Kailan (12)
It was sunset when the shoot finished. Pagod man ang nararamdaman ni Kath sa panahong iyon, masaya naman siyang makita ang paglubog ng araw. Sunsets on the beach is her most favorite scene. Para sa kanya, sa oras na iyon ang pinakamaganda ang kulay ng langit.
"May buffet dinner sa restaurant. You can eat all you want tonight since you're on leave naman next week," bungad ni Kim sa kanya.
Malaki ang ngiting napatingin siya dito. Mukhang naalarma naman ito sa ngiti niya.
"But I warn you, Kath ha. Kailangan mo pa ring mag-diet sa leave mo. Naku. If you gain weight during your leave, I'm really going to have you pay for it," banta pa nito.
Natawa nalang siya dito. Nakakatuwa talagang asarin si Kim. She headed for the stairs but Kim stopped her.
"O, hindi ka kakain? Sabi ko na nga, di ba? You can eat all you want tonight."
"Magfe-freshen up lang ako," sagot niya dito.
Ngumiti ito sa kanya. "Nagpapaganda ka dahil kay - ?"
"Kim!!"
"Kidding. Dalian mo, ha. I'll save you a seat."
Tango lang ang sagot niya dito bago tinungo ang kwarto niya.
Pero hindi niya inaasahan ang bumungad sa kanya sa kwarto. Her room was filled with pretty flowers... all kinds of pretty flowers. At nang lumapit siya sa kama niya, nakalagay doon ang napakagandang bouquet ng red roses at may note pa katabi niyon.
"I know red roses are your favorite. I hope you know you are my favorite person, too. Khalil."
Ibinaba niya ang note at kinuha ang bouquet at inamoy iyon. Saktong tumunog naman ang cellphone niya.
"Hello?"
"Hey beautiful," rinig na sagot niya sa kabilang linya. "Surprise!"
"Khalil..."
"So? Did you like my gift?"
"I told you to stop sending me flowers."
"Well, I'm sorry. I couldn't just stop sending flowers to my beautiful girlfriend."
Napangiti siya. "Cute. But nice try."
She heard him sigh on the other line. "What does it take for a Kathryn Bernardo to accept me as her boyfriend, huh? Isang taon na akong nanliligaw sa iyo. Tell me. Ano pa ang dapat kong gawin para mapasagot kita?"
Napatawa siya. Ginagamit na naman nito ang kahinaan niya. Alam niyang nagi-guilty siya kapag nagtatampo ito. "Khalil..."
"Okay, okay. I'm just kidding," sagot nito.
"Well, I have to go. Hinihintay na kasi ako ni Kim," paalam niya dito.
"Wait, hanggang kailan ang pictorial mo diyan?" tanong nito.
"Actually, kakatapos lang ng shoot today. But I'll stay here until tomorrow night. May free one night stay pa kasi kami dito, eh," sagot niya sa tanong nito.
"Ah, ganoon ba? Too bad. Miss na kita," may nahimigan siyang lungkot sa boses nito.
She wished she could answer him back. Pero hindi niya magawa.
"Well, then. I guess I'll just see you soon," paalam nito.
She hang up the phone and took one last sniff on the flower. She then placed the roses in a vase and decided to freshen up. Saktong natapos na siyang mag-ayos nang may kumatok sa pintuan niya. Agad na tinungo niya ang pintuan. She knows Kim has very little patience. Ayaw na ayaw nitong matagal niya itong pinaghihintay.
"I'm sorry, Kim. Palabas na ako - " she stopped in surprise. The man waiting for him at the door wasn't Kim.
"Hi," nakangiting bati nito sa kanya.
"DJ..."
"Are you ready?"
Kumunot ang noo niya. "For what?"
Lumapad ang ngiti nito. Nararamdaman na niyang umiinit ang pisngi niya.
Kath, stop it! You will not be swayed by his charms.
"For dinner, of course. I'm sure, gutom ka na."
Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti nito sa mga labi. Hindi niya tuloy maiwasan ang mapatitig sa mukha nito. He really looks gorgeous smiling like that. Parang natutunaw siya sa ngiti nito.
"Can you please stop smiling like that?"
Tila na-shock ito sa sinabi niya. "What?"
Napabuntong-hininga siya. "Nothing. Just, forget what I said."
Napatango nalang ito kahit tila hindi siya nito naintindihan.
"Come on. Let's get some dinner," aya nito saka ay nauna nang naglakad palayo sa hotel room niya. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito.
Nang narating nila ang ground floor ay nagulat nalang siya nang hindi ito tumuloy sa restaurant. Sa halip ay tinahak nito ang daan papunta sa dagat.
"DJ," tawag niya dito. "Saan ka pupunta? Akala ko magdi-dinner ka?"
"Huh?" Nagtataka naman itong tumingin sa kanya. "Oo nga. Magdi-dinner nga tayo."
"Pero dito ang daan papuntang restaurant."
"Oh, you wanted to eat at the restaurant?" Tanong nito.
"Ha?" Naguguluhan siya. "Siyempre, saan ba ang buffet? Hindi ba sa restaurant?"
Tila na-enlighten ito sa sinabi niya. His smile was really wide as he slowly approached her. Napahawak pa ito sa batok na tila parang batang nakadiskubre ng bagong discovery.
"I... Well, I had other plans sana eh," sabi nito.
"Oh." At tila siya naman ang nakadiskubre ngayon sa ibig sabihin nito.
"Yeah... I prepared dinner by the beach. And I was hoping to have it with you," tila nahihiya pang sabi nito.
Hindi siya nakasagot. He was really cute acting that way.
What? Cute? Kath, get a grip!
"Pero kung gusto mo namang mag-buffet, pwede din naman," bawi nito.
Napataas ang kilay niya. "And how do you know I wanted the buffet?"
"Your eyes sparkled when you mentioned the buffet."
Naramdaman niyang nag-init ang magkabilang tenga niya. Baka isipin pa ni Daniel na matakaw siyang kumain.
"Well... Then buffet it is. C'mon," ngiting sabi nito bago hinila siya patungong restaurant.
______
"Hindi ko alam kung anong gusto mo, so I got everything on the buffet table."
Napalingon siya kay Daniel na tumabi sa kanya. Inilapag nito ang dalawang plato na puno ng iba't-ibang putahe sa mesa.
Napangiti siya. Ang daming kinuhang pagkain ni Daniel. "Are these all for me?"
"Mauubos mo lahat nang ito?" manghang tanong pa nito.
"Yes." In fact, takam na takam na siyang kumain. "I haven't eaten buffet in ages."
Narinig niyang napatawa ito nang mahina.
"Patay ka kay Kim nito," komento pa niya, saka ay inumpisahan nang kainin ang pagkaing ibinigay nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro