KABANATA 25
Nagising ang binatang si Zac dahil may bumuhos sa kanya ng malamig na tubig.
"Jade? Jane? What the f*ck is the meaning of this? And bakit ako nakatali?" Tanong niya sa kambal.
"Did you received a death note?" Tanong ni Jade.
"Ofcourse I didn't, babe can you untie me?"
"Jane hindi daw nakatanggap ng death note eh. Bigyan mo nga," natatawang saad ni Jade sa kakambal.
Ngumisi naman si Jane at sinampal si Zac gamit ang subre kung nasaan ang sinasabing death note. "Oh ayan nakatanggap kana." Ani Jane at tumawa na parang baliw.
Naguguluhan naman ang binata sa nangyayari. "What the h*ll is wrong with the two of you? And where is Kristof?" Tanong nito.
"Si Kristof ba kamo? Nandoon sa likod bahay nagpapausok." Sagot sa kanya ni Jade at tumawa.
"Kambal sabihan mo si BABE mo na maglaro naman tayong tatlo oh. I'm so bored na eh," nag iinarteng sambit ni Jane.
"Ano kayang magandang laro kambal ano?" Saad ni Jade na kunwari ay nag iisip. "Sa tingin mo Zac ano ang magandang laro?" Baling niya sa binata.
"Why don't you guys untie me first?" Ani Zac na hindi parin nagegets ang nangyayari.
Tumawa ng subrang lakas ang kambal at naglabas ng lanseta. "Ganito nalang, maglaro nalang tayo ng Tell Me The Truth, ganito ang mechanics. Magtatanong kami tapos dapat sagutin mo ng maayos at tama. Kapag hindi tama ang sagot mo ay puputulan ka namin ng isang daliri. Tama ba kambal?" Tanong ni Jane kay Jade.
"Perfect kambal. Masaya ito, di'ba babe?" Baling niya sa binata na namumutla na dahil nagets na nito ang mga nangyayari.
"K-kayong dalawa ang killer?" Nauutal na tanong nito.
"Tama na mali," nakangising tugon ni Jane.
"Kami ang killer oo, pero kaming dalawa?" Umiling iling si Jade. "Mali... dahil tatlo kami." Dugtong niya at ngumisi.
Naguguluhan siyang tinignan ng nobyo. "T-tatlo?"
"Ladies and gentleman meet Jana." Malademonyong turan ni Jade at nag wave pa na ala miss universe.
"Mga baliw! Pakawalan niyo ako dito!" Nagpupumiglas na sigaw ni Zac.
Lumapit sa kanya si Jade or should we say Jana. "And why would we do that loverboy? Eh maglalaro pa nga tayo diba?" Saad nito at dinilaan ang kanang tenga niya.
"Yuck Jana kadiri ka!" Sambit ni Jane.
"Shut up. Kung ayaw mong ikaw ang paglaruan ko," matigas na aniya.
Nag mouth zip sign naman si Jane at umupo sa sofa. "Start na tayong maglaro nabobored na ako." Ani Jane at binato kay Jana ang lanseta na agad naman nitong nasalo.
Ngumisi si Jana. "Okay Zac first question, masarap ba si Jamaica?"
Zac look at her with disbelief. "What the f*ck are you saying?"
Umiling si Jana. "That's not the correct answer." Turan niya at unti unting hiniwa ang daliri ni Zac kaya napahiyaw sa sakit ang binata habang silang dalawa ng kakambal niya naman ay tumawa na parang mga demonyo.
Nagpupumiglas na naman ang binata kaya tumayo si Jane sa sofang inuupuan niya at lumapit dito. May lubid siyang kinuha sa paanan nito at tinali sa leeg ng binata papuntang dibdib pababa sa tiyan nito. "Huwag kang makulit naglalaro kami ng kakambal ko."
"P-pakawalan n-niyo na ako. M-mga baliw k-ayo!" Nagtatapang tapangan pero nauutal na sambit ni Zac.
"Laruan ka namin, kaya bakit ka namin papakawalan?" Tanong ni Jana.
"Okay next question, matagal mo na ba akong... I mean si Jade, matagal mo na bang niloloko si Jade?" Tanong ni Jana.
Hindi sumagot si Zac kaya hiniwa na naman ng dalaga ang isa niyang daliri. "Silence means?" Patanong na baling niya sa kakambal.
"Absolutely YES!" Sigaw na tugon ni Jane.
"Hays Zac, Jade is so nice to be cheated. She is too beautiful to be betrayed," malambing na turan ni Jana. "Pero ang kapal ng mukha mong lokohin siya!" Sigaw niya at sinaksak sa kanang dibdib si Zac.
Napaubo naman ng dugo si Zac kaya ngumisi si Jane. "Sa dami kasi ng babaeng paglalaruan si Jade pa, yan tuloy ikaw ang pinaglalaruan." Yumuko ito para mapantayan si Zac. "Ano ang feeling Zac?" Tanong niya.
Hindi na sumasagot ang binata, siguro ay dahil sa sakit na nararamdaman nito kaya pumunta ng kusina si Jana.
"W-why are you doing t-this?" Nahihirapang tanong ni Zac kay Jane.
Dumaan naman ang pag aalala sa mukha ni Jane pero agad niya naman itong iwinaksi. "Gusto kong mabuhay Zac, kaya sinasabayan ko ang trip ni Jana." Sagot niya at lumayo sa binata dahil nakita niyang parating na si Jana.
Sa sinabing iyon ni Jane ay nagtaka si Zac.
Ibig sabihin sinasakyan lang ni Jane si Jana para manatili siyang buhay? Pero kakambal siya ni Jade. Hindi siya nito kayang saktan.
Nang makalapit na ang dalagang si Jana kay Zac ay binuhusan niya ito ng tubig. Kaya parang asong nabasa si Zac na iwinawaslik ang katawan dahil sa pagkabasa.
"I'm not done playing with you yet kaya huwag kang matulog," matigas na ani Jana. "Jane pakikuha nga nung kandila at akin na yung lighter ni Kristof," Utos niya sa kakambal.
Inabot naman ni Jane sa kanya ang lighter ni Kristof na nakuha nila kanina at pumunta ng kusina para kumuha ng kandila.
'Ano na naman kaya ang gagawin niya dito?' Tanong ni Jane sa utak niya. 'Pero bahala na. Handa ko siyang sabayan makaligtas lang ako. Kapag nakahanap ako ng tyempo mamayang gabi ay aalis na ako sa bahay na ito. Pero ang tanong, saan ako dadaan kung nakalock naman ang main gate?'
Umiling iling nalang si Jane habang lumapit sa aparador at kumuha ng mga kandila. Pagkatapos niyang kumuha ay bumalik na siya agad sa sala.
"I-ito na Jana," minura niya pa ang sarili sa isip dahil sa pagkautal niya.
"Why are you stuttering?" Tanong nito sa kanya.
"Nasamid lang ako kaya nautal," pagdadahilan niya habang humihiling na maniwala ito.
"Sindihan mo iyang kandilang hawak mo,"utos nito sa kanya na siya namang ginawa niya. "Then ipatulo mo sa lalaking iyan ang mga tunaw na kandila," sa sinabing iyon ni Jana ay nagulat siya.
She know in her self na hindi niya kayang gawin iyon. What she did earlier to Kristof ay labag din sa kalooban niya pero kinailangan niyang gawin para makuha ang loob ng kakambal niya.
"What are you waiting for?" Tanong nito. "Do it," sigaw nito kaya nataranta siya.
Nag umpisa na siyang patuluan ng mga tunaw na kandila si Zac. Hiyaw naman ng hiyaw sa sakit ang binata. Samantalang sa utak naman ni Jane ay humingi siya ng tawad dito.
Habang si Jana? Parang demonyong nakangisi habang nanonood sa ginagawa niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro