Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9

Hanggang kailan nga ba?


Pagkauwi ko sa condo ay humilata kaagad ako sa kama. Ewan! Mas napagod ata ako sa kakatayo eh, 'yong enjoyment nando'n naman sa akin pero nakakaasar lang dahil 'yong kaisa-isang model na kilala ko, kahit kakaunti lang ay hindi ko pa nakita in personal. Richard Howerdson is good looking person, yeah siguro wala lang talaga akong pekalam no'ng pinakita siya ni Klass noon peor when I stare at him, gwapo talaga siya. Paano na lang kaya kung personal?

Now I regret everything! Ugh.

Bago pa tuluyang bumigay ang mga mata ko sa antok at pagod ay dumiretsyo muna ako sa terrace, its 12am in the midnight na naman baka malay mo may sagot na siya sa akin. Pero hindi ko alam kung madi-disappoint ba ako o hindi dahil wala pa rin siyang response. Ang dami tuloy pumapasok sa isip ko, baka nga nagsasawa na siya at ayaw na niyang replayan ang mga tanong ko dahil nonsense naman ang lahat ng 'yon pero to think of it, may kakaibang feeling akong nararamdaman.

I don't see his face pero there is a strong connection between us. I don't know why, maybe anytime soon, malalaman ko rin.

Bumalik na rin ako sa kwarto ko, nagpalit ng damit at natulog na, hindi ko kinaya ang pagod! Haha.

****

I woke up in a call from mom and dad. Tinatanong lang nila kung kamusta na ang schools ko, and I said it was okay. Nakakapag-adjust din naman ako dahil nandiyan naman si Anja at hindi ako na-o-op kapag may group activities, kasura nyay. Sinabi rin ni mama na gustong pumunta ni lola dito sa condo ko, masaya ako dahil may makakasama ako pero for a bit time lang daw. Saglit lang dahil nami-miss daw kasi ako ni lola kaya ayun.

Bumangon naman. Sunday. Walang pasok kaya hayahay ako ngayon. Kinuha ko naman ang cereals sa taas ng ref at binuhusan ng gatas saka ako pumunta sa terrace. Nakita ko na naman 'yong babaeng simula nang mapahiya siya sa akin, lagi na niya akong tinatarayan.

Sorry naman, uyy! Masyado kasi siyang assuming eh kaya ayan, akala niya for her ang paper message ko na hindi niya alam sa-

"Oh. My. Gahd." Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Agad kong binaba ang hawak kong bowl at binasa ko talaga ng maiigi kung anong nakasulat doon.

"Hoy! Anong ginagawa mo? Magpapakahulog ka ba?!" biglang salita no'ng babaeng nasa harapan kong unit. Nasa baba niya kasi ang unit no'n kaya kailangan ko talagang titigan para lang mabasa. Medyo magulo lang ang handwriting niya pero it is an effort. Nag-effort siyang magreply pa.

Shems!

Umiling naman ako, "nevermind me girl!" sabi ko naman sa kanya.

At sinabihan akong, "whatever girl!" at pumasok siya sa loob. At binaling ko ulit ang atensyon doon sa papel na nakadikit sa terrace ni mystery guy.

'Kasi habang umiikot ka sa utak ko, bumabaon ka naman sa puso ko <3'

Halos mangalumpasay ako sa sobrang kilig. Hindi ko alam pero tuwang tuwa akong malaman na isang malaking banat nga iyon! So much affected ako ngayon dahil sa sobrang kilig, atleast kahit papaano ay nabawi 'yong disappointment ko kagabi at ngayon, 'yong ilang araw at gabi kong hinintay response niya, halos hindi ko na mapigilan 'yong kilig na nararamdaman ko.

Iba na talaga 'yong tama ko dito!

Kung nagkikita o nagkakasalubong na kami palabas pasok dito sa condo, bakit ayaw niya pang magpakilala sa akin? Kung nakita ko na siya noon, bakit hindi? Still, hindi ko naman kasi kilala kung sino 'yon basta ang nakita ko lang noon ay dalawang lalaki na mukhang magkaibigan. Hindi ako nagco-conclude na bading sila dahil mukhang hindi naman.

Sana makilala na kita, o maghihintay din ako ng tamang panahon katulad kay Alden?

Hindi ko na nakain 'yong breakfast ko dahil umaaasa ako na lumabas siya ng terrace at matsempuhan ko siya at magkatitigan eyes to eyes. Oo, ang assumera ko na pero still umaasa ako eh.

Bumaba na lang din ako ng condo at pumunta sa starbucks, as usual naging tambayan ko na rin siya every morning kapag walang pasok.

"Maine!" and when someone call my name, napatingin kaagad ako doon and I saw Alexander.

"I'm sorry," sabi sa akin ng isang lalaki na nabunggo ako. Ewan ko, bigla akong nanlamig sa boses niya. Hindi ko kasi siya napansin, nakatingin kasi ako kay Alexander kaya hindi ko siya napansin. Sorry naman, uyy!

"Maine, come!" lumapit ako kay Alexander. "Morning," bati nito ng makaupo ako sa harapang silya niya.

Nginitian ko naman siya, "morning din, Alexander."

"How's your weekend?" tanong naman nito sa akin.

"Masaya, kagabi kasi pumunta kami sa isang event."

"Event?" ulit na tanong pa ni Alexander sa akin kaya naman tumango ako. "Did you come there?"

"Oo, bakit?" taka ko pang tanong sa kanya at nang maalala ko noong nakaraan ay may nalaglag siyang brochure, "oh! Ikaw din diba, nandoon ka?"

"Ha?!" ewan ko pero biglang nagbago ang expression ng mukha niya, nagulat siya na ewan sa sinabi ko.

"Kasi noong nakaraan, may nahulog kang brochure about doon. Sayang di tayo nagkita." Nguso ko pa.

"You didn't see me?" ayan medyo nawala na 'yong gulat effect niya kanina nang sabihin ko 'yon. Ano bang nakakagulat sa sinasabi ko, ha? Kaloka 'to si Alexander. "Ah oo, hindi kasi ako tumuloy doon kagabi." Sabi pa nito sa akin.

Napatango na lang din ako sa kanya, "sayang naman kung gano'n pero alam mo ba! Nakakaasar dahil 'yong kaisa-isang model na kilala ko do'n, siya pa 'yong hindi ko nakita, kainis!" paghalukipkip ko pa. Pagnatatandaan ko 'yon, dapat talaga pinigilan ako nila Anja at Klass eh! Sayang talaga huhu, Richard.

"S-sinong model naman?" he stuttered. What the-nasobrahan na ata sa kape si Alexander kaya kinakabahan ng ganito pero don't mind it.

"Richard." Ngiti ko pa. "Richard Howerdson."

"Him?" tanong pa nito sa akin. I can see the frown on his faces, hindi ko alam kung bakit. Natatawa na lang din ako sa reaksyon niya.

I nodded, "oo siya, no'ng time kasi na sila na 'yong rarampa nag-cr ako. Tapos no'ng patapos naman daw, lumabas ulit siya kaso hindi ko na nakita dahil lumabas na rin ako ng arena at hinintay sila sa labas." Kwento ko pa sa kanya.

I can the see relief of his face when I said those words.

"May problema ba, Alexander?" taka kong tanong sa kanya. "Parang hindi ka kasi komportable eh, may kasama ka ba?"

"Ah, coffee or frappe? I'll treat you."

"Frappe na lang," sagot ko naman sa kanya. Ayos makapag change topic si Alexander ah! Ang bilis.

Tumayo naman siya at naiwan ako sa kinauupuan ko. Ilang saglit lang din ay bumalik siya sa akin at inabot niya ang frappe na nilibre niya sa akin.

"Thanks," ngiti ko pa.

"Oh! Alex! Pwedeng pa-picture," napatingin naman ako doon sa dalawang babaeng biglang lumapit at tinawag ang pangalan ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Si Alexander. Titig na titig ang dalawang babae kay Alexander, napatingin naman ako kay Alexander at nginitian niya rin ako.

"Okay, sure," aniya at nagpa-picture sa kanya ang dalawang babae.

"Shet! Ang hot talaga!" sabi no'ng isang babae with haplos pa sa abs ni Alexander. Kaasar ah! Nag-uusap kaming dalawa eh, pero I enjoy watching the scene while sipping my frappe. And when the two girls, moved out.

Nakahinga ng maluwag si Alexander at doon ko hindi napagilan matawa ng mahina sa kanya.

"Why? Why are you laughing?" he asked.

I shook my head, "wala, ang dami palang naghahabol sayo eh!" ngisi ko pa.

"Tss, hindi naman." Pahumble niya pa.

"Pero seriously, artista ka ba talaga or sikat na... basta, gano'n, kasi everytime I see you, may mga nagpapapicture sayo at autograph kaya hindi nawawala sa isip ko nab aka ikaw 'yong artista na tinutukoy ng mga kaibigan ko na nakatira sa condo, ikaw ba 'yon?" tanong ko pa.

And if he was, sigurong hindi na ako tatantananan nila Klass. Adik pa naman sa mga artista 'yon, lalo na kay Richard!

Pero tinawanan niya lang din ang mahabang sinabi ko sa kanya. Kaasar.

"No, hindi ako sikat, ano ka ba Maine. Gwapo lang talaga ako kaya lapitin ng mga babae," kindat pa nito sa akin. Umarte akong tinangay ng hangin kaya nagtawanan na lang kaming dalawa. "May gagawin ka ba ngayon?" tanong pa nito sa akin

I shook my head, "wala naman, ikaw?"

"Yeah, busy nga eh." Aniya pa. "Sasamahan ko pa 'yong kaibigan ko mamaya sa..." and he looks at me, "basta, aalis kami mamaya."

"Ah," sagot ko na lang sa kanya. "Can I meet him too?" ngiti ko pa sa kanya.

Pero dahan dahan niya akong inilingan, "I can't promise that dahil gaya ko, mas busy pa siya sa akin. Kaya ngayon, nandito pa ako pero siya kanina pa umalis."

"Ah gano'n, sayang naman."

"Siguro may tamang panahon para magkakilala kayo, busy lang talaga kasi siya ngayon." Paliwanag naman ni Alexander sa akin.

"Okay lang, I can wait naman. Nasa kabilang building ka lang naman eh." Sabi ko pa sa kanya.

"Yeah, right." Aniya.

Sanay naman kasi akong maghintay. Sanay naman kasi akong umasa. Alam kong darating 'yong tamang panahon sa lahat ng ito, siguro ng it is not the right time para sa lahat. Lahat na lang kasi kailangan ng oras, ng panahon para sa mga bagay bagay na 'yon.

I understand everything, and I can wait until it happen to me.

Nag-usap pa kaming dalawa ni Alexander. Alexader Monterde is his full name at ayaw naman niyang sabihin sa akin kung anong work nila, its private daw pero nang sabihin kong macho dancer. Um-oo naman siya! Baliw lang! Mayamaya lang din ay natigil ang tawanan namin dahil may biglang tumawag sa phone niya.

"Oh, sige na, ngayon na ba? Okay, I'll go ahead." Aniya at bumaling naman sa akin. "Beatsmode na 'tong kaibigan ko, Maine eh. Next time na lang, wait, can I have your number?" he ask.

"Sure," at binigay ko naman syempre.

May ka-textmate na rin akong gwapo, shems!

"I'll go first, thanks for the chill, Maine." He smiles and hugged me.

"Thank you din, Alexander. Next time ulit," sabi ko pa.

"Next time will do," aniya at lumabas na siya ng starbucks.

"Bagong loveteam na ba ito?" biglang bumungad sa harapan ko ang waiter na minsan nang kumausap sa akin. Naupo pa siya sa kinauupuan kanina ni Alexander. "De joke lang pero kanina ko pa kayo tinitingnan, you're so cute together." Aniya.

Nayamot naman ako sa sinabi niya, "ano k aba, 'wag ka ngang ganyan. Magkaibigan lang kami ni Alexander kaya 'wag kang gagawa-gawa ng loveteam, baliw." Tawa ko pa sa kanya.

Nagkibit balikat naman siya, "natutuwa lang talaga ako kapag magkasama kayo but then, I wasn't supposed to talk to any customer right now." Aniya, "sige babalik na ako!"

Pero pinigilan ko naman siya, "saglit lang, pwede?"

Tumango naman siya, yakap yakap ang tray. "Ano 'yon?"

"May customer na ba ditong pumunta na pangalan ay Alden?" tanong ko sa kanya.

Napakunot noo naman siya sa tanong ko, "'yong bata ba?"

Napailing naman ako sa kanya, "hindi," ide-describe ko sana si Alden sa kanya pero hindi ko alam kung anong histura niya kaya naman wala akong nasabi.

"Kung noon pa man 'yon, wala akong matandaan eh. Pero may isa akong kilalang Alden." Aniya pa.

"Oh, shut up." Sabi ko sa kanya. "I must be the one na makakita sa kanya, sige na bumalik ka na sa work mo." Ngiti ko pa sa kanya.

Tumatango-tango lang siyang bumalik doon sa place niya. Ide-describe ko sana 'yong medyo chubby na Alden, 'yong dimples nito sa left cheek at 'yong peklat nito sa gilid ng mata niya pero malay mo kasi, iba na siya ngayon eh.

Baka nga hindi na siya mataba, mapahiya lang ako.

Gaya nga ng sab ko kanina, I must be the one na umalam at mahanap siya ngayon.

2012 pa lang ngayon, hanggang kailan ko hihintayin 'yong tamang panahon na 'yon, ha? Minsan nakakawalang pag-asa na pero kailangan dahil iyon lang ang greater chance ko para makita ko siya, ulit.

Bumalik na naman ako sa unit ko. Tinawagan ako ni Anja kung nagawa ko na daw ba 'yong mga pinapagawa sa akin, at nagawa ko na naman. Nagpalipas ako ng oras ko sa panonood ng tv hanggat sa nakatulog ako at nagising ng bandang hapon.

Tunay ngang napakaboring kapag mag-isa ka lang. Hindi ko alam kung kailan pupunta si lola dito eh baka medyo matagal tagal pa. Busy pa sila mom at dad sa work nila.

Kinuha ko naman ang papel at pentel pen at tumungo sa terrace. Magsusulat pa lang sana ako ng makita kong may panibagong papel na nakadikit doon.

'You seems happy today, and sorry for waiting my response. Kinda busy. ;)'

Halos magunaw ako sa nabasa ko. Hindi pa niya inaalis 'yong isang papel doon na nakasulat ang banat niya, halos mangiyak ngiyak ako sa tuwa hindi ko alam. Masaya nga talaga ako ngayon.

Masaya ako ngayon, nawala 'yong pagkabagot ko. Thank you sayo :).


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro