Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ngiti (6)

7 years later...


Kahit na kulang pa sa tulog si Daniel ay pinilit niyang gumising ng maaga. Late na rin siyang umuwi sa condo niya dahil marami pa siyang tinapos sa opisina. At ngayon, maaga na naman siyang nagising para maaga na naman siyang dumating sa opisina. Marami pa siyang gagawin at dapat tapusin.

He got out of bed and directly went to the bathroom. He hurriedly finished his shower at nagmadali ring magbihis. Hindi na siya nag-abala pang kumain ng breakfast. He didn't have time for that anymore.

Nang papalabas na siya nang condo niya ay tumunog namang bigla ang phone. He gruntedly turned back and went inside his condo and answered the phone.

"Hello?"

"DJ, anak." It was his mom.

"Ma, napatawag ho kayo?"

"I just wanted to remind you son, huwag kang masyadong ma-stress. Hindi maganda para sa health mo."

He rolled his eyes. Paano siya hindi mai-stress kung lahat na ng trabaho nito ay ipinasan na sa kanya? "Opo, Ma."

"And nak, huwag mong kalimutang maggala minsan, ha? Baka hindi ka na magkaka-asawa niyan."  Narinig niyang tumawa ito sa kabilang linya.

"Ma, kung wala po kayong importanteng sasabihin sa akin, can I get on now? Marami pa po akong trabaho."

"Okay, okay. I'm sorry. I just missed my busy and grouchy son. I'm just gonna remind you of our dinner date tonight."

Napasapo siya sa noo. Malapit na niyang makalimutan iyon. "Opo, Ma. Hindi ko po iyon makakalimutan."

"OKay, nak. I'll see you later. Ingat ka. Have a great day ahead."

"Opo, Ma."

"I love you, nak!"

"I love you too, Ma!" At saka lang niya ibinaba ang telepono.

He went out of his condo and hurriedly went to his office. Madami pa talaga siyang tatapusin kaya kailangang bilisan niya ang trabaho.

__________

"Yo! Mister CEO, delivery from Sweet Blends Cake Shop."

Mula sa tambak na papeles sa kanyang mesa ay nag-angat ng tingin si Daniel. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa matalik na kaibigan niyang si Katsumi na nakangising pumasok ng opisina niya. Kung paano ito nakapasok sa opisina niya nang hindi sinasabi sa kanya ng kanyang secretary ay mukhang alam na niya. Malamang ay dinaan na naman nito sa charm nito ang secretary niya.

"I'm busy right now, Kats. Ang daming itinambak na trabaho sa akin ni ermats. Mamaya mo na ako istorbohin," pagtataboy niya dito at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng mga papeles sa kailangan pa niyang pirmahan.

Hindi pa naman kasi siya officially positioned as the new CEO ng company ng mama niya, ibinigay na nito sa kanya ang lahat ng gawain nito as the CEO of the company. By the end of the month, pormal na bababa na sa position ang mama niya bilang CEO ng Ford Food and Beverage at siya na ang papalit sa pwesto nito.

Pero pinaghandaan naman talaga niya ang pagkakataong iyon. Ilang taon na rin siyang hinayaan ng mama niya sa pagbabanda-banda noon, pero ngayon, siya na ang inaatasan nitong mamahala na sa kompanya ng pamilya nila. Soon, bibigyan rin si JC ng rightful position doon sa kompanya. But as of the moment, kontento pa ito sa pagiging sikat na singer sa bansa.

"Ano ka ba naman, pare? Parati ka nalang busy, eh. In fact, kayong lahat nalang busy. Si Seth, busy sa pamamahala sa rock school niya. Si Lester naman, busy na rin sa car shop niya. Si JC, busy na sa pagiging solo artist niya. 'Langya! Wala na nga kayong time para sa banda, eh."

"Hindi kasi kami katulad mo na hanggang ngayon, tamad pa rin," sabi niya.


"Hindi ako tamad. Hindi lang talaga kasing-hirap ng trabaho ninyo ang trabaho ko," pagrarason nito.

Nagkibit-balikat siya. Marami ang hindi naniniwalang isang patissier si Katsumi. Ito ang nagko-conceptualize at gumagawa ng cakes and pastries na ibinebenta nito sa Sweet Blends, ang chain of cake shop nito.

"Pare, labas ka muna ng opisina mo kahit sandali lang. I heard there's a photo shoot going on sa second floor. Your company's calendar girl is really hot, you know"

"Yeah, I heard," hindi interesadong sagot niya.

"Ay, oo nga pala. Hindi nga pala calendar girl type ang tipo mong babae," natatawang sabi nito.

Ibinaba niya ang ballpen niya at iritableng tiningnan ito. "Shut up, Katsumi."

Lalo pa itong ngumisi. "So, you wanna check her out?"

"Hindi ba sabi ko, busy ako?" Kahit kailan, basta babae, nagiging ganoon ito. Hindi na talaga ito nagbago.

"Ang sabihin mo, wala ka talagang interes sa babae maliban kay - "

Marahas na tumayo siya bago pa man nito maituloy ang sasabihin nito. "Fine!"

Ngumisi naman ito na para bang nagwagi sa lotto.

Napatingin siya sa relo niya. "Damn! It's almost lunch. Kapag hindi ko natapos sa oras ang trabaho ko, ikaw ang malilintikan sa akin, Katsumi," pagbabanta niya rito.

Tumawa ito, pagkatapos ay tumayo na rin. "Pare, kapag nakita mo siya, makakalimutan mo ang trabaho mo," sabi nitong tinapik pa siya sa balikat.

Napailing na lamang siya. Malabaong may bagay na makakapagpalimot sa trabaho niya nang oras na iyon. Ngunit mas mabuti na ring pagbigyan niya ito para tumigil na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro