Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ngiti (10)

Kaya pala. Kaya pala parang ang laki ng galit ni Kathryn sa kanya. It was all because of that stupid thing she said to Bea para lang matahimik ito sa paninira kay Kath.

Damn it. Lihim na napamura siya sa sarili. Hindi niya alam kung saan siya magagalit. Ang daming nasayang na panahon para sa kanila ni Kath dahil lang sa maling pagkakaintindihan nila ni Kath. Hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon para ipaliwanag dito ang talagang totoong nangyari noong napag-usapan nila ni Bea ito. Pero wala na rin siyang balak na ipaliwanag pa dito ang totoo. Nasaktan na niya ito. Wala nang magbabago pa kahit na magpaliwanag pa siya dito.

He let out a long exasperated sigh. Hindi niya aakalain na dahil lang sa mga pekeng sinabi niya kay Bea ay magdaramdam nang matindi si Kath sa kanya.

Pero sa kabila ng lahat ng natuklasan niya, nakadama pa rin siya ng relief. Akala pa naman niya ay hindi talaga siya nito gusto. Parang naalog ang utak niya sa kakaisip sa nagdaang pitong taon kung may kulang ba sa kanya o may hindi ba kaakit-akit sa kanya, kaya hindi na ito nagpakita. Maling pagkakaintindihan lang pala ang rason. He really thought she doesn't like him. That scared the hell out of him the most.

Natagpuan nalang niya ang sariling napapangiti. He was scared for nothing. She likes him. Hell, she loves him. Hindi ba't sabi nito siya ang first love nito? It somehow sent butterflies to his stomach. Nakakaramdam din pala ang mga lalaki nang ganoon?

"Ano ang niningiti-ngiti mo diyan?"

Napalingon siya sa nakakunot-noong si Kathryn na kalalabas lang ng banyo.

"Wala," nakangiting sagot niya dito.

Kathryn was now showing her tough facade again. But he was fine with that. Alam naman niya na defense mechanism lang nito iyon laban sa kanya.

"O, ba't andito ka pa? Tumigil na ang ulan. Makakaalis ka na," pagtataboy nito sa kanya.

Imbes na mainsulto sa pagtataboy nito ay napapatawa na lang siya. After their heart to heart talk moments ago, hindi na siya naniniwala sa tapang-tapangan na akto nito.

Natuyo na ang mga damit niya kaya nakabihis na siya. Ayaw pa sana niyang umalis at gustong gawing dahilan ang mga basa pa niyang mga damit, pero sa kamalas-malasan ay gumana na ang ulit ang kuryente kaya naging madali nalang ang pagpapatuyo sa mga damit niya.

"What are you doing tomorrow?" Tanong niya dito. Gusto niya itong makita bukas.

"May photoshoot ako. Ba't hindi ka pa nakaalis?"

Inignora niya ang tanong nito. "Saan ang location ng photoshoot mo?"

"I don't know. I'd have to ask my manager," maikling sagot nito habang busy na inaayos nito ang lalabahin nito.

Napatango nalang siya. Patuloy lang ito sa ginagawa nang napasin siguro nitong nakamasid siya dito. Kaya naman napatayo ito nang tuwid at naka-ekis ang mga brasong humarap sa kanya.

"Why are you still here?" Kunot-noong tanong nito.

Nagkibit-balikat lang siya.

"Shoo. Ang dami ko pang labahin. You're a distraction."

Nang hindi pa rin siya tuminag ay lumapit na ito sa kanya at pilit na pinapatayo siya. He doesn't want to give in, but he doesn't want to give her a hard time too. Kaya sa wakas ay tumayo nalang siya at naghanda na sa pag-alis.

"Okay, okay. I'm going," surrender niya dito. "Grabe ka naman. Gusto mo na ba talaga akong paalisin? 'Coz I can stay here for as long as you want."

Taas-kilay siyang inirapan nito. "'Stay here, stay here' your ass. Umalis ka na. Nakaka-distract ka lang sa mga gawain ko."

Napangiti siya. She's so charming acting like that. "Okay. I'll be going. Pero hindi mo nalang ba ako ihahatid sa gate mo?"

"Matanda ka na. Kaya mo na iyan."

"Grabe siya. Bisita mo kaya ako."

"Ikaw ang pumunta sa bahay ko. I didn't invite you. So you're not a visitor. You're an intruder."

"All right, all right. I get it. I'll get going," natatawa nang wika niya.

By the time he got to his car, hindi pa rin maalis-alis ang ngiti sa kanyang mga labi. Today's his second favorite day. And that's because bati na sila ni Kath. The first one is when he bumped into Kath one day at the school library. That was also the day she smiled at him that made him fall for her.

"Sir, Mr. Ramos came by your office around noon. Pero ang sabi ko sa kanya, may client meeting ka. So he scheduled to have an appointment with you tomorrow afternoon," bungad sa kanya ng secretary niya nang dumating siya sa opisina.

"Mr. Ramos?" The name didn't ring a bell.

"Mr. Khalil Ramos, sir. Iyong bagong stockholder sa kompanya. He bought Mr. Valdez' stocks when he retired," ma-impormasyong sagot nito.

"Oh. Okay." Nagpatuloy siya sa opisina niya nang may naalala siya. "Please call Mr. Ramos for me. Tell him to move our appointment tomorrow morning. May lakad ako sa hapon."

"Okay sir," sagot ng sekretary niya at nagpatuloy na sa trabaho nito.

He finished his paperworks that afternoon. Pero distracted na siya. Kathryn just keeps on popping out of his mind. Iniisip niya ang pinagdaanan nito sa panahong lumipas. He felt guilty for making Kathryn think that way. Sana ay nabigyan siya ng chance noon na magpaliwanag dito. Sana ay malaman nitong nabihag nito ang torpe niyang puso.

Mabilis na niligpit niya ang mga gamit niya at lumabas ng opisina. Gulat na napatingin sa kanya ang secretary niya.

"Sir?"

"May, cancel all my appointments tomorrow. I'll be on leave," imporma niya dito. "And take the rest of the day off. May boyfriend ka ba? Go and have a date with him."

Hindi na nakasagot ang secretary niya. Madali siyang bumaba sa basement parking ng building ng kompanya. The moment he got in his car, he picked up his phone and dialed Katsumi's number.

"Yo!" He heard him answer.

"Kats. I need your help."

"Does this pertains to Kath?"

"Yes."

"Sure! How can I help bro?"

"Get me the location of her photoshoot tomorrow."

"On it." Iyon lang at ibinaba na nito ang telepono. Kats may be a big pain in the ass most of the time, but he is a very reliable friend. Marami din kasi itong kaibigan sa iba't-ibang bahagi ng industriya dahil sa pagkamadaldal nito, which Kats reasons out to be the magic of his charms. He found it bull but he supports his bestfriend anyways.

Maya-maya lang ay natanggap na niya ang address ng location ni Kath bukas sa photoshoot nito. Agad na pinaandar niya ang sasakyan at nagtungo sa isang flower shop. He has to double his efforts now. At sisiguraduhin niyang ngayon, hindi na makakawala si Kathryn sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro