Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kailan (2)

Mag-isa na naman si Kath na nakaupo sa isang mesa sa canteen. As usual, late na naman si Jane. Hindi na siya nagtaka kung bakit. Baka may umaway na naman dito.

Nakatuon ang buong atensiyon niya sa libro niya nang naramdaman niyang may taong biglang naupo sa kabilang panig ng table na kinauupuan niya. Napabilis naman ang tibok ng puso niya nang makilala ang umupo doon.

Ngumiti ito sa kanya. "Hi! Do you mind if I sit here? Wala na kasing bakanteng upuan, eh. Mabilis lang naman akong kumain ng lunch."

Wala sa sariling napatango lang siya dito. Lumapad naman ang ngiti nito at walang imik na sinimulang nilantakan ang pagkain nito. Hindi talaga niya inaasahang makikita na naman niya ito ng malapitan. 

Lord, thank you sa advance Christmas gift, ah! lihim na usal niya.

Nang mapatingin ito sa kanya ay mabilis na itinuon niya ulit ang ang kanyang mga mata sa libro niya.

"Ang studious mo pala," narinig niyang sabi nito.

Inayos niya ang eyeglasses niya. Her eyes stayed on her book kahit na gustong-gusto niyang tumingin dito. Hindi kasi niya alam ang sasabihin dito kaya nanahimik nalang siya.

"Wow. Algebra. Iyan ang subject na talagang ayaw na ayaw ko. Parati kasi akong bagsak diyan, eh," patuloy pa nito. "Grabe ka naman kung makapagbasa ng Algebra. Parang nobela lang, eh."

Nakayuko pa rin siya at hindi alam ang gagawin.

"Ang talino mo siguro sa Algebra. Kung ganyan lang ako kasipag magbasa, makakapasa na siguro ako sa Algebra na subject ko." Narinig pa niya ang mahinang tawa nito.

Ah, music to my ears. 

"Ay, ingay-ingay ko na siguro. Sorry. Ang daldal ko kasi. Nai-istorbo na siguro kita. Pasensiya na. Tatahimik na ako. I'll mind my own business. Sorry uli. Mag-aral ka lang diyan."

Doon lang siya napatingin dito. But she was too late. Dahil nakatuon na ang atensiyon nito sa pagkain. 

Gaga ka rin, Kathryn eh! Heto na nga ang chance na pwede niya itong makausap dahil nasa harapan na niya ito, hindi pa niya pinapansin ito. Fate had already given her a chance, an opportunity. Dapat sinasamantala niya ang pagkakataong iyon at hindi dine-deadma.

She was already ready to speak to him nang tumingin ito sa kanya at ngumiti. Kaya naman nabitin na naman sa ere ang dapat na sasabihin niya dito.

"Sige, ah. Tapos na akong kumain, eh. Alis na ako. Thanks nga pala sa pag-share ng table mo sa akin. Sorry uli sa istorbo," anito at tumayo na. Madali namang nakalayo ito doon. Nakasunod lang ang tingin niya dito hanggang sa makalabas nalang ito ng canteen.

Malakas na buntong-hininga ang pinakawala niya.

"I saw that." Hindi niya namalayang nakaupo na pala sa table niya si Jane.

"Kanina ka pa?" tanong lang niya dito.

"Yes. Kaninang-kanina pa. In fact, nakaupo lang ako sa katabi na mesa and I saw everything that happened. Ito lang ang masasabi ko... as in, seriously?" anito na nakataas pa ang isang kilay nito.

"Seriously, what?"

"Inday, bakit naman hindi ka man lang nagsalita? Pagkakataon mo na nga iyon, eh."

Napayuko naman siya. "Nahiya kasi ako."

"Heto na naman ba tayo, Kathryn Bernardo? Paano ka niya mapapansin kung hindi mo man lang siya kakausapin? Ha?"

 "Nahihiya nga ako." She just couldn't find the courage to talk to him.

"Hay naku, Kathryn Bernardo," sambit nalang ng kanyang kaibigan. "You're hopeless. Paano nga ulit kita naging kaibigan?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro