Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eleven

Chapter Eleven

Ex

"Doc, nandito na po si Doctor Madrigal..." Her assistant told Yessa.

Bumaling naman sa banda ko si Yessa sa may pintuan ng clinic niya rito sa ospital.

Bahagya akong kumaway sa asawa ko. Agad naman siyang ngumiti sa akin at lumapit. "You're done?"

I nodded. "Yes. Ikaw? Tapos ka na rin dito?" Tiningnan ko ang malinis niyang clinic.

She nodded and smiled at me again. Pagkatapos ay kinuha ko na ang bag niya at ako na ang magdadala nito. Nagpaalam kami ni Yessa sa assistant niya at ito na ang magsasara ng clinic. Umalis na kami ni Yessa at papunta nang parking ng ospital para makauwi na sa anak namin na kanina pa raw naghihintay sa bahay ayon sa yaya.

Leon's such a sweet little boy. Hindi ko lang sigurado kung gan'yan pa rin ba 'yan kalambing kapag mas lumaki pa siya o nagbinata na. And whenever I talk to Yessa about it she doesn't like to hear it now and she also becomes a bit emotional as a mother. So I don't tease her about our son growing up into a man or a teenager anymore.

"Leon's third birthday is coming up." Yessa said as I drive.

Mula sa pagmamaneho ay bumaling ako sa kaniya. "Oh. He's three."

Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Yes. Ang bilis nang panahon... Remember how happy you were the first time you learned that I was pregnant?"

Napangiti rin ako sa alaala. "Yes..."

Parang bumalik na rin sa normal ang buhay namin ni Yessa. Hindi ko na rin muli pang nakikita sa ngayon si Bea. Ayaw ko na rin banggitin pa kay Yessa. Since she's a bit sensitive about the topic...

Ang now we're just living our lives each day trying to make up for the lost times...

"Mommy and Daddy are home!" Agad na tumakbo papunta sa amin para salubungin kami si Leon pagdating namin ni Yessa sa bahay.

I chuckled and hugged my son. Lulubus-lubusin ko na 'to ngayon habang maliit pa siya at ganito pa kalambing. Because my parents told me that I was once like this, too. When I was a boy they said that I was as sweet as my son. Pero noong nagkaisip na ay hindi na raw ako ganoon kalambing sa mga magulang ko. Siguro ay dahil nagbinata na rin ako noon, and I was already shy to show that same much affection to my parents as when I was little.

Yessa and I also started planning for Leon's 3rd birthday party. May mga anak na rin ang mga kaibigan namin ni Yessa kaya may iba pang mga bata rin kami na maiimbita sa kaarawan ni Leon. May mga anak na rin ang mga pinsan ko kaya matutuwa si Leon dahil maraming mga bata ang pupunta sa birthday party niya.

"Good morning, big boy! Happy birthday!" We woke him up in his room on the day of his birthday and a birthday cake with us.

Leon opened his eyes and smiled when he saw me and his mom in his room early in the morning.

Our day started great so I never thought it would end up bad later...

Pumunta na rin kami sa venue ng birthday ni Leon. Medyo nagmaaga kami, so that we could still properly welcome our guests.

"Mabuti naman at okay na kayo uli ngayon, Leo... Yessa..." anang kaibigan din naming doctor sa amin.

Yessa and I just smiled at them. Pagkatapos ay kinausap din muna ni Yessa and mga babaeng kaibigan niya. While I also went to welcome some more of our friends coming in the venue of our son's party.

Nakikita kong masayang-masaya ang anak ko sa birthday niya kaya naman halos buong party ay nakangiti lang din ako habang pinapanood ko ang anak ko.

And then an unexpected guest arrived. Nawala si Yessa sa tabi ko kaya hinanap ko siya. Tumayo muna ako mula sa panonood ko kay Leon na nag-e-enjoy sa mga games ng hosts sa party niya.

"Ano 'yon?" Napatanong ako sa isang staff nang makita ko si Yessa na lumabas ng venue...

"Mukhang pinaalis ni Ma'am iyong isang guest, Sir..." The hotel staff told me.

Sinundan ko naman si Yessa sa labas ng hall. At pagkalabas ko pa lang sa tahimik at walang taong pasilyo ay nakita ko na agad sila roon...

"Umalis ka na, Carlos. Ano pa ba ang ginagawa mo rito? Bakit ka nagpunta ngayon dito?" Yessa told the man she was talking to...

"Yessa, I just want to make sure na okay na nga talaga kayo ng asawa mo—"

"You don't have to worry about that! Yes, we're fine now. At ngayong nandito ka ay baka ikaw lang ang sumira sa birthday ng anak ko—"

"Yessa," I called and I went to them.

Pero natigilan din ako nang makita ko na ang mukha ng lalaking kausap niya. I think I know him. Nagkita na kami dati. That one time that I was out on a date with Yessa. Hindi pa kami mag-asawa ni Yessa, and at that time we were still going out on dates and trying to know each other more...

At sa restaurant iyon kung saan kami kumain... Papalabas kami noon ni Yessa ng restaurant habang kakarating lang naman noong lalaki na mukhang kakilala rin siya... Because he called her name...

"Leo!" Yessa rushed to my side.

Napahawak naman ako sa ulo ko at sobrang sumakit ito na matutumba na ako. Yessa supported me but she couldn't fully support my heavy weight until I passed out...

And while I was unconscious all my past memories, everything flooded in my brain that it was hard to take it all in at the same time. And the reason why I had to collapse once again. Pero naalala ko na lahat. Lahat ng mga pangyayari hanggang sa gabi ng aksidente ko...

And that man... He's not just someone we know... Because he's my wife's ex...

"Leo, saan ka pa pupunta? Gabing-gabi na. Please stay here. Dito lang tayo sa bahay at mag-usap tayo. Hahanapin ka ni Leon kapag umalis ka ngayon..." Yessa was already crying and begging me not to go.

Umuwi pa ako sa bahay namin pagkatapos ko siyang makita na pumasok sila sa isang hotel at nahuli ko siya sa isang hotel room kasama ng ibang lalaki...

Pagkauwi ko ay agad din siyang sumunod kaya nagpang-abot pa kami sa bahay. At nandoon si Leon. Ayaw ko na makita ng anak ko na nagtatalo kami ng Mommy niya...

Kaya naman pinili ko na lang muna na aalis ako ngayon para makapag-isip muna ako.

I harshly turned to her. Natigilan naman siya at napaatras sa bigla kong pagharap sa kaniya. "I don't want to confront you in front of our son, Yessa. Kaya kung ayaw mo rin na marinig ni Leon kung bakit ako galit... Don't stop me." I warningly told her before I just went straight to my car na hindi ko pa maayos na nai-parked kanina rito lang sa labas ng bahay namin.

Hindi na rin sumunod pa si Yessa. And I just saw her crying figure on my car's sideview mirror as I was leaving...

Wala na ako sa sariling nagmamaneho. I was still shocked of what I've found out... My wife was cheating on me...

I just saw her in a hotel with another man.

I gritted my teeth. Umigting ang panga ko at mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho sa sasakyan ko. Wala na akong pakialam. Gulong-gulo ako. And I was deeply hurt by the betrayal I just discovered...

Naramdaman ko ang pagbasa ng luha sa mga pisngi ko galing sa mata. And my vision on the road blurred because of the tears. I was badly hurt. I never imagined that Yessa could do that to me. She was kind and gentle... And she was a good wife to me and mother to our son...

Kaya parang hindi pa ako makapaniwala. Pero nakita na ng dalawang mga mata ko. Ang sakit. I never thought that I could be badly hurt like this.

I couldn't take it. Sumasakit din ang dibdib ko. And maybe I also had some suicidal thoughts at that time when I was driving my car without direction. Dahil hindi ko matanggap. How could Yessa do that to me and our son...

Wala na sa daan ang isip ko. Hanggang sa ang sunod na lang na nangyari ay sumalpok na pala ang kotse ko sa isa pang sasakyan na nakasalubong ko sa daan...

I was healthier than when I was younger. I had a weak heart but I already undergone several heart surgeries. Pareho rin doctors ang parents ko so they could properly look after me and my medical condition. Kaya siguro wala na rin akong kapatid dahil naubos na sa akin pa lang ang atensyon ng mga magulang ko. Kaya nakapag-asawa pa ako at nagkaanak din kami ni Yessa. But the accident had caused my heart to stop beating... And at that time, ang isang lalaki na nakasabay kong naaksidente ay willing ibigay ang heart organ ng mamamatay na nilang anak sa akin para madugtungan pa ang buhay ko. So I was saved...

And it was only a miracle that I still woke up after that...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro