Ngiti (8)
"What are you doing here? Bakit sumugod ka sa ulan? Tanga ka ba, ha?"
Napapangiti nalang si Daniel sa litanyang iyon ni Kath. Binuksan naman nito ang screen ng pintuan nito.
"Sa tingin ko, hindi naman." Dinukot niya sa loob ng jacket niya ang organizer nito. "Kagabi lang iyan napansin ng isang staff noong shoot niyo para sa calendar ng kompanya. Kaya dinala ko agad sa office mo sa Posh Modelling Agency. You weren't there so dito na ako tumuloy. Baka kako importante ito sa iyo."
Hindi niya alam kung anong iniisip nito. Para kasi itong galit na naaawa sa kanya na ano. Giniginaw na siya dahil nabasa siya sa ulan nang sumugod sa bahay nito.
"Thank you. Pero sana iniwan mo nalang ito sa front desk namin."
"Well, at least you have it now. Sige, maiwan na kita. Idinaan ko lang talaga iyan dito."
Nang hindi na ito sumagot ay napagpasyahan nalang niyang umalis na doon. Pasugod na sana siya sa ulan nang biglang pigilan siya nito. Nagtatakang napatingin siya dito nang dinampot nito ang payong sa gilid ng pinto, binuksan iyon at magkasukob sa payong na sinamahan siya nito papunta sa sasakyan niya na nasa labas ng gate. Masyadong malakas ang hangin at ulan kaya kinailangan nilang magdikit nang husto para lang huwag mabasa. At para mas hindi na sila parehong mahirapan, inakbayan niya ito at nakihawak na rin sa payong.
He was tall and broad. Kaya mas madali para sa kanila ang ginawa niya. He didn't know why but the mere warmth of Kath when his arms were around her made everything seemed better. Parang nawala sa isip niya na may malakas na bagyo pala at iniihip na ng hangin ang payong nila.
Nang biglang umihip na naman nang malakas ang hangin ay bumaliktad at nasira ang munting payong na gamit nila. Kaya naging mabilis ang kilos niya. Hinubad niya ang suot na jacket at ibinalot iyon kay Kath saka niya itinakbo ito pabalik sa bahay.
"Whew! Ang lakas talaga ng ulan, 'no?"
Hinubad naman nito ang jacket niya at saka ito pumalo sa braso niya. "Bakit hinubad mo ang jacket mo? Tingnan mo tuloy, basang-basa ka na!"
"I'm fine. Kaysa naman ikaw ang mabasa."
"Eh, ang lapit lang ng bahay ko. Kahit anong oras, puwedeng-puwede akong maligo at magpalit ng damit kung mabasa man ako. Eh, ikaw? Paano ka?"
Hindi pa siya nakasagot sa tanong nito nang bigla nitong sinaklit ang kuwelyo ng suot niyang shirt at hinila sa loob ng bahay nito, dire-diretso sa banyo sa may kusina.
"Maligo ka na. Nagpapakamatay ka yata, eh."
"Wala akong baong damit," natatawang sagot niya dito.
Napasinghap siya ng malakas nang pinukpok nito ang organizer nito sa ulo niya.
"Mabuti iyan sa iyo nang matauhan ka at maisip mong hindi ka dapat sumugod sa ulan nang dahil lang sa lintek na organizer na ito. Pumasok ka na sa banyo. Nangangatog ka na nga diyan, eh. Sige na, ihahanap nalang kita ng maisusuot sa kuwarto ko."
"Opo," napapangiting wika niya.
Isa pang tampal ng organizer sa braso niya ang ginawa nito saka ito dumiretso sa hagdanan para puntahan ang silid nito. Nang nakapasok na siya sa banyo nito ay hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa kanyang mga labi. He has a feeling that this day will be interesting for him.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro