Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kailan (6)

7 years later...

Konting tiis nalang Kath at matatapos ka na rin, paulit-ulit na sabi ni Kath sa kanyang sarili habang nakatingin sa camera.

Nakahiga siya sa isang malaking kama at nakasabog ang kulot at maalon niyang buhok sa puting bedsheet. She wore nothing but a pair of pink lacey lingerie.

Nagpapasalamat nalang siya at ang tanging naroon sa loob ng kwarto ay ang photographer, ang manager niyang si Kim, at ang creative director ng men's magazine kung saan siya ang magiging cover. Hindi kasi siya masyadong komportable sa suot niyang lingerie. It was too daring for her personal taste. Pero iyon naman kasi dapat ang maging image niya kaya wala siyang karapatang mag-reklamo. She had been doing this job for seven years.

She should be used to it by now. Ano pa at itinuturing siyang sex goddess sa modelling world? Men all over the world fantasize about her. Her sexy billboards were all over the world. May mga television commercials din siya at naging calendar girl na rin siya ng isang international liquor brand. She has been hailed as FHM's top sexiest woman in the world for five consecutive years.

Marami na ring nag-offer sa kanya ng mga sexy roles sa pelikula sa Hollywood pero tinanggihan lang niya ang mga iyon. Wala siyang balak magpahawak at magpahalik sa kung sino-sinong lalaki habang pinapanood iyon ng milyun-milyong kalalakihan sa buong mundo. Tama na ang mga pictures niya sa men's magazines at calendar.

Still, madalas pa ring nakakaramdam siya ng pagkailang. Pero hindi nalang niya sinasabi iyon sa manager niya para hindi na rin ito mag-alala. No one forced her to have an image like that. She wholeheartedly agreed to have a sexy image kaya ay dapat maging matatag siya para walang mabigo sa kanya. But most of all, because seven years ago, she promised herself that she won't be the same naive, innocent, and ignorant Kathryn again.

"Please arch your back a little, Kath," utos ng photographer sa kanya.

Walang dalawang salitang sinunod niya ito.

"That's good, that's good. Now, look here. I want a seductive look. Yes, that's great."

Paulit-ulit na nag-flash ang camera. Sumasakit na ang balat niya sa init ng mga ilaw na nakatuon sa kanya pero hindi nalang siya nagreklamo. The less complain she does, the more possibility na matatapos agad ang shoot.

"Okay, it's a wrap!" sigaw ng photographer. Agad namang nilapitan siya ni Kim at bitbit ang isang bath robe.

"That was perfect, Kath darling!" nakangiting usal nito.

Napangiti siya dito at kinuha ang robang inabot nito. Sinuot agad niya iyon bago binalingan si Kim. "Thank you, Kim. That's all for today, right?"

"Well, we still need to go to the agency dahil gusto kang makausap ni Ma'am Darlyn," sagot nito sa tanong niya.

"Makausap? Tungkol saan?" nagtatakang tanong niya.

"About this new project for you. Ford Food and Beverages just got our services. Gusto nilang kumuha ng model natin for their calendar and you, Kath darling, ang maswerteng napili nila."

Tumango nalang siya dito. She was really tired and all she just wanted to do at the moment was to go home and rest. Pero hindi naman pwede iyon kasi kailangan pa niyang tapusin ang trabaho niya. Yes, it was very tiring being a model but that's the nature of her work.

"Sige na, magbihis ka na. Para matapos mo na rin ang trabaho mo sa araw na ito. I know pagod ka na," malumanay na sabi nito.

She gratefully smiled at him. Naipagpasalamat niya at naiintindihan siya ni Kim. Para sa kanya, hindi lang basta manager si Kim. He was also a friend. Maalaga ito at magaling magbigay ng payo. Ito lang ang nakakaalam ng lahat ng tungkol sa buhay niya. At higit sa lahat, ito ang tumulong sa kanya noong nasa States pa siya. Ito ang tumulong sa kanyang i-boost ang confidence niya para maging matatag at malakas. Ito rin ang naging kasama niya sa pagbalik niya sa Pilipinas at ang tumulak sa kanya para maging model. May potential kasi siya dahil maganda siya at maganda rin ang hubog ng kanyang katawan.

Had he been a real man and not gay, she would've married him. That's how great Kim was.

__________

"Good afternoon, Ma'am, Sir," bati sa kanila ng may-edad nang security guard ng building ng Posh Modelling Agency.

"Manong naman. Okay nang Ma'am, eh. Dinugtungan mo pa ng Sir," kunwaring nagtatampong sabi ni Kim.

Natawa nalang siya sa komento nito at dumiretso na sa maliit na elevator na magdadala sa kanila sa fifth floor kung saan matatagpuan ang opisina ng agency. Nang makarating na sa fifth floor ay may mangilan-ngilan pang tao sa lobby. Ang ilan ay mga aspiring model na matiyagang naghihintay ng pagkakataon upang magpa-VTR.

Mabilis na pumasok siya sa opisina. Tumungo naman siya sa opisina ni Ma'am Darlyn at nadatnan niya itong may kausap sa telepono. Nang nakita sila nito ay sinenyasan sila nitong hintayin muna nila itong matapos ang pag-uusap nito sa telepono.

Naupo nalang sila ni Kim sa upuan na nandoon sa opisina at hinintay itong matapos ang tawag.

"Yes, sir. Thank you for your time. Goodbye," anito at tinapos na ang tawag bago ito bumaling sa kanilang dalawa ni Kim at ngumiti. "Hi, Kath! Hi Kim, darling!"

Ginawaran sila nito ng tig-isang halik sa pisngi.

"You're still as lovely as ever, Kath," papuri ni Darlyn.

"Thank you po. That's because Kim takes good care of me."

"Oh, come on," saway ni Kim na ikinumpas pa ang kamay. Sabay pa silang tumawa ni Darlyn.

"Anyways, these are the papers. Nakapirma na kami, ikaw nalang ang hindi," ani Darlyn habang iniabot sa kanya ang kontrata niya sa FFB. She just scanned the papers and hten signed them.

"Bukas na ang shoot niyan," biglang sabi ni Darlyn.

"What?" nagulat na usal niya. "Bakit parang ang aga naman? Usually, it's five days later after mapirmahan ang kontrata, di ba?"

Bumuntong-hininga si Darlyn. "Ewan ko ba sa mga iyon. Ang sabi nila ay kailan lang dumating ang anak ng CEO nila na future boss nila dahil magreretiro na raw si Karla Ford. Magpapasikat yata sila sa bago nilang CEO."

"Well, I know you can do it, Kath," nakangiting sabi ni Andi.

Ngumiti na lamang siya. Mayamaya pa ay nagpaalam na rin sila ni Kim.

"I heard their future boss is gorgeous," nakangiting sabi ni Kim nang lulan na sila sa elevator.

She rolled her eyes. "Kaya naman pala napapayag ka nilang bukas na ang shoot."

Tumawa nalang ito at hindi na nagkomento. Hanggang sa nakalabas na rin sila sa building at nagkanya-kanya nang lakad.

"See you tomorrow, darling!" paalam pa nito sa kanya.

Napangiti nalang siya. I just hope tomorrow will be a great day. I just hope.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro