Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ngiti (9)

He was done with his laundry at si Kathryn naman sa pagluluto nito. Hindi na nila natikman ang luto nito dahil sa halip na maging adobong manok ay naging inihaw na iyon dahil natuyuan na ng sabaw. Instead, iprinito nalang ni Kathryn ang manok para pagsaluhan nila.

"Ang boring, 'no?" mayamaya ay tanong niya dito.

"Ha?" napatingin ito sa kanya. Yumuko naman ito agad sa plato nito at ibinalik ang ulit ang atensiyon sa pagkain. Pero alam niyang itinatago lang nito ang maliit na ngiting itinatago nito mula sa kanya.

"Walang TV, walang radyo."

"Natural, brownout nga, eh, 'di ba?" pamimilosopo pa nito.

"Ito ang mahirap sa modern living, eh. Naging too dependent ang mga tao sa kuryente. Kaya kaunting problema lang sa kuryente, parang malaking kawalan na agad iyon sa mga tao."

"And your point is?"

"Why can't people just live they way they used to live before?"

"You mean, when people just wore bits of clothing?" Napatingin naman ito sa suot niya. "Oops, sorry. I forgot. Sensitive ka pala sa usaping iyan."

Sa halip na mag-react ay itinaas nalang niya ang tapi sa dibdib, na para bang nahuhubad iyon, habang nakasubo pa sa bibig ang ginamit na tinidor. It brought a visible smile to her face. Lihim naman siyang napapangiti doon.

"Huwag ka na ngang maingay diyan. Ubusin mo nalang ang pagkain mo," anito pa.

Lihim nalang nilang inubos ang pagkain. Pero hindi pa rin niya maiwasan ang mapasulyap dito. At sa tuwing mangyayari iyon, napapangiti pa rin siya.

__________

"Bakit mo nga pala naisipang maging model? If I remember it correctly, no offense, masyado kang conservative noon," tanong ni Daniel kay Kathryn.

Nasa harap sila ngayon ng bintana at sabay na pinapanood ang hagupit ng bagyo.

"Well, I wanted to prove something to myself," sagot lang nito.

"Prove something? And what is that?"

Tumingin muna ito sa kanya bago ibinalik ang tingin sa bintana. "I wanted to have a voice."

"You wanted to have a voice?" naguguluhang tanong niya. "Kung ganoon, bakit pagmo-model pa ang pinili mo? Pwede ka namang mag-newscast, o di kaya'y mag-journalism."

Napailing ito. "You don't understand. I wanted to voice myself out. Gusto kong i-prove sa sarili ko at sa ibang tao na may kakayahan akong maging stand-out. That I could be a strong and independent woman."

"So, you became a model. A calendar girl. Hindi ba iyon naging mahirap sa iyo?" tanong niya.

"Mahirap. Sabi mo nga, 'di ba? Masyado akong conservative noon? Akala mo ba, madali lang sa akin ang mag-pose sa harap ng camera at maraming tao na naka-bra't panty lang? Na halos nakahubad na? Hindi."

"But still, you chose that kind of profession."

"Kasi kailangan. Kailangan para sa sarili ko. Para may mapatunayan ako sa sarili ko," sagot nito.

He was too curious now to stop asking her the questions running in his mind. "Sino ba siya?"

Napabaling ito sa kanya. "What do you mean?"

"Who is this person that made you this?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro