Chapter 8
Chapter 8
The night of excitement
This night, mangyayari na 'yong show nang isang clothing brand na sikat sa pilipinas. At mas nasasabik si Anja dahil makakakita na naman siya ng mga models na suot lang ay ang underwear at ang mga nakakapaso nilang abs. Wow! Flaming abs! She's been attending yearly sa ganitong event, siya nagsabi no'n and kahit Cosmo ay pinupuntahan niya rin. Wala siyang pinapalampas ni kahit isa. Tapos ngayon daw, mga bigatin and newly faces and mga nasa show and still I have no idea who they are pero isa lang ang nakikilala ko, si Richard Howerdchuchu haha, still not memorize the last name. Sorry naman, uyy!
Been busy rin this week dahil ang dami agad pinagawa sa akin kaya ngayon, I just want to enjoy the night kahit mukhang si Anja lang naman ang mag-eenjoy eh. Sabi rin niya na dadaanan niya ako bago kami tumuloy sa MOA Arena kung saan gaganapin ang event.
Hindi ko na rin nakakausap sila Des at Klass dahil alam kong ine-enjoy pa rin nila ang vacation nila, kaya no'ng sinabi ko kay Anja na ibibigay ko na lang kay Klass ang ticket na 'yon dahil alam kong fan na fan siya no'ng Richard pero ayaw niya dahil para sa akin daw 'yon, kung meron daw siyang extra ticket, why not?
By 5pm ay nandito na dapat si Anja. Nagpapalipas na lang din ako ng oras dito sa starbucks sa labas ng condo. Hindi ko alam kung anong mangyayari mamaya sa show na 'yon dahil I've never heard of it before at hindi pa ako nakakakita as in nang mga 'yon, medyo nabigla pa nga ako ng sabihin niyang most of it daw ay mga naka-underwears and two piece daw ang suot ng mga models. Kaasar si Anja dahil gustong gusto pa!
Kung may gwapo naman, bakit hindi! Chos!
Hindi ko na rin nakakausap si Alexander lately after no'ng coffee chill naming dalawa, naging busy na siya. I don't know kaya ayun makikita ko lang siya kapag pinagkakaguluhan. I still don't have any idea of him, basta he was a good friends of mine.
Yeah, friend dahil iyon din ang sinabi niya. Ilang beses na rin kasi kami nagkaka-encounter kaya ayun, naging magkaibigan na rin kami.
At ilang araw at gabi na rin ako umaaasa na may reply na si mystery guy from the other unit sa akin tanong kong bakit. Kasi after that night, and morning comes. Halos hindi ako mapakali dahil alam kong banat 'yong tanong niyang iyon or nanghihiram lang siya ng screwdriver? Kaloka!
Pero still, I'm waiting for his reply about that thing. Napapaisip nga ako kung bakit pero ni isang katiting na banat doon, wala akong maisip.
"Sir Aiden?" namintig ang tenga ko nang marinig ko ang pangalang iyon. Tiningnan ko kaagad 'yong waiter na may dalang tray na may cheesecake and frappe.
"Me!" and when someone shout, napatingin naman ako doon. Isang batang, siguro nasa walong taon ang tumawag sa pansin ng waiter na iyon.
"Sir Aiden?"
Ow-namilog ang bibig ko nang maintindihan ko ang pangalan. He pronounce it like Ayden na dapat Eyden. Masyado lang din sigurong pumapasok sa isip ko ang pangalan ni Alden kaya akala ko nandito siya sa paligid ko. Watching over me.
Oo nga, paano kaya 'yon? Alam na niyang nandito ako pero siya 'yong hindi nagpapakita sa akin or may chance din na hindi na namin kilala ang isa't isa sa mukha at pangalan kaya ngayon hindi namin mahanap 'yong right way para magkita kaming dalawa. 'Yong tipong, hinahanap na namin 'yong pathway for the time na magkikita kami pero may isa na pala sa aming lumilihis. So that the chance may be ruin and lost.
Every time kasi na parang hindi ko na naiisip si Alden or 'yong feeling na parang wala na siya sa buhay ko tapos mamaya-maya lang ay may biglang susulpot na nagpapahiwatig na 'wag na 'wag ko siyang kakalimutan.
Ayun nga, magulo dahil hindi ko alam kung ano nga ba talagang nararamdaman ko sa taong matagal nang hindi ko na nakikita pero kasi there's a part of me na hindi nawawalan ng chance na mahanap ko siya, na magkikita kami sa tamang panahon dahil hindi ako sumusuko doon sa salitang iyon.
If 2012 is not the right time for us to lead us the way, I know he's everywhere finding the right way for the right time.
"Miss, do you like to order something?" biglang sulpot ng waiter sa harapan ko.
Umiling naman kaagad ako, "no thank you," ngiti ko pa.
"Mag-isa po kayo ma'am? Nasaan na po 'yong laging kasama niyo? 'Yong boyfriend mo?" tuloy tuloy nitong sabi pa sa akin.
Nagulat pa ako sa sinabi niya, "ay! Hindi, hindi ko boyfriend 'yon, friends lang kami."
"Ah," napatango siya, "kung gano'n, may pag-asa pala." Ngisi pa niya.
Napailing at natawa na lang ako sa sinabi niya, hindi ko siya kilala. Siya kasi 'yong tumawag no'ng name no'ng bata, natulala siguro ako kaya napalapit siya sa akin. Naku, instant kaibigan pala ang pagkatulala ko.
"Baliw," I chuckles.
"Pero ma'am, seriously maganda ka and you have a potential to be a sensation." Aniya at kinindatan pa ako.
"Thanks for the compliment pero imposible 'yang sinasabi mo dahil nandito ako sa manila for studies and no time for that." Ngiti ko pa.
Napatango na lang din siya sa akin, "pero ma'am, simpleng maganda ka." Aniya. Nginitian ko na lang siya, masyado na niya ata akong pinupuri. Nakakahiya na, ano ba, uyy! "Sige ma'am, balik na po ako." Aniya at tumungo na sa pagta-trabaho.
He's jolly pero the way he said those words. Ang kulit lang, ang taas ng pangarap niya sa akin. Hindi ko nga naiisip 'yon eh, never in my life.
But well, kung magdilang anghel man siya. Baka ako na ang susunod na Superstar!
Kaloka! Haha!
After a few minutes ay dumating na rin si Anja. Hindi na siya nag-stay dahil ba-biyahe pa daw kami doon. Baliw! Parang ang layo naman ng biyahe namin pero mabuti na rin kung maaga kaming makarating sa venue para hindi hassle sa siksikan.
Isang oras nang marating namin ang venue. Dumiretsyo kaagad kami sa gate for vips at hinanap namin ang seats kung saan maganda ang view. 'Yong kitang-kita ang lahat pero akala ko pa naman seats ang madadatnan ko, ayun pala standing vi pang nandito.
"Nakatayo lang tayo all the time?" asar ko pang tanong sa kanya.
"Aayaw ka pa ba? Malapit na tayo sa stage oh," aniya pa.
"Kasi naman eh, ilang oras ba tayo dito nakatayo lang?"
"Mga 3 hours siguro," may siguro pa putek! "Pero kung gusto mo doon ka na lang sa gen-ad, may upuan 'yong nga lang, sa screen ka manonood! Ako nag-iinit na dito sa baba! Bwahahaha!" binatukan ko naman siya. Ang excitement niya umaaapaw grabe na!
"Wait lang, Maine ah? May bibilhin lang akong magazine!" aniya.
"'Wag mo na akong iwan!" galit ko pang sabi sa kanya.
"Saglit lang naman ako, 'yong magazine kasi na 'yon ay nandoon 'yong mga models kaya bibilhin ko na! Diyan ka lang!" at umalis. Napailing na lang ako dahil sa kanya.
Tiningnan ko naman ang paligid, malaki ang venue for this event. Never pa kasi talaga ako nakakadalo sa mga ganito pero well, concert oo. Minimal nga lang kapag may kasama ako pero dahil kasama ko naman si Anja ngayon, ayan let's experience this night na rin.
The place were fully loaded until the last minute before the show start. Oo nabigla talaga ako dahil from Gen-ad to vip ay puno, yeah some of the tickets were given free pero 'yong iba binili talaga.
And about the girl who's with me, ayun busy sa binabasa niyang magazine. Wala naman akong interes na kilalanin pa 'yong mga models dahil hindi ko rin naman sila matatandaan. Makulit lang talaga 'tong si Anja.
"Meng!" napakunot naman ako ng noo ko nang marinig ko ang pangalan out of nowhere kaya naman inikot ko ang ulo ko para makita ko 'yon, and then I saw the two of them, "gaga ka, nandito ka pal!" niyakap nila akong dalawa.
Syempre sino pa ba? Klass and Des. And I never thought na magkikita pa kaming tatlo ngayong gabi. Unexpected lol.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila.
Nagkatinginan naman sila at tiningnan ulit ako, "ikaw ang dapat namin tanungin Meng, anong ginagawa mo dito?"
The I point Anja na busy pa rin sa pagbabasa ng magazine na binili niya, "I came with her, she give me a free ticket kasi kaya sinamahan ko na siya."
"Langya, Meng! Kami bumili pa, ikaw libre lang?!" usal ni Klass.
"Ah, sino kayo?" napatingin naman kami sa lumapit na si Anja and the face of the two were blank.
"Ah," ngiwi ko pa, "Anja, sila ang bestfriends ko,'
"Oh! So you must be Klassy!" sabi ni Anja, punto kay Klass.
"Yes..." ngiwi pa ni Klass. "Nice to meet you," aniya.
At nagkakilala naman silang tatlo. At mas lalo silang nagkasundo nang pag-usapan nila si Richard Howerdchuchu.
"Meng, it's Howerdson. Kailan mo ba makakabisa apelido ni Bae?" taas kilay pa na sabi sa akin ni Klass.
I shrugged, " I don't know," ngisi ko pa.
"Meng?" napatingin naman ako kay Anja.
"Yes?" aniko pa.
"Nickname mo?"
I nodded slowly to her, "bakit?"
She shook her head, "wala lang, ang cute lang! Can I call you Meng too?"
Napasapok naman ako sa noo ko, oh lord! Why do I have kinds of friends like these. Kaloka! Sasabog na ata ang utak ko sa kadaldalan nila.
"Sorry Meng, pero ikaw ata 'tong makulit eh, you and your wacky faces." Sabi naman sa akin ni Des, inirapan ko na lang din siya at hinayaan silang tatlo na mag-usap.
The program is about to start, nagtitilian ang bawat fangirls sa paligid.
Teka! Hindi ako makarelate! Kaiyak!
Nagsasabunutan, nagtutulukan at naghahampasan silang tatlo nang ipalabas sa screen ang mga lalaki and even girls na model. At nang ipakita ang mukha ni Richard, I was mesmerize by his smile and his dimple on his left cheek. Parang biglang may kung anong effect ang dinala niya sa mga tao sa paligid pero ako, natulala lang.
At nang simula na ngang rumampa ang mga models. First is 'yong mga naka-tuxedo pa, balot na balot pa ang mga katawan hanggat sa pabawas na nang pabawas hanggat sa underwears na ang ira-ramp. And still, Richard Howerdson didn't show up.
Excited na excited na ang lahat pero bago pa ituloy ang lahat doon ay nagkaroon pa ng mga special number. I get bored kaya nagpaalam naman ako na mag-cr sa kanilang tatlo. Ayaw pa nila akong paalisin dahil baka mawalan ako ng pwesto. Edi i-reserve nila ako! Kaasar.
Hindi ko alam kung ilang minuto ako nakalabas sa mga siksikan ng tao kaya ng makapunta ako sa cr ay ihing ihi na ako. I stayed there for about more minutes. Rinig na rinig ko ang hiyawan nila sa labas. Kaya naman nagmadali akong tumungo doon.
"Ay," nadisapoint naman ako.
I was too late to see Richard Howerdson dahil bumalik na ulit ito backstage. And when they saw me, halos bugbugin nila ako dahil umalis pa ako.
"Bakit ka pa umalis, gaga! 'Yong isang medyo kilala mo pa, hindi mo pa nakita! Ang adik mo!" sabi sa akin ni Anja.
"Fan ka na rin ni Richard, Meng?"
Umiling naman ako, "nope."
Hindi naman ako made-depressed nang dahil lang doon. Kinuwento nila sa akin na isang black boxershort na lang daw ang suot nito. Sobrang puti daw ng katawan at nakita nila ang malalim nitong dimples sa left cheek. Nakakainggit oo dahil pinapaalala na naman nila 'yong dimples.
And it reminds me of Alden.
Lumabas na ako ng hall at kumain na lang sa labas dahil mukhang wala na akong aaabangan. All of the models ay rumampa na. May isa pa nga daw model na naka-mask eh pero naka-underwear lang daw ito and Klass was happy about it.
And ofcourse, Anja pa ba? Syempre laking tuwa! Uyy, lumalabas na ang ugali ni Anja! Haha.
Habang naghihintay naman ako ay pinuntahan ko 'yong booth kung saan nagbebenta ng magazine, kinuha ko naman 'yong isa para basahin lang. And si Richard Howerdson ang naka-center sa cover.
Yeah, gwapo naman siya, gwapo siya, gwapo. Ilang ulit pa ba lol? Konti na lang din bibigay na ako sa mga ngiti niya eh, pwede na, pwede nang maging crush! Ay hihi!
Uyy, tama na landi!
Mayamaya lang din ay nakita ko na ang mga kasama ko.
"Meng! Bakit ka lumabas?! Lumabas ulit si Richard eh! Harap na harap nga namin, takte! Nahawakan ko pa kamay niya!" kilig na kilig na sabi ni Klass.
"Ako rin! Shet!" kilig na sabi ni Anja.
Napailing na lang ako, "uwi na nga tayo, get rid of it, okay? Ma-o-obsessed lang kayo sa kanya eh." Sabi ko pa.
"Matagal na!" sabay pa na sabi ng dalawa. Natawa na lang din kami ni Des.
Naghiwalay na rin kaming apat dahil magsisi-uwian na kami.
I enjoyed the night pero still, hindi ko naman nakita sa personal 'yong kaisa-isang model na kilala ko. Haay, buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro