Kailan (3)
"Jane, tama ba itong gagawin ko? Kinakabahan kasi talaga ako, eh," tanong ni Kath sa kaibigan. Sa katunayan, pinagpapawisan na ang kamay niya sa sobrang kaba.
"Tama iyan." Jane crossed her arms. "Ilang araw na tayong nagpa-practice kung papaano mo lalapitan si Daniel, hindi ba? Kaya mo iyan."
"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, eh." Napahinga siya ng malalim na hininga upang maibsan kahit papaano ang kabang nararamdaman niya. "I mean, tama bang lapitan ko si Daniel at - "
"Tama nga iyon. Paulit-ulit lang, te?" Tiningnan siya nito. "Ito na ang pagkakataon mo, Kath. Kailan mo pa susubukang lumapit sa kanya? Now na. Go na. Puntahan mo na si Daniel sa backstage at ibigay mo na iyan."
Napatingin naman siya sa hawak na plastic na may laman na limang bottles of water. Nasa labas sila ngayon ni Jane sa backstage. May program kasing magaganap sa school at isa sa mga magpe-present sa program ang banda nito.
"Paano kung may tubig na pala siya?" kinakabahan pa ring tanong niya dito.
"Eh di, inumin nalang natin. Problema ba iyon?"
"Jane, naman," reklamo niya dito. "Hindi ka naman nakakatulong, eh."
"Ikaw naman kasi. Ang dami mong pinoproblema. Simple lang naman ang gagawin mo. Ibibigay mo lang naman ang tubig na iyan kay Daniel. Hindi naman siguro mahahalata ni Daniel iyon dahil hindi lang naman siya ang bibigyan mo, di ba? Silang lahat naman. Kaya safe ka na doon."
Hindi pa rin siya umimik.
Napabuntong-hininga ito. "Bilis na. Puntahan mo na si Daniel at ibigay mo na iyan sa kanya. Dali na. Papanoorin pa natin silang magpe-perform."
Lalo siyang kinabahan. "Huwag nalang kaya."
She tried walking away pero pinigilan lang siya nito. Jane just pushed her towards the backstage door.
"Go, Kathryn Bernardo. Kapag hindi ka umalis sa harapan ko, ipapa-salvage kita sa mga frat ng school natin." Ngumisi naman ito. "No, joke lang. Sorry kung hindi kita masasamahan. Allergic ako sa mga alikabok sa backstage, eh."
Nang hindi pa rin siya kumikilos ay kinuha nito mula sa kanya ang plastic at mabilis na tinungo ang backstage door. Hinabol naman agad niya ito at inagaw mula dito ang plastic.
"Kung hindi mo kaya, Kath, ako nalang ang magbibigay. Naiinis na kasi ako. Nagmumukha ka nang ewan diyan. Wala akong kaibigang nagmumukhang tanga."
"T-teka lang. Kaya ko naman, eh. Bigyan mo muna ako ng sapat na oras para makapag-ipon ng lakas ng loob."
Napatingin ito sa wristwatch nito. "How long will this take? Fifty years?"
"Jane, naman."
"Kasi naman, Kath, you've had a crush on him since God-knows-when. Pwede bang sabihin mo na sa kanya at para makapag-move on ka naman sa buhay mo? At tsaka, kailan mo pa ba balak sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman mo? Kapag may girlfriend na si Daniel at hindi ka na talaga niya tuluyang mapapansin? Gusto mo noon? Tapos iiyak-iyak ka naman dahil may ibang mahal na ito at wala nang chance na magustuhan ka pa niya. Pero kung - "
"Oo na, oo na." Humarap na siya sa pintuan. Siya man ay naiirita na rin sa sarili. "I'll do it."
Tama nga naman si Jane. Kung hindi pa siya kikilos ngayon, kailan pa? Kung may ibang mahal na ito. At kung hindi pa niya makakausap si Daniel ngayon, kailan pa? After fifty years? She couldn't wait that long. It should be now or never. Naiinis na siya sa sobrang pagkamahiyain niya. She had to do this.
"Dalian mo, ha?"
Napaurong siya nang marinig ang sigaw ni Jane. Pero hindi nalang niya pinansin iyon. Sa halip ay inihakbang nalang niya ang sariling paa kinaroroonan nila Daniel.
Hay. This is it.
__________
She saw him with his friends and her heart just raced like a horse. Ang bilis-bilis ng takbo ng tibok ng puso niya na hindi siya sigurado kung mahahabol pa niya iyon. Napahigpit ang hawak niya sa plastic. Hindi pa nagsimula ang program kaya nagtipun-tipon lang ang banda ni Daniel sa isang sulok sa backstage.
With her heart beating loudly, she took another step towards the man of her dreams. Isa sa mga kaibigan nito ang napalingon sa kanyang kinaroroonan.
"Hey, ikaw ang babaeng nakabungguan ni Daniel sa may library the other day, hindi ba?" tanong ng kaibigan nitong nakasalamin, si Katsumi.
Sabay-sabay na napalingon sa kanya ang atensiyon ng mga kaibigan nito. Parang gusto tuloy niyang tumakbo palabas ng backstage.
"Yeah, tama," sabi ng kaibigan nitong si Seth. "Iyong palaging palihim na tinitingnan ni Da - "
Hindi na natapos nito ang sasabihin dahil tinakpan na ni Daniel ang bibig nito.
"Ang ganda mo nga pala talaga sa malapitan. Especially if you take your glasses off," komento naman ni Lester. Napayuko nalang siya dahil ramdam niyang namumula na ang pisngi niya.
"Kahit naman na naka-glasses siya, maganda pa rin naman," wika ng nakababatang kapatid ni Daniel na si JC.
Hindi nalang pinansin ni Daniel ang mga ito at nilapitan siya.
"Hey," nakangiting bati nito.
Dahil sa sobrang kaba ay nalaglag ang plastic na hawak-hawak niya. Kaya naman ay nagkalat ang mga bottles ng tubig sa sahig. Sa nanginginig na kamay ay dali-dali niyang dinampot ang mga ito.
"Hindi siguro nakayanan ng plastic ang bigat ng mga tubig," anito at tinulungan siyang damputin ang mga ito. Napatingin naman ito sa isang bottle ng water. "Uhaw na uhaw na ako. Hihingi sana ako ng isa, kung okay lang?"
"Hindi!" nagulat na sagot niya. "Ah - I mean, o-okay lang na kumuha ka. Para... para sa iyo naman talaga ito, eh. I mean, para sa inyong lima."
There. Sa wakas ay nasabi rin niya ang gusto niyang sabihin. Nakausap rin niya ito. Halos hindi na niya maintindihan ang sarili dahil sa sari-saring emosyon na nararamdaman niya.
"Salamat pala dito," nakangiting sabi nito na ang itinutukoy ang ang ibinigay niyang tubig dito. "Hindi ka na sana nag-abala pa."
"W-wala iyon. Sige, m-mauna na ako."
Nagsimula na siyang lumakad palayo dito pero nagulat na lamang siya nang hinabol siya nito.
"I didn't get your name," anito sa kanya.
"Ha? Ah - uhm... Kath," nahihiyang sabi niya dito.
Ngumiti naman ito nang pagkatamis-tamis sa kanya. Inilahad nito ang isang kamay. "I'm Daniel."
"I know."
"You know?"
Biglang bumalot ang pagkapahiya sa buong katawan niya. "A-ang ibig kong sabihin, k-kasi hindi ba sikat kayo na banda? N-naririnig ko ang pangalan ninyo."
Lalo lang gumanda ang ngiti nito. "Ang ganda mo pala kapag nagba-blush ka."
Lalong nagrambulan ang puso niya. "Uhm, I-I'll go ahead. S-sige."
"Tapos na ba ang klase mo? Ihahatid na kita."
"Hindi, I'm fine. M-may kasama ako."
"Hoy, Daniel!" sigaw ng kaibigan nitong si Seth. "May performance pa tayo. Mamaya ka na manligaw."
"Oo nga," segunda pa ng isang kaibigan nito. Si Lester yata iyon. "Nagseselos na ako, ha, DJ."
Nilapitan naman nito ang mga kaibigan at inagaw mula dito ang isang bottle ng tubig. "Pambihira! Bakit ninyo inubos? Hindi naman sa inyo ito, ah."
"Anong hindi? Dinig na dinig namin na para sa atin ito at hindi lang para sa iyo."
"Kahit na! Tinirhan niyo sana ako. Pambihira talaga!"
Habang nagtatalo at nagkakagulo ang mga ito ay tahimik naman na lumayo siya sa mga ito. Nakapinta sa mukha niya ang ngiti sa kanyang mga labi. Batid kasi niyang sa wakas ay naipaalam na niya kay Daniel ang existence niya sa mundo. She just felt good about it. She was fine now.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro