Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✉ 57

☀ April 9, 2016

Richard, Ben

Richard:

Nagre-reply ba sa inyo si Dan?

Ben:

Hindi

Steven:

Hindi

Richard:

Galit na galit na ang mga magulang niya. Pinapauwi na siya. 

Steven:

Sabi ni Katkat hinanap daw nila kagabi si Dan at Celestine

Ben:

Tangina tong si Dan! kamamatay lang ni Kiko tapos pagwawatakin pa tayo lalo!

Marami siyang kilalang chicks! Bakit sa girlfriend pa ng kaibigan?!

Steven:

Pupunta ako mamaya sa camp. Susunduin ko si Katkat

Richard:

Susugurin mo sina Dan?

Steven:

Kinakabahan ako sa kaligtasan ng kapatid ko

Ben:

Bakit??? Si Celestine pa rin ba ang suspect??

Hala paano kung siya talaga ang pumatay kay Kiko tapos sinunod niya si Dan? Pwede rin yun diba?

Richard:

Mag-isa ka lang na pupunta?

Steven:

Oo. Bahala na kung ayaw ni Katkat. Kakaladkarin ko siya kung kailangan

Ben:

Sama ako

Richard:

Sasama na rin ako. Sunduin na rin natin si Dan. Naawa na ako sa nanay niyang alalang-alala sa kanya. Lintik na yon, para sa babae gagawin lahat.

No offense steve

Ben:

Teka commute lan ba tayo?

Steven:

Hihirammin ko ang sasakyan ni Dad tapos may lisensya ka naman okay na siguro yon

Richard:

Pagkatapos ng 4pm exam natin, diretso tayo sa bahay nina Kiko para sa vigil, tapos alis na tayo papunta sa camp na yon



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro