Chapter 6
Chapter 6
Questions
Saturday. Busy. Bangag. Rest day. Wala akong pasok kaya inatupag ko na dapat ang dapat tapusin. Kakasimula pa lang ng semester, nagbibigay kaagad sila ng mga assignment. Kakauwi ko lang din galing university dahil bumili ako ng libro na kailangan na daw next week. Kaasar! Pero ang saya lang tinulungan ulit ako ni Alexander sa pagbubuhat ng mga gamit ko.
And also unexpected twist, niyaya niya ako mag-coffee daw kami sa labas kaya ngayon ngarag na ngarag ako kakahabol para hindi ko na problemahin 'tong mga 'to! As usual for a student like me, kailangan unahin ang studies then next na ang mga lovelife.
Alam kong nandiyan lang sila, hinihintay na makatapos ako. Haha, landi!
Still unknown pa rin sa akin ang identity ng may-ari ng unit na nasa harapan lang din ng unit ko pero nasa ibaba noon. Hindi ko alam kung may pinagtataguan ba sila or something pero nakaka-curious lang dahil sumasagot siya sa mga sinasabi ko thru the paper message.
Sino kaya siya? Pero ang sure ko is hindi lang siya nag-iisa sa unit na 'yon dahil I saw it for once then lagi nang nakasara ang glass door na tinatakpan ng kurtina.
Nang matapos naman ako sa mga gawain ko. 5pm pa lang naman kaya hindi naman hassle na makipag-coffee date muna ako kay Alexander. Naka denim shorts at white shirt. Hindi naman sa excited pero kanina pa ako atat na atat. Well, minsan ko na lang kasi makita si Alexander, eh, and he's the one who insisted na sumama sa kanya kaya ako naman, syempre hindi na tatanggi! Accepted agad!
Pagkalabas ko nang elevator ay nagulat ako nang may mabunggo ako.
"Alex?!" gulat kong pagkakasabi sa kanya.
Pero he placed his point finger in his lips and make me silent, "shh, 'wag ka maingay." Aniya. Tumango na lang din naman ako sa kanya, "ready ka na?" tanong pa niya sa akin.
I nod to him at ang nakakabigla lang ay nang hawakan niya ang kamay ko. Halos nagulat ako na gusto ko pang bawiin ang kamay ko pero siya na naman ang nag-insist na 'wag pumalag. Nagtataka lang din ako dahil naka-shades siya. Muntik ko nan gang hindi makilala dahil iba rin ang hairstyle niya. Nakababa ang buhok niya, walang hairstyle pero smooth naman at mukhang mabango rin, hihi!
"'Wag kang bibitaw ha? Sabay tayong tatawid." Aniya.
Mas naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko, ayoko naman gumanti sa pagkakahigpit niyang iyon dahil nahihiya ako. Ewan ko rin dahil may ilan na napapatingin sa aming dalawa at 'yong iba naman ay tinuturo ako or siya? Ay ewan!
Kaya binilisan na lang namin ni Alexander ang paglalakad at nang makapasok naman kami sa starbucks ay tuloy tuloy lang si Alexander hanggat sa may maupuan na kaming dalawa. Agad naman niyang tinanggal ang shades niya nang makaupo kami.
Natawa naman ako.
"Why?" he asked, brushing his hair up using his hands.
Umiling naman ako, "wala naman, bakit mo pa kasi kailangan magsalamin?" taka ko pang tanong sa kanya.
Ngisihan naman niya ako, kaya naman mas lalo akong naguluhan sa kanya. Baliw din pala ang isang 'to ah! Adik din! "'Wag mo na pansinin 'yon, trip ko lang talaga mag-shades." Aniya. "Coffee or frappe?" pag-iiba nito ng usapan.
Edi sumakay na ako sa kanya, "frappe. Mocha frappe."
"Okay, wait me here," aniya at sinuot niya ang shades niya at tumayo. Pumunta sa counter at naghintay ako mag-isa. Nang tinitingnan ko naman siya na papunta sa counter, may ilang nagpapapicture sa kanya kaya naman nagtatakas ako kaya nang bumalik siya agad ko siyang tinanong.
"Artista ka ba?" tanong ko kaagad sa kanya.
Halata namang nagulat siya sa tanong ko, paano naman kasi, halatang halata ko na, ilang beses ko na siyang nakikita na pinagkakaguluhan. At kung hindi sabihin man niyang hindi, ay naku, edi anong meron? Gwapo lang! Uyy, ano 'yon?
Pero tiwanan niya ako kalaunan, ay bwisit na baka! Ang gwapo niya tumawa.
"Sorry to say pero hindi ako artista, Maine." Sabi naman nito. "I was just a good guy, you know?" he smirk.
Inirapan ko naman siya, "ay, ewan," tawa ko pa at inabot naman niya sa akin 'yong mocha frappe ko, "thank you nga pala."
"No problem," aniya. "Mag-isa ka lang ba sa unit mo? Wala kang kasama?" tanong naman niya sa akin.
Bakit sasamahan mo ba ako? Leche ka Alexander!
I nod to him, "oo, mag-isa lang ako, tumira lang naman ako diyan for studies eh." Paliwanag ko naman sa kanya. "Ikaw? Mag-isa ka lang ba sa unit mo?" tanong ko naman sa kanya.
Tumango naman siya, "yup, I'm the only one,"
"Ah," wala akong masabi! I'm out of words! Kung kailan naman kailangan ko ng pag-uusapan, doon pa ako nawawalan ng mga sinasabi! Shocks! Ganito ba talaga ako kapag gwapo ang lalaking nasa harap ko? "Ilang taon ka na ba?" hehehe, malay mo meant to be kaming dalawa!
"21, you?" he asked.
"17 pa lang ako, hehehe." Hagikgik ko pa. Shet! 'Wag ka muna humarot Meng! Inayos ko naman ang pagkakaupo ko, "so graduate ka na?" I asked.
He shook his head, "nope, I stopped, eh."
"Oh why naman?" tanong ko pa sa kanya. Kung titingnan ko siya, mukhang wealthy naman ang family nila and he can study everywhere he can. Kung sa condo pa nga lang, isang buong tuition ko na ang bayad jus for 3 months. Oha! Saan ka pa? Edi lipat ka! Joke.
"I have something to do, actually 3rd na ako no'ng nag-stop ako. There's a reason on it kaya don't worry, may kinalaman naman 'yon kung anong meron ako ngayon." Aniya.
"Ano bang meron ka ngayon?" tanong ko pa. Clueless ako, as in. No words to express! Ang boka ko, tama na.
"Kagwapuhan," aniya sabay ngisi.
"Weh?" asar ko pa. "Gwapo ka naman talaga eh, when I first saw you nahulog-este 'yon ang first impression ko sayo, gwapo at matulungin. Sabi ko na nga ba eh, hindi pa patay ang chivalry!" ngiting ngiti ko pa.
Napansin naman iyon ni Alexander kaya natawa na lang din ito, "you're so cute."
Hinawi ko naman 'yong buhok ko sa tenga at nag-pacute, "thank you, Alexander." Beautiful eyes pa more!
He chuckles, "thanks for coming with me, Maine." At hinawakan niya ang kamay ko at nginitian niya ako.
Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya binawi ko na lang ang kamay ko, "thank you rin for the treat."
Mayamaya lang din ay may tumawag sa kanya.
"Oh bro, ah sige sige, hintayin mo ko diyan, pabalik na ako," at lumingon naman sa akin si Alexander, "sorry Maine pero I need to go, hinihintay na ako ng kaibigan ko."
"No, it's okay, go na." ngiti ko pa sa kanya.
Sa pagmamadali niya ay hindi niya namalayan na may nahulog pala siya. Nang kunin ko naman iyon, brochure lang naman siya. At mas nagtaka ako dahil ito 'yong gaganapin na clothing shop ramp show na sinasabi ni Anja. Pupunta rin kaya siya? What if oo? Sabay kami! Pero baka hindi, alam kong busy si Alexander at baka nga nakuha niya lang sa kung saan 'yon eh.
Hindi na ako naghintay pa ng ilang oras sa starbucks at bumalik na ako sa unit ko. Pumunta naman ako sa terrace, tuwing gabi gabi na lang ako naghihintay sa mistery na 'yon at tsinetsempuhan pero mukhang nahahalata naman niya na inaabangan ko siya kaya hindi naman siya nagpapakita sa akin.
Nag-ring naman ang phone ko, tumatawag si Anja kaya agad ko naman ito sinagot.
"Maine, sure na tayo sa next Saturday ha?" pagpapaalala niya sa akin. Araw araw kapag may pasok, lagi niyang binabanggit 'yon sa akin.
"Hindi ka ba titigil sa pangungulit sa akin, Anja?" tanong ko pa sa kanya.
"Hindi!" simple pero pasigaw nitong sagot sa akin. "Please? Samahan mo lang ako, one night lang naman 'to eh! Nando'n din naman si Richard Howerdson eh!"
"Sino?!" paulit ko pa sa kanya.
"Richard Howerdson." Pag-ulit niya sa pangalan nito. Narinig ko na 'tong pangalan na 'to eh, "sikat na sikat na model and tv commercial 'yan ngayon! Sumama ka sa akin para chance mo na makita siya, and his so yummy!" aniya sa kabilang linya.
Nilayo ko naman ang phone sa tenga ko dahil sa sinabi ni Anja, "baliw ata 'tong kausap ko eh." Sabi ko saka kinausap uli siya, "'yon nga eh, hindi ko siya kilala, anong gagawin ko sa kanya?" tanong ko pa.
Natahimik siya sa kabilang linya, napabuntong hininga naman ako kaya um-oo na lang din ako. "Sige na nga, sasama na ako sayo, basta libre mo ako!"
"Oo ba!" tuwang tuwa niyang sabi sa akin. "Basahin mo 'yong magazi-"
Binaba ko na 'yong tawag. Ang daldal na babae. Natahimik naman ang paligid ko at nag-sound trip na lang din ako, mag-ga-gabi na rin naman pero still nandito pa rin ako sa favorite part ng unit ko, ang terrace. Ang lamig lang di kasi ng hangin dito, ang fresh at sa bandang kaliwa naman kasi makikita mo ang maliwanag na kalangitan na ngayon ay lumulubog na ang araw.
Dahil sa daily routine ko, kinuha ko na ang marker at bond paper at nagsulat sa papel.
'Kailan ba kita makikita?' ang sinulat ko.
Dinikit ko iyon at umaasang kinabukasan magiging energy ko ang reply niya. Dahil wala na naman akong magawa, gumawa ako ng mga listahan na pwedeng itanong sa kanya. Kay mystery guy. If this is not the time para magkita at makilala ko siya, then it should be the time para mas lubos ko siyang kilalanin more on his personality.
Yeah, I know he's a he dahil noong maligaw ang tingin ko don, I saw a white guy, he had no abs pero ang fit ng katawan niya at hanggang don lang 'yon. Bitin pa! Kaiyak! Kaya ba siguro tinakpan na niya ng kurtina ang unit niya para hindi ko na siya ulit mahuli na walang t-shirt? Ang sad if that was his meant.
Inabot ako ng 9pm pero ni isa walang pumapasok na tanong ko sa kanya. Wala kasing idea na pwede kong itanong, siguro kapag nag-pop na lang bigla ang isang tanong, 'yon na 'yon!
Natulog na rin ako after ko mag-isip ng mga pwedeng isulat kay mystery thru paper message. Patulog na sana ako ng nag-flash na naman sa isipan ko ang mukha ni Alden.
Why he suddenly appear like that? Bakit bigla bigla ko na lang siyang nakikita sa isip ko? Ito na nga kaya 'yong time na magkikita kami or kailangan ko pang maghintay ng ilang taon para masabi kong nasa tamang panahon na nga ako para makita siya.
Hanggang kailan pa ba, Alden? Nagmamahal Maine.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro