Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7

Banat


"Leche! Male-late na ako!" pagmamadali ko pa. Five minutes na liguan lang at mabilisan na ayos ang ginawa ko dahil hindi ako nakapag-alarm kagabi kaya ngayon para akong sabog sa pagmamadali ko. Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagmadaling lumabas ng unit ko.

Dumiretsyo ako sa elevator, shet! "Bakit ka pa ngayon naging out of order?!" usal ko.

Nasa 11th floor pa naman ako, edi dahil walang choice kundi dumaan na ako sa hagdanan. Hingal na hingal akong makarating sa 1st floor. Pagkalabas ko ay may nabunggo pa ako pero hindi ako pinansin nito dahil dire-direstyo lang ito, hindi ko na lang din naman pinansin kundi tumuloy na ako at naghanap ng masasakyan.

Tawag ng tawag sa akin si Anja dahil kanina pa pala siya naghihintay sa akin at baka i-mark na kaming absent ng prof namin. Peste naman kasi 'yong 7am class diba?! Mapapatay ko huhu! Kaasar! Mga ilang minuto lang din naman ay nakarating na ako sa meeting place namin ni Anja at wala nang usap usap kundi hinatak ko na siya papasok sa university.

"Nagmamadali?!" aniya.

"Late na tayo, 'wag ka na pabebe diyan!" sabi ko naman sa kanya at nang matungo naman namin ang room namin for the first subject. Walang prof, busy ang iba naming blockmates. Tiningnan ko kung anong oras na at lagpas thirty minutes na nang magsimula ang class.

"Walang prof?" tanong ni Anja sa isang kaklase namin.

"Siguro, wala, thirty minutes late na, e." kibit balikat pa niya.

Hindi pa naman sure at para hindi masayang ang effort ko sa pagmamadali ay pumasok pa rin kaming dalawa ni Anja para hintayin kung dumating man ang prof namin. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag hindi pa siya pumasok! Sayang, effort! Gano'n naman lagi eh, lagi na lang nasasayang eh. Drama, echos.

Sumubsob lang ako sa desk ko, mukhang kinulang ako sa tulog. Tinusok tusok naman ni Anja ang tagiliran ko kaya inangat ko ang ulo ko tiningnan siya ng masama pero ang laki ng ngiti niya sa akin at nang balingan ko naman ang mga kaklase namin, nagsisimula na silang umalis at lumabas ng room.

Napangalumbaba na lang ako, "labas na rin tayo," sabi ni Anja.

"Uuwi na ako," hindi ko pagpansin sa sinabi niya kaya kinuha ko na ang bag ko at iniwan siya sa room.

"Maine naman eh," nguso pa nito, hinabol naman ako nito, "di ka mabiro," aniya.

Humarap at naglakad ako pabalik, "tara, balik tayo sa loob." Sabi ko pa sa kanya.

"Ay gaga ka talaga!" pinigilan na niya ako. At nakita niya kung paano nangangalumata ang mga mata ko, kulang na kulang sa tulog. "Bangan ka 'no!"

"Ano sa tingin mo?" inirapan ko siya, "tara na nga, kumain muna tayo." Yaya ko naman sa kanya.

Nagpunta naman kami ng cafeteria at bumili ng makakain naming dalawa. Punong puno naman 'yong tray naming dalawa, almost an hour din naman ang vacant namin to proceed sa next subject namin. Nauna ko nang sinunggaban 'yong mga binili ko, sandwich, rice and bacon, saging, coffee and juice at chocolate. Bongga! Pampatanggal ng kabangagan, hooray!

"Hinay hinay lang best," aniya.

Napatigil naman ako sa sinabi niya, "what did you call me?"

"Best?" sagot niyang patanong pa sa akin. "May mali ba?"

Kumagot naman ako sa saging na binalatan ko, "wala naman pero is that enough for you to call me best when we were not close enough?"

"Hindi pa ba tayo close nito? We took launch or merienda's, lagi naman tayong magkasama and I even invited you to come with me sa isang show? Kung hindi naman okay say-"

Agad ko naman siyang pinigilan sa sinabi niya, "no, it's okay, baliw, ine-echos lang kita!" hagikgik ko pa. "And for that show na sinasabi mo, baka pwede namang 'yong kaibigan ko na lang ang isama mo sa show na 'yon, you know fan din siya ni Richard Howsnwnoinc."

"What?!" aniya. Nabigla ata dahil hindi ko alam kung anong apelido no'n, "what did you call to my husband?"

"Husband?" taka ko pang tanong sa kanya. "'Wag ka nang assumera diyan, Anja!"

"Pero please don't give it to someone else kasi!" nguso pa niya sa akin. "Kaya ko nga binigay sayo kasi ikaw lang din naman close ko pa dito eh, eh 'yong mga kaibigan ko naman dati, para na akong stranger sa kanila, you know nakalimutan na." kwento niya pa sa akin kaya napatango na lang ako. "And for some info about Richard, his last name is Howerdson. HOW.ERD.SON. Okay, gets?"

"O-okay," tawa ko pa. "Is that his real name?" tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya sa akin, "no, screen name niya lang 'yon, I don't remember his real name pero nasa magazine 'yon eh! Pero mas gwapo naman ang pangalan niya ngayon eh!"

"Okay, para maka-join naman ako sa kahyperness mo, tell me about that Richard."

"He's 21 year of age, gwapo syempre hihihi," napasapo na lang ako dahil mukha siyang tanga kung kiligin. "Every girls dream guy dahil mabait, he had this respect for all na nakakasalamuha niya, and his very cute and deep dimples on his left cheek. And everyone calls him Bae. You know what? Gwapo kasi at mabait." Ulitin mo pa, Anja ang salitang gwapo. Mukhang na-overdose na eh. "At ang nakakatuwa lang dahil wala pa siyang nagiging girlfriend nabasa ko kasi sa isang quote sa magazine na nabasa ko is may hinihintay daw si Richard na babae na siguro makikita niya in the future. At baka ako 'yon," binatukan ko siya dahil sumusobra na siya sa kafeelingan niya. "Pero seryoso, kahit sikat na siya ngayon, mapa-model man, artista o sa tv commercial, hindi niya nakakalimutan kung saan siya nanggaling. Kaya ngayon, maraming umaaasang maging sila ang babaeng hinihintay ni Richard."

"Too much patronizing him, ha?" ngisi ko pa. "Wala naman kasing sinasabi sa akin si Klass about Richard kaya I have no idea who is he talaga kaya ngayon na binigyan mo ako ng kaunting information about him. Atleast may kilala na ako sa pupuntahan nating show." Ngiti ko pa sa kanya.

"Gaga ka talaga," irap pa nito sa akin. Nag make face naman ako sa kanya, "gusto mo ba bilhan din kita ng magazine niya?"

"Ay naku, 'wag na." sabi ko na lang sa kanya.

"Edi 'wag, sayang naman," aniya. Naku, 'wag mo konsensyahin, Anja dahil hindi ako bibigay diyan sa mga salita mo.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa next class namin. Mabuti na lang ay nawala 'yong antok ko dahil nakakain na rin ako! Heaven kasi, huhuhu! May prof naman kami pero sobrang boring dahil wala man lang participation sa mga students niya pero okay lang, walang istorbo.

Natapos naman ang klase ko sa ngayong araw, napagpasyahan naman namin ni Anja na magikot-ikot muna sa mall. Nagtingin-tingin lang kami sa mga damit at naabutan naming may mall show pala pero patapos na kaya umalis na lang kami doon dahil nagsisialisan na rin naman ang mg tao.

Mayamaya naman ay may nakita ako na umiiyak na batang lalaki. Hindi ko alam kung maaawa ako dahil umiiyak ito o matutuwa dahil ang cute cute niya dahil akala mo pumuputok na ang mga pisngi sa katabaan. Pero nang pansinin ko kung bakit siya umiiyak ay mukha siyang nawawala.

Nilapitan ko naman ito.

"Wait! Maine, saan ka pupunta?!" sinundan naman ako ni Anja.

Nang malapitan ko naman ang bata ay lumuhod ako para maging kataas ko lang siya. Umiiyak siya, inalis ko 'yong mga kamay niya sa mata niya. Namumula na sa kakaiyak ang mga mata niya at kinuha ko naman ang panyo ko at pinunasan ang mukha niya.

"Shh, tahan na, nasaan ba mommy mo?" tanong ko pa sa kanya.

Hindi siya sumasagot sa akin. Patuloy pa rin siya sa paghikbi kaya naman niyakap ko siya para naman tumahan kahit papaano. Hindi ko alam kung bakit tumulo na lang din ang mga luha ko sa pagyakap ko sa batang ito, bigla ko kasing naaalala si Alden. Tho hindi naman siya ganito kataba pero parang yakap yakap ko na rin siya ngayon.

Nasaan ka na ba kasi ngayon Alden?

"Ah, Maine, siguro kailangan na natin siya dalhin sa mall security diba?" ani naman ni Anja sa akin.

"Please, ikaw na lang, hindi ko siya pwedeng iwanan eh."

Tumango naman si Anja sa akin at pumunta sa security para humingi ng tulong.

"Tahan na, don't cry na please, your mommy will be here again." Sabi ko pa sa kanya. Hindi niya ako sinasagot kundi hikbi pa rin siya ng hikbi sa akin. "Ang cute cute mo pa naman, kaya naaalala ko sayo si Alden eh,"

"Maine!" lumingon naman ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Anja na may kasama nang security.

Sinabi nga namin na nakitang umiiyak ang bata at dadalhin na lang daw niya ito sa security office pero ayaw sumama sa kanya ng bata kaya sumama na lang din kami ni Anja at ayun, pumayag naman. Habang hinihintay naman namin ang parents niya ay nakipaglaro ito sa akin.

Natutuwa ako kapag tumatawa siya. Natutuwa ako kapag ang saya saya ng mga mata niya, bakit ba lagi ko na lang nakikita at naiisip si Alden. Siguro nga kinukulit na ako ng sarili ko na hanapin ko na siya at magkita kaming dalawa pero I still have no idea kung saan ko siya makikita ngayon.

"Baby!" napatingin naman kaming lahat na nasa loob ng security office ng makita namin ang isang magandang dilag na palapit at niyakap ang batang kanina lamang ay nawawala. Ang higpit ng yakap nila sa isa't isa, nakita ko kung paano siya naging masaya ulit ng makita nila ang isa't isa. Lumapit naman sa akin ang mommy nito at pinasalamatan kaming dalawa ni Anja.

"Thank you, ate." Sabi sa akin ng bata.

Nakangiti lang din ako at nagwave sa kanya habang palayo na sila, "magkikita rin tayo, Alden..."

"Huh?" biglang sabi ni Anja, "may sinasabi ka ba, Maine?" at nang nilingon ko naman siya at inilingan, "oh, namumula mata mo?" pagpuna naman niya.

"May sore eyes ako gaga!" biro ko pa.

Tinulak naman niya ako palayo saka ko siya hinabol.

Nauna na rin akong umuwi kay Anja dahil may bibilhin daw siyang magazine kung saan na-feature doon si Richard Howerdson.

Hindi ko pa rin makalimutan 'yong moment kanina kaya hanggang sa pag-uwi ko, hindi naalis sa labi ko ang mga ngiti ko dahil sa moment na 'yon, parang nakita at nayakap ko na ulit siya. Tho, I never hug him before pero doon ko lang na-feel na hindi pa rin talaga siya nawawala sa isip ko.

That guy means everything to me kaya kahit anong mangyari siya at siya lang.

Nagluto ako ng dinner ko. Kumain ng mag-isa, sanay naman ako. Kaya don't worry. Ginawa ko na rin ko na rin ang mga dapat kong gawin at nang maaalala ko, dahil sa pagmamadali ko kanina hindi ako nakapunta sa terrace ko kaya pagpunta ko doon, medyo nalungkot lang ako dahil walang nakadikit na paper message doon kaya naman ako na ang kumuha ng marker at papel at nagsulat ako.

'Hello? Kamusta ka na?' -ako.

At kinabukasan naman ay agad akong pumunta terrace at tuwang tuwa ako nang meron siyang sagot sa akin.

'Okay lang naman ako, medyo pagod lang. Ikaw?' -Siya

Oh my malunggay! Nagke-care nga ba talaga siya sa akin?

Kinagabihan, nagsulat ulit ako bilang reply sa kanya.

'Ayos lang ako, masaya kasi nakakausap kita hihi!' -ako

Ang harot ko na talaga promise! Hindi ko na alam kung paano magre-react! Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kahit na hindi ko siya nakikita, pinapasaya niya pa rin ako kahit mag-isa lang ako dito sa unit ko.

Siya ang nagiging dahilan para hindi ako mangulila kay Alden.

Kinaumagahan, walang sipilyo, walang suklay suklay ng dumiretsyo ako sa terrace at dalawang paper message ang nakadikit ngayon doon.

Ang una ay;

'Masaya rin ako na kausap kita ;)'

At ang pangalawa naman ay;

'May tanong ako, screwdriver ka ba?'-siya

At nang mabasa ko iyon ay agad naman ako nagsulat ng isang malaking 'Bakit?'

Hindi na ako makapaghintay. Itatago ko muna 'yong mga feels ko ngayon dahil tiyak na sasabog ako niyang sa kilig! Huwoo!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro