Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ngiti (5)

Hindi alam ni Daniel kung saan siya dadalhin ni Bea. Basta't ang alam lang niya, kailangan niyang tiisin ang pakisamahan ito.

Nagulat nalang siya nang nakarating sila sa library. Ano ba ang pakulo nito?

"DJ, halika na," tawag ni Bea sa kanya nang huminto siya sa paglalakad.

Napasunod naman siya dito at pumasok na rin sa library. She was heading to one of the high shelves. Mukhang doon siya nito dadalhin.

Sa kanyang paglalakad, may napansin siyang familiar na mukha. Nang napalingon naman siya'y nakita niya si Jane, iyong kaibigan ni Kath. Parang may sariling isip ang kanyang mga mata at may hinahanap-hanap sa loob ng library. She was searching for her face... for Kath's beautiful face. Naramdaman na naman niya ang mabilis na tibok ng puso niya.

"DJ, ang bagal-bagal mo naman," reklamo ni Bea.

Nang tumingin siya dito ay nakakrus na ang mga braso nito sa dibdib. Kaya naman ay hininto muna niya ang paghahanap at dumiretsong tumungo sa kung saan tumungo si Bea.

Nang sa wakas ay huminto na rin ito ay napahinto na rin siya. Napaharap ito sa kanya at ningitian siya.

"Ano ba iyang sasabihin mo, Bea?" tanong niya dito. Gusto na niyang malaman ang sasabihin dito para makaalis na rin ito at hindi na siya nito guluhin.

Tumawa ito nang mahina. "DJ, hindi mo man lang ba ako kakamustahin?"

"Kailangan pa ba?" naiiritang wika niya.

Nagtaas ito ng kamay. "Okay, fine. I'll tell you na."

"Mabuti naman."

Nagkrus na naman ang mga braso nito sa dibdib. "Totoo bang may ibang gusto ka na ngayon?"

Kumunot ang kanyang noo. "Ano?"

"I heard, may ibang gusto ka na daw."

Is she talking about Kath?

"May nakapagsabi sa akin, you were eyeing on that Kathryn Bernardo girl. And from what I heard, may secret crush din daw sa iyo ang babaeng iyon."

Natigilan siya. May gusto sa akin si Kath? Lihim siyang napangiti.

"The nerve of that girl. Hindi na siya nahiya. Ang lakas ng loob niyang magkagusto sa iyo. Isa lang naman siyang pangit na nerd," mataray pa na sabi nito.

Nagsimula na siyang mainis dito. Kung makapaglait ito ay parang wala itong kapintasan sa katawan. Pero kesa patulan ito, he tried to contain his cool. "Bea."

Nakita niyang napairap saka ay tumango. "Tell me, DJ. Is it really true?"

Ayaw na niyang patulan ito. "Bea..."

"C'mon, DJ. You can tell me. After all, may pinagsamahan naman tayo. And I'm still your friend. Hindi ba?"

"Ano ba ang sasabihin ko sa iyo, Bea?" Naiinis na talaga siya dito.

"Sabihin mo sa akin na kaya mo lang pinag-aaksayahan ng panahon iyang nerd na iyon ay para pagselosin ako. Totoo naman, di ba?"

Malapit na talaga niyang patulan ito. "Bea, Kath's not a nerd."

Tumaas ang isang kilay nito. "She wears thick glasses, wears no make-up on her face, and wears baduy clothes. Ano pa ang tawag mo dun? Kung hindi nerd, then baka loser."

Napapagod na siyang makipag-usap dito. Ayaw na talaga niyang patulan ito. Kaya imbes na makipag-argumento pa dito ay sinabi niya ang tanging makakapagpatigil dito.

"Okay, okay. She's a loser. Ano ba ang gusto mong mangyari?"

Tumawa ito. "Iyan! That's the Daniel Padilla I know. Alam ko naman talagang pinaglalaruan mo lang itong Kath na ito. She's a nerd and a loser kaya malayong magkagusto ka sa kanya. She's not your type. Ano ba ang makukuha mo kapag pinaglaruan mo siya? Ang pagmamahal ko?"

Nasasaktan siya sa sinabi ni Bea. Pero ano pa ang punto kapag papatulan pa niya ito? Kaya sinakyan nalang niya ito. "Wala ka na doon. Kung pinaglalaruan ko man ang feelings ni Kath, labas ka na doon. Huwag mong pakialaman ang trip ko."

Dali-dali na siyang lumakad papalayo doon. Baka kasi humaba pa ang usapan. Napapagod lang siyang makipag-argumento pa dito.

Naiinis talaga siya kay Bea. Kung hindi lang ito babae, papatulan na talaga niya ito. Hindi niya alam kung bakit nagkagusto pa siya dito. Sa una naman kasi, napaka-sweet nitong babae. At tsaka, mukhang mabait din ito at masayahin. Pero nang lumaon na, nang mas nakilala na niya ito, unti-unti nang lumalabas ang tunay na kulay nito. She was not the girl he thought she would be.

Nagkakilala sila ni Bea dahil minsan na silang nagkasama sa isang pictorial para sa isang clothing line, ang BUM Equipment. Noong una silang nagkakilala, naramdaman naman niyang may spark sa kanilang dalawa. Kaya nga hindi na niya pinalampas na humingi ng number dito. At nang magka-text naman silang dalawa, mas lalo niyang nagustuhan ito dahil inakala niyang sweet itong tao. Their first date was memorable to him. Doon niya nalamang masarap pala itong kausap. It only took him a month bago siya nito sinagot.

Their first few months were great for him. But as time passed by, parang lumalabas na ang totoong kulay nito. Ibang Bea Binene na ang nakilala niya nang naging sila na. Kaya nga ay unti-unti na rin siyang nawawalan ng gana dito. Pero still, he gave her another chance. Iniisip nalang niyang kaya ito nagkaganoon ay dahil stressed ito sa trabaho. Alam naman niyang mahirap ang maging artista. Kaliwa't-kanan ang shooting, presscon, pictorial, guestings at mall show ito. May mga issues pa itong hinaharap na ang sabi naman nito, mga pawang kasinungalingan lang. He tried to understand what she was going through.

Pero nang mas humaba pa ang panahon, talagang nag-iba na ito. Hindi na niya ito kilala. Hindi na ito ang sweet, happy, and lovable Bea Binene na nakilala niya. At nang nahuli pa niya itong kahalikan si Jhake Vargas na ka-loveteam nito ngayon, iyon na ang naging hudyat ng lahat. Kaya hindi na siya nagdalawang-isip na hiwalayan na ito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang ibang-iba ito sa Bea na unang nakilala niya. Hindi rin siya makapaniwalang sisiraan nito si Kath.

Nagbuntong-hininga siya. Kahit kailanman, totoong-totoo ang nararamdaman niya kay Kath. He really likes her... a lot. At ngayon, gagawin na niya ang sana ay matagal na niyang ginawa.

Liligawan ko si Kath.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro