Kailan (7)
"Make-up!"
Napahinga ng malalim si Kath at inayos ang sarili mula sa pagkaka-pose niya. Lumapit naman ang make-up artist sa kanya upang ayusin ang make-up niya. Ningiitian naman niya ito.
"Kath? Carry mo pa?" tanong ni Kim na lumapit din sa kanya.
Tumango siya dito. "Yeah. Don't worry, Kim. Sanay na ako."
Honestly, nakakaramdam na siya ng pagod. Kanina pang umaga nagsimula ang shoot pero magta-tanghali na pero nangangalahati palang ang natatapos nila.
Kahit nagugutom na siya'y hindi pa siya pwedeng kumain hanggang sa matapos ang shoot. Ayaw niyang lumaki ang tiyan niya. Pulos two-piece pa naman ang suot niya.
Natapos na siyang ayusan ng stylist. Bumaling naman siya kay Kim.
"Just as I promise you, after this shoot, I'll treat you to lunch. Papayagan kitang kumain kahit ano pa ang gusto mo," nakangiting sabi nito.
Napangiti na rin siya. "Sinabi mo iyan, ha? Wala nang bawian. I'm craving sweets, eh," pabirong sabi niya.
Pinanlakihan naman siya nito ng mga mata. "That's a lot of calories, honey."
Natawa lang siya sa reaksiyon nito. Tinapik muna siya nito bago ito lumayo sa kanya. Nang lumingon siya sa photographer ay nakita niya itong nakatitig lang sa kanya. Maging ang head ng shoot na iyon ay nakamaang lang sa kanya. Nailang tuloy siya.
"Ahm, excuse me?" pukaw niya sa mga ito.
Tumikhim ang photographer at umiiling-iling pa. Kapagkuwan ay ngumiti ito sa kanya. "Sorry about that. It's just that, you look so beautiful laughing like that. Gusto ko tuloy ibahin ang theme ng shoot na ito."
Tumingin pa ito sa head ng shoot. Tumango naman ang huli sa sinabi nito. "Ako rin. Kaya, if okay lang sa iyo Miss Kath, pwede bang ngumiti at tumawa ka nalang para sa shoot na ito? Gawin nating refreshing ang motif ng calendar natin for next year para maiba naman," nakangiting suhestiyon nito.
Awtomatikong tumingin siya kay Kim. Nag-isip ito saglit bago ngumiti at tumango. Humarap naman siya sa photographer.
"Sige. Pero pwede bang ngiti lang? I might look stupid if I laugh kahit wala namang nakakatawa," sabi niya na tinawanan naman ng mga ito.
After a while ay nagsimula na uli ang shoot. Hindi naman siya nahirapang ngumit nang ngumiti dahil paminsan-minsan ay nagpapatawa naman ang photographer. Nakikisawsaw pa si Kim kaya ay napapahalakhak talaga siya.
After all these years that she have been modelling, masasabi niyang ngayon pa talaga siya nag-enjoy ng lubusan sa trabaho niya. Ni hindi siya nakaramdam ng pagod at pagkailang kahit na pulos daring ang mga isinusuot niya. Alam kasi niyang ang mukha niya ang tinitingnan ng mga ito at hindi ang katawan niya.
"Okay, this is the last shot, for the month of December," wika ng photographer.
Napalaki ang ngiti sa mukha niya. Titingin na sana uli siya sa camera nang napagawi ang tingin niya sa pinto ng studio at makita ang dalawang lalaking nakatayo roon. Biglang nahirapan siyang huminga dahil sa biglang paghinto ng tibok ng puso niya nang mapatitig sa isa sa mga iyon.
"Look here, Miss Kath," utos ng photographer.
Mabilis na iniwas niya ang tingin sa lalaki at tumingin sa camera. Pinilit niyang ngumiti kahit pakiramdam niya ay nawalang ng kulay ang mukha niya.
Nagdedeliryo ka lang, Kath. Hindi maaaring siya iyon. You're just imagining things.
Nang mag-flash ang camera ay pinilit pa rin niyang panatilihin ang ngiti niya. When the photographer said that the shoot was done ay saka lamang niya pinalis sa mukha ang ngiti. Pero hindi na niya tiningnan pang tumingin uli dito. Bumibilis kasi ang tibok ng puso niya dahil sa kaba.
"Sir! Hindi namin aakalaing manonood pala kayo sa shoot namin," narinig niya ang gulat na sabi ng head ng shoot.
"Tinitingnan ko lang kung maayos ba kayo dito. And I think you're just doing fine here. You're doing a great job."
Nang marinig ang boses na ito ay tuluyan na siyang napalingon dito. Napasinghap siya nang maaninag ang mukha nito. It was really him!
"Pwede ko bang makilala ang napakagandang calendar girl natin?" tanong nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Kahit na anong pilit niyang pagpakalma sa tibok ng puso niya, hindi pa rin niya magawa. Hindi niya aakalaing sa tagal ng panahong lumipas ay magkikita ulit sila.
"Of course, Sir. This is Kath Bernardo from Posh Modelling Agency. Miss Kath, this is Mr. Daniel Ford Padilla, the future CEO of Ford Food and Beverage Corporation."
Manghang napatingin lang siya dito.
Oh, jusko! Anong laro na naman ito?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro