Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✉ 36

☀ April 1, 2016

Cindy

5:32 PM


Steven:

Cindy, ikaw ba ang bagong student assistant ni Prof Miguel?

Cindy:

Oo, bakit? Btw, totoo ba yung nangyari kay Kiko o april fools lang? Usap-usapan na siya ng lahat, pati rito sa faculty.

Steven:

Patay na si Kiko. Nandito kami ngayon sa bahay nila. Pakisabi sa mga prof na magse-special exam lang kami nina Ben, Richard, at Dan. Nagkakagulo sila rito kanina pa kaya sinusubukan namin tumulong. 

Cindy:

Ok. Huhuhu Kawawa yung sinapit ni Kiko. Nahuli na ba ang gumawa?

6:12 PM

Cindy:

Okay lang ba si Dan? He's not answering my calls and text. I'm really worried.

Steven:

Okay lang si Dan. Busy lang kasi binabantayan niya si Ben, kanina pa kasi ito hindi tumatahan. Iyak lang nang iyak at biglang napapatulala. 

Cindy:

May gusto sana akong itanong sayo kaso pakiramdam ko sobrang insensitive lalo na sa nangyayari ngayon. Kapag ok ka na, mag-usap tayo.

Steven:

Ok

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro