Chapter 5
Chapter 5
Soon
"Gusto kong makita si Alden," sabi ko kina Des at Klass. Hindi pa rin kasi ako mapanatag hanggat hindi ko siya nakikita o napagsasalamatan man lang. Niligtas niya ako so hindi naman pwedeng hahayaan ko na lang 'yong nangyari, nasaktan siya eh! After kasi no'ng graduation nila, syempre Valedictorian siya, maraming umaasa na makita siya even 'yong bullies inggit na inggit sa kanya dahil naging Valedictiorian pa ito.
Kaya ayun, pinilit ko talagang makita siya pero hindi talaga eh! After ng incident noon, hindi ko na siya nakita kaya ngayon, gabi gabi iniisip ko 'yong mukha niya. 'Yong peklat sa gilid ng mata niya. Hindi naman siya magkakagano'n, kung hindi dahil sa akin eh!
Hindi ko alam kung bakit invisible lang siya sa akin noon na kahit nakikita ko nang binublly siya, wala akong pakelam. Hinahayaan ko lang siya na masaktan. Doon ko nakita kung ano nga ba talaga 'yong value ng isang tao sa kanya, and it happened to me. Nakita ko 'yong prinsipyo na kung paano niya ako niligtas sa paparating na bike, pwede namang umiwas 'yong bike eh pero pinili niya ako 'yong iligtas niya.
"Mukhang wala ka na namang chance na magkita kayo eh," sabi pa ni Klass sa akin.
Kahit kailan talaga ang bitter niya pagdating sa akin. Hindi niya ba nakikita na umiiyak ako ngayon? O uhog lang ang napapansin niya! Kaasar naman oh!
Pinalo naman ako sa balikat ni Des, aray ah! "tama naman kasi si Klass, Meng. 'Wag ka na umasa na makikita mo pa si Alden! At saka hello? Ang taba niya kaya!"
Tinaasan ko naman siya ng kilay, "ano naman kung mataba siya? Hindi naman siya bondat talaga ah! Masyado lang kasi kayong exagge pagdating sa mga laitan kaya ganyan," make faces ko pa. "cute naman si Alden eh, 'yong dimples niya sa left cheek!" hagikgik ko pa.
"At kailan mo pa nagustuhan 'yon?" sinamaan nila ako ng tingin.
I shook my head, "I never said that I like him, sinabi ko lang na cute siya." Pagtatama ko pa sa kanilang dalawa.
Inakbayan naman ako ni Klass, shet! Ang bigat talaga ng babaitang ito! "May iba naman kasi diyang cute, hayaan mo na si Alden. Masaya na siya, 'wag mo na siya hanapin." Ani Klass.
Hindi ko alam kung magiging masaya o malulungkot ako sa sinabi ni Klass. Tama nga kaya siya na masaya na si Alden? Kung oo man, good for him. Dahil ako? I'm still having this hope na makita ko siya.
Even in a glimpse of him. His brown eyes, his deep dimple on his left cheek. Parang nakakamiss naman.
"Look that guy oh!" tinuro naman ni Des kung saang direksyon ang hituturo niya pero hindi ko makita kaya hinarap ni Klass ang ulo ko doon at nakita ko naman ang mga pagwaps na ka-school mate namin.
Never in my life na magkakagusto ako sa mga lalaking ganyan. Ang hangin! Kulang na lang tangayin kaming lahat! Bwisit!
Tumayo naman ako at iniwan ko silang dalawa. Nasa park kasi kaming tatlo, naglilibang lang at may balak pa sana akong puntahan si Alden sa bahay pero I don't have any idea kung saan siya nakatira.
Wala na atang pag-asa.
Pero hindi ako susuko.
Baka nga in the near future, magkita pa rin kami.
'Yong nga lang hindi na magkakilala.
Nagising na ako na ang bigat ng ulo ko. Hindi ko alam kung bakit, nagpahinga naman ako saglit para medyo mawala ang bigat ng ulo ko. Kumain na rin ako at uminom ng gamot. Tinawagan ko naman ang parents ko sa province pero walang sumasagot kaya nakailang ulit pa ako at ang lola ko naman ang nakasagot sa akin.
"Kamusta ka na, hija?" bungad sa akin ng lola ko.
"Ito po, hindi masyadong maganda ang pakiramdam ko." nguso ko pa. Siguro nga napagod lang ako ng sobra.
"Naku, magpaghinga ka lang apo. Masama kung lalagnatin ka, uminom ka ng chewibols." Aniya sa kabilang linya.
"La naman, para sa'yo 'yon eh, pero don't worry po nakainom na ako ng gamot. 'Yong mga gamot na pinadala ni mama sa akin dito." Sabi ko pa. "Nasaan po pala si mama?"
"Ay umalis sila, ako lang mag-isa dito pero 'wag kang mag-alala, malakas pa naman ang lola mo at maganda!" natawa namana ko sa sinabi niya. "Sige na apo, magpahinga ka na."
"Sige po la, ba-bye!"
Binaba ko na naman ang phone at humiga lang sa sofa. Masyado lang din siguro ako nabigla sa pagkakagising ko kanina sa pag-aantay ng mga sulat ni mystery guy.
Nagpahinga lang ako all day long hanggat sa sumapit na ang gabi. Umaayos na rin naman ang pakiramdam ko. hindi ko naman pinagod ang sarili ko kahit medyo may kalat kalat ang paligid kaya ng patulog na ako ay dumiretsyo naman ako sa terrace. Nandoon pa rin 'yong papel na may nakasulat na secret kaya naman kinuha ko ang pentel at bond paper at nagsulat.
'When will I know your name?' at dinikit ko naman ito.
Pagkahiga ko sa kama ko ay kama ay nakatulog din kaagad ako.
****
I woke up in laziness. Kinuha ko naman ang phone ko na nagpagising sa akin at sinagot ang tumatawag.
"Good morning, Maine! See you later!" oh its Anja!
I smiled, "morning din Anja, see you." Walang gana kong tugon sa kanya at binabaan ko kaagad siya.
Nag-ayos naman ako ng sarili ko dahil papasok na ako sa university. Nang matapos ko naman ang dapat na ayusin sa sarili ko ay palabas na sana ako ng unit ko nang maaalala ko kagabi ang sinulat ko sa bond paper, nang pumunta naman ako doon.
Still the same word and paper ang nakasulat doon.
"Secret J" pa rin.
Nalungkot naman ako dahil hindi siya sumagot sa tanong ko. O baka naman nagsasawa na siya sa mga ginagawa ko kaya hindi na niya inabala ang sarili niya na mag-reply pa sa akin. Siguro iniisip niya na aksaya lang sa oras ang ginagawa ko, he didn't even know, I don't even know him at all at bakit pa siya mag-uubos ng oras sa akin?
Nakakalungkot lang talaga. Nakakababa ng energy, kaasar!
Pagdating ko sa hintayan namin ni Anja ay nandoon na naman siya. Nginitian ko naman siya nang makalapit ako sa kanya at bakas naman sa mukha niya ang pagtataka sa akin, syempre.
"Anong nangyari sayo? You look so miserable today," tawa pa sa akin ni Anja, "De pero seriously, ang pangit mo today."
I glared at her, "nagkasakit kasi ako." Sabi ko pa sa kanya.
"Eh?" kunot noo niya, "parang more than that ang nakikita ko sa'yo eh!" aniya pa sa akin.
"Ano naman 'yon?" taas kilay ko pa sa kanya.
"Para ka kasing heartbroken," sa sinabi niyang iyon. Nabatukan ko kaagad siya. Ewan, magaan ang loob ko sa kanya at hindi mahirap pakisamahan. "Ano ba kasing nangyari sayo?" tanong pa niya.
"Naku, hayaan mo na lang Anja." Irap ko pa sa kanya. "Tara na sa room, ma-late pa tayo."
Nagkibit balikat naman siya at tumuloy na kami sa room namin. Naiilang ako sa tuwing nakatingin sa akin si Anja kaya naman tinutulak ko siya palayo sa akin. Ang weird niya kasi eh! Akala mo gutom na gutom at gusto kang kainin! Yayks!
Pagkatapos ng ilang klase namin, dumating na ang lunch. Si Anja lang ang may ganang kumain. Hindi ko kasi ginagalaw 'yong binili kong lunch eh.
"Hindi ka ba kakain? O tama lang ako sa sinabi ko kanina na broken hearted ka?" sabi pa niya sa akin.
Inilingan naman ko siya, "wala, wala akong lovelife 'wag kang echos diyan."
"So, what's your big problem?" tinaasan pa niya ako ng kilay.
"Wala, 'wag ka na nga magtanong!" sabi ko pa sa kanya at sinimulan ko nang kainin ang pagkain na nasa harap ko. Ang dami dami kasing tanong eh!
Tinigilan naman ako ni Anja kaya natahimik din ang pangungulit niya sa akin. Natapos ko naman ang pagkain ko at nang paalis na kami ay pinigilan niya ako.
"Bakit?" tanong ko.
Mayamaya ay may kinuha siya sa bag niya. Sinilip ko naman kung ano 'yon pero mukhang nakaipit sa kung saan ang kinukuha niya.
"Ito na!" at nilabas niya ang ilang pirasong papel.
"Anong gagawin mo diyan?" taka ko pang tanong sa kanya.
"Gaga 'to! Ticket 'to ng isang clothing shop, may magaganap kasing show! Yayayain kita para naman sumaya ka."
"'Wag na," tanggi ko pa.
"Hindi, wala rin naman kasi akong pagbibigyan eh, libre ko naman nakuha 'yang ticket na 'yan, kaya sayo na 'yan! VIP 'yan kaya 'wag mo sayangin, okay?" aniya pa.
Wala akong nagawa kundi tinago ko na lang din. Wala naman kasi akong hilig sa mga ganyan peor give it a chance dahil kung masaya naman eh, go for the gold na! Pero hindi pa rin nawawala 'yong lungkot ko, kailangan kong ibaling sa ibang bagay 'to! Masyado na akong baliw!
Bumalik naman kami sa klase namin. Medyo nabaling naman sa iba ang atensyon ko kaya ayun, na-enjoy ko naman ang araw ko this day kaya nang pag-uwi namin, nilibre naman ako ni Anja ng ice cream pampawala stress daw kaya salamat sa kanya.
Pagkauwi ko naman sa unit ko, halos bumagsak na naman ang balikat ko. Nakakapagod! Nagpalit naman ako ng damit ko at nagpahinga sa gilid pero nabaling na naman ang atensyon ko sa terrace. Always naman kaya tinungo ko kaagad 'yon kaysa sa gusto ko na magpahinga.
"O-oh em gee." Halos mangiyak-ngiyak ako nang mabasa ko 'yon.
"Soon, and sorry for the late reps." He said.
Nagtatalon talon ako sa buong kwarto ko. Pinipigilan ko lang sumigaw dahil baka makabulabog ako ng mga kabilang unit. Nagpagulong gulong sa sahig! Hindi ko ma-contain 'yong feels ko dahil akala ko nagsasawa na siya pero it was only my thought!
Kinikilig ako! Nag-uumapaw as in!
Pero still, it is still unknown 'yong name niya. Bakit naman kaya ayaw niyang sabihin 'yong pangalan niya? Censored ba pangalan niya at ayaw niyang sabihin or nakakatawa kaya ayaw niyang i-share? Or siguro, ayaw niya lang talaga ibigay dahil too much confident na kung sasabihin niya 'yon.
Para akong baliw na tuwang-tuwa sa kama ko. Ngayon palang ini-imagine ko na 'yong histura niya, gwapo nga ba talaga siya? Kung oo, baka siya na ang forever ko.
Pero agad na naman na pumasok sa isipan ko si Alden. Napaupo ako at niyakap ko ang mga binti ko. Kamusta na nga kaya siya? Is he chubby like he was before? Parang mas gusto ko siyang gano'n lang, okay lang naman 'yon fit siya. Pero still, I'm hoping to see him now or never.
Kung pwede lang ibalik kung anong nangyari noon, magagawa ko pang ibahin ang takbo ng storya. The way na tinutulungan ko siya sa mga bullies niya noon, mas naging close siguro kami ngayon at nakikita ko pa siya.
Still his face was mystery to me. Ano na nga bang histura niya ngayon? Isa pa 'tong nasa kabilang building ng condo. Hindi man lang siya nagpapakita o nagpapakilala pero okay lang, I want to know more about him.
Tumayo naman ako sa kama at pumunta sa terrace at nanlaki ang mga mata ko na may isang lalaki ang kakapasok lamang sa loob ng glass door na 'yon!
"Leche! Sayang! Huhuhu!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro