Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ngiti (12)

"Patay ka kay Kim nito."

He smiled at her comment. At habang pinapanood niya itong nilalantakan ang pagkaing kinuha niya para dito, hindi nababawasan ang pagkamangha niya.

"What?" Pansamantalang itinigil nito ang pagkain at hinarap siya. "Are you not eating?"

Mahinang napatawa na naman siya. This woman never fails to amaze him. Kung bakit ba kasi hinayaan niya itong mawala sa paningin niya noon?

"Hindi ka ba talaga kakain?" Tanong uli nito sa kanya nang hindi siya umimik. "Well... Bahala ka."

Hindi na siya nagsalita at tinitingnan nalang ito habang sarap na sarap ito sa kinakain. Para yatang isang taon itong hindi nakakain nang ganoon karaming pagkain. Hindi man lang ito umiinom ng tubig. Hindi kaya ito mabibilaukan?

"Hey, eat slowly," paalala niya dito.

Napatingin naman ito sa kanya. Nakita niyang may residue ng kinakain nito sa gilid ng labi nito. Wala sa sariling pinunasan niya iyon.

"Eat slowly, Kath. You might get constipated later."

Ramdam niya ang pagkabigla nito dahil nanigas ang buong katawan nito. Nabitin pa nga sa ere ang kutsarang isusubo nito.

Napatitig naman siya sa nabiglang mukha nito.

"What? Is something wrong?" tanong niya dito.

Mukhang nahimasmasan naman ito dahil agad na lumayo ito sa kanya.

"Uhm... N-nauuhaw ako. I'll just get something to drink."

Akmang tatayo na ito pero pinigilan niya ito.

"I'll do it. I'll get you something to drink," pagbo-boluntaryo niya. "Just continue eating."

Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at diretsong pumunta sa beverage section para kumuha ng drink nito.

"Yo! How's your date?"

Nabigla siya sa biglaang pagsulpot ni Katsumi sa tabi niya. Malapit pa ngang malaglag niya ang baso ng juice na kinuha niya.

"Naman, Katsumi!"

"I thought you planned something more... "romantic"? I didn't know buffets are your kind of romantic."

"Well... I did plan something romantic. Pero parang na-miss kasi ni Kath mag-buffet. So dinala ko nalang siya dito," sagot niya sa tanong nito.

"Ooh... Very considerate. Yeah, you need it to prove your sincerity, pare. I'm so proud of you." Tinapik pa siya nito sa balikat. Pero hindi naman ito umalis sa tabi niya.

Kumunot ang noo niya. "Ano? May sasabihin ka pa?"

"Yeah... Well, I just want you to know that you have a visitor," sagot naman nito sa kanya.

"What? Sino?" Nagtatakang tanong niya.

Saka ito ngumuso sa may isang parte ng restaurant kung saan may nakaupong isang babae na panay ang tingin sa kanya. Nang nakita siya nitong tumingin sa kanya ay tumayo naman agad ito at nagsimulang lumapit sa kanya.

"Wait... Is that - ?"

"Hi DJ! How are you doing?" Ngiting bati nito nang nakalapit na sa kanya.

"Bea? Anong ginagawa mo dito?"

"Is that how you're greeting an old friend now?" Nakangiti pang sabi nito sabay beso sa kanya.

Napatingin naman agad siya sa mesa kung nasaan si Kath. At huling-huli niya ito nakatingin sa kanila.

Shit!

"Um... Can we go talk somewhere else, Bea?" Nagmamadaling sabi niya dito.

"What? Why?"

Napatingin na naman siya kay Kath at nakitang hindi na ito nakatingin sa kanila.

Narinig niyang napatawa si Bea. "Oh, so siya pa rin pala?"

"Ha?" Napatingin siya kay Bea na ngayon ay abot tenga na ang ngiti.

"Well... I'll just go and say hi," sabi nito at walang paalam na iniwan sila ni Kats at nagtungo sa mesa ni Kath.

"Wait. Bea -"

Shit!

"Kats, ba't hindi mo pinigilan?" Nagpa-panic na sabi niya kay Katsumi.

"Huh? Bakit ako? Hindi ko naman ex iyon. Ex mo iyon. Ikaw dapat yung pumigil sa kanya," sagot naman nito.

"Damn. Come on," hila niya kay Kats.

—-

Napahalukipkip si Daniel sa mesa, habang palipat-lipat ang tingin niya kina Kath at Bea.

"Well... I must say, you really look like a model," sabi ni Bea.

"But she is a model. The hottest and sexiest model in the world," sabad ni Katsumi.

Shut up! He mouthed his friend. Nagkibit-balikat naman ito.

Nakatingin lang si Kath kay Bea at hindi nagsasalita.

"I mean, nakita na kasi kita noong college days pa. And you look so different before," dugtong pa ni Bea. "You look very different from what I remembered."

"Well... People change," sagot naman ni Kath. "As I also remember it before, you look different as well. And I don't see you in TVs anymore."

Ngumiti lang si Bea kay Kath. "Well... I've realized that show business is not for me. A big thanks to Daniel, I quit showbiz a long time ago."

"Ah, I see."

"I quit around the time DJ and his band quit. Naging seryoso na kasi kami sa buhay," dugtong pa ni Bea.

"Seryoso?" tanong ni Kath na nilipat ang tingin sa kanya. "So naging seryoso ang relasyon ninyo ni Daniel? You got married? Or something?"

Napatawa naman si Bea sa sinabi ni Kath. "Oh, Kath. Honey, you don't know what DJ and I have been through."

Napatingin siya kay Katsumi who mouthed a curse. Napabuntong-hinunga siya. Sigurado siyang iba na naman ang tumatakbo sa isip ni Kath.

"But it's nice seeing you again, Kath. You look very pretty," sabi ni Bea.

Ngumiti lang si Kath at hindi na nagsalita.

"Well, this calls for a celebration. Right?" anunsiyo ni Bea.

"What?" Napatingin siya kay Bea.

"Yeah. I mean, we all are old acquaintances. How about we all go and have some drinks, to celebrate our reunion?" dugtong pa nito.

"Well, I like that idea, Bea," sabad na naman ni Katsumi. "DJ and I are in. Let's go and have some partey-partey."

Pinanlakihan niya ng mata ang kaibigan. Kahit kailan, wala talaga itong silbi. Minsan, nagtataka siya kung sinasadya ba talaga nitong inisin niya.

"Well... What do you say Kath?" tanong pa ni Bea dito.

Napatingin siya kay Kath. Hindi niya pa rin mabasa ang ekspresyon sa mukha nito. Hindi rin niya matantiya kung ano na nga ba ang iniisip nito.

"C'mon, Kath. Join ka na. I'm sure, you will really enjoy tonight," pagko-convince pa ni Katsumi dito.

Napainom siya ng tubig. Parang sumisikip ang paligid niya. Siya lang ba ang nakakaramdam ng ganoon sa mga kasama niya? He needs some air.

"Yeah, why not?"

Nasamid siya sa iniinom na tubig nang wala sa oras. Gulat na napatingin siya kay Kath.

"I'm in," sabi pa nito. "Let's go."

—-

"Two whiskeys, one pina colada, and one dry martini please."

Hindi pa rin makapaniwala si Daniel sa nangyayari. Napatingin siya sa table kung nasaan ngayon si Bea at si Kath na nakaupo.

"Put it on Mr. Padilla's tab please," ani Katsumi sa bartender.

Napatingin siya sa kaibigan na ngingiti-ngiti lang habang hinihintay ang in-order nito.

"Wala ka talagang silbi, Katsumi Kabe."

"What?"

"Remind me again why I'm not beating you up yet?"

"Because I've been your friend for how many years now. At sa ating barkada, ako lang ang pinaka-cool. At gwapo."

"Shut up."

"Okay, fine. Second gwapo. Ikaw naman kasi talaga ang pinaka-gwapo."

"Shut up, Katsumi."

"Pare, I'm kidding. Lighten up. Stress ka masyado."

Sakto namang dumating na ang mga drinks nila. Ibinigay ni Katsumi ang isang whiskey sa kanya.

"Here. Have a drink."

Kinuha niya ang baso ng alak mula dito. "Paano ako hindi mase-stress? Alam mo naman ang history naming tatlo."

"Actually, I have a confession to make," anito saka ay inisang lagok ang whiskey sa baso nito. Saka ito um-order ulit sa bartender. "I invited Bea here."

"What?" Gulat na tanong niya dito.

"Sorry," anito. Pero halata namang nage-enjoy ito sa nangyayari.

Napahawak siya sa sentido niya. "You're supposed to be helping me, Kats. Paano kung iba na naman ang isipin ni Kath? Baka hindi na talaga niya ako mapatawad niyan."

Tinapik nito ang balikat niya. "My friend, trust me. You'll thank me for this."

Napailing siya. Sumasakit ang ulo niya.

"Hey DJ, trust me. Everything will work out fine," sabi pa nito.

"And, what if not?"

Tumingin si Katsumi sa kanya. "Then... my bad?"

Napasapo siya sa noo. "Paano nga kita naging kaibigan, Katsumi Kabe?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro