Kailan (9)
"Hay, naku! Ang tanga talaga!"
Nanggigigil pa rin si Kath sa ipinakitang katangahan ni Daniel. Sino ba naman kasing matinong tao ang susugod sa bagyo para lang ibalik sa kanya ang kanyang organizer? Oo at importante iyon sa kanya dahil naglalaman iyon ng mga importanteng appointments o engagements niya. Pero pwede naman sigurong sa opisina niya nalang nito ibinigay ang organizer. O di kaya'y ibang tao ang utusan nitong ibigay sa kanya ang organizer.
"Ang laking tanga!" napapailing nalang na sabi niya.
Wala pa rin siyang mahanap na damit niyang puwedeng magkasya rito. He was way too tall and way too broad for her clothes. Kaya nang wala na talagang ibang choice ay ang kumot nalang niya sa closet ang naisipan niya. Sa tingin rin kasi niya, hindi uubra ang mga tuwalya niya dito.
Naabutan niya itong sinisinghut-singhot ang niluluto niyang ulam sa gas stove.
"Hoy! Anong ginagawa mo? Akala ko naligo ka na?"
"Wala nga akong dalang damit, di ba? Kaya hinintay nalang muna kita bago ako tuluyang maligo. Baka makita mo pa ang katakam-takam na kahubdan ko," nang-aasar na sagot nito.
"Bastos!" pairap na sabi niya. "O, ayan. Magpatuyo ka nang husto gamit ang mga tuwalyang iyan. Wala akong damit na pwedeng magkasya sa iyo kaya tiisin mo nalang ang kumot na ito para mainitan ka na rin kahit papaano," aniya sabay abot dito ang mga gamit na nahanap niya.
"Salamat. Ikaw?"
"May banyo sa kuwarto ko. Maligo ka na."
Awkward ang kilos nito dahil parang hindi nito alam kung anong gagawin sa tatlong tuwalya at isang makapal na kumot na ibinigay niya dito nang pumasok ito sa banyo. Pinatay na muna niya ang gas stove saka ay nagtungo sa sariling silid. Nag-uumpisa na rin kasi siyang ginawin. Pagkatapos magbihis ay bumaba na siya ng kusina upang ipagpatuloy ang naudlot niyang pagluluto. Nakita niyang natapos na rin si Daniel.
Muntik na siyang matawa sa nakitang hitsura nito. Itinapi nito sa katawang ang mahabang puting kumot habang nakabalumbon naman sa ulo nito ang isang tuwalya.
"Huwag kang tatawa," banta nito. "Kapag tumawa ka, tatanggalin ko itong kumot na ito."
"Bakit? Tumatawa ba ako?" She bit her lower lip to keep herself from laughing. "Tabi riyan! Magluluto pa ako. Labhan mo nalang ang mga damit mo para maisampay mo na rin sa likod ng ref at nang matuyo."
Nakita niyang napatango lang ito saka ay nagsimula nang lumakad papuntang likod-bahay niya.
"Ay, oo nga pala! Brownout pala so hindi mo magagamit ang washing machine. Magtiyaga ka nalang sa pagha-handwash at pagsasampay sa bintana ng mga damit mo."
Bumalik naman ito sa kusina. "May palanggana ka ba diyan?"
Pumunta siya sa likod-bahay para kunin ang isang palanggana niya, saka siya bumalik sa kusina at ibinigay iyon dito.
Walang kiyeme na pumuwesto ito sa lababo at nag-umpisang kusutin ang T-shirt at jeans nito. "Akala mo, ikaw lang ang marunong maglaba, ha. Marunong din ako."
Nagsilabasan na ang mga muscles nito sa braso at balikat. Pero sa tuwing makikita niya ang kabuuang anyo nito na nakatapi ng kumot at may balot ng tuwalya sa ulo ay natatawa talaga siya. Kaya nang tikman niya ang kanyang niluluto ay napaso siya dahil sa hindi mapigilang pagtawa.
"Aray! Ouch, aw!"
Daniel was suddenly by her side, trying to soothe her burn. "Let me see."
Subalit ang malakas na tawa lang niya ang sumalubong sa pag-aalala nito. Hindi na niya napigilan ang sarili.
Kumunot ang noo nito at nakapamaywang. "Ganoon? Gusto mo talaga akong maghubad dito sa harap mo, ano? Sige, okay lang."
"Hey!" saway niya rito nang nagtangka itong hubarin ang kumot na nakatapi dito. "Ano ka ba? Eh, sa nakakatawa naman talaga ang hitsura mo kaya huwag mo akong sisihin kung pinagtatawanan kita ngayon."
"Ikaw naman ang nagbigay ng kumot na ito, ah. This is the best thing I can do with it."
"Eh, bakit kasi may tapi ka na, may turban ka pa sa ulo?"
"Well, you gave me these." Tinanggal nito ang tuwalya sa uloat inihagis iyon sa mukha niya. "Pinakinabangan ko lang naman."
She burst into another fit of laughter. Ilang saglit din siyang ganoon hanggang sa mapansin niyang nakatitig lang ito sa kanya. His beautiful eyes were shining with laughter as well. Saka lang niya napansin na napakalapit na pala nila sa isa't-isa. Ang tanging nakapagitan nalang sa kanila ay ang isang braso nitong nakatukod sa tiled sink counter.
"You have a very nice laugh," wika nito. "Sayang, ngayon ko lang narinig iyan."
She cleared her throat and turned back to her cooking. Ngunit ang tibok ng kanyang puso ay hindi pa rin bumabalik sa normal. Kunsabagay, kailan ba naging normal ang tobk ng puso niya sa tuwing nasa malapit lang ito? Kahit maisip lang ito ay bumibilis na ang pinting ng kanyang puso.
"Sige na. Tapusin mo na iyang labahan mo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro