Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kailan (4)

Naglalakad ngayon si Kathryn sa covered pathway ng university. She was on her way to the library to research tungkol sa research paper na pinapapasa ng professor nila sa thesis subject niya.

"Hey, Kats! Nakita mo ba si DJ?"

Napatigil si Kath sa narinig. Agad siyang nagkubli sa gilid ng mga halamanan sa tabi ng pathway. Narinig kasi niya ang magic word na iyon - DJ.

Ilang araw na ang nakalilipas mula noong huling beses niya itong makita at makausap, kung pag-uusap ngang matatawag doon. Nakikita naman niya ito sa paaralan ngunit hindi na niya magawang lapitan ulit ito. Kuntento na siya sa palihim na patingin-tingin dito mula sa malayo. At sa narinig niya ngayon, mukhang masisilayan na naman niya ang gwapong mukha nito. Pero nasaan nga ba ito?

"Ewan ko. Bakit ako ang tinatanong mo?" wika ni Katsumi na nakahilata sa isang bench doon habang may nakatakip na libro sa mukha nito.

"Gago ka pala, eh. Kayo ang magkasama kanina, tapos hindi mo alam kung nasaan siya ngayon? Ayos ka rin, 'no?"

"Seth, hindi ko nga alam kung nasaan siya. Oo, magkasama kami kanina. Pero umalis na siya kaya hindi na kami magkasama ngayon at hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon," sagot pa nito na hindi pa rin inaalis ang takip na libro sa mukha.

"Umalis? Ba't siya umalis?"

"Ewan. Magkasama sila ni Bea, eh. Mag-uusap siguro."

Bea? Sinong Bea?

"Si Bea? Bea Binene?" narinig niyang tanong ni Seth.

Gumalaw naman ang libro sa mukha ni Kats dahil sa pagtango nito sa ulo.

"Anong ginagawa ni Bea dito?"

"Ewan ko. At tsaka, ano bang pakialam ko?"

"She shouldn't be here. Lagot iyon kay DJ," pailing-iling na wika nito.

"Bea wants him back, obviously."

Napapalatak si Seth. "Kawawang Bea. Bakit pa kasi hiniwalayan pa niya si DJ, eh. Siya tuloy ang nagmamakaawang balikan siya nito."

Umalis na siya sa pagkakubli sa halamanan doon and started walking to the library.

So, Bea is DJ's ex? Based sa mga narinig niyang pag-uusap ni Seth at Katsumi, parang ex nga ni DJ si Bea.

"Hey, Kath!"

"Hi, Jane!"

Nasa loob na siya ng library at nakaupo sa isang table doon kung nasaan nakaupo si Jane at hinihintay siya. Magkaklase lang sila sa thesis subject nila kaya ay napag-usapan nilang sabay nalang silang gumawa ng research paper na ni-require ng professor nila.

"May nahiram na akong mga books na pwedeng pang-reference natin para sa research paper na ibinigay ni Sir. Kung gusto mo, share nalang tayo. Kuripot kasi ang librarian, eh. Hindi pinapahiram ang ibang books dahil reserved na raw para sa ibang professors. Eh, paano naman tayo makakagawa ng research paper natin kung wala naman tayong reference, di ba?" mahabang reklamo nito.

Tahimik na napatango lang siya dito. Saka ay kinuha ang isang libro para basahin iyon.

"Ito din naman kasing si Sir, kung makapagbigay ng research paper, parang ang dali-dali lang gawin. Hindi ba niya iniisip ang mga estudyante niyang nahihirapan na sa kanya? Jusko talaga! Hindi ko na alam kung paano ipapasa itong subject natin - " Biglang kumunot ang noo nito. "Teka, nakikinig ka ba sa akin?"

Napaangat ang tingin niya dito. "Ha? Ah, o-oo."

Tumaas ang isang kilay nito. "Talaga? Bakit parang feeling ko, nagmumukha akong tanga dito? Dakdak ako nang dakdak dito pero hindi ka naman talaga nakikinig sa akin."

"Ha? Hindi. Nakikinig talaga ako sa iyo."

Jane laid her back on the chair and crossed her arms. "Naku, Kath ha? Huwag mo nga akong gawing tanga. Ano ba ang problema mo?"

Nagbuntong-hininga siya. She was a bad liar, she knew that. And Jane was a very good reader. Kaya transparent na talaga kay Jane kung may bumabagabag sa isip niya.

"Jane? Kilala mo ba si... si B-Bea?" nakayukong tanong niya dito.

"Bea? Bea who? Sa dinami-raming Bea dito sa mundo, hindi ko na alam kung sinong Bea ang tinutukoy mo."

"Ex daw ni DJ, eh. Iyon ang narinig ko," wika niya.

Nawala ang pagkainis sa mukha nito at napalitan ang amusement. "Gosh, Kath! Kung sinabi mo lang sa aking nagngingit-ngit ka pala sa selos diyan, maiintindihan naman kita."

Namula naman ang mga pisngi niya. "Ha? H-hindi naman ako nagseselos."

"Ako pa talaga ang lolokohin mo?" Napatawa ito nang malakas.

"Girls, if you're here to gossip, then I suggest you get out of the library and continue your talking outside," sita ng librarian sa kanilang dalawa ni Jane.

Jane just rolled her eyes. "I'm sorry, Ma'am. It won't happen again."

Napatungo lang siya.

"So, Kath... Nagseselos ka kay Bea Binene?" bulong nito sa kanya pagkatapos ng ilang saglit.

"Wala naman akong sinabing ganoon," bulong din niya dito.

Julia smirked. "Whatever, Kath. Let me remind you, I can easily read what your thinking and feeling. Okay lang ang magselos, ano?"

"Talaga?"

Napalaki ang ngiti nito sa mukha. "Uy, nagseselos si Kath!" tukso nito sa kanya.

Mas pinamulahan pa siya ng mga pisngi.

"And to answer your question... yes, ex ni DJ si Bea. Artista si Bea, eh. Based sa mga showbiz gossip, kaya naghiwalay silang dalawa dahil nahuli ni DJ si Bea na may kahalik na ibang lalake. Kilala mo si Jhake? Iyong ka-loveteam ni Bea? Iyon! Siya ang kahalikan ni Bea nang nahuli siya ni DJ." Daig pa nito si Kris Aquino kung maka-chismis.

"Shh. Huwag kang maingay, Jane. Baka mamaya niyan, palabasin na talaga tayo ng librarian." Napatawa siya nang mahina.

"Hmp. KJ ka, Kath," asar nito sa kanya. "O, sige. Maghanap ka nalang nga ng ibang books doon para sa research paper natin."

Tumango lang siya dito at tumayo na. Tinungo niya ang nagtataasang shelf para maghanap ng libro pang pwede nilang gamitin ni Jane. Nagpunta siya sa pinakadulong bahagi ng shelf kasi nandoon lahat nakahilera ang mga management books. She was so engrossed to reading the books on the shelves when she heard a familiar voice from the other side of the shelf.

Teka lang, si DJ ba iyon?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro