Ngiti (2)
"DJ, ayaw mo pa bang mag-lunch?" tanong sa kanya ni Seth. Nasa music room siya habang tinutugtog ang gitara.
"Mamaya na siguro," sagot lang niya dito.
"Hmm. Siyanga pala, nandoon si Kathryn," sabi nito.
"Sino si Kathryn?" nagtatakang tanong niya dito.
"Ay, nakalimutan ko palang sabihin sa iyo. Siya iyong babaeng palagi mong tinitingnan. Iyong nasa cafeteria kahapon," sagot nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. "Papaanong - ?"
"O, baka mag-isip ka na nang masama diyan sa utak mo. Hindi ko tinanong sa kanya ang pangalan niya. Actually, I asked her friend for her name."
Simpleng tango lang ang itinugon niya dito. "I see."
"Kaya makakahinga ka na ng maluwag diyan. Hindi ako dumamoves sa kanya kaya huwag kang matakot," nakangiti pang sabi nito.
"Gago." Pero nagpapasalamat pa rin siya dito.
"Sige na. Kumain ka na ng lunch. Nandoon si Kathryn. Nag-iisa lang siya. Baka gusto mong samahan siya."
Napatawa siya ng mahina. "Sige, sige."
Saka ay madaling tinungo ang canteen.
Nang nakapasok na sa canteen ay dali-dali niyang hinanap ito. Malapad ang ngiting gumuhit sa mukha niya nang nakita niya itong nakaupo sa isang mesa, the same table she was seated in yesterday. Mag-isa na naman ito at binabasa ang paborito yata nitong libro... ang Algebra.
Bumili muna siya ng makakain. Nang nakabili na ay naglakas-loob talaga siyang puntahan ito. Hindi na niya tinawag ang pansin nito at dire-diretso lang na umupo sa kabilang panig ng table na inookupa nito.
Ningitian niya ito. "Hi! Do you mind if I sit here? Wala na kasing bakanteng upuan, eh. Mabilis lang naman akong kumain ng lunch."
Nagdasal siyang hindi na ito mag-usisa pa at maghanap ng bakanteng table na pwede niyang lipatan. Laking pasasalamat naman niya nang tumango lang ito sa kanya. Kaya hayun, ang lapad-lapad na ng ngiti niya. Abot hanggang tenga.
Wala sa sariling nilantakan niya ang pagkain. He needed a distraction. Baka kasi hindi na siya makakain pa dahil ang gusto lang niyang gawin ay tingnan ang magandang mukha nito.
Pero nang hindi siya makatiis ay napatingin ulit siya dito. Mabilis naman na itinuon ang atensiyon nito sa binabasang libro. Lihim siyang napangiti.
Ang cute talaga niya, isip-isip niya. He needed to talk to her. Gusto niyang marinig ang tinig nito.
"Ang studious mo pala," nasabi niya dito. Hindi niya alam kung bakit sa lahat-lahat ng pwede niyang sabihin dito, iyon pa talaga ang lumabas sa bibig niya.
Inayos lang nito ang salamin nito. Pero hindi pa rin siya tinitingnan nito. Nanataling nasa librong binabasa nito ang tingin nito.
Dali-dali siyang nag-isip ng pwede pang sabihin dito. "Wow. Algebra. Iyan ang subject na talagang ayaw na ayaw ko. Parati kasi akong bagsak diyan, eh. Grabe ka naman kung makapagbasa ng Algebra. Parang nobela lang, eh."
Nakayuko pa rin ito. Hindi na niya alam ang gagawin.
Still, naghanap pa rin siya ng sasabihin dito. "Ang talino mo siguro sa Algebra. Kung ganyan lang ako kasipag magbasa, makakapasa na siguro ako sa Algebra na subject ko." Napatawa pa siya nang mahina sa kasinungalingan niyang iyon. Yes, it was a lie. Algebra was his favorite subject. Flat one ang grade niya sa subject na iyon.
Still, nanahimik lang ito at tila hindi siya nito pinapansin. Baka nga naiingayan na ito sa kanya. Kaya naman ay napasuko nalang siyang pagsalitain ito.
"Ay, ingay-ingay ko na siguro. Sorry. Ang daldal ko kasi. Nai-istorbo na siguro kita. Pasensiya na. Tatahimik na ako. I'll mind my own business. Sorry uli. Mag-aral ka lang diyan."
Pagkatapos noon ay itinuon nalang niya ang buong atensiyon sa kinakain niyang lunch. Mukhang wala talaga itong balak na pansinin siya. Nadidismaya man pero pinilit niya pa ring pasiglahin ang sarili. Dali-dali naman niyang tinapos ang lunch niya.
"Sige, ah. Tapos na akong kumain, eh. Alis na ako. Thanks nga pala sa pag-share ng table mo sa akin. Sorry uli sa istorbo," aniya dito nang natapos na siyang kumain. Tumayo agad siya at dali-daling tinungo ang pintuan ng canteen. Saka lang niya naipalabas ang kaninang pinipigilan niyang hininga.
Laglag ang balikat na tinungo niya ang music room. Nadatnan naman niya doon si Seth na naggi-gitara.
"How'd it go, pare?" tanong nito sa kanya.
Napaupo siya sa isang silya doon. "Okay lang."
"What do you mean, okay lang?"
"Okay lang. Silent type pala siya," nakapanglumbabang sagot niya dito.
Nakakunot ang noong tumingin ito sa kanya. "Silent type?"
"Oo, eh. Salita ako nang salita, pero hindi naman siya sumasagot. Ayaw siguro niya akong kausapin, ano? Kaya siguro hindi niya ako pinapansin."
Natawa naman ito. "Wow. Namomroblema ka sa babae? Talagang malakas nga ang tama mo diyan kay Kathryn."
Napabuntong-hininga siya. "Ni hindi ko man nakuha ang pangalan niya na siya mismo ang nagpakilala sa akin. Wala akong kwenta."
Napapalatak ito. "Pare, okay lang iyan. Sabi nga nila, there are many fishes in the sea. Marami pang babae diyan. Kung ayaw ni Kathryn sa iyo, humanap ka nalang ng iba."
Hindi nalang siya sumagot dito. Siguro nga, tama ito. Mukhang ayaw naman siya nito. Mas mabuti sigurong kalimutan nalang niya ito at humanap nalang ng iba.
Pero papaano ko ba gagawin iyon kung siya lang parati ang nilalaman ng isip ko?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro