Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kailan (10)

"Who is this person that made you this?"

Lumakas ulit ang tibok ng puso ni Kathryn. Hindi niya alam kung anong sasagutin dito. But she managed to stay calm. Ayaw niyang mahalata nito ang uneasiness niya sa binuksang paksa ni Daniel.

"Ano ba ang ibig mong sabihin?" pa-inosenteng tanong niya.

Nagbuntong-hininga ito. "Alam kong nagkakaganyan ka dahil may nanakit sa iyong tao. Pwede ko bang malaman kung sino siya?"

Sa pagkakataong iyon, siya naman ang napabuntong-hininga. "My first love," maikling sagot niya.

"Your first love?" Mahinang napatango ito. "Kailan iyon?"

"What do you mean?"

"Was your first love before me? Or after me?"

Napakunot ang noo niya. "I don't understand what you mean."

"Or was it me?"

Napalingon siya dito at nakitang mataman itong nakatingin sa kanya. Ano ba iyong nakikita niya sa mga mata nito? Sadness? Regret? Hindi niya matukoy. At hindi na rin niya kaya pa ang pagtitig nito, kaya napaiwas siya ng tingin.

Akala niya ay napakalma na niya ang lakas ng tibok ng puso niya. Hindi pala. Hindi siya makasagot dito. She was too afraid to speak. Ayaw niyang mahalata nito kung gaano siya kaapektado sa sinasabi nito at sa mga titig nito. She trained herself to be strong through all these years. She didn't want to crumble down just because of the way he makes her feel.

"Ako ba iyon, Kath? Ako ba ang nanakit sa iyo?" Tanong ulit nito.

Napatingin ulit siya dito. Hindi na ito nakatingin sa kanya. But there was still a hint of sadness in his face.

"Kaya ba bigla ka nalang umalis ng bansa? Kaya ba parang may galit ang kaibigan mo sa akin tuwing tinatanong ko sa kanya kung nasaan ka, kahit hindi ko alam kung bakit siya nagagalit sa akin? Kaya ba nagpanggap kang hindi mo ako kilala nang nagkita ulit tayo kahapon pagkatapos ng napakahabang panahon?"

Narinig niyang napabuntong-hininga ito.

"Have I hurt you, Kath?"

Hindi siya sumagot. Ano ba ang sasabihin niya dito? After all these years, will she finally confess her true feelings to the man she loved and surprisingly, still loves?

"I was your first love," malungkot na sabi nito.

"What makes you say that?"

"Kasi hindi ako manhid, Kath. Nararamdaman kong nasasaktan ka dahil sa akin."

"Daniel..."

"Tell me, Kath. Tell me what I did wrong. For seven years, hindi ka maalis sa isip ko. Hinanap kita noong umalis ka nalang bigla. I kept asking your friend, Jane, kung saan ka nagpunta pero hindi niya sinasabi sa akin ang totoo. Parati akong napapaisip kung ano ang problema at nawala ka nalang bigla."

Naramdaman nalang niya ang pamamasa ng pisngi niya. Napaiyak na pala siya. Dali-daling pinunas niya iyon, hoping na hindi iyon napansin ni Daniel.

"Tell me, Kath. Para naman ma-depensahan ko rin ang sarili at ma-clarify ko ang mga hindi pagkakaintindihan na namagitan sa atin noon."

"Can we just not talk about it?" Ayaw nalang sana niyang pag-usapan ang nakaraan. Ayaw niyang ulitin ang masakit na alaala niya dito. Gusto na niyang mag move on at kalimutan ito.

"I can't not just ignore it, Kath. I'm sorry. I just have to know," pagpipilit nito.

"What do you want to know, Daniel?"

"How? How did I hurt you? May nagawa ba akong mali?"

Sige. Tutal naman gusto nitong malaman kung ano talaga ang naging kasalanan nito noon sa kanya, sasabihin niya dito ang lahat.

"Tell me, Kath. Please."

"I was hurt with what you said to Bea," sagot niya. Hindi niya pa rin ito magawang tingnan. Kasama ng sakit ay pagkapahiya rin ang nararamdaman niya. Her reason for being angry with him is petty, she knows. Pero nagmahal lang siya, at nasaktan nito ang nagmamahal na puso niya.

"What I said to Bea?" Naguguluhang tanong nito. "Can you please refresh me with what I told her that had hurt you in the past?"

"You said that I was a loser. And you told her that you were just toying with me. I overheard your conversation with her at the library."

Natahimik si Daniel. Kaya alam niyang guilty ito. Muli na namang pumatak ang mga luhang pinipigilan niya. This time, hindi na niya pinigilan iyon. What's the use? Papatak at papatak naman ang luha niya.

Nagulat na lamang siya nang may nakahawak na sa pisngi niya. It was Daniel. Napalingon siya dito at nakita niya sa mga mata nito ang matinding pagsisisi sa ginawa nito sa kanya noon.

"I'm sorry, Kath. I'm sorry for what I've said."

Hindi niya alam pero sa paghingi nito ng sorry ay napaiyak na siya nang tuluyan. It sounded so sincere that she felt her heart twitch to a feeling she have never felt before. Parang ang matinding pagdaramdam niya dito noon pa ay agad-agad na napalis sa sorry lang nito. And just like that, all her hatred and anger just vanished and it was replaced with a love that she stored in her heart for him all throughout those years that she have missed him.

Napatayo ito mula sa kinauupuan at lumapit sa kanya. Saka siya nito mahigpit na niyakap.

Ah, how good it was to be in his arms. His embrace made her forget how she taught herself to be strong so that she wouldn't be hurt again by the man who is holding her at the moment. Really. The hypocrisy of life.

"I'll make it up to you, Kath. I promise," panata nito habang nasa mga bisig pa rin siya nito.

It somehow made her heart at ease and worry at the same time. What would she expect from him next? Can she trust him not to hurt her again? She tried to restrain herself... tried to stop herself from hoping. But then she felt a light peck on her hair.

"I missed you."

And just like that, she felt her heart fully surrender to him.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro