Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20


 STAR OF THE NIGHT 









 "Expired pa yata 'to, e."




After your first destinasyon sa Gardenia on the field trip, bumalik naman na kayo sa bus. Saktong maaraw at huminto na rin ang ulan.




"Lakas ng boses mo. Marinig pa tayo ng tour." Sabi naman ni Hakkai.




Ikaw naman ay todo tutok ng portable fan sa mukha mo habang nagre-retouch. Nagdala ka pa ng mini hair curler, at halos si Emma ang maging table mo.




"Sa'n daw next destination?" Tanong naman ng isa niyong kaklase.




Natapos na rin kayo sa una niyong destination, which is the Gardenia Factory. Your school will either choose this. Basta alam mo na kapag nagreklamo ang mga kaklase mo, Gardenia ang pupuntahan nila. Ewan ba kung bakit ang daming may ayaw do'n. 'De actually ako rin. 




"Last destination pa 'yung EK." Banggit naman ng isa. Basta talaga EK, 'yun ang palaging last destination.




Hindi ka na nakikinig sa kanilang mga usapan at naka focus sa paglalagay ng eyeliner. Magalaw ang bus, but you can still manage. Honestly, it's a skill that you developed because of your dad's driving. It's like you're the Kim K of the family, ikaw palagi ang nahuhuli dahil matagal kang mag-ayos, and somehow you still end up doing your makeup in the car.




"Pwede bang pakihinaan niyo 'yang tugtog niyo? Pang pakboy amputa." Reklamo naman ni Hakkai sa mga nakasakay sa likod ng bus.




"Ah ganto ba gusto mo. Ehem, nakikinig pala ako sa Taylor Swift, The Weeknd, New Jeans, Lana Del Rey, Beabadoobea. Wala naman akong pinopormahan." Sagot ni Makoto.




"Ang dami mong satsat."




Sa likuran ng bus, magkakatabi rin sina Ran at Rindou, sa likod lang ng seats nina Kakucho at Koko. Talagang knockout ang apat dahil na-adik na sila ro'n sa underground racing.




"Hindi ko talaga alam kung ba't sumama pa 'ko sa field trip." Pagod na pagkasabi ni Ran na onti nalang humiga na sa bus.




"Hayaan mo. Gigising kaluluwa mo pag nag EK tayo mamaya." Sagot naman ni Hakkai.




"Sa'n uli next destination?" Tanong nina Mikey.




"Tales of Illumina."











"Tamo kumikinangina rito."




The second destination is the place Tales of Illumina in location, an interactive art museum-like place, at ito ang usual na pinupuntahan ng mga nagf-field trip.




"Magkano po kapag nakabasag?" Tanong naman ni Ran sa mga empleyado. Ang random 'di ba.




"Minimum of five thousand po, sir."




"Pwede bang isangla nalang 'tong kaklase namin?" Tanong naman ni Hakkai sa isang empleyado at tinulak si Makoto.




"Ay Yuzuhaaa! Akaneee!" Sigaw ni Hakkai nang nakita ang dalawa at niyakap ito. Ito talaga ang OG friend group noong grade eleven, plus si Yumi na nasa ibang bansa na ngayon.




"Maka yakap naman 'to kala mo hindi tayo nagkikita sa campus." Komento ni Akane.




"Still, hahaha. Tagal nang 'di nagh-hang out sa canteen like before, 'noh." Dagdag naman ni Yuzuha.




"Putangina what's up!" Pangangamusta naman ni Senju na kanina pa kinakaladkad si Hina.




"Hi," Kazutora greeted, at kasama nito si Draken na galing sa kabilang bus. Nagkahiwa-hiwalay ng strand ang dalawa kasama na si Mikey.




"Retsam! Tangina!" Sigaw nina Kevin at Jonathan nang tumakbo kay Ran. Sana naalala niyo pa sila.




Si Kakucho naman ay halos matulog nalang sa balikat ni Koko. Honestly, medyo nireregret sumama ng F5 sa field trip na 'to. Kanina pa sila himlay. Ginabi kasi sa inaasikaso nilang underground racing o rides. Naadik, e.




"Hindi ko na talaga kaya, bro." Pagod naman na pagkasabi ni Kakucho habang naka akbay nalang sa balikat ni Kakucho.




"Helian," tawag sa'yo ni Kakucho at patagong tumuro kay Kakucho.




Napalingon ka naman sa kanila, and you raised a brow as you looked at Kakucho. "O? What happened to him?"




Wala ka ring kaalam-alam na sumasama ito kina Ran sa underground racing kaya't nagtaka ka. Mukhang may hindi nagpaalam.




Napansin naman ni Kakucho na tinawag ka ni Koko, kaya't binatukan niya si Koko.




"It's nothing." Simpleng imik naman ni Kakucho na parang hindi lang kumapit kay Koko sa sobrang antok.




Tinaasan mo lang ito ng kilay. "Hays. Halika, let's just explore this place before they proceed us to the next part para na rin mawala antok mo."




Sumunod nalang si Kakucho sa'yo with no choices habang hinihila-hila mo siya. Saktong dala mo ang digital camera mo, kaya't you just took photos. As usual, inutusan mo rin si Kakucho na as your photographer.




Kahit inaantok si Kakucho, he still tries to get the best shot of you.




I mean, it'll be such a waste if her girl is all glammed up and has no proper photo, right? As for him, he better get the angles right for a photogenic person. Can't let this go to waste.




You're holding fairy stick lights and your lips are on a pout as you didn't realize that Kakucho captured a candid photo of you.




Para bang nawala ang antok ni Kakucho nang napangiti ito sa kuha niya.




"Capture more!" Tawa mo naman.




"Tangina talaga." Bulong ni Kakucho habang sinusubukang itago ang ngiti nito.




"Done?" Tanong mo dahil kanina ka pa nangangalay.




"The camera wasn't working. Pose again." Sabi ni Kakucho. Kumukuha lang talaga ito ng timing.




"Hays you're so tagal." Reklamo mo naman at kinuha na ang camera.




"Nah, I've been practicing my camera skills actually." Kakucho said, with his tone sounding like a kindergarten who's proudly showing off the new skills that he learned.




But in all seriousness, he has been practicing photography ever since you asked him to take a photo of you in the restaurant. Kakucho realized then that (Y/N) is a model, and as for that, he's willing to be a photographer for it.




"Isa pang photo. Promise, it'll be good." Kakucho said as he chuckled while trying to get your camera back.




"O I thought you're inaantok?" Pag-iikot mo naman ng mata. "Che, go sleep on Koko's shoulder."




"The hell bro. Ba't pati ako pinagseselosan." Komento naman ni Koko sa gilid na narinig ang usapan.




"Fair enough," Kakucho mutters as he side-eye Koko. "Palagi ba naman magka-dikit."




"Aw hell nah." Sabi ni Koko at naglakad paalis. Pagod na sa mga issue na pinaghihinalaang bading.




"Oops, wala na siyang masasandalan." Asar mo naman kay Kakucho.




"Hmm, I'll just lean onto you." Sagot ni Kakucho and bent to place his head on your shoulder. You didn't know that Kakucho is this clingy when he's sleepy!



You giggled for a moment. He's so cute?! Like what?!




"Yuck," sabi mo naman sabay ikot ng mata, pero sa totoo lang pigil na pigil ang ngiti mo. Kung nandito lang si Hakkai baka masabihan ka pang pakipot o malandi no'n!




"Get off... Ugh?" Pagkukunwari mo namang sungit as you try to push his head off away.




Nang hindi mo matanggal ang ulo nito at parang higad kung makapatong ang ulo sa balikat mo, Kakucho just wrapped his arms around your waist to get closer at para hindi mo siya matulak.




"Luh luh," asar naman nina Ran kay Kakucho. 




"Putangina lumalabas ang clingy side ni bro! 🔥" Sigaw ni Rindou.




"HAHAHAHA GAGO!" As usual, nagtawanan naman ang dalawang magkapatid.




"Don't away my baby ha." Biro mo pa at niyakap din si Kakucho na antok sa balikat mo paalis sakanila.




"Naku, may paganon. Pa'no na 'yan talo na tayo." Komento ni Ran.




"Si bro ay baka magrelapse. Kapag talaga tinawag ko 'yung isang (Y/N) —" Sabi ni Rindou.




"Subukan mo isusubsob ko 'tong bombilya sa baga mo." Sagot ni Ran at naka handa na ang isa mga LED lights na may bumbilya sa loob. Putangina tamo hanggang mamaya may maglalabas ng 5k dito.




"'Nangyan. Kasilaw gago." Reklamo naman nina Hakkai nang nagproceed na kayo sa kabilang room. This art museum-like place has rooms and levels na nagpapakita ng iba't ibang exhibitions. This is not merely to show off the arts, but it's also perfect for educational field trips especially for high school since they talk about Filipino folklores and mythologies.




(a/n: tangina bat mukha akong nagp-promote ng mga lugar HAHAHAH)




"Namo dami mong reklamo mas nakakasilaw pa nga 'yang kintab ng ulo mo." Rebat naman Baji, kaso hindi natuloy dahil sinabunutan ni Hakkai at kinaladkad.




"Kakain ba? Sa'n kakain? Gago sa'n kakain?" Kanina pang tanong nina Mikey.




"Eto buhangin lamunin mo sabagay patay gutom ka naman." Sabi ni Benkei.




"Wow nagsalita ang pala-tae! HAHAHA! Pururut!" Asar pa ni Mikey. Alam niyo 'yung mga bata sa kanto na bigla bigla ka nalang pagt-tripan? Let's say 'yung mga height nila nasa 4'4—



"Do u notis mi do u notis mii~" Kanta ni Makoto habang nakatalikod at mukhang may pinapakita sa likod ng t-shirt nito. 




"Putangina isa pang kita ko ng Grasya clothing na 'yan babangasin ko ulo mo." Reklamo ni Kisaki. 




"Ngina bai na bai! 'Wag mo nang ulitin ah!" Komento naman ni Hanma.




"'Di 'yan Grasya e, disgrasya 'yan e." 




"Hey man what the fuck!" Sigaw naman ng isang bata nang tinulak si Makoto. Mukhang taga ibang school na nag field trip din dito ngayon dahil iba ang uniform. 




"O anyare rito?" Tanong ni Draken na umawat sakanila.




"Naneto ah makatulak!" Turo pa ni Makoto. 



"Yeah right. I don't even wanna fuck with dirty fucks like your school." Komento pa ng lalaki. He looks like a typical bully na nakikita niyo sa movie. Shonget 'di ba. 




"Dami nitong ebas ah!" Sagot ni Izana. 




"Sabi ng naka lower fade 'yung gupit. Tangina lower fade abot hanggang paa ng balyena e." Sagot naman ng isang estudyante na taga kabilang school. 





"Kabobohan mo mukha bang may paa ang balyena? Tsaka 'wag mo 'kong angasan boi. Gupit mo mukhang level one helment!" 




"Aba gago 'to ah--!" 




"O talaga gago ka putanginamo tarantado walang nanay 'di pa tuli jutay tite mo agnas na--!" Sigaw ni Izana nang sinugod ang mga lalaki na taga kabilang school.




"O awat!" Sigaw naman nina Makoto na kasama na rin sina Shinichiro nang hinila pabalik si Izana. Mabugbog pa 'to e.




"Tangina ako inaway pero ba't siya 'yung affected." Bulong ni Makoto. 




"Hey, boys! What's happening here? Where are your teachers?" Tanong naman ng isang emplyedo ng exhibit place.




"Gagi mukhang shoti." Bulong ni Shinichiro nang inayos ang buhok nang saglitan gamit ang gel. "Ahh hey it's okay no alright we're going somewhere." 




"'Di po namin 'yan kilala." Bulong nina Baji at umalis. 











"Guyss! Picture!" Sa kabila naman, busy sina Ashanti kaka kuha ng litrato.




Halos bawat segundo nag p-point five selfie ang mga magkaklase. Point five dito, point five doon, muntik nalang mag fisheye na mga pagmumukha.




"Ugh! Nagugutom na 'ko! Dami kasing alam nina Mikey e."




Sabi naman nina Akane. Pagkatapos niyo sa isang destinasyon, bumaba kayo sa isang lugar na puno ng mga food stalls for a quick snack.




"Anong daming alam? Kapal niyo ah! Ako na nga naglakas loob magsabi sa conductor na ibaba tayo para kumuha ng snacks." Sagot naman ni Mikey.




"Ay ganun ba."




"Guysss! Picture!" Pag aaya nina Hakkai.




"Pwede bang lumamon muna kami? Puro picture e." Sabi naman ni Benkei.




"Naneto oo na."




"Guys, be quick daw. Aalis na 'yung bus."




"Puta pati ba naman recess dito minamadali. Ano 'yon isang subo next subject agad." Reklamo naman ni Mikey.




Ilang minuto at pumasok naman na kayo ng bus, at patungo na sa susunod na destinasyon. Ang next destinasyon niyo ay ang Fort Santiago, underground tunnel.




Nakarating naman na agad kayo. Nilibot niyo ang lugar, at ginrupo ang mga estudyante para pumasok sa underground dahil limited lang ang space sa loob.




"Gagi, nakapunta na kami r'yan. Bigat ng pakiramdaman sa baba gago." Bulong naman ni Emma.




"Ano ka ba, tinatakot mo 'ko. 'Wag kang gan'yan." Sagot naman ni Hakkai.




"Napaka OA niyo bahala kayo!" Sigaw ni Akane.




Si Ashanti naman tamang kapit lang kay Mitsuya habang nakapila. Nakapila lang kayong dalawa ni Kakucho sa likod nila.




"Can you go in first?" Sabi mo naman kay Kakucho nang tinulak mo ito ngunit naka kapit ka parin sa hoodie niya.




Medyo nawala na rin ang antok ni Kakucho, ngunit balot parin ng hoodie. His hands are just in his pockets while standing straight. Napapikit nalang habang niyuyugyog mo't kinukulit na mauna.




"Ihhh go first." Sabi mo pa.




Wala na ring ma rebat si Kakucho kaya't siya na ang una pumasok, at syempre, kumuha na rin ng opportunity na sumama sina Hakkai at mga kaklase mo.




Onti nalang kumapit na rin sina Makoto kay Kakucho, e, kaya't tinaboy mo sila at mas lalong humigpit ang hawak mo kay Kakucho.




"Luh—" Bulong naman nina Ran nang tinaboy mo sila.




"Excuse me kakapit lang din kami." Sabi ni Rindou nang kumapit sa kabilang braso ni Kakucho.




"Putang—" Napamura nalang si Kakucho at tinanggal na rin ang kanyang hoodie, ngunit hindi parin umaalis ng kapit sina Rindou. "Ang init init. Get off." 




"Ay okay," you muttered.




"No not you—"




"Awww babush~! Pinapaalis ka o." Asar naman sa'yo nina Rindou na parang batang pinapaiyak.




Inikutan mo naman 'to ng mata. "Kakucho o."




"Huy gagu natatakot ako." Bulong naman nina Hakkai.




"Huhu ang lamig pakshet."




"Teka, nasa'n 'yung mga taga ibang strand?" Tanong nina Emma.




"Oo nga 'noh." Sagot nina Ran at Rindou na humiwalay sa kanyang strand.




"Huy! Mamaya pa raw tayo papasok. Ginagawa niyo r'yan sa STEM?" Sabi ni Izana sa labas.




"Ay gago. HAHAHA!" Tawa nina Ran at Rindou nang agad na lumabas. Baka mapagalitan pa.




"I can solo you na." You said to Kakucho at tuluyan na nga na yumakap sa kanya habang naglalakad sa underground tunnel.




"My baby's so clingy." Biro naman ni Kakucho. "Biro" lang daw.



"Putangina naman-" Mura ni Makoto nang naririnig kayo, ngunit may nakarinig na emplyedo. "Ay sorry po." 




"Alam niyo ba na 'tong underground na 'to, puno raw ng mga spirits ng patay na sundalo raw, pero ako, puno ng sama ng loob (when)." Reklamo ni Hakkai nang naririnig din kayong dalawa ni Kakucho.




"Gagi may nararamdaman ako." Emma squealed at napahawak sa dibdib.




"'Wag mo 'kong ineeme natatae ka lang." Sagot ni Hakkai.




"Rito po, makikita po natin ang mga executions ng mga sundalo noong panahon ng mga digmaan, the World War 2." Sabi ng toursit guide na naka bihis din ng pang sundalo.




Kung titignan niyo at oobserbahin ang atmosphere sa lugar na 'to, tunay na mabigat talaga sa pakiramdam at halatang dinadaan niyo nalang 'to sa biro at tawanan.




"Kami talagang mga stem pinauna e 'noh? Sapat ba 'yung hirap at bigat ng workload namin to the point na hindi na kami dapat matakot—" Komento ni Yamagishi.




"Mas mabigat pa 'to nung pinagpalit niya ako sa naka Honda Civic." Sabi ni Chifuyu na halatang dinadaan din sa biro ang takot.




Nakakapit ka lang kay Kakucho buong tour. Nag picture din kayong magkaklase sa tunnel, for the memories and posts na rin kahit naka-ngiting kabado.




"Gagi tara na baka mamaya may sumabay sa pic."




"Gagooo! Naneto e."




"Tignan niyo mamaya may naka akbay sainyo sa pic." Pang-aasar pa nina Makoto.




"Si Lord 'yan. Naka pose, sabi niya 'Nak handa ka na bang sumama sa'kin ✌'." 




"Baka si Satanas kamo."




"Huhu tara labas na nga tayo!"




Pagkatapos niyong STEM students, lumabas na kayo ng tunnel at ang sumunod naman ay ang mga ibang strands at batches.




Saktong pagkalabas mo ng exit, hindi mo napansin si Lexi na nakatingin sa'yo nang masama habang nakapila kasama ang kanyang mga ka-strand. Her arms are crossed, eyes rested, eyebrows furrowed, and her usual resting bitch face facing right at your direction.




"Huy gagi bigat kanina, 'noh?"




Natapos niyo na rin puntahan ang iba pang destinasyon, and tutungo na kayo ngayon sa susunod na destinasyon, ang Enchanted Kingdom.




"Oo gagi. Halatang dinadaan nalang ni Makoto sa biro e."




"Educational trip tas pag uwi mo may kasabay ka."




"Gago talaga."




Wala na sina Ran at Rindou sa bus ng STEM dahil nahuli sila ng teachers. Magkakaiba kasi ng bus ang mga strands maliban nalang kung may sumobra, pero hindi talaga 'yon ang proper seating arrangement ng magkapatid. Trip lang daw nila. 




Ang iba naman ay nakatulog na tulad nina (Y/N), Emma, Inui, at Baji.




"Hi guys!" Naglive nalang sina Hakkai sa Instagram kasama si Ashanti.




"Tama na please rinding rindi na 'ko." Reklamo ni Baji na kanina pang nakatapal ang tenga at hindi makatulog nang maayos.




"Ulol duwag ka lang e magsama kayo ni Bogart. Guys 'di sila nakapasok kanina sa tunnel." Kwento ni Hakkai.




"Alam mo nananahimik ako rito a." Komento ni Bogart. Himala at tahimik ito hindi tulad noong Grade ten sa Section A.




Si Kakucho naman ay nagc-cellphone lang sa gilid at si Koko himlay na rin. Naka nganga pa habang natutulog, at syempre, bilang kaibigan, pinicture-an niya ito.




"Takashi, kanina gagi nakita ko 'yung ka-club ko. Sa ibang school na siya nag-aaral ngayon." Patuloy lang na kwento ni Ashanti kay Takashi.




"Inui, pst," at sa gilid naman, sa sobrang walang magawa sina Mikey at Benkei sa bus, naisipan nilang pagtripan si Inui na tulog.




Patuloy lang ang direksyon niyo patungo sa Laguna, at umabot nang ilang oras ang byahe dahil malayo-layo rin ito galing sa dati niyong destinasyon.











"Welcome, students!"




Nakarating na rin kayo sa Enchanted Kingdom, at nakapila lang ang mga estudyante sa mga tents habang inaayos ang mga papasok. It's afternoon, at medyo maraming mga tao sa loob, but it's still manageable and less crowd since it's weekdays.




Sa labas palang, nakikita niyo na ang mga rides tulad ng rollercoasters.




"Jacket ko?" Tanong ni Senju.




"Init init magjajacket ka jusko."




Ilang minuto at nakapasok na rin kayo sa loob. As usual, naghiwalay din ang mga estudyante at sumama sa kanilang mga grupo.




"Huy! Rides agad tayo." Pag aaya naman ni Hakkai.




"Saan ba?" Tanong ni Ashanti na humiwalay kay Takashi at sumama sainyo.




"Kahit saan. Tara try natin 'yung Space Shuttle."




"Wow ha!" Napalingon naman si Emma rito. "Gusto mong bumaliktad matres ko?"




"Space Shuttle? G." You said. Nakailang punta ka na rin dito, kaya't sanay ka na rin sa mga rides. You're also the type of outgoing person and an adrenaline junkie that is always G on every activity like rock climbing, rides, bungee jumping, etc.




"Taraaa!" Hindi na rin pa makatanggi sina Emma dahil hinila kayo ni Hakkai.




Sina Kakucho, Ran, Rindou, at Koko ay nagsama rin. Hard to believe at first, pero duwag ang iba sakanila pag dating sa rides. Tipong kapag sa kotse kahit umabot pa ng 100mph ang takbo ng kotse chill lang, pero kapag sa rides? Do'n pa sila natatakot.




"Tara, ro'n sa Ekstreme agad." Pag aaya ni Ran.




"Ih kayo nalang." Sagot ni Rindou.




(a/n: HAHAHHA i-name ko nlng ung mga rides para pwede niyo isearch tas ivisualize niyo)




"PUTANGINAAAAA!" Sigaw ni Izana habang nakasakay sa isang rollercoaster "Twin Spin" ride kung saan hindi ka lang iikot, pati utak mo iikot. O 'di ba, namiss niyo ba 'yung malutong na putangina ni former President of Section B?




"Ayoko na ayoko na MAMAAAA!" Sigaw ni Baji na kasama rin sina Mikey, Baji, at Draken sa ride.




Tipong lumilipad na 'yung buhok ni Baji tapos todo kapit pa si Mikey kay Draken. Si Izana naman halos sabunutan ni si Baji. Wala kasi siyang makakapitan kay Draken e—




"Matapang ako katabi ko si Hina bro, e." Pagmamayabang naman ni Takemichi kina Hina, at nasa Ekstreme ride naman sila, ang drop tower ride.




"Sasama na 'ko sa ride niyo. Wala akong tiwala sa bisugo na 'to." Sabi ni Naoto.




"Gulat naman ako sa'yo. Bigla biglang sumusulpot. Anyway kung maka bisugo ka ah." Sagot naman ni Takemichi.




"Baka nakakalimutan mo gf mo ate ko." Sambit ni Naoto.




"Hanapin mo muna."




"Ano?"




"Pake ko."





"Aba."




"'De joke lang hehe."




Ilang minuto pa at sumakay na rin sila sa drop tower na ang tawag ay Ekstreme. Itong ride na 'to ang isa sa mga extreme rides, aside from Space Shuttle. Matatanaw mo talaga ang kalawakan ng Laguna dahil ito ang pinakamataas na rides.




"Lord..." Bulong ni Takemichi, at siya pa talaga ang nakakapit ang kamay kay Hina na tahimik lang sa tabi niya habang paakyat ang ride sa tuktok.




"'Yan ang sinasabi ko. Boi, 'onti nalang ilaglag mo na si Hina. Maka kapit ka naman. Tipong mahuhulog ka tapos isasama mo pa si Ate." Komento ni Naoto na katabi rin si Takemichi.




"Manahimik ka." Nanginginig na sabi ni Takemichi at nakapikit parin habang paakyat ang ride.




"Ang taas! Michi, tignan mo oh!" Sigaw ni Hina nang tumingin sa baba at kung ga'no na sila kataas.




"Hahah oo nga po e..." Nerbyosong sagot ni Takemichi na nakapikit parin.




"Wait pero ang ganda ng view!"




"Hahaha oo nga... oo nga... oo nga po e." Sagot ni Takemichi. Alam niyo 'yung tipong kinakausap kayo ng trycicle driver pero wala kayong maintindihan kaya oo ka nalang nang oo?




"Michi! Ang taas huhu!"




"Sabi ko magiging matapang ako kay Hina pero ba't— AAAAH!" Saktong nag drop na ang ride, si Takemichi ang unang sumigaw at napakapit sa kamay ni Hina.











"PUTANGINA MO JELO CRUZ!" Sigaw ni Benkei.




"Huy, sino si Jelo boi?" Tanong ni Makoto.




"Tatay ni John Loyd Cruz."




"Ha?"




"Aba ewan tangina."




"Pati ba naman dito sa EK may kaaway ka." Komento naman ni Yamagishi.




"Hoy, nasa'n si Baji?" Tanong ni Chifuyu nang hinampas si Benkei sa likod.




"Ewan—"




"EUEURGHK!" Saktong nandito na si Baji kasama sina Draken. Pagkatapos ng ride, nagsuka na ng tuluyan si Baji.




Sina Izana at Mikey, napaupo nalang sa may sidewalk ng EK at nakatitig sa sahig. Literal na napatulala.




"Ihh si Kuya parang tanga." Reklamo ni Angry.




"Tara na bilis. 'Di naman nakakatakot. 'To naman duduwag duwag." Sagot ng kanya kuya na si Smiley.




"Oo nga naman.




"AYOKO NA! AYOKO NA GAGO!" Sigaw ni Rindou sa rides na Space Shuttle. Magkatabi sina Hakkai at Emma sa front seat, sa second row naman ay sina Takashi at Ashanti. Sa pangatlo, ay kayong dalawa ni Kakucho. Sa likuran ay nando'n na sina Ran, Rindou, Koko, at Inui.




"SUSO KOOO!" Sigaw naman ni Hakkai.




Sa Space Shuttle, honestly, hindi mo mararamdaman 'yung loop do'n, hindi mo mararamdamang babaliktad katawan mo, and that's not even the scariest part. Ang nakakatakot ay ang unang parte ng ride na parang drop tower. Bibiglain ang pag drop ng roller coaster mula sa pinaka tuktok ng railings.




"Unang laglag mapapasigaw nalang ako ng MISS KO NA SIYAAA!" Sigaw naman ni Ran. Halata naman kung sino, 'di ba?




"Oh my gosh! WOOOH!" Tawa at sigaw mo. Si Kakucho naman sa tabi mo halos mahimatay na.




"PUTANGINA!" Sigaw ni Ashanti habang nakakapit kay Takashi. Kesa matakot ka sa ride mauumay ka dahil sa magjowang nasa harapan mo e.




Si Emma naman ay umiiyak na at sumisigaw. 'Yung iba ay nakapikit all throughout the ride. Tipong ang tapang tapang before sumakay pero duguan ng luha pagka baba.




Ilang minuto pa ng rides, at nakababa na rin kayo. Halos hindi na makalakad nang diretso ang iba at napasandal muna sa gilid.




"Let's ride that one next o!" Turo mo naman kay Kakucho ro'n sa isang ride na babaliktad ka rin.




"Hell no," sagot ni Kakucho na halos mahilo na rin.




Sainyong dalawa, ikaw talaga ang mahilig sa mga rides, at si Kakucho naman ang palaging nakukulit at napipilitan.




"Pleaseee! Last ride!" Pagpumipilit mo pa.




"Lord... The things she's making me go through." Kakucho sighed.




"Luh!" Sambit mo naman. "Okay."




"Ako na nga 'tong halos mahimatay na tapos nagtatampo ka pa." Bulong naman ni Kakucho.




"What did you say?!" You grunted.




"Nothing, Ma'am."




"I hate you," you rolled your eyes.




"Yeah right," Kakucho chuckled as he shook his head.




"Yes I do!"




"Mhm."




"You know what? Whatever." You rolled your eyes and gave up.




Napansin naman ito ni Kakucho habang naglalakad kayon, and he turned his head to you. "Hey, I was just kidding."




Tumango ka nalang at hindi ito dinapuan ng tingin.




"Let's go to the ride you were talking about." Kakucho said.




"No, it's fine. I don't want to anymore." Sagot mo and Kakucho thought you were still kidding until that. He paused for a moment and observed you.




"(Y/N)," Kakucho called as you're already walking ahead of him.




Kakucho's attention was caught by the sound of those little tent games at carnivals and rides, where the prizes were plushies and such.











"Alright, one more shot I swear!"




Right after that small tampuhan of yours, you ended up playing in those tent games na inaya ni Kakucho.




You got to admit, this is more fun than the rides. Hindi mo alam kung dahil first time mong maglaro rito. Sa dinami daming beses mo nang pumunta ng EK, not once you've tried playing in these games before because you think it's just for children and it's boring.




Back to the game, nakailang shoot at tries ka na, ngunit hindi mo parin talaga ma complete.




"Huhu sayang! I want to get that giant teddy bear, o! Wala pa tayo nakukuhang plushie!" Reklamo mo naman, and Kakucho is just standing behind you and watching you play... miserably.




"Ikaw nga, you try naman." Sabi mo naman at inabot ang rings sa kanya. Maka abot ka parang hindi mo siya pinagdamot kanina dahil akala mo talaga na hindi siya marunong, and you keep on insisting dahil confident ka sa sarili mo na mas makakarami kang score kesa kay Kakucho.




"Try it for me! Win the prizes!" You added as you stepped back.




Si Kakucho na ang nagpatuloy na maglaro sa mga games and booths habang nasa likod ka niya, taking photos and watching him win all the prizes.




Pero ang ending, sa'yo talaga napupunta ang mga prizes na napapalanunan niya. Halos tatlong malalaking plushies and hawak mo, at may bean hats ka pa.




Another win for Kakucho. Bibigay na sana ng worker ang malaking pink teddy bear, but Kakucho just nonchalantly pointed at you with his thumb to signal the worker that she'll give you the prize.




"Yay!" You squealed at agad mo namang kinuha ang prize na plushie na pinalanunan ni Kakucho.




Kakucho notices your sudden burst of jolliness every time you receive the prizes. Kahit ubusin pa lahat ni Kakucho ang mga taya at prizes just to see this sight of you, he will.




"You really made bawi a while ago ha? HAHAHA!" Komento mo naman.




"I saw how your smile dropped. I knew I had to bring it back." Kakucho replied as he walked away with a slight smirk, leaving you flustered.




"I hate you..." Kilig mong bulong habang pinipigilan ang ngiti.




Patapos na rin ang oras niyo sa EK, kaya't bumili nalang kayo ng mga pagkain at nagpahinga't 'di muna nagrides.




"Let's buy ice cream!" Pag aaya mo kay Kakucho, at mula kanina siya ang kasama mo.




You're still clutching all the plushies you've won while walking along the small streets of EK. There's a cacophony of carnival music, people talking and shouting in the background due to the rides.




"Huyyy!" Nagulat naman kayo nang hinabol at tinawag kayo nina Hakkai.




"Bakit?"




"Try daw natin 'yung Alcatraz bago umalis! Nag aaya sina Ran."




"Alcatraz? Ooh! The horror booth?" Sagot mo naman.




"Oo!"




Hindi na rin kayo makatanggi at pumayag din. You've also never tried this dahil aaminin mo na kahit wala kang takot sa mga rides, takot ka naman sa mga horror booths.




Nakapila naman na kayo dahil may additional payment pa ito. Halatang kabado ang iba pumasok.




"Sigurado ba kayo rito? Putangina hahaha 'di naman 'to kasama sa bayad ah." Sabi ni Makoto.




"Sabihin mo nalang na ihing ihi ka na sa takot." Sagot ni Hakkai.




"'Di ah."




"O eto tickets. Wala nang backout backout ah?" Sabi nina Ran nang inabot ito sainyo. Ang mga kasama ay sina Makoto, Rindou, Ran, Koko, Hakkai, Benkei, Baji, Takashi, Ashanti, at kayong dalawa ni Kakucho.




"Teka lang. Oo na!"




Pumasok na rin kayo sa may gate at halos kayong lahat ay may kapitan.




"Huy gago pwede mag backout natatae ako gago." Sabi ni Benkei. "Gagsti totoo na 'to natatae talaga ako."




"Mamaya mo na ilabas 'yan."




"AH!" Sigaw naman ni Emma.




"M wala pa, beh, wala pa. 'Wag kang OA." Sagot naman ni Hakkai sabay hampas kay Emma.




Pumasok na rin kayo, at sa unang parte nito ay may photo booth pa. Nag photoshoot muna kayo at halatang may nyerbos at takot ang mga ngiti.




Pagkapasok niyo sa main hallway, may bumungad at nanggugulat agad.




"PUTANG—" Mura ni Izana at handa nang suntukon ang scare actor. Buti nalang ay naawat ito nina Makoto.




"'Wag p're awat nagt-trabaho lang 'yung tao kalma kalma." Sabi nina Makoto.




"Naknampucha eto na ba 'to? Ni isa 'di ako natakot e." Pagyayabang naman nina Rindou.




"Oo nga, e— AY GAGO!" Murang malutong ni Ran nang nagulat ito at muntik pang masuntok ang nananakot.




"AYYY PAKSHET!" Sigaw ni Emma at saktong yumakap kay Draken. Odiba kahit takot, maparaan parin.




"'Di wow. Ba't kasi wala si Hina. Ayaw pumasok. Sabi ko nandito naman ako." Komento ni Takemichi.




"E baka naman kasi nasa isip niya hindi mo siya map-protektahan. Tamo nga kanina nu'ng sa drop tower, mas malakas pa tili mo kesa kay Hina! Bading bading bading!" Sagot naman ni Yamagishi.




"Alam mo kanina ka pa nags-side comment onti nalang babangasan ko 'yang bungo mo." Resbak naman ni Takemichi.




Napatingin naman kayo kina Makoto na nag ala-zombie na ang galawan habang naglalakad. Para raw mas matakot ang scare actor.




"Alam mo sa pagmumukha mo ako natatakot e." Komento ni Yamagishi.




"Teka, nasa'n si Hakkai?" Tanong naman ni Emma.




"Gago nawawala. Baka nahuli sa'tin—"




"Pst pst! Hi, pogi~"




Napalingon naman kayo nang narinig niyo ang boses ni Hakkai. Oo, tama nga ang hinala niyo, hindi ito nawawala, kundi nilalandi ang isa sa mga scare actor. Naka maskara ito, ngunit kita kasi ang biceps at abs sa costume niya.




"Pogi mo, beh. Taas mo 'yang maskara mo. Takot ka ba? Shy type ka 'noh—" Hindi na natuloy ang sinasabi ni Hakkai nang hinila ito nina Emma.




"Sorry po, kuya. 'Di lang po namin napa-inom ng gamot kaya gan'to 'to."




"Alam mo imbis na ikaw matakot, sila 'yung natatakot e."




"Oh my ghoddd!" Sigaw mo naman habang naka tago lang ang mukha sa dibdib ni Kakucho at nakakapit sa braso niya.




Halos maging off shoulder na ang damit ni Kakucho dahil pati sina Rindou ay nakakapit sa kanya.




Ilang minuto pa at nakalabas na rin kayo sa horror booth. Kahit nasa labas na, magkakapitan parin ang ilan. '




"HUEHUEUE PARANG TANGA KASI 'TONG SI MAKOTO!" Iyak ni Takemichi pagkalabas. Tanginang hagulgol 'yan.




"Ayoko na! Never again! Mas malala 'to kesa ro'n sa Circle!" Komento naman nina Emma.




Nakapag ayos na rin ang mga estudyante at tumungo na sa susunod na destinasyon. For them, out of all the destination they went so far, ang Ek ang kanilang pinaka na enjoy. Of course, there will still be a last destination, at padilim na rin. MOA is their last destination, at do'n na rin sila magd-dinner o kaya ro'n na rin susunduin ang iba.











"Gising, huy."




Ilang oras pa ang nakalipas at nakarating na rin kayo sa final destination, ang MOA. Do'n kayo mag didinner at ang iba, ro'n na rin susunduin.




"Uuwi na ba kayo?" Tanong ni Ashanti.




"'Di pa, dito nalang tayo mag dinner." Sagot naman nina Hakkai.




Naghiwalay naman ang ibang students at pumunta sa iba't ibang restaurants. Ang iba ay nasa seaside at kumakain sa mga food stalls. Kahit nag EK na ang iba, mukhang hindi parin nasulit dahil nagrides pa sila muli.




"It's cold tonight, 'di ba?" You asked while walking on the seaside MOA along with Kakucho.




Kumuha na rin kayo ng ice cream and other pick-a-pick food while walking and just feeling the breeze of the sea.




"Yeah," Kakucho answered as he faced you. "You didn't bring your jacket?"




"Oh hehe, naiwan ko sa bus kasama ng mga plushies..." Sagot mo naman.




Kakucho wanted to laugh but he just sighed. Hinubad nito ang hoodie nito at binigay sa'yo.




"Wait— No it's fine. I'm not that nilalamig." Sabi mo naman.




"Just take it." Kakucho insisted. Tinanggap mo nalang ito.




"I remember that day when we were commuting no'n, and you had to offer me your hoodie. HAHAHA! Oh my, I almost don't want to remember it because of the car thingy." Kwento mo naman.




"Ah," Kakucho snorted. "That time when you crashed my car? Yeah, I remember it. I very much remember it."




"Shut up..." You rolled your eyes.




Naupo na rin kayo sa may harang na bato kung saan kadalasan umuupo ang mga tao sa seaside. Maganda ang view dito, lalo na pag umaga. Sometimes, may mga firework shows din.




"What do you mean?" Kakucho laughed.




"Like stop reminding me that." Sabi mo pa.




"Edi ano nalang gusto mo?"




"I don't know!"




"Anyway, you know, the last time I watched the fireworks shows here was like three or five years ago?" Kwento mo naman.




"Hmm, really? I thought you were always here."




"Yeah before, mga 2019-ish something." You answered while eating your ice cream.




"Ah, I see. With fam always?"




"Not really. With friends yeah... and... dates." You say, sighing at the end. "Ugh! But I really don't want to remember it, tho'!"




"Ah, dates," Kakucho raised a brow. "No no, tell me about it."




"You first." Inunahan mo na 'to.




Kakucho looked taken aback for a moment and laughed. "Wow. Ikaw 'tong nauna."




"Okay fine... Walang selosan ah?" Asar mo naman.




"Pft, deal." Kakucho chuckled.




"Alright, so his name is Alex. We... we lasted for... a couple of months."




"Mhm, tell me more about him." Kakucho said while staring at you with a raised brow. kaya't bigla kang nailang.




"Haha uh our dates are always here. The seaside restaurants." Tuloy mo pa.




"Ah... Who else?"




"Nate. He was older than me, and our monthsaries were always in Seoul. Tho' we always watch the firework shows here."




"I see, so how many exes do you have?" Kakucho asked as he crossed his arms.




"Ih..."




"What are you shy for? You showed and told me everything. Remember when you threw up in my ca—"




"Oh my gosh shut up!"




"Anyway, I'm done na magkwento. Ikaw naman." Sabi mo naman habang may kaunting ngiti sa labi at halatang patawa na.




"Do I really have to tell it?" Kakucho sighed as he leaned back.




"Duh!"




"Alright. Tandaan mo 'yung sinabi mo, ah. 'Walang selosan'." Sabi ni Kakucho.




"Oo nga! Walang selosan. Deal."




"Her name is Christine—" Kakucho said, but he noticed the shift in your expression.




Kakucho noticed the shift in your expression. "O! Sabi mo walang selosan! Sinasabi ko palang 'yung pangalan, e." Sabi naman nito.




"Wewewe k continue."




"I never had dates here. I always treat them to restaurants because I feel like that it's formal. Even when dating, I had to set a standard for myself." Tuloy pa na kwento ni Kakucho.




"Oh okay."




"And—" Sabi pa ni Kakucho, but then he noticed you. "Ayan na nga. Nagtampo na."




"I'm not nga!"




"Look at the one who said 'Walang selosan'." Asar pa ni Kakucho.




"I'm not naman ah! Do I look like I'm nagseselos?" Sambit mo pa sabay ikot ng mata.




"You know what? 'Wag nalang tayo magkwentuhan about past relationships. Nakasimangot ka na oh." Banggit ni Kakucho.




"Oo nga, no na." Pagsusungit mo naman.




"Walang selosan pa ah." Bulong ni Kakucho.




You rolled your eyes at him at inubos mo nalang ang ice cream mo. May mga nabili rin kayong pagkain na hanggang ngayon hindi pa nauubos.




"I'm full na. Sa'yo nalang." Sabi mo at binigay kay Kakucho ang burger na hindi mo maubos. Siya rin talaga ang taga ubos mo ng pagkain.




"You don't want to eat this or you can't?" Kakucho asked.




You glance at him for a second, then sigh. "I can't. I have upcoming photoshoots."




"Hmm, is it really that important?"




"It is... I don't know. I can't even track my meals anymore. Whatever I think will make me gain weight, I throw it up. I don't know." You said with a hint of frustration.




"Is your meal plan and diet healthy?" Kakucho asked.




"I don't... know."




Kakucho paused for a moment. "Eat this burger."




"I told you, I can't—"




"Wait there." Kakucho cuts you off, at nagtaka ka naman nang bumaba ito. Hindi mo na ito nakita kung saan pumunta.




Napakunot ka nalang ng noo and shook your head.




"Ate," nagulat ka naman nang may nangalabit sa'yo. Tumingin ka sa baba to see children na nanghihingi.




Usually, you would be disgusted when someone touches you, especially strangers. Tumingin ka nalang nang saglit and didn't took mind of it.




"Here," binigay mo nalang ang burger at iba pang pagkain niyong nabili na hindi mo maubos or rather, you can't eat.




"Thank you, Ate Ganda!" Sagot naman nila at napangiti ka naman dahil dito.




"Wow ba't ako kapag may mga batang namamalimos binabatuhan ako ng bato." Komento naman nina Hakkai sa gilid. Nagulat ka naman dahil bigla silang sumulpot.




"Oh you guys are here pala." Sabi mo naman.




"Oo, ikaw lang ba mag isa rito? Mukhang nagsesenti ka ah."




"Huh? No, I'm with Kakucho actually. He just went somewhere."




"Ayy, date ba itey? Gagi, naka gulo yata kami hehe." Tawa nina Hakkai at Emma.




"Ah no, it's fine it's fine. Sit here with us." Sabi mo pa at binigyan sila ng space.




"Ay hindi hindi! Magr-rides din kasi kami! Enjoy nalang kayo ni Kakucho sa date niyo!" Halatang pang-aasar nina Hakkai sabay baba, not even giving you a chance to talk back. 




Napa-pout ka nalang at napakunot ang noo. Saktong kakabalik naman ni Kakucho at nakita ang ekspresyon mo.




"O? Don't tell me hanggang ngayon nagseselos ka parin—" Asar din ni Kakucho.




"Huh?" You blinked as you turned your head. "E sila kasi—" Sabay turo mo sa gilid mo, ngunit pansin mong umalis na pala sina Hakkai.




"Sila who?" Napatingin naman naman si Kakucho, giving you a slight weird look.




"Ugh, you know what? Nothing." You said. Napansin mo namang tumahimik si Kakucho kaya't napatingin ka sa kanya, hoping that he got the joke and didn't think of it seriously, but it seems like he's busy watching the stars, or rather, distracted.





"Anyway," Kakucho muttered as he tossed a bag of food he just bought. "Check it out yourself."




"What's this?"




"Carb-free foods. Low calories."




Your eyes widened for a moment as the sides of your lips lifted while checking the food inside the bag.




How thoughtful of him.




"Wait, oh my god. Ang hirap maghanap ng ganitong foods dito ah! Where did you even find these?" Tanong mo pa.




"Had to order at a restaurant far from here, you know? Took about ten thousand steps." Kakucho said, clearly joking and exaggerating.




"Wowow I hate you."




"Woah, not even a single thank you?" Kakucho replied with a chuckle.




"Thanks, I guess." Sabi mo pa sabay ikot mata.




"Ops, ulit. May pa ikot pa ng mata, e."




You just gave him a masungit stare while eating the exact food he bought you. Hinayaan ka nalang ni Kakucho at napa iling nalang ito at tumawa.




"Eat well, I guess." He whispered under his breath, teasing you once more.




"By the way, Kaku, is your training or preparation for the tournament still ongoing?" Tanong mo sa kanya.




"Yeah, but I took a break due to exams. I'll be back in the next few days." Sagot nito.




"Ahh, good luck. Is it really mahirap? I never went into one of your training e. Which school ba 'yan?"




"I train in UST." Kakucho answered.




"Ohh really? That's the university I'm planning to go to, e. Well aside from studying in states." You say while eating the food.




"States?" He asked for a moment, but then changed his question. "Your course?" 




"Archi! How 'bout you?"




"Really? That's cool. Engineer." Sagot naman niya, at napangiti ka naman dito.




"Woah! Compatible. Hehe." You teased.




Kakucho raised both of his brows and clicked his tongue as he tilted his head. "Now that you mentioned it, thinking of it is actually cute."




"See?" You laughed.




"Well, future home na ba?" Dagdag mo ba.




Napalingon naman si Kakucho rito, an expression in his face that's prompting you to repeat what you've just said.




"Nothing!"




"No, no. I'm pretty sure I heard something. Mind repeating it?" He said.




"Naur."




"Repeat."




You just rolled your eyes at him and gave him a blank stare before smiling nonstop. "Nothing nga e. Don't you have an ear?"




"Well actually it's fine. I heard what you said anyway." Kakucho sighed as he shrugged unbothered.




After a couple of minutes of kwentuhan, it feels like it's just you and Kakucho. Hindi mo na napapansin ang mga tao sa paligid mo. It really feels like it's just ten minutes with him, pero hindi niyo namalayan na halos isang oras na pala kayong nag uusap.




"Lowkey, the stars are visible today." Kakucho said.




"Ah really?" Napatingin ka rin sa taas, observing it.




"Kamari loved the stars." Kakucho suddenly mentioned, abruptly making your head turn to him as your ears rang.




"Kamari?" Agad mong tanong. One of his exes? "Who's Kamari?"




Kakucho suddenly snapped back to reality. "Sorry for the sudden mention. She's my sister."




"You have a sister too?!" Nagulat ka naman sa sinabi ni Kakucho. Not once, you saw his sister!




"Dead sister."




Your smile dropped as silence fell for a moment.




"...What happened? I'm sorry for your loss. I-I didn't know. I hope it didn't bother you."




"No, it's alright. Brain tumor." Kakucho said, and you noticed his gloom. "Although half of it, I blame it on myself," Kakucho replied, still looking above.




"Why?"




"I was agnostic while my family is religious. Beyond religious. I just couldn't take my mom's spanking every time I cried when I was a kid dahil hindi ako nakakapag nobena or rosary before my exams." Kwento ni Kakucho.




"My father neglected my mother's side's religiousness. He thinks they're foolish. Lulong sa pinaniniwalaan nila."




"Kinampihan ko si dad."




Silent was still for a moment, only the sea's waves were heard.




You looked at Kakucho, and you saw a tint of regret in his glossy eyes. Hindi mo alam kung nagrereflect lang ba ang dagat sa mata nito, or because his eyes are teary. Nonetheless, the stars are reflected in them.




"Nagkasakit kapatid ko, si Kamari. Brain tumor. Due to Mom's beliefs, naniwala siyang ang dahilan no'n ay dahil sa hindi paniniwala namin ni Dad. Hindi masisi ni Mama si Dad dahil siya 'yung bumubuhay sa'min no'n. Siya 'yung may kompanya. May pagka takot si Mama kay Dad na baka iwan even tho' he's an atheist... Kaya ako 'yung sinisi ni Mama. Pinag-initan nang ulo hanggang sa namatay si Kamari."




Your heart aches for him. Hindi madalas nagk-kwento si Kakucho nang ganito, kaya't naninibago ka. He's really private.




"I tried to find any source to gain any beliefs and dedication to believe in what my Mom believes." Dagdag pa nito.




"You don't have to force yourself into believing things because people are more dedicated when it comes within them when it comes from their heart. That's true belief." Sagot mo naman.




Saktong nakarinig kayo ng tunog ng fireworks. Napatingin naman ang mga tao to see a firework show. Hindi niyo namalayan na meron pala tonight.




"Look o!" You said as you took your phone out to take photos. Kakucho is just watching the fireworks while leaning against the railings and his arms crossed until he turns his head to you, watching you.




While you're taking photos of the fireworks, you haven't noticed that Kakucho took his phone out to take a photo of you.




Surely, both of you are taking photos of art, but Kakucho has his own art in front of him.




Kakucho's POV




"It's sooo pretty! Look o!" She squealed while taking a video of the fireworks show. I smiled slightly while secretly taking photos of her, at naka yuko lang ako while holding my phone, and my eyes glued on her.




As much as I tried to hold it back, I couldn't stop myself from smiling and laughing at her cuteness. 'Yang simpleng bagay na 'yan, nagpapasaya sa kanya? That enough makes me want to give her everything.




It's true when people say that looks can be deceiving. I can apply that quote to her because just look at her. She looks like she's the type of girl who will empty your bank, but even the simplest things make her this jolly.




I looked up at the fireworks above, and I was surprised to see stars.




Hindi ko namalayang lumipas na pala ang oras. Napatingin ako kay Helian, at hindi ko napansin na nakatulog pala ito




"This woman sleeps through loud noises?"




I just sighed and let her sleep. We have thirty minutes left before the bus leaves, so I just spent the time watching the fireworks by myself and letting her sleep on my shoulder. Of course, eating her left over food na halos ayaw na niyang kainin pagkatapos magpabili.




I don't know why, but I find it cute. Even that. I almost laughed to myself.




I suddenly remembered the story I told her a while ago, and I knew that just seeing her, makes me want to restore my faith. Not only does she boost my serotonin and energy, but she also boosts my faith and my will to have faith in this religion.




"But please, Lord, give me this woman already. I hope she'll be the last." 






a/n: I haven't updated for months. I'm really a busy person, and can't somehow fill in other hobbies. even when it's xmas break, I feel busy T^T. I'm also the ssg pres of our school, and also doing side hustles for social media like ugc! aside from that, events here, events everywhere. it's really tiring, but seeing all the messages from you guys makes everything light. I hope you guys understand, nov has been a rough month for me. also, pls do pray for my mom. she has cancer and seeing her in a rough state rlly breaks me. I also spend quality time with my fam now. time management is rlly my bestie. glad to learn all of this at 15 y.o even when it's so draining T^T turning 16 next year! let 2024 be my year please :(

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro