Kailan (1)
Mula sa binabasang aklat ay lumipad ang tingin ni Kath sa isang grupo ng kalalakihan na nasa isang mesa katapat lang ng mesang kinauupuan niya sa canteen - specifically sa isang taong iyon na palaging pinapabilis ang pintig ng puso niya. Si Daniel John Ford Padilla, her secret crush.
Napangiti naman siya nang nakita itong tumatawa kasama ang mga kaibigan nito. Parang naririnig na rin niya ang tawa nito.
Baliw ka na siguro, Kath. Paano mo maririnig ang tawa niya kung napakalayo naman niya sa iyo?
Napabuntong-hininga siya. She had never met him personally. Pero kontento na siyang palaging tinatanaw ito sa malayo. Isang beses nang nakabanggaan niya ito. Still, hindi niya pa rin nagawang magpakilala dito. She was just too shy and too tongue-tied to speak to him. It had never happened to her before. And she felt so weird about it.
Did crushes really feel this way?
Nakita niyang napatingin ito sa gawi niya kaya ay madaling napayuko siya ng tingin. She pretended to read her book kahit na wala siyang maintindihan sa binabasa. Paano kasi? Distracted na distracted siya.
Nakita kaya ni Daniel na nakatingin ako sa kanya kanina? Kinakabahan siya. What if kaya?
Oh no. Nakakahiya!
"Ah, excuse me, Miss?"
Mabilis naman na napaangat ang tingin niya. At muntik na siyang masamid nang makilala kung sino ito - it was Daniel.
"Naiistorbo ba kita? Sorry, ha?"
Was he really talking to her? Nangatog ang mga kamay niya kaya ay ibinaba niya ang aklat at saka ay itinago ang kamay niya.
"Pwedeng pahiram ng ketchup?"
She bit her lower lip. He was really talking to her! Mas lalo siyang nataranta. Ano ba ang dapat niyang sabihin? Ano ba ang sinasabi nito? Ano ba ang pinag-uusapan nila? Nanlalamig at nagpapawis na ang mga kamay niya.
You can do this, Kath. You can do this.
So, gathering up all her courage, inayos niya ang ngiti niya at ang mukha niya. Halos mabingi na siya sa lakas ng pintig ng puso niya. Ito na siguro ang pagkakataon niyang makausap ito.
Ito na! This is really is it!!
"Kung kailan tapos na tayong kumain, saka ka pa manghihiram ng ketchup? Anong trip iyan? tanong ng kaibigan nitong dumating.
"Bibili pa kasi ako ng hotdog. Hinihiram ko nalang in advance para hindi na ako manghiram mamaya. Aalis na ba tayo, Seth?"
"Oo. Kanina pa nga sila Kats umalis, eh. Tinatamad lang akong kumilos kaya ngayon lang kita nilapitan. Papunta na sila sa music room."
Umalis naman ito nang hindi man lang siya tinapunan pa ng tingin. Naiwan sa ere ang kanyang ngiti kaya mabilis na pinalis niya ang ngiti sa mukha. Baka may makakita pang iba at mapahiya pa siya sa sino mang makakita sa kanya. Madaling isinubsob niya sa libro ang mukha dahil sa pagkapahiya.
What am I thinking? As if naman talaga kakausapin niya ako, ano? Tanga, Kath! Tanga!
Isinubsob pa niya nang husto ang mukha sa libro niya. Hiyang-hiya talaga siya.
Jane, nasaan ka na ba?
Kanina pa niya hinihintay ito roon. Sabay kasi silang dapat mag-lunch, eh. Mabuti nalang at nakita na rin niya ito. She was walking with grace and poise habang may nakasunod dito na isang grupo ng varsity players. Kahit minsan, hinding-hindi siya naiingit sa atensiyong nakukuha nito sa paligid nito. Jane was very pretty and could draw attention without any effort. Kahit na tumayo lang ito sa isang corner, napapansin pa rin ito ng mga tao. She doesn't know how she does that.
"Okay, I know I'm late," bungad ni Jane sa kanya bago pa siya makapagsalita. "It's my fault. Dumaan kasi ako as ladies' room. Malay ko bang madatnan ko doon si Michelle. Inaway ba naman ako. Sabi niya, inagaw ko raw ang boyfriend niya. Sabi ko naman sa kanya na hindi ko na kasalanan kung mas nagagandahan sa akin ang boyfriend niya kaysa sa kanya. Nganga naman ang bruha."
"Hmm. Okay lang."
Mataman siyang pinagmasdan nito habang umuupo ito katabi niya. "May nangyari ba? Bakit parang mukhang kang namatayan ng aso sa hitsura mo?"
"Wala." Mabilis na isinara niya ang aklat at pilit na iniba ang usapan. "Hindi mo naman siguro kasalanan kung parating nakasunod sa iyo si Steven. Hindi mo naman siya pinapansin, di ba? Iniiwasan mo pa nga, eh."
"Iyon na nga, eh." Tiningnan nito ang mga kuko nitong may manicure. "Hindi ko na kasalanan iyon. Kasalanan ni Michelle iyon. Ang pangit-pangit niya kasi. Ayan tuloy, naghahanap ang boyfriend niya ng magagandang katulad ko."
Umiral na naman ang katarayan nito. "You have a point there."
"I know, right?" Jane proudly said. Biglang namang napakunot ang noo nito sakay ay binalingan ang mga binatilyong kung saan-saan nang mesa sa canteen nagsipuwesto habang pasulyap-sulyap dito.
Nagbuntong-hininga ito. "Halika na nga, Kath. Naaalibadbaran ako dito," naiinis na sabi nito.
She adjusted her eyeglasses. "Saan tayo pupunta?"
"Sa library nalang. Ang daming papansin dito, eh."
"Kung ganoon, sa may music room na tayo dumaan para mas mabilis."
"At para makasilay ka rin sa ultimate crush mong member ng pinakasikat na banda ng Pilipinas."
Nahihiyang bumaling siya dito. "Oy, h-hindi, ah."
Napayuko nalang siya nang marinig itong tumawa nang malakas. Naglalakad na sila patungo sa direksyon ng music room. May glass window ang music room kaya'y makikita mo ang loob nito. Soundproof pa rin ito kaya kahit gaano kaingay ang mga taong nasa loob ay hindii mo pa rin maririnig ang ingay.
Pero tama naman ito. Pagkatapos ng nangyari kanina, kahit isang sulyap lang dito ay aayos na uli ang pakiramdam niya. Kakalimutan nalang niya ang nangyari.
"Hay, Kathryn Chandria. Bakit kasi ayaw mo nalang sabihin kay Daniel Padilla na may crush ka sa kanya?"
"L-let's not talk about him, Jane," tugon niya dito sa mahinang boses. "Baka kasi may makarinig pa sa ating ibang tao, eh. Nakakahiya."
"So? Let them hear. At anong nakakahiya doon? You're just being true to your feelings. Where's the shame in that?"
Napayuko nalang ulit siya. She could never be like Jane. Hindi nga niya alam kung bakit naging magkaibigan sila nito samantalang magkaibang-magkaiba naman silang dalawa. Simple lang siya at tahimik na tao. Ma-opinion siyang tao pero nahihiya siyang i-voice out ang opinion niya. Samantalang si Jane, prangka at hindi natatakot sabihin ang gustong sabihin.
"Hay naku talaga, Kath. Paano ka ba mapapansin ni Daniel kung ganyan ka? Kailan ka niya mapapansin kung pasulyap-sulyap ka lang sa kanya? If I were you, lapitan mo si Daniel and let him know of your existence."
Dumadaan na sila ngayon sa music room. Napatingin naman siya sa loob sa music room at nakita si Daniel na nakahawak sa bass guitar nito at pikit-matang tumutugtog.
"Kunsabagay, hindi kita masisisi kung bakit nagkagusto ka sa kanya. Kahit sa malayo, gwapo siya."
She couldn't argue to that.
"Tumingin ka kasi nang diretso sa kanya kapag nagkakasalubong kayong dalawa. Hindi ka naman mamamatay siguro no'n, ano? In case you don't know, or talagang in denial ka lang, but you're very pretty, Kath. And I'm not just saying this because I'm your friend. That's why I'm sure na kapag nakita ka ni Daniel, magkakagusto rin iyon sa iyo. You just need to toughen up and talk to him."
"I - I can't do that."
"Bakit hindi?"
"Nahihiya ako. And... and I don't know what to say to him."
Napailing naman ito. "Ang hirap pala talaga sigurong ma-in love, ano? I can't imagine myself in your shoes."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro