Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 27: SALUBONG

Vince's POV

*Flashback*

"Bakit mo na naman kami pinatawag? 'Di ka pa ba kontento sa surprise?" saad ni Lean.

"Oo nga, Vince. Matatambakan na naman ako ng trabaho nito," sagot ni Zoe.

"Tumakas lang ako sa meet up namin ng mga groupmates ko para sa case study," saad ni Sandra.

"Alam kong busy kayong lahat pero iniimbitahan ko kayo sa Singapore," sagot ko.

"Singapore? Kasama kayo ni Ems?Huwag na lang!" tutol agad ni Sandra.

"Aayusin ko med-school mo," sagot ko.

"Weh?" sagot niya.

"Oo nga. Ako na bahala roon," sagot ko.

"Teka muna, Vince. May binabalak ka ba?" sagot ni Lean.

"Meron..."

*End of Flashback*

"Babe!" tawag ni Ems.

"What?" sagot ko.

"Nagtataka ako kung bakit masama timpla ng mukha ni Lean at ni Zoe? 'Di ba magkakasama kayo kanina lang?" sagot niya.

Tumikhim muna ako bago sumagot. "Tumawag kasi 'yong groupmate ni Lean sa kaniya hinahanap siya tapos si Zoe kinukulit ni Nathan kanina."

"Ah akala ko ba inayos mo na 'yong mga 'yon?" sagot niya.

Tumingin ako kay Sandra na parang humihingi ng tulong.

"Ems!" tawag ni Sandra.

"Yes?" sagot ni Ems.

"Share tayo sa headset. Boring kasi kapag mag-isa lang," sagot ni Sandra.

Inabala niya na si Ems sa kanilang tugtog. Napatingin naman ako kay Lean na nakatingin sa akin.

"What?" I mouthed.

Umiling lang siya bilang sagot kaya inabala ko na ang sarili ko sa cellphone ko. Nag-headset na rin ako at ini-recline ang aking upuan. Naglagay ako ng eye mask at ipinikit ang aking mga mata kahit hindi pa nag-a-announce ng take off ang piloto.

My eyes started to water under the eye mask so I put my hoodie on so that no one will notice I'm crying. Hindi ko pa man din nagagawa ay nasasaktan na ako. I swallowed hard so that no one will hear my sobs. Ako ang nagsabing hindi ko na siya sasaktan at poprotektahan ko siya sa sakit pero ako mismo ang makakasakit sa kaniya. Wala pa man din pero heto na ako't nagluluksa sa relasyon naming tila buhay na may taning na at hindi na magtatagal pa.

"Babe..." Emily called.

"Hmm?" sagot ko.

"Mukhang wala ka sa mood."

"Kulang lang ako sa tulog," pagsisinungaling ko.

"Okay. Magsusulat na lang muna ko ah," sagot niya.

"Okay," sagot ko.

Pinikit ko ang aking mga mata at pinilit ang sariling makatulog upang ma-relax ang aking utak at makapagpahinga. Nagising ako nang naramdaman kong may humawak sa aking mukha. Tinanggal ko ang aking eye mask at inalam kung sino ito.

Napangiti naman ako nang makita kung sino ito.

"Gwapong-gwapo ka na naman sa akin," saad ko at hinawakan ang kamay niya.

"Asa!" sagot niya.

Natawa na lang ako sa sinagot niya.

"Ilang oras akong tulog?" tanong ko at inayos ang aking upuan.

"Two and a half hours."

"Edi we have one hour and thirty minutes more?"

"Yeah! I can't wait for our landing," sagot niya.

"Excited ka na?" sagot ko.

"Yeah. Na-mi-miss ko na ang hangin ng Singapore!" sagot niya.

"Bakit Ems? Ano ba pinagkaiba ng hangin ng Singapore sa hangin ng Pilipinas?" tanong ni Sandra.

"Mas malinis hangin ng Singapore," sagot ni Ems.

"Talaga?" sagot ni Sandra.

"Yes. High tech din mga hospital doon. Advance lahat ng gamit nila kaya medyo nanibago ako noong nasa Pilipinas na," sagot ni Ems.

"Sana all!" sagot ni Sandra.

"Huwag ka mag-alala, Sands. After graduation gusto mo try natin ipasok kita sa hospital namin. Para may kakilala nang doctor si Ems at tigilan na siya ng mga nanliligaw sa kaniyang residente," sagot ko.

"Nanliligaw talaga? Aminin mo lang naiinggit ka sa flirting skills nila!" sagot niya.

"Ako? Maiinggit? Aba para saan pa't romance writer ako!" sagot ko.

"Edi wow! 'Yong mga banatan nga sa story mo medyo corny eh!" sagot ni Sandra.

"Grabe naman 'yang criticism mo!" sagot ko.

"Talaga! Mas magaling pa magsulat ng POV ng lalaki si Ems eh! Bumebenta talaga 'yong mga banatan niya!" sagot niya.

"I love you, Sandra!" sagot ni Ems.

"Ganiyan ah! Tulak kaya kita sa labas?" sagot ko.

"Ems oh!" saad ni Sandra.

"Babe naman! Sinama-sama mo siya tapos mag-aasaran lang pala kayo! Aminin mo na lang kasi na medyo nangangalawang ka na sa romance!" sagot ni Ems.

"Ang tinaguriang king of romance ay ngangalawang na sa romance!" sagot ni Sandra.

"King of all genres daw pero hindi bumebenta 'yong mga banat!" sagot ni Ems.

"Mas nag-focus kasi ako this year sa mystery! Basher ko kayong dalawa ah!" sagot ko.

Tinawanan lang nila akong dalawa at nag-appear pa talaga.

"Kayo talagang dalawa! Pinagkakaisahan ni'yo ako!" saad ko.

"Hindi naman, Babe. Sinasabi lang naming 'yong totoo," sagot ni Ems.

"Ganoon na rin 'yon!" sagot ko.

"Si Vince naman! Dati ka nang pikon 'no!" saad ni Lean.

Tinawanan ko na lang siya dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao. Ilang minuto ang nakalipas ay nag-announce na ng landing ang piloto. Pinauna na naming makababa ang mga nasa unahan naming upuan.

"Saan tayo kakain?" tanong ni Zoe.

"Zoe, bago ka magtanong kung saan tayo kakain mag-picture muna tayo," saad ni Lean.

"Oo nga! First trip natin 'to na magkakasama! Insert Ivan and Andy!" sagot ni Sandra.

Nag-picture kami sa kaniya-kaniya naming cellphone. Syempre hindi pahuhuli ang mga stolen shots ko sa kanila at kay Ems.

"Vince! Picture naman kayo ni Ems!" saad ni Sandra.

"Oo nga. Para naman alam ng readers ni'yo na nakalapag na kayo rito sa Singapore," sagot ni Lean.

"Sige na nga," sagot ko.

I don't really want to document this moments with her because I want this to be genuinely remembered. I also don't want to see pictures of this moments because this will only remind me of how I hurt the love of my life. On the other hand I want to remember her genuine smile so even if I really don't want to I took some photos of them.

Pagkatapos naming mag-picture ay lumabas na kami sa gate. Dumiretso na kami sa mall na malapit sa airport. Syempre as usual sa Mcdonalds kami kumain dahil hindi pa raw nila trip ang mag-explore ng ibang pagkain.

"Ano, Vince. Doon na lang ako sa condo mo tapos si Sandra at Zoe sa condo na lang ni Ems," saad ni Lean.

"Okay. Masyadong sisikip din sa condo ni Ems kapag doon ka pa nag-stay. Two bedrooms lang ang condo ni Ems. Maraming gamit si Ate Gab na hindi pa natanggal," sagot ko.

"Oo nga. Dalawa kasi sofa bed doon. Tapos may dining table pa at mga kung ano-ano," sagot ni Ems.

"Eh pwede naman pala roon na lang tayo lahat eh!" sagot ni Sandra.

"Saan mo patutulugin si Vince?" sagot ni Zoe.

"Tayo nila Lean sa sofa bed tapos si Ems at Vince sa kwarto!" sagot ni Sandra.

"Okay sige! Since this is ourfirst trip with you guys then sa condo na lang tayo ni Ems mag-stay lahat!" sagot ko.

"Sure kayo ha? Hindi kasing laki ng condo ni Vince ang akin," saad ni Ems.

"Oo naman!" sagot ni Zoe.

"Okay," sagot ni Ems.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa condo ni Ems.

"So, welcome to my condo. Hindi na ako nakatawag ng maglilinis kaya mamaya na lang tayo maglinis," saad ni Ems.

"Okay lang. Understandable naman 'yong mga dust na nandito dahil almost a year kayong wala rito," sagot ni Lean.

"Nahiya ka pa eh mas malala nga dumi ng dorm natin kapag sabay-sabay tayong tinamad maglinis! Kung wala si Andy baka nakatira na tayo no'n sa basurahan!" sagot ni Sandra.

"Grabe naman sa basurahan! Di ba pwedeng garbage bin na lang?" sagot ko.

"Oo nga naman para tunog sosyal!" sagot ni Lean.

"Magpahinga na nga kayo. Pagod lang 'yan! Mamayang hapon dadalhin namin kayo sa Merlion Park!" sagot ko.

"Uy Vince hinahanap ka pala ni Tita," sagot ni Lean.

"Bukas na natin siya puntahan. For now magpahinga muna tayo," sagot ko.

Pumasok na ako sa guest room ni Ems at siya naman ay pumasok sa kwarto niya.

"Vince! 'Wag ka muna lalabas! Dito na lang kami nagbihis sa labas!" saad ni Lean.

"Okay," sagot ko.

Binuksan ko na lang ang phone ko at naisipan kong i-check ang gc naming magpipinsan.

Nathan:

Bwisit si Vince! Binitbit girlfriend ko sa Singapore!

June:

Wala na 'yong personal doctor ko! Binitbit din ni Vince.

Liam:

Hoy June! Tigilan mo nga si Sandra!

Ikaw din Nathan! Bigyan mo ng freedom si Zoe!

Me:

Kayo naman! Parang four days lang!

Jay:

Oo nga. Bakit ba mga tropa ni Lean ang hinahanap niyo? Bakit hindi niyo hinahanap si Lean?

Liam:

Bwisit pa ako sa kaniya. Wala siyang taste sa lalaki!

Jay:

Hayaan mo na si Lean. Hindi niya naman kasalanan na ganoon ugali ng lalaki na yun eh.

Me:

Hayaan ni'yo na si Lean. Hindi niya kailangan ng comments ni'yo.

"Lean!" tawag ko.

"Oh?" sagot niya mula sa labas.

"Pwede na ba ako lumabas?" sagot ko.

"Oo!" sagot niya.

Tumayo na ako sa kama at lumabas na ng kwarto.

"Nasaan si Ems?" tanong ko.

"Matutulog daw muna siya," sagot ni Lean.

"Okay," sagot ko at umupo sa sofa.

"Sigurado ka na ba talaga, Vince?" tanong ni Zoe.

"Oo nga, Vince. Mahal ni'yo naman ang isa't isa 'di ba? Ayoko na makita na naman si Ems na umiiyak dahil nasawi na naman sa pag-ibig," sagot ni Sandra.

"Oo. It may seem that I'm okay with this but deep inside me it isn't. Matagal ko na siyang nakasama. Panahon na para ibalik siya sa talagang nagmamay-ari sa kaniya. Mas mahihirapan lang siya kapag nanatili pa kaming dalawa..." sagot ko.

"Bakit naman?" sagot ni Zoe.

"Hindi mo man pansin pero Ken is making his moves to get her back. Nalilito na si Ems," sagot ko.

"Malay mo pagsubok lang 'yan sa inyong dalawa?" sagot ni Lean.

"Pinakamasakit na pagsubok," sagot ko.

"How sure are you that Ken will take care of her just like as you do?" sagot ni Lean.

"I saw it with my own two eyes," sagot ko.

"Oh really?" sagot niya.

"Talaga ba, Vince?" sagot ni Sandra.

"Yes," sagot ko.

"Are you ready to see her cry kapag ginawa mo 'yan?" sagot ni Sandra.

"Hinanda ko na ang sarili ko kaya nga kayo nandito 'di ba?" sagot ko.

"Tigilan mo na nga pag-iisip ng ganiyan, Vince. Manong sulitin mo na lang dahil sigurado akong may mawawala sa 'yo pagkatapos nito," sagot ni Lean.

"I agree with Lean. Make this at least a good memory for the both of you," sagot ni Zoe.

Tumango ako sa kaniya. Napagdesisyonan kong umidlip na lang muna sa kwarto upang mamaya ay malakas ako para sa tour namin. Kinahapunan ay pumunta na kami sa Merlion Park. We took some photos and watched the sunset from here.

"Alam ni'yo no'ng nandito pa ako lagi ako napupuno ng what ifs?" saad ni Ems.

Napalingon kaming lahat sa kaniya upang pakinggan ang kaniyang sinasabi.

"Katulad ng?" sagot ni Lean.

"Hmmm, what if nandito kayo kasama namin? Nasa iisang university tayo katulad no'ng highschool at nasa iisang condominium or apartment?" sagot ni Ems.

"Oo nga 'no? Tapos sabay-sabay tayo nag-re-review ng mga lessons," sagot ni Zoe.

"Ako,iba what if ko," sagot ni Lean.

"Ano naman?" sagot ko.

"Hmmm... What if hindi ko kayo nakilala? Except for you, Vince. Ano kaya ako ngayon?" sagot niya.

"Siguro... Hindi kami ganito kasaya ngayon," sagot ni Emily.

"Yeah. Kayo ni Vince ang light and joy ng grupo," sagot ni Sandra.

Natahimik ako sa aking narinig. Totoo nga ang sinabi ni Sandra... May mawawala and I think that is my genuine smile and theirs too. I know this will affect the group so much but what can I do? Ganito ang itinadhana sa aming mangyari at wala na akong magagawa pa roon.

"Ang ganda pala rito, Ems. Ganitong view ang nakikita ni'yo tuwing umaga at gabi," saad ni Zoe.

Nagsisimula nang magpailaw ang mga buildings dahil madilim na rin. Lalong mas gumanda ang mga tanawin.

"Picture naman tayo!" Aya ni Ems.

"Vince! Picture-an mo naman kami rito!" saad ni Sandra.

"Sige," sagot ko. Inabot niya na sa akin ang kaniyang cellphone.

"One... Two... Three! Smile!" saad ko at kinuhanan sila ng litrato.

I want to have the memory of this trip to be at least the happy for her. Ayokong maalala niya ang Singapore bilang lugar kung saan siya iniwan ng lalaking nangako sa kaniyang hindi siya sasaktan. I want this place to be remembered as the place where she established her dreams and make it come true. I don't want her to curse this place.

After taking pictures here we decided to eat samgyupsal at the nearby Korean restaurant. Syempre mabubusog na naman sila dahil sinabayan pa ng soju.

"Babe, I thought alcohol is bad for the health?" I said. Nasa ikalawang bote na kasi siya ng soju.

"Katulad nga ng sabi ni Mommy, minsan lang sa isang linggo!" sagot niya.

"Baka malasing ka niyan," sagot ko.

"Bakit naman ako malalasing?" sagot niya.

"Sinasabi ko lang," sagot ko.

"Hayaan mo na siya, Vince. Kaya niya naman 'yan! Si Ems pa!" sagot ni Sandra.

"Nako, Alesandra Divina Harrington! Hindi ako naniniwala," sagot ko.

"Nako, Vincent David Sawyer! Hindi nakakalasing ang tatlong bote ng soju!" sagot niya.

"Oo nga, Babe. Uminom ka na lang din kaya?" sagot ni Emily.

"No. I need to be sober. I'm the one who will drive," sagot ko.

"Anong plano ni'yo bukas? Saan itinerary natin?" tanong ni Lean.

"Sa Universal Studios. Doon tayo bukas," sagot ni Ems.

"Okay!" Sandra and Zoe answered.

"'Yan na nga ba ang sinasabi ko! Lasing na si Ems!" saad ko.

Pumupungay na ang mga mata ni Ems at halos masubsob na sa lamesa. Hindi niya na nakain ang remaining samgyupsal niya.

"Sino lasing?" tanong ni Ems na ngayon ay nakasubsob na sa lamesa.

Napailing na lang ako sa nakikita. Sinamaan ko ng tingin si Lean pero nakibit balikat lang siya.

"Let's go home na. Sands, pakibayaran nga po 'yong bill natin," saad ko at inabot sa kaniya ang card ko.

"Tinatanggap 'yan dito?" tanong niya.

"Oo. Bayad ka na," sagot ko.

Tumayo na siya sa table namin at nagpunta na sa cashier. Pagkatapos niyang magbayad ay inabot niya ulit sa akin ang card ko. Binalik ko ito sa aking wallet at binuhat ko na si Ems. Inabot ko kay Lean ang susi upang siya na ang magbukas ng kotse para sa amin. Isinakay ko na si Ems sa passenger seat at isinuot sa kaniya ang seat belt. Sumakay na sina Lean, Sandra, at Zoe sa likod. Umikot na ako para pumasok sa driver seat. Tahimik kong pinaandar ng mabagal ang kotse dahil baka magsuka si Ems hindi dahil sa alak kundi dahil sa hilo.

Pagdating naming sa condo ay binuhat ko na ulit si Ems papasok. Naramdaman kong basa ang sleeves ko. Binaba ko ang tingin ko kay Emily upang makumpirma kung umiiyak ba talaga siya.

"Babe, may masakit ba?" tanong ko.

"Ayoko na, Vince..." she answered.

Napalunok na lang ako dahil sa sinagot niya. Tumunog na ang elevator senyales na nasa tamang floor na kami. Binuksan ni Lean ang pintuan para sa amin. Idiniretso ko na si Ems sa kaniyang kwarto.

"Ayoko na..." she uttered again.

"Anong ayaw mo na?" sagot ko.

"Nalilito na ako sa mga nangyayari..." she answered.

"Sandali lang, Babe. Tatawagin ko si Sandra para mabihisan ka niya," sagot ko.

Lumabas na ako ng kwarto niya at tinawag si Sandra upang bihisan siya. Nagpalit ako ng pambahay bago bumalik sa labas. Naroon si Lean at nakaupo sa sofa bed kaya tumabi ako sa kaniya.

"Bakit mo kasi naisipan uminom ng soju?" saad ko.

"Wala lang. Celebration ng first trip natin," sagot niya.

"Nakuha mo pa talagang mag-celebrate despite the fact that we're going through silent chaos," sagot ko.

"Ano ba? Akala ko ba make this at least a good memory for her tapos ngayon bigla kang nagrereklamo diyan."

"Hindi naman ako nagrereklamo," sagot ko.

The next day we had fun at the Universal Studios. We tried all the rides and took so many photos in the place.

"Grabe. Ang ganda rito! Pwede bang huwag nang umuwi?" saad ni Sandra.

Nandito ulit kami sa Merlion Park para panoorin ang pag-ilaw ng mga buildings. Emily leaned her head on my shoulder and held my hand tightly.

"Why? Is there something wrong?" tanong ko.

"Nothing. I feel like ang layo mo sa akin," sagot niya.

"Hindi. It's just that we don't have time for each other kasi 'di ba kasama natin sila Lean?" sagot ko.

"Ems, Vince, doon lang muna kami malayo sa inyo para makapag-alone time naman kayo," paalam ni Zoe.

"Sige-sige," sagot ko.

Umalis na sila sa kanilang pwesto at dumistansya sa amin.

"It's almost our anniversary..." she said.

"Yeah, almost four hours from now?" sagot ko.

"Four more hours and it's our fourth year..."

"Four years..." Apat na taon kang naging akin.

"Halika na nga't umuwi na tayo. Lumalalim na ang gabi," sagot niya.

"Yeah. Let's go na," sagot ko.

Pinuntahan na naming sina Lean at inaya nang bumalik sa condo. Pagdating namin sa condo ay nagbihis lang si Ems at lumabas na naman. Hindi man lang nagpaalam sa akin.

"Saan pupunta 'yon?" tanong ko kina Lean.

"Ewan ko. Mukha ba kaming sinabihan niya?" sagot ni Lean.

"Tinatanong lang kita," sagot ko.

"Hayaan mo na, Vince. Para namang hindi kayo tumira rito ng pagkatagal-tagal," sagot ni Sandra.

"You know what, Sands? We should cook our dinner. Gutom na 'tong si Vince kaya mukhang kakain na naman ng buhay," sagot ni Zoe.

"Oo nga. Pagluto na natin ang mahal na hari," sagot ni Sandra.

"Hello, Ems? Oh bakit?" saad ni Lean sa kausap.

"Ah hindi na magluluto?" saad niya pa.

"Sige. Sabihin ko sa kanila," sagot niya at binaba ang tawag.

"Huwag na raw kayo magluto. May dala raw si Ems na pagkain," saad niya.

"Okay," sagot ni Sandra.

Umupo na ako sa sofa at ti-next si Ems.

Me:

Where are you?

Babe:

Somewhere down the road.

Me:

Tutuktukan kita pagbalik mo rito. Susunduin na kita.

Babe:

I'm just nearby. Nagpa-deliver ako ng pagkain diyan.

Me:

Okay. Wait... What are you up to?

Babe:

Nothing... Just wait...

Dumating na ang pagkain na sinasabi niyang pagkain. Hindi ako makakain ng maayos dahil hindi pa rin bumabalik si Emily. Dalawang oras na ang nakalipas mula nang umalis siya rito. It's already 11 pm nang makabalik siya rito sa bahay.

"Saan ka nagpunta?" tanong ko.

"Naku, Ems. Lagot ka. Hindi 'yan makakain ng maayos 'yan kahihintay sa 'yo," saad ni Sandra.

"Nagpunta lang ako sa bake shop diyan sa baba," sagot niya.

"Hindi ako naniniwala... Bakit wala kang dalang box ng cake?" sagot ko.

"Bakit? Required bang may dalang box ng cake kapag galing sa bake shop?" sagot niya.

"Natural! Alangan namang box ng libro 'di ba?" sagot ko.

"Tama na 'yan," saway ni Sandra.

"Tama na 'yang debate ni'yo wala rin namang mananalo," sagot ni Lean.

"Ewan ko ba rito sa pinsan mo't napakahilig magsimula ng debate," sagot ni Ems.

"Hindi ako nagsisimula ng debate. Nag-aalala lang ako kasi almost three and a half hours kang nawala," sagot ko.

"May inayos lang ako," sagot ni Ems.

"Ayan na naman kayo. Manood na lang tayo ng movie para hindi na kayo magdebate pa," sagot ni Sandra.

"Palamigin ni'yo ulo nitong boyfriend ko. Magbibihis lang ako saglit," saad ni Ems at pumasok sa kwarto niya.

Hinila na ako ni Lean papunta sa sofa. Binuksan na niya ang tv at namili ng papanoorin namin.Habang pumipili siya ay bigla namang lumabas si Emily sa kaniyang kwarto dala ang kaniyang laptop.

"Lean! 'To na lang panoorin natin! Namili ako kanina sa loob habang nagbibihis eh," saad ni Ems.

Si-net up niya ang laptop niyang naka-konekta sa TV. Nagulat ako nang biglang nag-iba ang naka-display sa TV. It plays the video of us in our book signing.

'I'm proud of you, Babe! We made it!' nakasaad sa ilalim ng video.

Naiba ang video, siya na ito at nasa loob siya ng kaniyang kwarto.

"Hi, Babe! Probably you're watching this by 11 pm a night before our fourth anniversary. So... You've been with me for the past fourteen years of my life. Lahat na 'ata ng pagsubok ay nasubukan na nating dalawa. Sabay nating inabot ang mga pangarap natin. Ang mga pangarap na noon ay akala ko hindi ko na maabot. Dahil sa tulong mo at sa suporta mo nakamit ko lahat ng ito. You're probably thought that ikaw lang ang nag-e-effort para sa ating dalawa but no! Wait for the next vid!"

Biglang nag-iba ang video nasa kwarto pa rin siya pero nakaharap na siya sa kaniyang laptop.

"This is day one of compiling all of the poems I made about us," she said.

Ngayon naman ay nasa building siya ng Blue Moon Publishing. Nagpatuloy lang ako sa pagnood at sa huli ay bumalik ulit sa unang video pero hindi na sa kwarto niya ang setting. Sa roof top na ng condo namin ito dahil puro sky scraper.

"I have a surprise for you by midnight, Babe! Happy fourth anniversary! I love you!" she said and the screen turned black.

"So you edited the video the whole time you're away!" I said.

"Yeah. Nasa roof top lang ako the whole time. Hindi mo lang napansin na bitbit ko 'yong laptop ko kasi ang bilis kong lumabas," sagot niya.

"Bakit nasa Blue Moon ka?" tanong ko.

"Wait..." Tumayo siya at pumunta sa kwarto niya. Lumabas ulit siya pero may dala na siyang box.

"Open it!" she excitedly said.

Dahan-dahan ko itong binuksan at laking gulat ko nang may libro sa loob ng kahon.

"How Writers Love... By Emily Writes..." basa ko sa title.

"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Ems.

"Ako lang may kopya nito?" tanong ko.

"Oo naman! Hindi ko na kailangan ipangalandakan 'yan kasi alam naman ng lahat na mahal na mahal kita eh," sagot niya.

"No words can explain how thankful I am for you. I love you so much, Babe!" I said and hug her. Hinalikan ko ang kaniyang noo.

"I've never seen Vince as happy as this. Thank you for making my cousin happy, Ems," saad ni Lean.

"No worries. He's safe with me!" sagot ni Emily.

Napangiti naman si Lean habang pinagmamasdan kami.

"Wala ka man lang bang pakain sa amin?" tanong ni Zoe.

"On the way na 'yong pagkain. Buti na lang may na-order-an pa ako," sagot ni Ems.

"So the genre of the book you wrote for me is poetry?" I asked.

"Yeah! Sana magustuhan mo!" sagot niya.

"Syempre naman! Wala ka namang sinulat na pangit eh," sagot ko.

Pumunta si Lean sa ref at kinuha ang red wine roon. Kumuha naman si Sandra ng mga wine glass. Isa-isa itong nilagyan ni Lean ng laman at itinaas.

"Cheers to more years with Vince and Emily!" saad niya.

"Cheers to forever of Emily and Vince!" saad naman ni Sandra.

"Happy anniversary to the both of you," saad naman ni Zoe.

Kinuha ko na ang wine glass namin ni Ems. Binigay ko ang isa sa kaniya.

"Cheers!" sabay-sabay naming sigaw.

This is the happiest day of my life. I never thought she'll put efforts on our anniversary despite the fact that she's also going through something. Sana nga hindi na matapos ang araw na ito. Pagkatapos ng ilang saglit ay dumating na ang pagkain. Syempre unang-una sa kumuha ng pagkain ay si Zoe na nag-request.

"Zoe! Dahan-dahan!" saway ni Ems.

Nagkakatuwaan kami nang tumunog bigla ang cellphone ko. Nilabas ko ito sa aking bulsa at napabuntong hininga nang makita kung sino ang tumatawag.

K calling...

Nilingon ko si Ems na nakatingin sa akin.

"Babe, I'll take this call first. Balik ako agad," paalam ko.

"Sige lang. Bilisan mo lang ah!" sagot niya.

"Opo," sagot ko.

Lumabas ako ng condo at sinagot ang tawag ni Ken.

"What do you want?" I said.

"Tomorrow..." sagot niya.

"Oo na! Tigilan mo nga katatawag sa akin. Malapit na ako mapikon sa 'yo!" sagot ko.

"I'll be there tomorrow. Make sure to give her the proper closure ah!" banta niya.

"Hindi ako katulad mo. Lilinawin ko sa kaniya lahat ng ginawa mo," sagot ko at binaba ang tawag.

Bumalik na ako sa loob. Nanonood na sila ng k-drama kaya tumabi na ako kay Ems.

"Sino 'yon?" tanong niya.

"Wala. Just a random call," sagot ko.

Pagkatapos ng ilang oras na panonood ay napagdesisyonan na naming matulog.

"Good night, guys!" paalam ko kina Sandra, Zoe at Lean na nasa sala.

Hinalikan ko si Emily sa kaniyang noo bago ako pumasok sa loob ng aking kwarto.Naghilamos at nag-tooth brush lang ako bago nahiga. Napabuntong hinina ko nang muling sumagi sa aking isipan ang gagawin ko bukas. Siguradong maraming magbabago at kailangan kong maging handa para roon. I will try my best to explain my side. Ako ang may gusto nito kaya ako ang dapat tumapos nito. Pinikit ko ang aking mga mata at pinilit ang sariling makatulog sa kabila ng mga iniisip.



A/N: Enjoy reading, my skies! See you again next week!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro