Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11


❝ MALAY  








"Good morning, class."


Bati ng teacher ang unang bumungad sainyo, kaya't nagsibalikan na ang mga estudyante sa kanilang mga upuan. Another day at class, and it's just the same routine, same agenda.


"Let's have the officers' election now. Out of all the classes, tayo nalang ang walang officers. Is everyone present?" Pag-aannounce ng teacher.


Lumingon ka naman, expecting Kakucho to be absent because of his club. Nasa likurang banda naka-upo si Kakucho habang ikaw ay nasa harapan dahil pinaghiwalay kayo ng teacher noon nu'ng nagka-away kayo sa classroom.


Dumungaw ka pa at mukhang may hinahanap ka talaga, hanggang sa nakita mo si Kakucho na naka-tingin na sa'yo.


Nanlaki naman ang mga mata mo at agad kang humarap sa teacher.


You silently squealed habang nagpipigil ng ngiti. Yumuko ka nalang at nagkunwaring nagbabasa ng libro. Hindi mo na rin namalayan na nagsisimula na pala ang class oficers election niyo sa room.


"Okay, first position, president. The nomination starts now." Sabi ng guro.


Nagtaas naman ng kamay sina Hakkai.


"Go."


"I nominate Baji as president!" Sabi ni Hakkai.


Si Baji, na nananahimik sa gilid ay napalingon sa harapan ng klase. "Ha?!"


Patagong nagtawanan ang mga magkakaklase nang nakita ang reaksyon ni Baji.


"Okay, Baji. Stand up." Utos naman ng guro at nilista ang pangalan ni Baji sa board bilang na-nominee.


"Tangina–" Habang naka-talikod naman ang teacher, patagong pinakyuhan ni Baji ang buong klase.


"Any nominees?"


"I nominate Kaku—!" Pagtataas sana ng kamay ni Makoto, ngunit agad siyang hinablot ni Kakucho sa likuran ng classroom at tinakpan ang bibig na akala mo ihohostage.


"I nominate Helian!" Sunod naman na sabi nina Emma.


"Wha–?!" Your eyes widened. Nagising naman buong diwa mo rito.


"Alright, stand up." Sabi naman ng teacher nang nilista ang pangalan mo sa board.


Tinignan mo naman sina Emma at nilakihan mo sila ng mata. Napa-peace sign nalang sila. "Go, sis! Palaguin mo 'yung classroom natin! Pati 'yung kalsada sa labas ng school, gawin mong highway!"


"I nominate Mitsuya!" Sabi naman ni Chifuyu. "Hehe siya ulit."


"Okay, stand up." Another dagdag sa listahan.


"Pagpahingain niyo naman ako. Tangina ilang taon na 'kong president." Pabulong na komento naman ni Mitsuya sa kanyang mga kaklase. Ayan na nga. Bumoses na.


"Ayaw mo 'yun? First lady mo ulit si Ashanti. Muling ibalik ang tamis—" Pag-aasar pa nina Mikey.


"Any nominees?"


Wala naman nang sumagot, kaya't nagsimula na ang voting.


"The voting is now open." Banggit ng guro.


May mga nagtaas din naman ng kamay kay Baji, at kasama na kayong dalawa ni Mitsuya na nominees din. Wala talagang gustong maging president.


Magtataas na sana ng kamay ang mga iba niyong kaklase nang si Mitsuya na ang susunod na bobotohin, ngunit binalaan sila ni Mitsuya sa panlalaki ng mata nang patago sa guro.


Sino ba namang hindi mapapagod maging presidente nang ilang years na tapos ang kukulit pa ng mga kaklase?!


Natapos na rin naman ang pagbibilang, kaya't ikaw na rin ang sumunod. Hindi niyo na rin nabilang ang nagtaas ng mga kamay dahil halo-halo na ito.


Halos sakto lang din ang mga nagboto.


"Five votes for Baji, five.... votes for Helian, ...five votes for Mitsuya...?" Nagtaka naman ang teacher. Mas pantay pa sa general average ng isa mong bobong kaklase.


"I'll back out. They can have the votes." Pagtataas naman ng kamay ni Mitsuya at umupo.


"Alright. To those who voted for Mitsuya, feel free to transfer it to Baji and Helian." Sabi naman ng guro.


"Naks, botohan sa halalan." Bulong ni Makoto. "Bong Revilla, number sixteen sa balota! Tenewnewnenew."


Kasama na rin si Kakucho na nagvote kay Mitsuya. Ang apat na estudyante ay binoto sina Baji at Helian, at pantay nanaman!


"Kakucho, place your vote."


Everyone's attention turned to Kakucho since he's the tie breaker for the votings. Tinignan naman kayong dalawa ni Kakucho. You just shook your head and pointed at Baji.


"Kakucho please parang awa mo na maawa ka please please 'wag ako sayang boto mo please nagmamakaawa ako luluhod pa 'ko sa harapan mo. Tangina kapag ako naging president guguho buong classroom." Pagmamakaawa pa ni Baji.


Kakucho looked at you again, and he just shrugged. Mukhang  sigurado na siya kung sino ang iboboto niya—


"I vote for Helian for president."


"WOOO!" Nagpalakpakan naman ang mga kaklase mo, pati na rin sina Baji sa bagong presidente, habang ikaw naman ay napatulala nalang sa gilid.


"Alright, let's proceed with the other positions."


Tuloy parin ang pagbotohan ng class officers, at hindi mo na rin namamalayan na patapos na rin dahil tulala ka pa rin sa nerbyos sa gilid. Usually, may mga speech pa ang president after the election, kaya't nagbrainstorm ka sa papel ng speech mo! Alam niyo 'yung tipong may pa surprise recitation? Ang dami kasing alam! Isama mo pa 'tong mga kaklase mo, lalo na si Kakucho.


"Okay na 'to. Elected officers, please stand up."


Since you're too preoccupied, halos nakalimutan mo na rin kung sino ang mga naboto. Tumayo ka na rin namana na at tinignan ang mga nabotong class officers.


Of course, the president, which is you.


Ang vice president naman ay si...


"Kakucho?!" You thought.


You totally didn't expect him to be the vice president, pero buti lang, kinarma siya. Nagpapasalamat ka talaga sa mga nagboto sa kanya. Idadamay mo rin siya sa stress sa pag manage ng kaingayan ng classroom niyo.


Sunod naman, ay ang secretary, which is si Ashanti, then ang treasurer, as usual, ay si Koko, 'di nga lang nangungupit. Ang auditor naman ay si Mitsuya. Demonyo talaga mga kaklase nito, kung hindi raw president, pwes ibang posisyon naman. Ang sergeant and arms naman, ay sina Benkei at Baji.


"President. Anything you want to say to the whole class?" Tanong naman ng teacher niyo.


Hindi ka na rin talaga maka-tanggi. You just sighed and stood up, walking in front of the class. Sayang naman din ang pinaghandaan mo.


"Uhm, well, I wasn't really hoping for this position?" You blatantly said.


Nakinig naman ang mga kaklase mo at agad na napakaw ang kanilang mga atensyon, lalo't na si Kakucho.


"But yeah, thanks to my classmates who voted for me. I might not promise to be your ideal class president for the whole school year, but rest assured that I'll guarantee my best in any way. I guess it's my responsibility now. Thanks." You said, still trying to keep a warm presence since basically, you've been delegated a task.


Recess time naman na rin at mixed emotions ang nararamdaman mo sa kasalukuyan. Ginusto mo ba talaga 'tong posisyon na 'to?! Anyway, lumabas ka naman na rin ng classroom, at ibabalik ang mga gamit mo sa locker, ngunit nakita mo si Kakucho na mukhang may pinagkakaabalahan din sa kanyang locker.


And there! Him! Agad mo rin namang nahanap ang may pakana nito.


Naglakad ka naman papalapit sa kanya at kinalabit ito.


"Hey!" Tawag at kalabit mo kay Kakucho. Medyo crowded naman ang hallway, at medyo maingay, kaya't hindi ka niya ito naririnig.


"Kakucho!" Sigaw mo pa.


"Tangina ano–? Oh, what?" Kakucho said, changing his words and tone. Pagdating talaga sa'yo, bigla siyang napapa-english. Hiwalay ang kanal humor malala.


"Why the hell did you vote for me? I don't want to be the president!" Reklamo mo pa.


"Ayaw mo 'yun? You're the boss of the classroom." Kakucho said, unbothered.


"Boss? Excuse me! Being a boss is far from that! Being a president is stressful!" You retorted.


"How many times have you been elected as a president?" Tanong naman ni Kakucho as he slammed his locker door close.


Oops, nahinto naman ang pagsasalita mo rito as you realized. "Hehe... First time..."


Kakucho just snorted and shook his head. "See? It's a new experience for you."


"I mean... makes sense. Whatever. One of my goals naman this year is stepping out of my comfort zone." You sighed.


"Better thank me then." He said.


"Thanks," you rolled your eyes.


Pansin naman ni Kakucho ang tono sa pagpapasalamat mo.


"Thanks," Kakucho mocked, also rolling your eyes as he copied you.


"Wha—?!" You gasped.


"Anyway... You're the vice president. It means I can utos you, no?" You asked. Pang-ganti lang nu'ng ginawa ka niyang utusan no'n.


"Hell no," Kakucho refused.


"Well, what?! I don't know if I can handle a whole class! Plus I'm just a new student." You grunted.


"Eh, problema mo na 'yun." Kakucho shrugged.


"Wáng bā dàn," you cursed.


"What?"


"Nothing. Hehe." You smiled. You almost forgot that you can speak Chinese! Being in the Philippines for so long really affected your way of speaking, and even your accent.


"Daming alam. I'll go now." Kakucho said, kaya't tumango ka nalang. Napatingin ka naman sa locker at bitbit ni Kakucho. His locker is now emptied, at mukhang dala na ni Kakucho ang buong gamit niya kahit hindi pa naman dismissal.


"Wait, Kaku, are you going home na?" You asked, at nakalimutan mo ring madalas nga pala siya magiging absent.


"No, I have to go somewhere for my club. Coach is waiting."


"Oh right, I forgot." You scratched your head. You're really nervous dahil it's your first day being the president, at wala pa ang vice president niyo.


Agad namang napansin ni Kakucho ang pagkadismaya sa ekspresyon mo. He just walked towards you and pats your back, saying something before he walks away.


"Sabihan mo nalang ako kapag may hindi sumusunod sa'yo."











"Wow namarn!"


Ang mga palakpak at boses nina Hakkai ang unang bumungad sa'yo pagka-lakad mo sa canteen. Nagtinginan naman ang mga estudyante sa kabilang table kaya agad mong pinatahimik sina Hakkai.


"Miss president!" Dagdag pa nila.


"Wow," rinig niyo sa isang boses, at napalingon naman kayo to see Lexi and Kaycee, a student from another strand.


Nakita mo naman na nag-ikutan ng mga mata at nagbago ang ekspresyon nina Ashanti, Emma, at Hakkai.


Hindi mo alam kung bakit, kaya't lumingon ka nalang kina Lexi.


"Nag-elect na pala kayo ng officers? Si Heli president?" Tanong ni Kaycee.


"Oo," sagot ni Hakkai.


"Ang dami mo namang tanong. Hindi ba kayo updated?" Sambit naman ni Emma.


"No? We wouldn't know? Wala naman kami sa section niyo?" Lexi replied.


"Buti lang," sagot naman ni Ashanti.


"Are you saying something?" Kaycee raised a brow.


You noticed the tension between these girls, kaya't agad ka namang sumulpot sa gitna nila at nagsalita to stop the occuring conflict.


"Let's go somewhere muna. Haha." Sinubukan mo namang i-layo sina Lexi at Kaycee sa table niyo. Nagpaalam ka muna nang saglit kina Hakkai bago umalis.


"Hey, what the hell is going on? Do you have a beef with them or something?" Agad mo tamang tanong kina Lexi. Umupo muna kayo sa table na malayo sa mga estudyante.


"No? We're totally fine. Gano'n lang talaga mga 'yon." Sagot ni Lexi.


"Anyway, how are you voted as president?" Tanong ni Kaycee.


"Uh, I don't even know. Kakucho just voted me since he's the tiebreaker." Sagot mo.


"Kakucho? Oh, right, talking about Kakucho, he's always absent? 'Di ba honor student 'yon? We always see him dismiss early since nadadaanan niya classroom namin. Is he skipping?" Sabi ni Lexi.


"No, he's not skipping. He'll be joining a tournament. He's excused. I don't know, it's a club something." You said.


"Wow! Alam na alam, ah. Baka naman mamaya crush mo na rin 'yon. 'Di mo na crush si Ran? Bago na?"


Agad ka namang napatingin sa gilid mo, checking if someone is there.


"As a matter of fact, I'll tell you something." Bulong mo naman as you motioned them to come closer.


"What?"


"I'll tell you something nga. Come closer!"


Kaycee and Lexi looked at each other first, then listened to you. "What?"


"Do you think Kakucho is ano, like... attractive?" You asked.


Nagtaka naman sila sa tanong mo. "Duh? Why are you asking the obvious?"


"So you find him attractive?" You raised a brow as you crossed your arms.


"Malamang? Girl, he's one of those types of boys, totally my type, lol, but anyway, why? You're talking as if you're his jealous girlfriend." Biro naman ni Lexi.


You just rolled your eyes. "That's not what I mean kasi!"


"Then what?"


You stayed silent for a moment. Onti-onti namang nababasa nina Lexi at Kaycee ang ekspresyon mo. Paligoy-ligoy ka pa kasi. 


The two girls gasped as they covered their mouths. "You have a crush on Kakucho?!"


"Shh!" Agad mo naman silang sinita at tumingin sa paligid mo. 


"Wait, so yes?!"


Napakamot ka nalang ng ulo, hindi sigurado sa isasagot. "Haha."


"Oh my gosh!" Lexi gasped.


"Just be quiet!" Agad mong sabi, at hindi mo na rin mapagilan ang ngiti mo nang umamin ka sa mga kaibigan mo na you have a crush.


"Of course! As if naman ipagsasabi namin."


"Well, I've already told it, I got to go now. That's the only thing I'm going to say lang naman e." You added.


"...Yeah, sige lang, and don't worry! We won't tell anyone." Lexi said.


"Sure?" You asked while you stood up, also packing your things.


"Sure! Promise!"


"Ms. President! Nasa'n ka na?! May nag-aagawan ng bulalo rito! Awatin mo! Ayan na nagsasawsawan na ng mukha sa bowl." Rinig mong sigaw ng mga kaklase mo.


"Haha. Fuck. Really got to go. Bye. Sure na sure, ah?!" Muli mo pang paninigurado nang tumalikod ka while sprinting off.












"Tangina talaga kahit si Satanas mapapabilib mo sa kademonyohan mo eh."


Bardagulan naman ang unang bumungad sa'yo nang pagkapasok mo ng classroom. Kakatapos mo lang kumain, at muntik mo na ring kalimutan na ikaw ang president kaya't syempre, pumagitna ka sa away nina... as usual, Makoto.


"Wowowow kahit si Satanas mapapa-kiki do you love me sa sobrang kabobohan mo eh." Sabat naman ni Makoto.


"Hey! Hey! What the hell is the commotion here?!" Galit na pagka-tanong mo naman.


"Ayan, ayan, si president. President Izana flashbacks malala." Komento naman ni Yamagishi.


"Wala, sorry, eto kasi si Makoto naka-bunggo ng estudyante na may hawak ng bulalo, ayun ako tuloy sinisi ng estudyante. Nadamay pa 'ko. Nag-order lang naman ako e!" Sagot naman ni Benkei.


"Okay, then say sorry, duh?" Sagot mo naman.


"Ay duh raw o."


"Hug each other!" Utos mo pa.


"Luh!"


"Now!"


Pilit naman na niyakap ni Benkei si Makoto. "Haha tanginamo asim mo." Bulong pa nito habang magka-yakap.

Ito talaga ang unang responsibilidad mo as a first time president!


Agad mo naman kinuha ang pocket mirror mo at tinignan ang itsura. "You're all making me stressed. I'll get white hairs and wrinkled skin!"


"Eto na tatahimik na po." Bulong naman nila at umupo sa kanilang mga upuan.


Lumipas din naman ang ilang subjects at dismissal time niyo na rin. Lumabas ka naman na ng classroom at didiretso na pauwi.


Pagkarating mo sa gate, nakita mo si Kakucho na papasok ng school.


"Yo, balik ka sa room?" Rinig mong boses, kaya lumingan ka to see Kakucho's friends na sina Ran, Rindou, at Koko nang inabangan si Kakucho.


"Oo, puntahan ko lang si coach." Sagot naman ni Kakucho. Napatingin naman si Kakucho sa likod ng mga kaibigan nito, to see you standing behind.


"Excuse me, you're blocking the way." You said, at lumingon ang atensyon ng F5 sa'yo.


"Ay," agad naman na tumabi sina Rindou.


Maglalakad ka na sana paalis, ngunit rinig mong tinawag ka ni Kakucho.


"Iwan muna namin kayo." Banggit naman nina Ran at tinapik ang likod ni Kakucho bago maglakad paalis.


"What?" Sagot mo naman.


Napatingin naman si Kakucho sa mga kaibigan niya. Ba't daw siya iniwan e may itatanong lang sa'yo?! So extra!


"What happened a while ago?" Tanong ni Kakucho.


"What do you mean—? Oh, the fight?"


"Yeah, ano? Naawat mo ba?"


"Oh, I shouted at them. Haha."


"Huh?" Kakucho raised a brow.


"Eh, basta! They listened naman, e." Sabi mo pa.


"Tss... Sabi ng 'ayoko maging president'." Komento ni Kakucho.


"What did you say?!" Lumingon ka naman ulit sa kanya.


"Wala," Kakucho said. "How is the position so far?"


"I mean, it's okay naman," you said. "Sayang 'tho. Wala 'yung vice president." Bulong mo naman.


"What?" Kakucho said.


"Nothing," you replied. "Anyway, hehe, I'm going home na. Are you going to stay here sa school pa?"


"Yeah, need to go kay Coach Cris." Sagot ni Kakucho.


"Oh... Okay. Well, I'm going home na. Hopefully, you're not absent na bukas." Sabi mo naman, at pansin mong napatingin si Kakucho sa'yo, kaya't agad mo namang in-explain ang nais mong ipa-hiwatig. "I mean, 'you know, para I have kasama since our classmates are so hardheaded!"


"Hm, okay," Kakucho muttered.


"Okay, bye, I'll go now talaga!" Sabi mo at umalis na rin, palabas ng gate.


"Yeah, ingat," Rinig mong sabi ni Kakucho, at halos tumili ka naman.


"RAWHAHAHDHS!" Isip mo habang namumula ang pisngi.











"Ewan. Na-misplace mo lang yata."


Sabi ni Kakucho sa phone nang may ka-call. He's just walking upstairs, papuntang fourth floor since nandon ang club room. Kaunti nalang din ang mga tao dahil nagsi-uwian na ang mga estudyante.


"Yeah, papunta—" Dagdag pa nito, ngunit may narinig si Kakucho na hakbang sa likuran niya, at malakas pa ang tunog dahil staircase ito.


"I'll call you back." Kakucho said as he ended the call.


Lumingon naman si Kakucho, ngunit walang tao, kahit malapit ang lang ang tunog. He just ignored it, and continued talking on the phone.


Narinig niya muli ito, at tunog hakbang talaga. He furrowed his brows, and asked orotundly— "Who's there?"


"Kakucho!" Muntik nang magulat si Kakucho nang may sumulpot na dalawang babae sa may staircase.


Inobserbahan muna ni Kakucho ang mga itsura nila, at pamilyar ang mga mukha nila but he can't exactly remember their names.


"Do you remember us?! Hi! Sakto, tumulong lang kasi kami kay ma'am na gumawa ng banner sa classmate kaya't na-late kami sa dismissal. We thought kami nalang 'yung students dito." Sabi pa nila.


"Sorry but, who are you again?" Kakucho cluelessly asked.


"Oh well, I'm Kaycee, this is Lexi, taga kabilang strand."


Kakucho did a side eye, raising his brows, making a face that tells— Ano naman gagawin ko riyan?


"Anyway, 'di ba kaklase mo si Helian?" Tanong pa nila.


Kakucho nodded, and more questions were asked by Lexi and Kaycee. He honestly was at loss for words because of some of their sudden questions, but he was about to answer, until—


"Kakucho! BOO!" Paggugulat ni Coach Cris.


"What the fuck?" Kakucho commented.


Nag echo ang boses ni Coach Cris dahil enclosed ang staircase, at nagulat naman ang tatlong estudyante.


Muntik pang madulas si Kaycee sa hagdan, ngunit agad naman itong nasalo ni Kakucho dahil na rin sa gulat and his reflex.


"Ay gag— I mean, I'm sorry, students! Akala ko mag isa lang si Kakucho, may kasama pala!" Agad namang nagpatawad si Coach Cris.


"You okay?" Kakucho asked Kaycee.


"A-ah, oo," nautal naman si Kaycee.


"Pasensya na ulit, students. Halika na nga, Kakucho." Bulong naman ni Coach Cris at hinila si Kakucho.


"Hindi mo sinabi sa 'kin may mga kasama pala. Nakakahiya 'yung ginawa ko! 'Boo' amputa, baka 'boorat'!" Sabi pa ni Coach Cris kay Kakucho.


"Putang— Ba't parang kasalanan ko pa, coach? Alam ko ba na gugulatin mo 'ko?" Sagot naman ni Kakucho.


Sa staircase naman, nando'n parin sina Lexi at Kaycee, at hanggang ngayon, ay nagb-blush parin si Kaycee dahil sa nangyari.


Lexi batted her an eye and rolled her eyes. "Ano?"


Kaycee laughed. "You know, medyo ironic na Helian just confessed to us na may crush siya kay Kakucho kanina lang."


Mas lalo pang napakaw ang atensyon ni Lexi kay Kaycee, and it's seems like her friend has a scheme in mind. Hindi lang sigurado si Lexi kung may meaning ba sa likod ng mga sunod na mga sinabi ni Kaycee.


"You know, Lexi, I think I know why Helian likes Kakucho." 






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro