Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

E P I L O G U E

Enjoy the epilogue guys, alam kong bitin masyado pero sana basahin hanggang huli <3 Thank youuu!

Epilogue


I never saw it will happen. Hindi ko inakala na matagal ko na pala siyang nakakasama, nakikita pero wala akong ideya na tama pala 'yong sinabi sa akin ni Anja na iisa lang pala silang lahat. Si Bae ay si Richard at si Richard ay mismong si Alden din. Hindi ako makapaniwala, tuloy tuloy lang pag-agos nang luha ko noon dahil akala ko magkakaharap na kami, makakasama ko na siya, hindi pa pala.

Si Alden na hinanap ko ay nakakausap ko na pala bilang Bae at nakasama ko na bilang Richard. Ang daming pangyayari na hindi ko inaasahan, naiiyak na lang ako sa tuwing maaalala ko 'yong sinabi niya sa akin na hindi pa ito ang tamang panahon para sa aming dalawa.

Hanggang kailan nga ba ako maghihintay para sa sinasabi niyang tamang panahon?

Kung hindi ko pa sana makikita ang picture niya noong kabataan niya, hindi ko pa makikilala na iisa lang pala pero nakakapagtaka lang dahil nawala 'yong peklat sa tabi nang mata niya? Kaya sinasabi ko noon na imposible talaga ang mga sinasabi ni Anja sa akin pero napatunayan ko 'yon nang makaharap ko siya.

Ang tagal na pala, wala lang akong alam. Ang tanga tanga ko dahil hindi ko rin naisip 'yon.

Nasasayangan ako sa mga pagkakataong iyon. Sa limang buwan na tinagal ko dito, kung kailan huli na ang lahat doon ko pa nalaman na siya na pala 'yon.

Na nakita ko na pala si Alden...

Siguro nga dahil nakalimutan ko ang mukha niya noon, hindi ko makita sa ngayon na iisa lang pala sila ni Richard pero ayun nga, sa dimples doon nagkakapare-pareho pero hindi ko pa rin inisip na iisa lang sila dahil alam naman nating kahit sino naman mayroong dimples kaya hindi ko inisip 'yon.

At 'yong sasabihin pala sa akin dapat ni Klass noon ay tungkol kay Alden.

Ayun, nabasa niya pala sa magazine na binili niya noon na ang tunay palang pangalan ni Richard ay Alden Henderson. May mali din kasi ako, wala akong pake kung ano mang sabihin nila tungkol sa mga artista na 'yan pero sa kanila rin pala manggagaling kung ano ba dapat kong malaman. Nagulat din si Anja nang malaman kaya nang malaman niyang iisa nga lang ang taong hinahanap ko, hindi siya makapaniwala.

Hindi niya inakala na gwapo pala si Alden, loko loko pero totoo naman, hindi ko inakala na magiging sikat na artista at model pala si Alden. Masyado kasi siyang minamaliit noon pero ngayon na tinitingala na siya, hindi pa rin siya nagbabago. 'Yon nga lang eh nagbago ang pakikitungo niya sa akin.

Masakit nang umalis na lang siya bigla dahil hindi pa raw ito ang tamang panahon. Pinilit ko siyang sundan pero walang bakas ng Alden. Tinataguan niya ako kasi hindi pa siya handa? Ako? Handa nga ba talaga ako no'ng nakita ko siya? Bakit ako nasaktan nang umalis na siya bigla?

Sa loob ba naman kasi ng pitong taon, sino bang ayaw na makita ang taong matagal mo nang hinahanap.

Nagliligpit ako nang mga gamit ko nang may kumatok bigla sa pinto. Napatitig pa ako dahil wala naman akong inaasahan na bisita kaya dahan dahan naman akong naglakad papunta doon. Wala namang bumungad na tao sa akin kundi pagyuko ko ay doon ko nakita ang isang box, kinuha ko naman iyon at binuksan pagpasok sa loob ng unit.

Napabuntong hininga na lang ako nang makita kong puro papel ang laman nito, at gusto ko nang maiyak dahil nandito lahat ng sulat ni Alden sa akin simula no'ng una kaming mag-usap. Bumalik lahat ng alaala ko habang binabasa ko ang lahat ng iyo. Hindi na napigilan na tumulo ng mga luha ko dahil sa lungkot na nadarama ko hanggat sa basahin ko na ang huling sulat.

Napakunot ang noo ko dahil hindi matandaan ang huling sulat na iyon.

'Maine, mag-iingat ka, 'wag mong hayaan na balutin ka ng kalungkutan. Tatandaan mo, nasa tamang panahon ang lahat. 'Wag ka mag-aalala, babalik ako para sayo. Maine Alvarez, hihintayin din kita sa tamang panahon.'

Napatingala na lamang ako at pinunasan ko ang mga luha ko. At pinilit kong ngumiti na lang din.

Gaya nga ng sabi mo Alden, magkikita pa tayo.

Magkikita tayo sa tamang panahon.

Hihintayin kita Alden kapag handa na tayo.

Sayang lang hindi mo narinig ang gusto kong sabihin sayo.

Na gusto kita matagal na, Alden.

Kapag nagkita sana tayo, huwag mo na ulit akong tatakbuhan.

Masakit maiwan eh.

See you soon, Alden Henderson. Tamang panahon na lang ang hihintayin ko.

Nagmamahal,

Maine Alvarez.

--END OF BOOK 1--


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro