Ngiti (3)
Nasa backstage si Daniel at naghahanda para sa performance nila na magaganap. May program kasing magaganap sa school nila at nag-request ang dean nila na sana ay makatugtog sila sa programang magaganap.
"Uy, Daniel. Ba't parang nakatulala ka na diyan?" pukaw sa kanya ni Seth nang naging tahimik lang siya habang ang mga ito ay nag-aasaran.
"Wala," simpleng tugon niya dito.
"Si Kath ba?"
Hindi lang siya umimik.
"Pare, iba na nga talaga ang tama mo sa kanya ano?"
"Mukha nga," nakapanglumbabang sagot niya dito.
Tinapik-tapik naman nito ang balikat niya. "Sa katagal-tagal na panahong naging magkaibigan tayo, ngayon lang kita nakitang ganyan."
Tumawa siya dito. "Ako nga rin. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito."
"TL na iyan, bro," tapik din sa kanya ng kapatid niya. Kasama pa nga sila Katsumi at Lester. Nakisali na pala ang mga ito sa usapan nila ni Seth.
Nakangiting napailing-iling siya.
"By the way, bregs, nandiyan ang ex mo sa crowd," sabi sa kanya ni Lester.
"Ano?" nakakunot-noong tanong niya dito. Ano naman ang ginagawa ni Bea dito?
"Yup. Patay ka na niyan, pare," iling-iling na wika ni Seth.
Napabuntong-hininga lang siya. Bakit ba kasi nandito pa si Bea? Hindi ba nito maintindihan na ayaw na niyang makita ito? He broke up with her kasi he found her kissing with another man... ang ka-partner nito sa serye nitong si Jhake. Kaya naman ay agad na hiniwalayan niya ito . Wala nang rason para pag-aksayangan niya ito ng oras niya.
Hindi nalang niya inintindi pa ito.
"Kuya, anong ginagawa ni Bea dito?" mahinang tanong ni JC sa kanya.
"Hindi ko alam."
"May mga press na nandito ngayon. Baka kung ano na namang issue ang masangkot sa inyong dalawa. Kaya mag-ingat ka lang, kuya," nag-aalalang sabi ng kapatid niya.
Tumango lang siya dito. "I know, JC. Pero huwag kang mag-alala. I can take care of myself." Tinapik pa niya ang balikat nito.
"Huwag ka ring mag-alala, bro. Kapag inatake ka pa ng mga chismosong press na mga iyon, we got your back," ani Katsumi pa.
Napangiti siya. "Thanks, bro."
"Ito naman kasing si DJ. Napaka-gwapo at habulin ng babae. Ayan tuloy, dinudumog din ng mga press ng mga issue. Sikat ka kasi, 'tol," natatawang asar ni Seth.
"Kasalanan ko ba iyon?" pagsasakay niya dito.
"Ang hangin," natatawang komento ni Lester.
Biglang napatingin si Katsumi sa bandang may likuran niya. "Hey, ikaw ang babaeng nakabungguan ni Daniel sa may library the other day, hindi ba?"
Agad na napalingon siya sa kanyang likuran and was heartily glad to see the girl with the most beautiful smile he had ever seen in his entire life.
"Yeah, tama," dugtong pa ni Seth. "Iyong palaging palihim na tinitingnan ni Da - "
Agad namang tinakpan niya ang bibig nito.
Shit. Itong si Seth talaga. Hindi talaga mapigilan ang pagka-bungangero nito.
"Ang ganda mo nga pala talaga sa malapitan. Especially if you take your glasses off," komento pa ni Lester.
"Kahit naman na naka-glasses siya, maganda pa rin naman," wika din ni JC.
Damn. Pinagtutulungan ako ng mga ugok na ito.
Hindi nalang niya inintindi pa ang mga ito. Sa halip ay mabilis na nilapitan niya ito para wala nang iba pang masabi ang mga kaibigan niya.
"Hey," nakangiting bati niya dito.
Bigla nalang nalaglag ang plastic na hawak-hawak nito. Kaya ay nagkalat ang mga dala-dalang bottles of water na nasa loob ng plastic. Agad naman dinampot nito ang mga iyon. Kaya naman ay napaluhod din siya at tinulungan itong damputin ang mga iyon.
Lihim siyang napangiti. It's just like our very first meeting.
"Hindi siguro nakayanan ng plastic ang bigat ng mga tubig." Napatingin siya sa isang bottle na hawak-hawak niya. "Uhaw na uhaw na ako. Hihingi sana ako ng isa, kung okay lang?"
"Hindi!" sabi nito na ikinagulat niya. "Ah - I mean, o-okay lang na kumuha ka. Para... para sa iyo naman talaga ito, eh. I mean, para sa inyong lima," bawi naman agad nito.
Lumapad ang mga ngiti niya sa labi. Sa wakas ay narinig na niya ang boses nito. Ang ganda talaga nito, lalong-lalo na kapag namumula ang mga pisngi nito.
"Salamat pala dito," sabi niya dito. "Hindi ka na sana nag-abala pa."
"W-wala iyon. Sige, m-mauna na ako," anito at madaling lumakad palayo sa kanya.
"DJ, habulin mo siya. Habulin mo," narinig niyang tugon ng mga kaibigan niya sa kanya. Kaya agad naman hinabol niya ito.
Nagulat naman ito ng nakita siya nitong humabol dito.
Anong sasabihin ko? "I didn't get your name."
"Ha? Ah - uhm... Kath," nahihiya pang sabi nito.
Wala na naman sa sariling napangiti siya. Inilahad niya ang isang kamay niya dito. "I'm Daniel."
"I know."
"You know?"
Namula agad ang mga pisngi nito. "A-ang ibig kong sabihin, k-kasi hindi ba sikat kayo na banda N-naririnig ko ang pangalan ninyo."
Lalong lumapad ang pagkangiti niya. "Ang ganda mo pala kapag nagba-blush ka." Hindi na niya napigilan ang sarili na sabihin iyon.
"Uhm, I-I'll go ahead. S-sige."
He still needs to talk to her. Gusto pa niya itong makausap at makita ang ngiti nito. "Tapos na ba ang klase mo? Ihahatid na kita."
"Hindi, I'm fine. M-may kasama ako."
"Hoy, Daniel!" narinig niyang sigaw ni Seth. "May performance pa tayo. Mamaya ka na manligaw."
Shit. Nakalimutan ko.
"Oo nga," segunda pa ni Lester dito. "Nagseselos na ako, ha, DJ."
Gago. Napilitang nilapitan niya ang mga kaibigan nang ma-realize niyang inubusan na siya ng tubig ng mga kaibigan niya.
"Pambihira! Bakit ninyo inubos? Hindi naman sa inyo ito, ah."
"Anong hindi? Dinig na dinig namin na para sa amin ito at hindi lang para sa iyo," sagot ni Katsumi.
"Kahit na! Tinirhan niyo sana ako. Pambihira talaga!"
Nagtatalo at nagkakagulo ang mga kaibigan niya. Kahit kailan talaga, ang kukulit ng mga ito.
"Bro, nakaalis na si Kath," wika ni JC.
Napatingin naman siya sa direksiyon ni Kath at nakita ngang nakaalis na ito. Napangiti naman siya.
"Inlababo si Daniel chickboy natin. Whoo," kantiyaw ng mga kaibigan niya sa kanya.
"Kinikilig pa nga," patuloy na pang-aasar ng mga ito.
Hindi na niya inintindi pa ang mga ito. Wala na siyang pakialam sa mga asar ng mga ito. Para sa kanya, sa wakas ay nakausap na rin niya si Kath at nakita itong ngumiti. He's going to be fine now.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro