Chapter 4
Chapter 4
Paper Message
I was shock when I saw someone waving at me. Halos hindi naman ako makapaniwala at gusto ko na lang tumawa bigla. Ang mismong katapat na unit ko, nandoon ang isang babaeng kinakayawan ako. Napangiwi na lang ako sa kanya. Nasa baba kasi niya ang unit ng mistery guy na sinusundan ko.
"Hello there, sweetie!" maarte pa nitong sabi habang kakaway kaway sa akin.
Agad naman ako nag-isip ng dahilan dahil akala niya for her ang message na nakalagay sa bond paper, and she thought siguro na para sa kanya 'yon! Laughtrip kung tutuusin pero pinipigilan ko lang ang tawa ko ngayon.
I waved my hands as a response na hindi meant for her ang message na 'yon. "Sorry, this isn't mine, iniwan kasi ng friend ko! Sorry!" sabi ko pa.
Nawala naman ang glow sa mukha ng babae at tinarayan ako papasok ng room niya. Napahagikgik naman ako dahil hindi ko talaga akalain na akala niya for her 'yon. Ang sakit na tuloy ng tiyan ko kakatawa! Bwisit! Ang epic, sobra!
Mayamaya ay dumaloy na ang mga mata ko sa unit na kagabi ko pa inaabangan. And my eyes widened when I saw a white bond paper, may nakasulat pa doon na "Hello there ;)". Hindi naman ako makapaniwala kaya kinuha ko 'yong sinulatan ko kagabing bond paper at nakasulat doon ang malaking Hello. At napabaling naman ang atensyon ko ulit doon.
It is meant for me? Reply niya kaya 'yon sa akin? OMG! Hindi ko mapigilan, sasabog na talaga ang feels ko ngayon! Sinubukan ko naman siyang hintayin ng ilang minuto pero hindi siya lumabas kaya napagpasyahan kong pumasok na. Tinago ko na rin 'yong papel na pinagsulatan ko, remembrance din 'yon ano!
Pagkapasok ko sa university ay natural na natural lang at muntik pa ako maligaw dahil hindi ko alam kung saan ko hahanpin 'yong building ng 1st subject ko pero mabuti na lang ay nagtanong-tanong ako at nahanap ko. Natural na natural lang ang lahat, may ibang professor na kailangan pang magpakilala at 'yong iba naman ubos oras daw.
Paikot paikot lang din ako habang vacant ko, hindi ako mapakali na umuwi ng condo ko para replayan ulit siya. Hindi ko talaga in-expect na sasagutin niya 'yong hello ko na 'yon. Hindi ko alam kung anong histura niya, basta alam ko gwapo siya. He always wore sunglass tapos minsan nakahood pa siya. Hindi ko tuloy ma-contain 'yong feels ko sa kanya, mukhang ito na nga ata 'yong babali sa paghahanap ko kay Alden.
Mukhang wala na kasing chance na makita ko pa si Alden. Sa lawak ba naman ng mundo, hindi ko na siya kilala by face ngayon, hindi naman searchable ang name niya sa any social media accounts kaya hindi ko alam kung saan ko man siya hahanapin ngayon.
Tiningnan ko naman ang registration form ko para hanapin ang next room ko and luckily nasa 1st floor lang ang next subject ko.
"Miss!"
Ano kayang ire-reply ko sa kanya mamaya? Naku! First time ata mangyari sa akin 'to, hindi ko talaga siya inaaasahan. If ever there's a chance na makita ko siya na walang harang sa mukha niya. No sunglass, no hood, just his face. Kahit ano man ang hitsura niya, okay lang, I just want to be friends dahil nag-iisa lang ako sa condo.
Pero mukhang hindi friends ang habol ko eh.
Forever! Ay ang landi! Hindi pa nga ako tumutontong ng 18 eh!
"Miss!" biglang may humawak sa braso ko kaya napatigil naman ako sa paglalakad at nilingon ko naman ang babaeng iyon.
Napakunot noo naman akong lumingon sa kanya, "panyo mo nalaglag." Aniya at inabot sa akin ang panyo ko. Nginitian ko naman siya at kinuha iyon.
"Thank you,"
"Ano course mo?" tanong naman nito sa akin.
"HRM, ikaw?" tanong ko pa.
"Pareho tayo!" galak niyang sabi sa akin. "Ano next subject mo?"
Sinabi ko naman ang room at subject ko at ang nakakagulat ay halos magkaklase pala kami sa lahat ng subject. Hindi ko siya napapansin, sorry naman! Sabay na kaming pumunta sa room 106 kung nasaan ang next subject.
"Anja nga pala," at inabot niya sa akin ang kamay. Nakipagkamay naman ako.
"Maine," ngiti ko pa sa kanya.
Mabuti na lang at may naging close kaagad ako dahil meydo mahirap kung wala. Sabay kaming kumain at nagkwentuhan tungkol sa aming dalawa. Marami rin akong nalaman sa kanya, dapat daw sa province siya mag-aaral at same kami ng reason na gusto ng parents niya na dito siya mag-aral sa manila para masanay na mag-isa, nakikitira lang daw siya sa tita niya and ayun. Anja Enriquez ang buong pangalan niya. Matanda lang siya sa akin ng isang taon, 18 na siya.
Nang matapos naman ang klase ko, as in natapos na ang first day ko.
"See you," pagpapaalam naman sa akin ni Anja.
Wala kaming pasok bukas, rest day. Balik namin sa Wednesday. Hindi na ako nagpaligoy ligoy kundi umuwi kaagad ako, hindi ko alam pero excited talaga ako na umuwi at sulatan kung sino man 'yon. Pagdating ko naman sa condo ay nakita ko si Alexander na pinagkakaguluhan.
Napakunot at taas kilay na lang ako habang ang iba pinipirmahan niya ang notebook at saka siya tumakbo palayo.
"Meng!" napatingin naman ako sa tumawag sa akin at nakita ko sina Des at Kla na palapit sa akin.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko pa sa kanila. Hindi ko kasi alam kung bakit sila nandito.
"Wait-" pagpigil naman ni Klass sa akin, "anong meron dito? Nanggaling lang kami ng cr may naririnig na kaming sigawan." Aniya.
"OMG! Baka may artista nga talaga dito! Confirm!" sabi pa ni Des, halatang nagningning ang mga mata.
Napailing na lang ako sa kanila, "baliw, hindi artista 'yon, gwapo kasi." Hagikgik ko pa. "By the way, bumalik tayo. Anong ginagawa niyo dito?"
"'Yong magazine ko," nakabusangot na sagot ni Klass sa akin.
Inirapan ko naman siya, "sino ba kasing nagsabi na ilagay mo sa paperbag ko 'yon?"
"Haler! Hindi kasi kasya sa akin kaya siniksik ko muna 'don!" aniya.
"Tara na nga sa room ko,"
Dali dali ko naman sila dinala sa room ko at agad naman na hinanap ni Klass ang magazine na binili niya. Hindi naman nagkaroon ng interest na basahin 'yon kaya tinabi ko na lang dahil alam kong babalikan ni Klass 'yon. 'Yong babaeng 'yon pa ba!
Kinuha ko sa bookshelf ko ang magazine niya at hinagis sa kanya na muntik pang tumama sa mukha niya, mabuti na lang at magaling siyang sumalo.
She glared at me, "bakit mo binabato ang bae ko?" aniya.
Napangisi naman ako sa kanya, "chura mo, Klass! Di bagay!"
"Hindi mo kasi alam kung paano magpahalaga ng mga bagay, first time kong bumili ng magazine na ganito!" aniya. "Si Bae Richard na ito!" kilig na kilig na niyakap niya 'yong magazine na 'yon.
Nakunot noo na lang ako sa kanya dahil ang babaw ng kaligayahan niya.
"Kamusta pala ang first day mo?" tanong naman ni Des sa akin. Abala na kasi si Klass at binuksan na niya ang magazine at halos hindi maalis ang malalapad na ngiti sa labi niya kaya pumunta kami ni Des sa terrace.
And still the window is closed.
Kinuwento ko naman sa kanya ang nangyari sa university ko kanina. Hindi sila naiinggit sa akin dahil mae-enjoy pa daw nila ang kanilang mga bakasyon! Kaasar! Choice ko rin naman kasi ang St. Benilde so ayun.
"So pinagpalit mo na kami sa Anja na 'yon?" inirapan niya pa ako.
"An-ya ang pronounciation, hindi an-dya o an-ha!" pagtatama ko pa sa kanya.
"Don't care," irap pa nito sa akin. "Pero dahil nasa college life na tayo, siguro it is the start of having new friends, diba?" aniya pa. Buti na lang at nawala na ang pagtataray niya!
Tumango naman ako sa kanya, "and the start of having inspiration!" hagikgik ko pa.
Tinulak ako ni Des at muntik na akong mawalan ng balance sa kinauupuan ko. "Ang baliw mo talaga!" asar kong sabi sa kanya.
"Desiree! Uwi na tayo! I need to finish this magazine as soon as possible!" eksena naman ni Klass.
"Bakit ba excited na excited kang mabasa 'yan? Wala namang nakaka-entertain diyan ah!" sabi ko pa kay Klass.
Inirapan naman niya ako, "I don't care, basta gusto ko siya matapos! I want to know more about my Bae!" aniya at hindi na pinakawalan sa pagkakayakap niya.
"Mauna na nga kami, Meng!"
Tumango naman ako, "sige, ingat kayo!"
Lumabas naman sila pagkatapos at naiwan ako mag-isa. Naglinis naman ako saglit dahil ginulo ni Klass ang sala ko. Hindi na siguro napigilang ilabas 'yong kilig niya at naghalumpasay na siya. Dahil tinatamad akong magluto ng kakain ko, sa labas na lang ako kakain.
Pero pagkabukas ko ng pinto ko ay may nakita akong box of pizza sa tapat ng pinto ko. Tiningnan ko pa sa paligid kung sino man ang nag-iwan nito kaya naman ng kinuha koi to, nakita ko ang pangalan ko sa post it paper na 'For Maine' hindi ko alam kung sino naglagay nito pero kinuha ko na dahil gutom na gutom na ako.
Nakaka-apat na slice pa lang ako ay nabusog na ako. Hindi ko na kaya! Leche! Kung nandito man si Klass, siguro ubos na 'to ngayon pa lang!
Tumambay naman ako sa terrace habang inaayos ko ang mga gamit ko. At naisipan ko na naman na magsulat sa kanya, ewan ko, hindi ako umaaasa na sumagot siya ulit sa akin.
"Kamusta ka?" ang sinulat ko at dinikit na ulit ito railings ng terrace ko.
Gustong gusto ko tumambay sa terrace at hintayin siya doon pero mukhang hindi mangyayari 'yon dahil sa tuwing sinusubukan kong datnan siya, siya naman ang wala doon. Nakakalungkot lang o sadyang iniiwasan niya lang ako?
Ang weird dahil hindi ko makuha kung bakit gano'n lagi ang ayos niya.
****
Nagising ako sa sobrang ihi ko at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa terrace. Nang balingan ko naman ang unit ng kanina ko pang tinitingnan ay may sagot na ito sa akin.
"Okay lang, ikaw? Kamusta ka? Pagod ka ata eh." Iyon ang nabasa ko na nakasulat mismo sa papel.
Shet! Ang haba ng sulat niya!
Mas lalong hindi ko napigilan ang feels ko dahil naiihi na ako! Pagkatapos kong kumaripas ng banyo ay bumalik ako sa terrace at nagsulat muli.
"Okay lang ako, promise! Ano palang pangalan mo?" tugon ko naman sa kanya. Hinintay ko naman siya ulit, baka sakaling lumabas pero thirty minutes na ang lumilipas wala pa siya. Kaya minabuti ko na lang na bumalik na sa kama ko.
Halos hindi ako makatulog dahil sa excitement na nafi-feel ko. Minsan lang ako magkaganito kaya ang minsan, hindi agad agad nawawala sa akin. Nagpapalit palit na ako ng posisyon para sa pagkakatulog ko pero hindi pa rin ako makatulog. Wala naman kaming pasok dahil the next day pa ulit kaya okay lang pero excited ako kung malaman ko mang magre-reply ulit siya sa akin.
Hindi ako umasa no'n na magre-reply siya sa akin dahil sabi ko once is enough, na isang beses lang mangyayari iyon pero hindi ko inakala na mauulit pa ng isang beses.
I so like this guy na!
Nagstart ako mag-iimagine ng kung ano ano, kung ano ba ang histura niya at kung ano ang mangyayari kapag nagkita kami at doon na lang ako nakatulog ng mahimbing.
I woke up in a sudden, umaga na pala kaagad!
Mabilis akong tumakbo papunta sa terrace at una ko na namang nakita ang babaeng inirapan ako. Nakaupo lang siya sa doon sa terrace niya habang may binabasa na magazine, like 'yong magazine na binili rin ni Klass. Magkahawig kasi ng cover kaya siguro 'yon din 'yon.
Nang binaling ko naman ang atensyon sa ibabang unit niya ay nakita ko ang isang malaking 'Secret J" na nakasulat doon.
Napakunot noo naman sa sinagot niya kaya dali dali kong kinuha ang papel na sinulatan ko.
"Ahh..." nang ma-realize ko kung bakit secret ang sagot niya. "Bakit kaya?" tanong ko pa sa sarili ko.
Bakit ayaw niyang sabihin ang pangalan niya? Masyado na bang private ang tanong ko or not? I just want to know his name. Kahit 'yon lang.
May mai-stalk lang! Haha harot!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro