Ngiti (11)
"So, how was it?"
Napalingon si Daniel kay Kats na umupo katabi niya sa bar.
"I'm guessing it didn't go well. Ang aga-aga pa, umiinom ka na ng alak."
He completely downed all of his drink. Tama nga naman ito. He didn't really expect what happened at the beach.
"You're expecting Kath will embrace you and forgive you for hurting her?"
Nagsalin na naman siya ng alak sa baso niya. And then looked at Kats to ask if he wanted some, which the latter declined.
"You can't just expect her to forgive you right away, man. Nasaktan siya noon."
Nagbuntong-hininga siya. "Alam ko naman iyon."
"Eh, bakit ka umiinom?"
He shook his head. "To cool off my nerves. I just don't know what to do. I mean, if you just saw the look on her face when she said she loved me. Parang pained na malungkot. It's got to be the worst feeling ever. Masayang-masaya ako na malaman na minahal niya pala ako noon... possible, baka nga mahal niya pa rin ako ngayon. Pero parang ang laking kasalanan na ganoon iyong nararamdaman niya para sa akin. Hindi siya masaya. Alam mo iyon?"
"Alangan namang maging masaya siya? Nasaktan nga siya eh, 'di ba?"
"The worst of it all, I've hurt her just because of that one stupid conversation that she overheard. At walang kahit na katiting sa sinabi ko noon kay Bea tungkol kay Kath ay totoo. Lahat ay puro kasinungalingan lang para hindi guluhin ni Bea si Kath. Pero iyong kasinungalingan pa ang pinapaniwalaan ni Kath," nakapalumbabang sabi niya sa kaibigan.
"DJ, wala ka nang magagawa sa nakaraan. Nangyari na, eh," advised Kats and got hold of his glass and drank. "Ang magagawa mo ngayon, ay ang bumawi sa kanya. Make her feel your sincerity, your love."
Nagsalin ito ng alak sa baso niya at ininom ulit iyon.
"Make her feel na hindi ka lang bumabawi dahil nagi-guilty ka dahil nasaktan mo siya. Make her feel that you are really doing what you're doing because you love her."
"Akala ko ba hindi ka iinom?" Nakakunot-noong tanong niya dito. Inagaw na kasi nito ang baso niya at ang bote ng alak.
"Ha? Ah, nauhaw ako, eh. Lecheng pag-ibig kasi ito," napailing-iling na sagot pa nito at inagaw na talaga ang bote ng whiskey sa kanya. "So, alam mo na kung anong gagawin mo, DJ?"
He nodded. Tama nga naman ito. Hindi na niya mababago pa ang nakaraan. Ang importante ngayon ay ang bumawi siya at ipadama dito ang sinseridad niya.
"Grabe. Ang sarap mag-beach. Tara, bro. Beach tayo," aya ni Kats.
"Teka - "
Hindi na siya nakapalag dahil nahila na siya nito patungo sa beach.
_
Nakaupo lang si Daniel sa buhangin habang tinatanaw sa malayo ang pigura ni Kathryn na naghahanda na para sa gaganaping photoshoot nito.
Damn. Napapamura na naman siya. Kats can really be a pain in the ass most of the times. Alam na nitong nasa beach na si Kath kaya pinilit siya nitong lumabas.
"Mr. Padilla, parang malungkot ka yata ngayon?"
Napalingon siya sa taong bagong dating.
"Kim," bati niya dito.
"Do you mind if I accompany you?" Tanong nito.
Ningitian niya ito. "No, not at all."
Umupo naman ito sa tabi niya, saka siya nito mataman na tiningnan.
"Magsisimula na ba ang shoot?" Tanong niya dito nang hindi na ito nagsalita pa.
"Wala pa. In a few minutes siguro. Nagba-blocking lang si Kath ng iba't-ibang poses para mamaya sa shoot."
"Oh, okay," napapatangong sabi niya.
"Can I ask you a question, Mr. Padilla?" Tanong nito.
"Please, call me DJ," sagot niya dito. "And it depends."
"It depends?"
"Kung ano ang tanong mo. It depends."
"May history kayo ni Kath, ano?"
Hindi na siya nagulat sa tanong nito. Alam niyang nagtataka na ito sa mga ikinikilos nila ni Kath. Hindi naman siguro manhid ang mga taong nakapaligid sa kanila para hindi makahalatang iba ang ikinikilos nila ni Kath sa isa't-isa.
"Well... You can say that," he curtly answered.
"Wait, it was you?"
"It was me - ? I don't understand." Naguguluhan siya sa sinabi ni Kim.
"I met Kath at a carnival in America. There was a state fair in honor of the Filipino community living there. There even was a special guest that played there, a famous band from the Philippines," pagku-kuwento nito.
"Our band. I remembered na nagpunta nga kami ng States dahil inimbitahan kami ng mga Filipino community roon," he recalled. "Kath was there?"
"Oh, yes, she was," sagot nito. "And while she was watching you guys play, she was uncontrollably crying. At first akala ko nababaliw na nga siya, eh. But when I saw her face that day, alam kong matindi ang pinagdaanan niya kaya hinayaan ko nalang siyang umiyak."
Guilt flooded all over his system again.
"Naging magkaibigan na kami since then. Then I tried to tell her to join modelling because she could really pass for a model. At first, ayaw na ayaw pa niya kasi wala siyang confidence sa sarili. Pero isang araw, pumayag siya bigla, saying that she was tired of being shy all the time. Kaya ayun, pinilit niyang mag modelling," kuwento nito at napatingin sa gawi ni Kath. "Who knew? When I first met her, she was so shy I thought she wouldn't make it to the modelling scene. But look at where she is right now."
"Hindi nga siya ganoon. Nagulat nga ako nang nakita ko siya ulit," amin niya dito.
"I asked her again years later why she changed her mind and started modelling, she said she wanted to get back at her first love," patuloy nito, saka ay napatingin sa kanya. "You are her first love."
Hindi siya sumagot dito.
"And you are the man who also broke her heart."
Nararamdaman niyang pumiga na naman ang puso niya sa sinabi nito. Parang hindi kasi niya matanggap. He really hates himself for that. Siya ang rason kung bakit nasaktan si Kath noon.
"Well, thank you for hurting her, DJ."
Napatingin siya dito. Bakas sa mukha niya ang pagtataka. Bakit ito nagpapasalamat sa kanya, eh sinaktan nga niya si Kath noon.
"Nang dahil sa iyo, natutong bumangon ni Kath," answered Kim to his silent question. "She learned to stand up for herself and break out of her comfort zone."
"Is... is that a good thing?"
Tumawa lang si Kim. "Kung ako sa iyo, DJ... kung gusto mo pa rin si Kath hanggang ngayon, huwag mo na siyang pahintayin pa. Ang tagal na panahon na rin na nasasaktan siya."
"Hindi ko siya gusto."
"Oh?" Mukhang nalungkot naman ito sa sinabi niya. "Well then, huwag mo na siyang paasahin - "
"Mahal ko si Kath. Noon pa," dugtong niya. "And I'm going to do everything I can to win her."
Saka lang ito napangiti ulit. "Then you have all my blessing, Mr. Padilla."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro