YMOM 9
YMOM 9
"Hey you must be art?" tanong saakin ng isang babae na naka itim at may nakasulat na staff sa damit nito.
kaagad naman akong napatayo.
"Opo nga po" i answered.
"Okay ako yung pinapasundo sayo ni Kenzo so tara na?" sambit nito.
kaagad kong kinuha ang plastics at sumunod sa babae, sa may parking lot kami banda dumaan at sumakay ng elevator.
So ganito pala yung dinadaanan ng mga artista or singers kapag nag coconcert sila?
tumigil kami sa isang floor at sumusunod lang ako sa babae, may mga nakakasalubong kaming mga lalaki at babae na staff din at parang busy na busy sila.
may mga dalang damit tas yung iba naman may mga kausap sa phone nila.
"Nandito na pumasok ka nalang diyan." sambit ng babae saaking tumigil kami sa tapat ng pinto na may nakalagay na
"Sirenity Band"
"Thank you po." sambit ko, inayos ko ang sarili ko at kumatok.
naka ilang katok muna ako at maya-maya ay bumukas ito at isang maputi at medyo pandak na lalaki ang sumalubong saakin.
"Oh! hes here! finally guys!" sambit niya, na awkwardan naman ako.
"Come here! by the way im jameson" sambit niya pumasok ako sa loob at nakita ko silang lima na kanya-kanyang ayos.
"Yow! hey there cutie! nice to meet you! akin na yan!" sabi naman nang isa pang lalaki na kulay gray ang buhok at kinuha saakin ang dala kong plastic.
"Im Matthew by the way!" sambit nito at tumalikod na.
"H-hi!" bati ko at napansin ko si Kenzo na naka upo lang at may kong ano na kinakalikot sa phone niya katabi yung lalaking kasing tangkad niya na kulay blonde yung buhok.
pinagagawan naman nung nagpakilalang matthew at ng isang lalaki na kulay black yung buhok.
"So ayan mabuti naman at nakarating ka na dito" medyo na awkwardan ako ng inakbayan ako nung jameson.
"Ah eh-
"Slave! come here!" biglang sigaw ni kenzo kaya't nagulat naman ako, bigla namang napatigil sa pag aagawan yung matthew at napatingin sila sa isa't-isa.
"Opss! hahahah! sorry uy matthew tirhan niyo ako!" biglang sambit ni Jameson at nakipag agawan na.
lumapit naman ako sa tapat ni kenzo.
"What?" i said, ibinaba niya ang cellphone niya at tinignan ako.
"Can you keep all of that to my bag?" medyo naiinis niyang sabi at itinuro ang mga gamit na naka-kalat at nakalabas sa bag niya.
naalala ko naiinis pala ako sakanya.
"Okay" sambit ko nalang, nakatingin lang saakin yung katabi niya na parang wala lang.
"Uy kenzo grabe ka naman di mo manlang muna pagpahingahin." sabi nung matthew.
"Oo nga hey cutie! gusto mo?" tanong pa saakin ni Jameson.
"Hoy matthew akin yan ah!" sambit naman ni alijah.
"Akin to! kailangan ko nang energy para mamaya!" sagot nung matthew.
"Oh ikaw lance at kenzo di pa ba kayo kakain?" sambit ni alijah.
"Im full" tipid na sagot nung lance na di manlang sumasagot.
tumayo naman si kenzo at lumapit sakanila
hays! Iniligpit ko nalang yung pinapaligpit saakin ni kenzo dahil mukhang galit siya.
nang mailagay ko na lahat ito sa loob ay inilagay ko na ito sa gilid at pinanood ko silang apat na kumakain kasi yung lance naka upo lang at naka earphone.
inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng room at naroroon pala ang mga gamit nilang lahat.
"Art ang pangalan mo diba?" tanong saakin ni jameson nang makalapit saakin.
"Yeah" tanging sagot ko lang, tumabi siya saakin.
"Hmmmm.. your name is quite cool anyways yan si lance, sobrang tahimik niyan, tapos ayun naman si matthew" sabay turo niya kay matthew na kasalukuyang ngumunguya ng pagkain.
nag wave naman ito saakin.
"Matakaw talaga yang lalaking yan tapos iyon naman si alijah tapos ang leader naming si kenzo." pakilala niya saakin.
Napatango lang ako at di ko alam ang sasabihin ko.
"Jameson could you please stay in one place? kanina ka pa lakad ng lakad eh" nakita kong medyo naiirita yung mukha ni kenzo.
"Ay sorry na! pinapakilala ko lang naman tayo sakanya eh!" sagot ni jameson.
"Tsk! mag asikaso na kayo! everyone!" he said with authority kaya sumunod naman yung apat sakanya lumapit saakin si Kenzo.
"Did you eat lunch?" tanong niya saakin.
"Oo kanina pa, ano pa palang ipapagawa mo? kasi uuwi na ako" i said.
"Nothing but i want you to stay here and wait for me na matapos ang concert." sambit niya.
"What?! eh ano namang gagawin ko dito atsaka-
"You are my slave right? so follow all my command" sambit niya.
grrr!
"Okay" walang gana kong sambit,
Umupo lang ako sa sofa katabi yung lance na parang may sariling mundo.
maya-maya ay may pumasok na mga staff at sinabing mag ready na daw may mga stylist din na pumasok at lahat silang lima ay isa-isang pinaupo sa harap ng vanity mirror.
Ganito pala talaga pag artista no?
may tig dadalawang mga stylist sila.
napatingin ako kay kenzo na kasalukuyang inaayusan ng buhok,
i can say na gwapo talaga tong nilalang na to, maya-maya ay may tumawag saakin.
"Excuse me? what are you doing here?" tanong nang baklang stylist din ni kenzo.
"Err.. ako?" tanong ko.
"Ay hindi ako! sino ka?" mataray na tanong nito saakin akala mo naman ikinaganda niya yung make up niya na makapal! jusko!
"Im art-
"He is with me my personal maid" sagot ni kenzo kaya napatigil naman yung baklita.
"ohh really? okay come here may iuutos ako sayo!" Lumapit naman ako sa gawi nila at ngayon ay nakatayo ako sa gilid ni kenzo.
"Do you how to put this on?" tanong nung bakla saakin at ipinakita ang lip balm.
"Opo alam ko po" sagot ko.
"Okay good! put this to his lips kasi wala na tayong time!" he said.
Inabot ko naman ang lip balm.
me ilalagay to sa labi niya?!
napatingin ako kay kenzo and he is starring at me back habang nakaharap siya sa salamin.
"Okay k-kenzo lalagyan daw kita nito." teka bakit ako nauutal at parang kinakabahan?!
medyo nag adjust ako ng kaunti paharap at binuksan ang lip balm.
"You look tense." sambit ni kenzo.
inirapan ko lang ito, kasi naman eh! gawain ti ng stylist niya eh.
"Buka!" sambit ko kay kenzo ibinuka naman niya ang labi niya kaya nag lean ako at medyo inilapit ang mukha ko sa mukha niya.
Unti-unti kong pinahid ang lip balm sa labi niya, i can feel his breath on my face at na realize ko na ang awkward pala ng posisyon namin.
napatingin ako sa mga mata niya na kasalukuyang nakatingin din saakin.
*Gulp*
"Oh! tapos na ba?!" napaayos ako ng tayo kaagad.
"Ah opo nalagay ko na" sambit ko.
Kung ano-ano pa ang iniutos saakin nung stylist niya, may pinabaabot tapos kong ano-ano pa.
"Okay boys! mag bihis na kayo we only have 30 minutes left kasalukuyan nang pinapasok ang mga tao sa arena."
Sabi nung lalaki na sa pagkakarinig ko ay manager nila.
nag bihis na sila at napatingin ako kay kenzo na naka topless lang, alam kong nakita ko na yung katawan niya pero nakakailang parin.
nakita ko din na nagbihis na yung iba pati yung lance na kanina pa walang kibo.
di kaya siya napapanisan ng laway?
after nilang magsibihis ay tinawag ako ni kenzo na lumapit sakanya
I can say that he is totally stunning with his clothes,
bigla naman siyang napangisi.
"I know that im handsome kaya pwedeng wag mo na akong tignan?" napaarko kaagad nag kilay ko.
"Wow huh! ang kapal!" inis kong sabi.
nag reready na sila at maya-maya ay tinawag na sila kaya't hindi na natapos ni kenzo yung sasabihin niya.
nag form sila ng cirlce at nag pray, napangiti naman ako.
"Let's Go!!! whoaaaa!!!
sigaw nilang lahat palabas na sila ng tumigil sa harap ko si Kenzo.
"Wala ka manlang bang sasabihin?" naka frown niyang tanong, nagtaka naman ako.
"Huh?" tanong ko.
"Tsk! whatever!" nagulat nalang ako ng bigla nalang nagbago ang mood niya bago lumabas.
anyare dun?
3rd Person's P.O.V
Di magkamayaw na nagsitilian ang mga fans ng lumabas ang limang nag gagwapohang lalaki at punong-puno ang mall of asia arena ng mga tao
nagsimula nang magpakilala isa-isa ang mga member at nag simula nang umawit.
Nakaupo lamang si art sa mahabang upuan sa labas ng Room na pinasukan niya kanina dahil di naman siya makasunod sa lima.
isinandal niya ang ulo niya sa pader, nakaramdam siya ng gutom at pagkapagod dahil sa byahe niya at di pa talaga siya nakakapag tanghalian.
ininda nalang niya ito at naisipan munang umidlip.
Boung concert ng Banda ay puro tili at kilig lang ang maririnig mo sa loob ng arena hanggang sa matapos.
"Congrats guys whoaaah!!" sambit nang bawat isa kasama na rito si kenzo,
nakaramdam siya ng sobrang pagkapagod pero masaya siya dahil successful ang naging concert nila.
Naalala niya ang kanyang kasama kaya't nagmadali siyang sumunod sa mga kasama niya pabalik sa room nila.
Nang makarating sila ay napatigil siya ng makita ang kanina pang nasa isip niya na natutulog sa may mahabang upuan, yakap-yakap nito ang bag niya.
"Nandito parin pala siya" sabi ni matthew.
"Ako nang bahala sakanya" sambit niya at pinauna nang pinapasok ang mga kasama sa loob.
tiningnan niyang mabuti ang binata na tulog na tulog, may kong ano nanaman siyang nararamdaman habang nakatitig rito.
"Cute" a smile formed on his lips
Unti-unti niyang inilapit ang kamay niya at tinapik ito.
"Hey" mahinang sambit niya, ngunit di parin ito nagigising.
"Hey art wake up" sambit niya, napamulat naman ang binata at napakusot kusot pa ng mata niya.
"Hala?! anong oras na? tapos na kayo?!" Nagpapanic na sambit nito.
"Yeah kanina pa kami tapos!" nilagyan niya ng inis na tono ang boses niya kagaya ng lagi niyang ipinapakita sa binata.
"Tsk! so ano na? pwede na ba akong umuwi?!" mataray na sambit nito sakanya pero sa loob loob niya ay natutuwa siya na makita itong naiinis kasi ang cute nito.
damn! im straight but why im getting Obsessed with this guy?
Inalis niya nalang ang kaisipang iyon.
"Pumasok ka muna rito." seryosong sambit niya rito at nauna nang pumasok.
Art's P.O.V
Ang bigaaat naman! sambit ko habang bit-bit ang dalawang bag niya nakasunod lang ako sakanya rito sa parking lot.
at sabi niya ay isasabay niya daw ako.
"Ang bagal mo!" sambit nito saakin.
"Ang bigat kaya! tsk!" inis kong sambit at tumigil naman siya sa harap ng sasakyan.
inilapag ko ang bag niya.
"Psh! ang liit mo kasi" he said at binuksan ang likuran nang sasakyan niya.
bastos to ah! di porge't matangkad siya!
hmmp!
1 am na pala at lagot ako nito!!
maya-maya ay tumunog ang cellphone niya.
at sinagot naman niya ito.
"WHAT?! FUCK IM COMING OKAY OKAY!" na curious naman ako sa naging reaksyon niya.
"Shit I hindi kita maisasabay ngayon may emergency na nangyare can you go home by yourself?" tanong niya.
parang nagpapanic siya.
Sasagot na sana ako pero bigla nalang siyang pumasok sa sasakyan niya at pinaandar ito.
"Teka-
hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi nakaalis na siya.
Hala! paano ako uuwi?!
Tiningnan ko ang laman ng wallet ko at nakita kong 20 pesos nalang pala ang laman nito.
hala paano na?
di ako makakauwi nito
Napaupo ako at namalayan ko nalang na tumutulo na yung luha ko.
parang feeling ko kawawang kawawa ako sa sitwasyon ko ngayon.
paano na?
napatingin ako sa paligid at wala manlang katao tao na.
Lord paano na ako makakauwi?
Napaupo ako sa may gutter at niyakap ang bag ko, pinahid ko ang mga luha ko.
paano na ako?
napayuko nalang ako haggang sa may naramdaman akong sasakyang tumigil sa harapan ko.
"Are you planning to overnight here?" napaangat ako ng tingin at di ako makapaniwala sa nakikita ko.
Si lance!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro