Ngiti (4)
"DJ, ano? Duduwag-duwag ka na naman?" Narinig niyang wika ni Katsumi. Magkasama silang nakaupo sa isa sa mga benches na nasa gilid lang ng covered pathway ng university.
"Shh," sita niya sa kaibigan.
Narinig niya itong nagbuntong-hininga. "Hay naku, DJ. Torpe mo talaga. Hindi ako makapaniwalang may kaibigan pala akong torpe."
Napatingin siya dito. "Hindi ako torpe. Chill lang ako."
"Chill? You call that chill? Oh, c'mon! Halos isang linggo ka nang patingin-tingin kay Kath sa malayo. Chill ba ang tawag doon? Saka kung sakaling titingin din si Kath sa iyo, umiiwas ka naman ng tingin. Grabe 'tol. Ako ang nahihiya para sa iyo, eh."
Inis na napakamot siya sa ulo. "Huwag ka ngang magulo. Walang basagan ng trip, ha?"
"Trip? Ganyan ba ang trip mo ngayon, DJ? Ang labo ng trip mo," anito pa.
"Ano ba kasi ang gusto mong gawin ko, ha, Kats?"
"Simple lang naman iyan, bregs. You go to her, greet her, smile at her, give her a complement, and then ask for her number. Saka naman magte-text kayo, and you know what happens next," sagot nito sa tanong niya.
"Hindi ganoon kasimple iyon."
"It is. It's just that, torpe ka lang talaga kaya nahihirapan kang gawin iyon."
He mockedly punched his friend's arm. "Call me torpe one more time and I'll break your face."
Tumahimik naman ito. Pero halata pa rin sa mukha nito ang pang-aasar sa kanya.
"May feeling pa naman ako na may iba pang nagkakagusto kay Kath. Baka maunahan ka, 'tol," wika nito ilang saglit lang.
"Anong ibig mong sabihin?" nakakunot-noong tanong niya dito.
"Remember Khalil?"
Tumango siya dito. Yes, he remembered him. Kaklase ito ni Kath sa halos lahat ng subjects nito. Isa itong nerd na music lover din. Nagkakilala sila dahil nag-ensayo na rin ito noon sa music room. And he has to admit, the guy has a good voice.
But not as good as me.
"What's with him?"
"Napapansin kong iba iyong tinging ipinupukol niya kay Kath. Parang katulad nang sa iyo," sagot ni Kats.
"Anong tingin ba iyang pinagsasabi mo?"
"Look of love," anito na dinaramdam pa talaga ang pagsabi niyon.
Totoo ba ang pinagsasabi nito?
"Ayaw mong maniwala?" tanong pa ni Kats.
Hindi siya tumugon dito.
Nagkibit-balikat nalang ito. "Bahala ka diyan. Basta, I already warned you, bro."
Pinagmasdan nalang niya ang babaeng lagi nalang laman ng isip niya. Kathryn was walking down the covered pathway. Nakayuko ito at nakatingin sa rubber shoes nitong isang taon na yatang hindi nito nalinisan. Mahinang naglalakad ito ng sa pathway at mukhang malalim ang iniisip.
Nate-tempt na rin siyang lapitan ito but he stayed on his seat. Oo, talagang inaamin niya. Torpe siya. Kasi hindi niya ito magawang lapitan at sabihin dito ang totoong nararamdaman niya dito.
"Ah, DJ... Mukhang may taong gusto kang makausap."
Napatingin siya sa tinutukoy ni Katsumi. Papalapit sa kinaroroonan nila si Bea, his ex.
What's she doing here?
"Hi Kats! Hi DJ!" masayang bati nito sa kanila.
"What are you doing here?"
"Can I talk to you for a minute?" tanong nito sa kanya.
"What for?"
Napatingin ito kay Katsumi bago ito napatingin ulit sa kanya. "Can I talk to you in private?"
Napabuntong-hininga siya. He didn't want to talk to her pero iba ito kung hindi napapabigyan. Parang sinasayad ng topak. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.
He stood up and faced her. "Okay. Saan tayo?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro