Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

You're Kidding, I'm Not

Naubos ko nang ilabas lahat ng gamit ko sa bag pero hindi ko pa rin mahanap ang libro ko sa Rizal. Hindi sa akin iyon! Pinahiram lang ng kapatid ng kaibigan ng pamangkin ng aming kapitbahay, kaya hindi ko pwedeng maiwala. Maliban sa hiniram ko lang naman, ipinagkatiwala sa akin ang librong iyon at kung maaari  ay maipasa pa sa ibang nangangailangan. 

Oo! Maraming mapagbilhan kung sakali pero hindi naman iyon ang ikininalulungkot ko. I'm just disappointed with myself for being careless.

"Saan mo ba kasi huling ginamit iyon? Diba kahapon pa natin ginamit sa klase? Don't tell me, you just remembered it now?" sunod-sunod na tanong ni Ashley na tila naiinis na sa katangahan ko. Dapat kasi ay papunta na kaming terminal ng bus ngunit napahinto muna kami nang biglang maalala ko ang tungkol sa libro.

Napahilamos ako ng mukha. "Hindi ko nga maalala. Baka kahapon nga?" I asked, feeling very unsure. Binalik ko na ang mga gamit ko sa bag. Thinking about where to look for it, I felt hopeless. I'd have to search every nook and corner of the university. I tried to remember the places we visited. That way, it will narrow down my search. 

"Hindi ka ba nag-aayos ng bag mo sa gabi or sa tuwing aalis ka ng bahay? How come you didn't know your book has been missing all this time?"

Mariin akong umiling. I turned to look at her only to see her glaring at me in extreme disbelief. Alam nitong hindi talaga ako nag-aayos ng bag.

"Anong gagawin ko?" nanghihinang-tanong ko. Hindi ko pa nagagamit ng husto iyon. Hindi man lang umabot sa schedule ng report ko. No one is obliging us to buy books for that subject. We can actually use any reference books or internet sites. 

But is it only me? I'd prefer physical books over browsing the internet for references.

Narinig kong pumalatak si Ashley. "Hayaan mo na 'yon! Binigay naman sa'yo kaya wala kang dapat ipag-alala kung nawala mo nga. It's not like you're going to pay for it or something, right?" she said dismissively. "Relax! May ibang bagay pa tayong dapat na pinoproblema kaysa sa nawala mong libro."

Ah! Ganoon lang pala dapat iyon? Kapag may nawala, hindi na hahanapin?

I sighed and zipped up my bag. May point din naman siya. But it just doesn't sit well with me. 

I think there's something to worry about in knowing that I lost it.

I'm doomed. I just wish I left the book anywhere at home and I'm far from trouble.

Para akong tinatangay ng hangin habang naglalakad papasok sa village. Nasa isip ko pa rin ang librong nawala ko. Ako lang yata ang nawalan ng gamit na nagkakaganito.

"Did you lose something?" 

Napasinghap ako nang makarinig ng boses ng lalake sa bandang likuran ko. I turned around and saw Armin. Sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin ay parang kinikilatis niya ako. His brows furrowed while his hand was holding the strap of his bag. Ngayon ko lang napansin na nakasunod siya sa akin. 

Ngayon lang yata kami nagkasabay ulit sa pag-uwi. He seemed so busy all the time!

"I-I have," I sighed and turned my back. "But I can't seem to find it."

I heard him chuckle lightly. Tumikwas ang isang kilay ko. I stopped for a while and a thought sinks in. 

"Na sa'yo ba?" tanong ko nang hinarap ko ulit siya.

Gumuhit ang pagtataka sa mukha nito. "Ang alin?"

I looked at his face even more and tried to read his expression. His face was screaming with confusion!

How could he have known that I lost something?

"Wala!"It was foolish of me to accuse him of something he wouldn't have done. Napakalayo ng department building nila sa kung saan ang klase namin. Imposibleng nasa kanya ang libro!

Mas binilisan ko ang paglalakad. Ngunit mas malaki ang mga hakbang niya kaya naabutan niya pa rin ako hanggang sa sabay na kaming naglalakad. No one spoke and the silence was unbearable. 

"Bakit ka nagmamadali?" usisa niya.

"Pakialam mo naman?" mataray kong tugon nang bumaling sa kanya.

"Still a brat as always," he said in a tiny voice but enough for me to hear it.

"What are you insinuating, huh?" hindi ko napigilang maisatinig. 

Nagkibit-balikat ito. "Nothing." Siya na ngayon ang naunang naglakad.

Kinusot ko ang ilong ko bago naglakas-loob na magtanong. "Ahm...baka naman may Rizal book ka?" Natitiyak kong mayroon siya. He's Armin! He would not run out of anything. Lagi itong meron ng mga bagay na wala ako lalung-lalo na ang mga bagay na may kinalaman sa pag-aaral.

Naramdaman ko ang pagbagal ng mga hakbang niya. It looked like he was taking it slow before giving me an answer. Nasa tapat na kami ng kanilang bahay. Liliko lang ako ng isang block at naroon na rin ang bahay namin.

"You can get it inside" aniya at tuluyan nang pumasok.  I knew from there that he's lending his own book to me. 

My lips parted open. Seryoso? Ang bilis namang kausapin ni Armin!

Nagdalawang-isip pa ako kung susundan ko siya pero pinatay ko na ang hiya. Sa ngayon ang mahalaga ay makahiram ako ng Rizal book.

"Selah?" si Tita Helga nang makita ako.

"Magandang hapon po, Tita." Ngumiti ako. Tita Helga has always been in her charming and welcoming  self.

Gumanti ito ng ngiti at nag-aalangang nagtanong. "Kayo na ba ni Armin?" walang pag-aalinlangang tanong nito.

"Huh?" bulalas ko sabay panlalaki ng mga mata. "Hindi po, Tita. May hihiramin lang po ako kay Armin," mariing tanggi ko.

Tumango-tango ito na tila nakakaintindi. "Akala ko pa naman kayo na." May himig pagkadismaya sa tinig nito, bagaman ngumiti din kalaunan. Hindi ko nalang pinansin. Alam kong panunukso lamang iyon. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na malapit kami sa isa't isa ni Armin noon. Pero ngayon...

"Matagal-tagal na rin magmula noong huling bumisita ka rito sa bahay, Selah. High school pa yata kayo noon?" sambit ni Tita Helga makalipas ng ilang sandali.

Tumango ako. Sa naaalala ko, high shool pa nga kami nang pumunta ako rito para mag-ensayo para sa presentation namin sa isang subject. Then, on that day, Armin and Via became couple officially!

That's when things started to drift between us. 

We both walked out from each other's lives because we're supposed to do that. Things have been incredibly awkward until we entered college and began minding our own lives.

Wrong move pa yata na pumasok ako sa bahay nila, eh. What was taking him slow to get down? Baka naghalughog pa 'yon ng attic nila!

"Busy ka yata palagi?" patuloy nito.

Ngumisi ako. "Medyo, Tita. Graduating na po kasi."

"Kita ko nga. Ganoon din kasi si Armin, laging nagpupuyat. Hindi na nga sumasama sa mga outings, eh."

"Ganoon po ba?" I knew that Armin was taking his studies seriously but he needed some time off of things to relax, too. Bakit di siya gumaya sa'kin? Kung may grade lang ang paggala, uno na siguro ako. 

But...I made sure that it wouldn't affect my studies. Hindi naman ako nahuhuli sa pagsubmit ng mga requirements at hindi naman ako lumiliban para lang makapaggala. Basta't weekend at holiday, nasa galaan ako. 

"But it will be all worth it! Ilang kembot na lang at magtatapos na kayo. Enjoy the remaining days you have as students. Real battles wait outside the school. But you're tougher than all that."

I reflected on that one. Nakakakaba. But hearing it from Tita Helga made me feel at ease. Her soft voice and comforting smile are therapeutic.

Noon, nagmamadali akong makapagtapos pero ngayon, tila nag-aalangan na ako kung gusto ko na ba talagang magtrabaho. Wala pa naman akong konkretong plano. Nakakapressure nga lang isipin na ang lahat ng mga kakilala ko job hunting na ang iniisip. Tapos ako, gala pa rin.

Siguro, mag-aaral na lang muna ako ng MBA? Pero ayoko na makadagdag sa gastusin pa. 

Adulting na ba talaga ito? Ito na ba? Wala na bang atrasan? Hindi ba pwedeng maging bebe nalang forever?

"Si Armin may planong mangibang-bansa pagkatapos ng graduation," balita ni Tita Helga. Hindi maikakaila sa mukha nito ang magkahalong emosyon. "My brother would like to train him under his company."

Nagitla man sa narinig pero pinilit kong pinakalma ang sarili. I knew it would eventually happen sooner or later but I couldn't get used to the idea that I would no longer be seeing Armin... even from afar.

Napadako ang mga mata ko sa hagdan nang marinig ang pagbaba ni Armin. Hawak ang libro, nagpalipat-lipat ito ng tingin sa akin at sa Mama niya. Pumanhik na si Tita Helga sa kusina matapos niyang utusan si Armin na ihatid ako sa labas.

Armin held my gaze as he handed the book to me. "There."

"Thank you." Ramdam ko ang paghampasan sa dibdib ko. Bakit ko pa kasi naisipang sa kanya manghiram ng libro?  I can ask anyone in the neighborhood for it. Baka sakaling may isa pang kapatid ng kaibigan ng pamangkin ang aming kapitbahay. Pero buhay nga naman, oo! Why would Armin show up when I needed it most? 

It's not like it could make up for the book that I lost. But then, okay na 'to at may magagamit ako kesa naman wala.

Lumabas na ako ng bahay matapos magpaalam. Diretso akong naglalakad nang hindi lumilingon. I can feel Armin trying to pick up my pace. I though he'd only watch me leave outside the gate but he followed closely behind me as I walked towards our house.

Sa daan ay may iilang mga taong naglalakad at ang iba naman ay may kanya-kanyang inaabala. May mga nakakasalubong akong mga kakakilala na nginingitian ko lamang kahit may plano pa sanang makipagkwentuhan sa akin. 

I just knew I had to go far away from Armin.

Kapag naabutan niya ako, baka may maisiwalat akong...

"Nagmamadali ka yata?" pansin niya.

Maybe I should try telling him everything. Maybe that will make a difference. But what does it make me?

Not long after, we're already walking side by side. I couldn't find any reason why he kept following me after handing me the book. He could've gone upstairs and returned to his usual afternoon routine instead of walking me home.

I drew a deep breath. "Yeah, obviously. So, if you'll excuse me, I need to go first." I held up the book.  "Thank you again for lending me this. Ibabalik ko ito after ng final exam." 

Sigurado akong tapos na sila sa subject na ito kaya naman kinapalan ko na ang mukha. Ibabalik ko ang libro pagkatapos mismo ng final exam.

"Wait..." agap nito nang tumalikod na ako.

I faced him again. I tilted my head, waiting for him to speak. Ilang sandali pa ang lumipas ngunit nakatitig lamang siya sa akin. I heard him let out a sigh.

I tried to put a smile on my face and said cooly, "And by the way, I like you!" I looked up at him to see him staring at me this time intensely.

Umawang ang kanyang bibig. Napakurap siya ng tatlong beses. "You're kidding."

"I'm not," matigas na tanggi ko. 

"You're kidding," he repeated.

"I said, I'm not kidding," I replied. How could he invalidate my feelings just like that?

"You are."

Why does he keep insisting that I'm not serious about this matter? Do I like I'm joking with him? Maloloka na ako sa daloy ng usapan.

A long stretch of silence came. None of us wanted to speak first.

Sa huli ay nahanap ko ang sariling boses. "Pasok na ako sa loob." Ano pang silbi na makipag-usap sa kanya eh malinaw naman na hindi niya ako sineseryoso?

"Are you free on Saturday?" agap niya.

Huh? Ang bilis!

Muli akong humarap sa kanya. "Pagkatapos ng paggawa ng presentation ng mga classmates ko sa umaga, wala naman  akong gagawin. Bakit?" 

"Can I invite you over lunch then?"

Is this finally happening? Armin's inviting me for a date?

"It's Mom's birthday and she wanted you to come over to our house, together with your parents and sister," he continued.

"Ganoon pala..." Wala na akong pakialam kong nahimigan nito ang pagkadismaya sa boses ko. Eh, iyon ang nararamdaman ko pagkatapos marinig ang totoong rason.

Nag-assume pa naman ako na date 'yon. 

"Mauna na ako. May gagawin pa ako," paalam niya at naglakad na palayo.

Wow! 

Have I been rejected? Is it a good idea that he thought I was kidding?

Ilang araw ring nanatili sa isipan ko ang huling usapan ni Armin.  At sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi ko, gusto kong sabunutan ang sarili. Why the heck did I confess?!

Pabiling-biling ako sa higaan. Niyakap ko ang unan at tiningala ang kisame. Mayamaya ay napatili ako sa sobrang frustration.

Naramdaman kong napabalikwas ng bangon si Ate Sab na nasa lower deck. 

"Ano 'yon?" angil niya. "Ang gulo mo! Kanina ka pa diyan sa taas ah."

"Sorry, Ate," mahina kong tugon. I feel sorry for disturbing her sleep. Pagod ito galing sa biyahe  tapos nadisturbo pa ito dahil sa akin.

Wala na akong narinig mula sa kanya.

For a long time, I wanted to have my own room. But thinking about Ate Sab moving out of the house in a week made me feel extremely sad. Mahabang panahon din kaming magkasama sa iisang kwarto at ang isiping hindi ko na siya makikita araw-araw ay nakakapanibago. Pero dahil kailangan ay wala rin akong magawa. Naaawa na rin ako sa kanya dahil laging pagod sa biyahe at ilang oras nalang ang nilalaan nito sa pagtulog.

"Ate, kapag ba sinabi ko sa'yo na in love na ako, hindi ka magugulat?" Hinintay ko ang sagot niya. Tanging ingay sa aircon lamang ang tunog na maririnig sa buong kwarto. "Ate?"

I sighed, thinking she has fallen asleep already. When I looked down to check on her, she was indeed asleep.

Can anyone doze off that fast?

Sa school ay panay tanong ko sa mga kaklase namin kung nakita ba nila ang nawawala kong libro ngunit ayon sa kanila wala rin silang ideya. I even went back to the library and asked the librarian whether she had seen it but she said she didn't. Nagpunta rin kasi ako doon noong araw na huling ginamit ko ang libro. 

Hindi ko rin mahagilap sa bahay. 

Saturday came and the lunch Armin was talking about was enjoyed by the people from the neighborhood. Masiglang nag-uusap-usap ang mga matatanda sa loob at ang mga bata naman ay malayang naglaro sa malapad na bakuran nina Armin. It's funny to think that only Armin and I are the only people of the same age here. Nang nakaraan, pinoproblema ko pa kung paano siya haharapin muli pagkatapos ng pag-amin ko sa kanya. Looking at him now made me think there's nothing to worry about. He didn't think I was serious when I said it so maybe I should just play with it.

"Are you using it well?" untag niya sa akin. Naupo na rin siya sa damuhan at naglaan ng konting espasyo sa pagitan namin.

Nang nakuha ang ibig sabihin ay tumango ako. "Yes. It seems like a good reference book."

"You can just simply browse the internet and it will give you all the information you need about Rizal."

Nagsalubong ang kilay ko at bumaling sa kanya. "You mean, Tiktok and Youtube?"

"I mean, reliable sites." He chuckled.

"What if I told you I prefer books more than the internet? How would you define me then?" Tinukod ko ang mga kamay sa likuran.

Napasulyap siya sa akin. "A bookworm?" 

"Nah! I used to be a bookworm. Now, I'm just a worm." Ako na mismo ang napahalakhak sa sariling banat.

"You're too beautiful for a worm," seryosong sambit nito.

Tama ba ang narinig ko? Tumikhim ito at iniwas ang tingin.

"I think you're just being meticulous about details you put in your head...and since books have been reviewed before publishing, they are indeed more reliable than the information we can find on the internet," he said after a long silence.

"Right," I replied.  I couldn't agree more. Binalik ko ang tingin sa kanya. "But I couldn't help but use the internet every now and then. Lahat na kasi ng announcement at updates sa school, pinapadaan na sa internet. But as much as possible, I limit my time in using it because mindlessly browsing the internet will eat so much of our time."

Mapakla itong tumawa. "How can I talk to you later if you don't use it often?" 

"Huh?" 

Ngumiti siya. "Kumain ka pa," abot niya sa akin ng natirang dalawang lumpia sa platong hawak niya.

Tinanggap ko iyon na hindi binabawi ang tingin sa kanya. "Thank you."

Kinuntento ko ang sarili sa panonood ng mga batang naglalaro sa damuhan. Kung pwede lang sana maging bata ulit nang hindi na ako namroroblema ng tungkol feelings ko. Tanging issue ko na lamang sa buhay ay kung paano matatalo ang mga kalaro ko sa games.

"Can I invite you?"

"For what?" inis na sagot ko. Lunch na naman ba dito sa bahay nila kasama ang madlang people sa village?

"Sa susunod na Linggo kung pwede ka. May spare ticket kasi ako ng movie ng Tomorrow's Gone."

I pointed my index finger at him and then to me. 

He nodded and leaned closer to me. "Yes. Just the two of us." Sumilay muli ang ngiti sa labi niya.

Oh. My.

I can feel the rising heat on my cheeks. I faked a cough and he was quick to give me water. My heart won't keep still. Parang minamartilyo ang dibdib ko. 

Kumalma lamang ang puso ko nang tinawag ako nina Mama at Papa dahil uuwi na raw kami. 

"See you," sabi ko sa kanya at tumayo. I guess he already took it as a confirmation that I'm going with him.

Nakangiti itong tumango at kinaway ang kamay kina Mama at Papa.

The following week feels like forever. Naging abala ako sa mga gawain sa school. Ang thesis na natapos namin last year ay hindi pa rin nasu-submit kahit na nakapag -oral defense na kaya naman iyon ang inasikaso namin dahil isa iyon sa mga requirements for graduation. Maliban doon ay  kabi-kabila din ang reporting at paggawa ng mga additional requirements.

Saturday came. Sinundo ako ni Armin sa bahay. Wala namang problema kina Mama at Papa. May tiwala naman sila kay Armin. 

I was surprised that it's not just the two of us. Kuya Ariel drove us to the mall and even joined us inside the theater house. 

"Hindi ko alam, kasama pala ang kapatid mo," bulong ko kay Armin at sinabayan ng ngisi. Pero ang totoo? Ano bang trip nitong dalawa? Umupo si Kuya Ariel sa bandang unahan. Gusto yatang mapag-isa.

"I'm sorry. Galing lang sa break-up at gustong manira ng araw ng iba," he said as if that was meant to appease me. 

Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. "I see. He must be hurting right now."

"Pero kung gusto mo, okay lang naman na tayong dalawa lang. Itaboy na natin siya palabas rito," he suggested.

"Ano?" Hindi pwede! Dapat kasama si Kuya Ariel. What would people think if they see us going out together?" nagtunog defensive pa yata ako. Gusto kong sikilin ang sarili sa pagiging praning!

Bakit ngayon ko lang naisip 'to? Dapat last week pa. Excited ako sa ideya na magde-date kaming dalawa ni Armin ni wala naman siyang sinabi na date nga ito! I just assumed it was to make me feel good about us getting closer again after many years.

"Oh okay," sagot niya at tinutok nalang ang mga mata sa screen dahil mag-uumpisa na ang pelikula. "You're being overly sensitive for someone who said she likes me."

"I was just kidding when I said it before," pagdadahilan ko.

"Yes, you were."

Napabuntong-hininga ako at kinalma na lamang ang sarili. Mapaghahalataan na ako nitong may gusto sa kanya. 

Pero umamin na ako! May gusto nga ako sa kanya. Hindi niya lang tinanggap at pinaniwalaan. 

At ngayon, binawi ko na naman dahil hinihingi ng sitwasyon. Biglang ayaw ko na malaman niya na totoo ang nararamdaman ko. 

Natapos ang mahigit ang dalawang oras na panonood na hati ang atensyon ko. 

Hanggang sa pagkain sa restaurant ay nakabuntot sa amin si Kuya Ariel. Pumwesto ito sa mesa sa di-kalayuan, tahimik na nakatanaw sa malayo. Ganito ba talaga masaktan ang mga lalaki? Akala ko ba ang mga babae lang ang ganoon.

"Will Kuya Ariel be okay?" tanong ko kay Armin. Saglit akong sumulyap sa lalake.

Napahinto sa pagkain si Armin. "He will be fine. Kailangan lamang niyang mapag-isa sa ngayon."

"Ganoon ba talaga masaktan ang mga lalake?"

Namayani ang katahimikan. Tumikhim ito bago sumagot. "Kapag nagmahal sila ng sobra at nasaktan sa huli, siguro ganoon nga."

"Were you like that when you and Via broke up?" I asked bravely. 

"We were never a couple."

"Really?" I blurted out. "I mean, everyone believed you were a power couple in high school."

"That's what everyone thought, but that wasn't the case. In short, no courtship and no breakup that happened. We never ever went on a date...like this."

So, this is a date? 

Kumunot ang noo ko. 

Napabuntong-hininga siya. "Kung iniisip mo iyong sa bahay, maging ako ay nagulat din noong inanunsyo niya sa lahat na kami na. Nagalit ako sa kanya. She just assumed that I had feelings for her so she did that. Sa huli, ay nag-sorry din siya. And all I could do was ignore the issue. I didn't let it affect me. But it did...because after that day, it felt like like you're keeping a distance from me. We're not close anymore like we used to."

I felt bad. Iyon nga ang ginawa ko noon. Nakagat ko ang ibabang labi. Hindi ko naman maikakailang nagulat ako sa mga sinabi niya. Everything was just too much to take, but I'm relieved. I don't know why.

Ngumiti ako sa kanya. "Kung magmahal ka man,  wag namang sumobra. Dapat sakto lang," payo ko sa kanya. Sumulyap ako kay Kuya Ariel bago binalik ang mga mata sa kanya.

Napahinto siya sa pagkain. "Hindi ko maipapangakong sakto lang at hindi ko naman masisigurong hindi ako masasaktan pero kung ikaw ang taong pag-alalayan niyon, it will all be worth it," madamdaming sabi niya. 

"Armin..."

Biglang sumeryoso ang mukha nito. "Kapag ba sinabi kong gustong-gusto kita, maniniwala ka?" Nakatingin ito ng diretso sa aking mga mata. 

Nawala na ang atensyon ko sa pagkaing nasa aming harap. Nakipagtitigan na rin ako sa kanya. 

"You're kidding," I said. It was too good to be true. 

He smiled bitterly. "I'm not."

"Let's get out of here!" mabilis na utos ni Kuya Ariel sa amin. Nilingon ko siya at nakita ang panlilisik ng kanyang mga mata sa sobrang galit. I suddenly wonder what went wrong. That last time I checked, he was just sitting peacefully at the corner of the restaurant. 

Agad kaming napatayo at nag-ayos kahit hindi pa nauubos ang pagkain. Sumunod kami kay Kuya Ariel palabas ng mall. 

Doon na lamang nagpaliwanag si Kuya Ariel nang nasa loob na kami ng sasakyan. Humingi ito ng paumanhin sa aming dalawa ni Amrin lalung-lalo na sa akin. Nakita niya ang ex-girlfriend nito kasama ang bagong kasintahan na kaibigan rin niya mismo. Si Kuya Ariel na lamang ang umiwas dahil hindi niya masisigurong ayos lamang ang pagtanggap niya sa bagay na iyon gayong nasaksihan ng kanyang mga mata ang pagtatraydor ng kaibigan at ang dating kasintahan.

"Pasensya na sa nangyari," si Armin nang papasok kami ng bahay. Okay lang naman na hanggang sa labas lamang niya ako ihatid pero sinamahan pa rin niya hanggang sa loob. "I didn't expect it would turn out like that." 

"Huwag mo nalang isipin iyon. May susunod pa naman." Oh, shit! Huli na para mabawi.

He chuckled. Then he reached for my cheek and lightly pinched it. Napangiwi ako sa ginawa niya. "I hope there's still next time."

Narinig namin ang paglabas ni Mama ng kusina at sunod naman ay si Papa. Pagkatapos ng kamustahan ng aming gala ay umuwi na rin si Armin.

Pagkatapos ng araw na iyon, hindi na kami nagkita ni Armin. He was getting busy with his school work and I was also occupied with many reports. Nataon kasi na laging last reporter ako palagi at inaasahan kong hindi maabutan ngunit natapos agad ang mga nauna sa akin kaya natambakan ako ng mga gawain ngayon na dapat noon ko pa ginawa.

Kakatapos lang ng report ko sa Rizal. Hawak ang libro, nilagyan ko ng bookmark ang pahina na babasahin ko mamaya. Isasauli ko na agad ito pagkatapos ng exam next week. 

"Ano iyang nahulog, Selah?" tanong ni Ashley, nagtataka. Nakatuon ang mga nito sa paanan ko. 

"Huh?"

"It looks like an envelope." Mabilis kong hinanap ang tinutukoy at tama nga! Isa iyong maliit na envelope.

Agad kong pinulot iyon. Naiwan siguro ng kaklase namin. It wasn't an ordinary envelope. Halatang pinag-isipan ang pagkagawa no'n at ang bango pa. 

I flipped it and to my surprise, I saw my name written on the back.

To: Selah

"Saan galing ito?" tanong ko. Ayokong maniwalang para sa akin iyon.

"Nahulog mula diyan sa libro mo," sagot ni Ashley na tila siguradong-sigurado. Sa pagkakilala ko sa kanya ay hindi naman nito ugaling magsinungaling.

"Sigurado ka?" Imposibleng para sa akin ito. Kanino naman galing kung ganoon na. Ako lang naman ang may hawak ng libro mula noong hiniram ko kay...

"Baka may inipit diyan ang may-ari ng libro at nakalimutan lang nang nagpahiram sa'yo,"  she tried to guess. "And by the way, kanino pala iyang librong ginagamit mo? Parang iba naman yata 'yan doon  sa una mong ginagamit?" tukoy nito sa Rizal book na hawak ko. 

"Sa kakilala ko..." Hindi ko maamin na galing kay Armin. 

"Ah. Sa kapatid ng kaibigan ng pamangkin ng kapitbahay niyo?" pang-aasar nito.

"Sa kapitbahay," sabi ko at sinabayan ng ngisi. 

"Hmmm. Okay." Tumango-tango ito.

Lihim akong nagpasalamat na hindi na siya nag-usisa pa kung sinong kapitbahay at hindi rin niya inalam ang laman ng sulat. 

Hanggang sa pag-uwi ay iyon ang nasa isip ko. Hindi ko naman masabing naligaw lamang ang envelope na iyon. Wala akong alam na kaparehas ko ng pangalan. Nasisiguro kong para sa akin nga iyon! At ang malaking katanungan ko ay bakit ako bibigyan ng ganoon? 

May nagpapadala pa rin ba ng sulat sa panahong ito?

Hindi na ako makapaghintay na makarating sa bahay kaya't habang naglalakad ako papasok ng village ay mabilis kong kinuha ang libro sa bag at hinanap ang nakaipit na sulat doon.

Nang mapasakamay na ay binuksan ko iyon at pinasadahan ng tingin ang sulat. Sa nanginginig na kamay ay binasa ko ang bawat salitang nakasulat doon.

Dear Selah,

By the time you read this, I hope I have confessed my feelings to you personally but if I haven't, I hope my words here would be enough to make you understand how I feel about you.

I have loved you ever since, Selah. I hope I'd be man enough to admit this in person but if anything happens and if my words don't sound right when I say it, please understand. My mind gets disheveled when you're near. You know, as soon as I finished this letter, I have wasted so much paper trying to get my message across and I'm sure you're raising your eyebrow right now.

But one thing is for sure... I love you and, I'm not kidding around. 

He's right. I'm still raising my eyebrow up until this part. But who cares? I get the message and I understand how he feels because I also feel the same way about him. At hindi ko na dapat tanungin kung sino ang nagpadala no'n.

I squeezed the letter again inside the envelope and stuck it inside the book. Just when I shifted my gaze to the path I'm walking to enter the village, I saw Armin rushing towards me, holding the book...the one I lost.

Hinihingal pa ito nang makalapit sa akin. He took something in between the pages and raised it before me. 

"This!" he said, smiling. "I have read it." Tukoy niya sa sulat na nakapaloob doon.

Napaawang ang bibig ko. "Paanong napunta sa'yo yan?" bulalas ko. Why would he be the one to read it of all the people? 

Para naman talaga sa kanya 'yon, kaya wala akong dapat ipangamba. Pero kahit na...

"Isn't it meant for me?" nakangising tugon niya.

"Oo. Pero wala akong planong ipabasa sa'yo yan..." But it's too late. Nabasa na niya.

"So, balak mong itago na lamang ito sa akin?" tanong niya.

"I told you my feelings, moron! Hindi ka naniwala. Mas pinili mo pang paniwalaan ang sulat na iyan kaysa sa inamin ko sa'yo noon."

Kumunot ang noo nito. "Can you blame me? You would always tell me you like me before but you would always take it back as soon as you said it." 

At naalala ko nga ang lahat ng mga pagkakataong iyon. I was scared, and young to commit for something so serious. Takot akong marinig ang maaring isasagot niya at dahil bata pa kami ay hindi rin ako sigurado sa nararamdaman ko noon. I thought it was just young love and it would never flourish. Pero ngayon...malinaw na sa akin ang lahat. After all these years, it is still Armin that my heart is beating to.

"Lagi mong sinasabing biro iyon kaya hindi ko rin masabi-sabi ang nararamdaman ko sa'yo. Paano ko masasabi sa'yo kung pinangunahan mo na ako na wala ka naman palang damdamin para sa akin?" dagdag pa nito. Umiling-iling ito. "Pero hindi kita sinisisi, Selah. Dapat inamin ko pa rin sa'yo noon kahit ano pa ang magiging tugon mo. I know you have your reasons. Sinabi mo na ditong lahat sa sulat. What else can you hide from me?"

Nag-init ang pisngi ko. I hope my words never went overboard.

"I didn't know you could never write a romantic letter, Armin!" pambubuko ko sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata. Akala siguro nito ay hindi ko pa nababasa ang sulat na kalakip ng librong hiniram ko. "Para kang aligaga sa sulat mo. Ikaw ba talaga ang kilala kong journalist in the future?"

"I can write a proper letter if given so much time," he reasoned out and slightly bowed his head.

Humalakhak ako. "Kaya ba natagalan ka bago nakababa noong nanghiram ako ng libro sa inyo?" mabagal ngunit may diin kong sabi. "Dahil nagsusulat ka pa?"

Tumango ito at nakangiting tumingin sa akin. "Ang hirap magsulat kapag gahol sa oras." Ngumisi ito. Humakbang siya palapit sa akin at dumulas ang kamay niya sa braso ko at hinawakan ang kamay ko. "Ayaw mo mang paniwalaan pero lahat ng sinabi ko noong lumabas tayo ay totoo, Selah. Let me love you the best way I know. Of course, in a healthy way."

I sighed and smiled at him. "How in the world did you get that book?" tanong ko sabay nguso sa librong hawak niya sa kaliwang kamay.

"Ashley gave it to me a day after you borrowed my book. I could have given it to you sooner but I purposefully hid it so you can use mine instead. I wanted you to find the letter but it took you so long. Tapos kanina lang, naisipan kong ibalik na sa'yo ngunit may nahulog na sulat," paliwanag niya. Sa mga mata nito ay nakita ko ang kasabikan doon. He wanted me to read it so I could get to know his feelings about me. "Nabasa ko ang lahat. Umamin naman ako sa'yo pero inakala mong hindi ako seryoso."

"I'm sorry. Katulad mo, hindi rin ako nakumbinsi nang nagtapat ka sa akin. I thought you were kidding all along."

"And...we needed these letters so we could let each other know how we feel for each other. Damn."  Mahina itong tumawa at saka umiling-iling. 

And... Ashley could lie. But it was the best lie, ever!

Natawa na rin ako sa sitwasyon. It looked so weird. But then, what's important is that it succeeded in any way. 

"You're going, aren't you?" Ito ba ang rason bakit naging biglaan ang lahat ng ito? Sumulyap ulit siya sa akin. May pagtataka sa kanyang ekspresyon. "Abroad."

Mahina siyang tumango. "I have plans, Selah. Malabo pa ang ilan sa mga iyon ngayon. Hindi ako sigurado sa mga mangyayari pagkatapos ng graduation. Pero isa lang ang masasabi ko, I love you, Selah. That, I'm sure," he softly said.

"I love you, too, Armin. And I'm not kidding," sabi ko na hindi bumibitaw ng tingin sa kanya. Sumungaw ang ngiti na halatang pinipigilan.

Napalunok ako.  I smiled at him in the midst of the uncertainties. He pulled me closer to him and put my head against his chest. 

"Let's face the uncertainties..." naisatinig niya at naramdaman ko ang mababaw na paghalik niya sa bumbuman ko, "...together."

I smiled. "Natatakot ako, Armin. I have so much fear in life right now. But I'm ready...." I whispered. "I'm ready to be scared with you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro