin sa isang resto sa mall ako naghapunan.
Out of the blue, I took out my phone and texted my assistant engineer. I just want to confirm na may darating na ibang pest control company.
Nag-oo naman ito. Sinabi rin na hindi uuwi sa Maynila ang ilang staff naming ngayong weekend para sa off nila. Tutulong nga kasing maglinis sa bahay-Kastila. Sayang raw ang rest day OT na ibabayad namin.
Akala ko, matatapos ang palitan namin ng text messages sa bilin ko na huwag na muna silang mag-inom sa Mang Donald's dahil may gawa nga bukas, pero nag-reply pa ang assistant ko.
Di kmi tlaga aalis, Mike. Dumating ung mnliligaw ni Ma'm Kennie. Nakainom yta. Prang ngttalo sila ng psimple sa sala.
Bigla akong naasar. Tinawagan ko tuloy.
"Nasaan kayo?"
"Yung iba, nasa quarters na nila sa likod. Yung iba umakyat na. Pero tatlo pa kami dito sa dining at may dalawa sa kusina."
"Asan si Gelo?"
"Nasa quarters sa likod. Kasama nina Kulot. Nakikikulit sa paggigitara."
May ilan kasi akong staff na marunong din.
"Sige. Basta huwag n'yong iiwan mag-isa si Kennie."
"Yun na nga ginagawa namin. Tsk! Kumalma ka nga, boss. Para kang tatay na may nililigawang anak," natatawang sabi.
"Gago! Pag-alis nung bisita n'ya, kayo na ang mag-lock sa gate at bahay. Tapos i-text mo 'ko."
"Okay,okay. Pambihira, di ako makapag-concentrate dito sa chess eh."
Isa yun sa libangan nila.
Medyo naaaburido ako kaya di agad ako nakatulog kahit natanggap ko na ang text na umalis na ang mayabang na manager ni Kennie sa Enrico.
What a stupid moron! Aakyat ng ligaw na nakainom!
Napanatag na ang kalooban ko kinabukasan nang tumawag uli ako sa Bataan pagdating ng tanghali. Tapos na raw ang pest control. Tatapusin na lang nila ang paglilinis pagkatapos mananghalian.
I ordered a light meal sa isang food chain. It's too early to go to Hope's birthday kaya naisipan kong maggitara muna.
Matagal na rin nang huli ko itong tugtugin.
Kung hindi pa nagpaturo si Gelo...tss!
It was nice bonding with my guitar again. It gave me a lighter mood.
Good mood na dala ko hanggang sa birthday ni Hope but it was cut off at the latter part of the party dahil sa isang tawag na natanggap ni Rob galing sa mga magulang.
He and Juno left without finishing the party. After about half an hour sumunod sa kanila ang mag-asawang Andie at Reid.
Naiwan kaming magkakaibigan na kakaba-kaba.
Later in the evening, Andie called.
Our expectation was not wrong. Juno was really furious.
Dumalaw kami kinabukasan kay Thunder, pero hindi kami kinakausap ni Juno.
Kaming mga naglihim sa kanya. We were included in her anger.
Kinakausap naman nito si Andromeda, pero limitado lang. And maybe out of respect, kaswal ring kinakausap ni Juno ang mga magulang ni Rob at Reid.
Ang tangi n'yang kinakausap nang normal ay si Madel, at ang dalawa n'yang kaibigang sina Paul at Troy.
Nagpaalam saglit si Rob na bababa. Alam naming magsisigarilyo ito. Gaya namin ni Ralph at Jeff, he only smokes occasionally. One thing that triggers it ay kapag ganitong stressed out s'ya. Kaya sumama kami sa kanya.
"Don't you think you should also tell Jun about everything that happened while she was in coma?" narinig kong tanong ni Ralph sa kaibigan.
"Tsk!" napahimas lang nang mariin sa noo at batok ang lalaki.
So I butted in, "I guess so, too, para matapos na lahat."
Halatang nalilito ang lalaki.
"Tol," si Jeff. "Baka maglayas na naman si Juno kapag binagsakan uli nang isa pa.Ang masama nito, baka tangayin si Thunder.Alam mo naman si Bunso, pabigla-bigla."
Last year kasi, halos isang buwang nawala ang kapatid ni Andromeda. Naglayas slash roadtrip sa northern Luzon.
Ang dahilan -- may nakapagsabi sa babae na may suot na wedding ring si Rob. Nakita dito mismo sa ospital na ito.
"Yeah, I guess you're right," sa wakas ay nagsalita si Rob. "And I can't afford it anymore. Not now. Not ever. That can wait. At the right time."
Naawa kami sa lalaki. Nakita namin ang paghihirap nito noong comatose pa si Juno.
"Konsultahin mo kaya si Andie?" si Ralph.
"She left me the decision when to tell her sister. Nangako s'ya sa akin at kay Juno na hindi na makikialam."
Hindi na kami nagkomento.
Kung ganyang nagkapagbitaw na pala ng pangako si Andie, hindi na basta mababago ang isip nito.
Ganun kaimportante sa magkapatid na dela Cruz ang pangako.
Pangako kaya nagtagal ang habulan nina Rob at Juno.
Bago kami umuwi, kinausap kami ni Rob na hindi na muna uli makakapasok sa MonKho si Juno.
"We are expecting that," sagot ni Jeff. "Natapos na naman ni Jun ang trabaho n'ya sa isa naming project. Kabibigay ko pa lang nang bago kahapon. Madali ko yung maia-assign sa iba."
"Mas imporetante ang pamilya," salo ko. "Unahin n'yo muna ang bata."
Pagdating ng Lunes, nag-usap kami nina Aris at Jeff.
"Tingin mo ba babalik pa si Juno?"
"Babalik yun. Alam mo naman si Amasona. Biglang bugso kapag galit. Di tayo matitiis nun," sabi ni Jeff.
Alam ko that we are all hoping she would.
Juno is a promising architect in the future. Hindi pa man lisensyado, nakikita na naming ang pulido n'yang trabaho.
At gaya ni Andie, mahal naming parang kapatid si Jun.
Kaya nga pinagtityagaan namin ang mga topak nito at pagsusungit.
I almost laughed when I saw relief in my secretary's eyes when she learned that the young dela Cruz will be on indefinite LOA.
S'ya ang nangunguna sa pila na pinagsusupladahan ni Jun outside the Architect Department. Ang dahilan: si Agoncillo.
Hindi ko naman pinagbabawalan o pinagsasabihan ang secretary ko sa pagpapapansin kay Rob. Dahil isa sa tago naming entertainment nina Aris at Jeff ang reaksyon ni Jun at pang-aamo dito ni Rob.
It has been two weeks since Hope's birthday.
I got to Bataan again for two days and had fun time with Gelo during the evenings.
I was silently hoping na dumating si Mar Belmonte para mapagsabihan ko na huwag pupuntahan si Kennie kapag nakainom.
Nag-aalala ako. Paano kung wala na kami dito?
Pero nakauwi na ako uli sa Maynila, walang Mar na nagpunta.
I had the feeling na sinasadya ng lalaki ang pagpunta sa bahay-Kastila kapag wala ako. Dahil sinabi ng staff ko na nagpunta uli ang lalaki dalawang araw pagkaalis ko.
May isa pa akong project na dapat ay pupuntahan that Wednesday.
But on my way to MonKho, I received a call from Rob's agent. Yung pinagbabantay ko sa mag-ina.
"Sir, we need you here. Hindi sinasagot ni Rob ang phone n'ya. Pero nag-inform na rin ako sa agency na kontakin s'ya uli."
"Bakit? Ano'ng nangyari?"
"Kaninang pag-alis ng staff n'yo sa bahay, may pumasok sa likod-bakod."
=================
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro