Chapter 3
Chapter 3
Alexander on the rescue
How is he now? Kailan ko kaya siya makikita? Lagi ko na lang nakikita sa ibang tao 'yong mga features niya at kung ano siya no'ng nakikita ko pa noon. Ngayon? Ano kaya histura niya? Mataba pa rin kaya siya at sadyang cute at masarap lamutakin ang mga pisngi or slim kagaya ko? Wala akong idea, hindi ko na siya nakikita eh.
Hindi ko rin siya lubos na kilala basta ang alam ko lang Alden Henderson ang pangalan niya. 'Yon lang.
One day before the school starts, pupunta ulit ngayon sila Des at Klass just for the visit dahil kailangan ko rind aw ng fun dahil sigurado puro stress na ang darating because of college life pero I think hindi, kung enjoy naman ako sa gagawin ko. I will not be stress.
So hinintay ko naman sina Des at Kla sa starbucks gaya ng sabi nila. Umorder muna ako ng frappe ko at naupo sa isang table doon dahil wala pa naman sila. Habang nagi-scroll ako sa phone ko ay may umupo sa harapan kong upuan at may nilagay sa harap kong plate and when I look at it.
"Blueberry cheesecake," mahinang banggit ko dito at nang makita ko naman kung sino ang naglagay nito ay halos hindi na mabuo ang ngiti sa labi ko dahil sa gulat.
"For you," he said.
"T-thank you," nautal pa ako sa lagay na 'yon ah. "How are you?" he asked.
I nod, "I'm fine, ikaw?"
"Great until now, no school?" he asked and took a sip on his cup of coffee.
I shook my head, "bukas pa pasok ko."
"Oh really? Goodluck!" aniya.
"Who's with you?"
"None," he shrugged, "wait I'll come back," aniya at pumunta sa counter at may binili itong frappe at pagkatapos ay bumalik sa kinauupuan ko. "I have to go," he said.
I smile, "sige, ingat!" ani ko.
At sa pag-alis naman ni Alexander ay doon ko nakita ang dalawa kong kaibigan. Ay naku! Titirahin na naman ako nitong dalawang 'to! Mabilis nila akong pinuntahan sa kinauupuan ko at bakas na bakas na sa mukha nila ang excitement nang makita nilang kausap ko na naman si Alexander.
"Oy, ano na naman 'yon?! Tsume-tsempo ka dahil wala kami ah!" sabi pa ni Klass.
Nag make face na lang ako sa kanila dahil mukhang gusto rin nilang makausap si Alexander.
"Ano bang pangalan?" tanong naman ni Des.
"Alexander." Sagot ko naamn sa kanya.
"Shet! Ang gwapo ng pangalan!" kinikilig na sabi pa ni Klass. Hinawakan naman niya sa magkabilang balikat si Des, "bili ka na ng frappe natin!" at sinamaan naman siya ng tingin ni Des. Wala namang nagawa si Des kaya sumunod na lang.
"Bakit ba ang big deal sa inyo na gwapo 'yong isang lalaki?" taka ko pang tanong kay Klass.
Inirapan naman niya ako, "haler? Ayan na kaya ang batayan ngayon, pag gwapo ka sikat yan! Pag gwapo ka, lapitin yan! Pag gwapo at may respeto 'yan! Naku forever na 'yan!" aniya pa.
Napailing naman ako sa kanya, "and what if, he's a gay?"
Natigil pa si Klass sa sinabi ko at kaunti na lang ay gusto na niyang ibigay ang halakhak niya pero pinili niyang pigilan niyo. Nakakahiya kaya! "Baliw ka! Kitang kita mo naman kung paano kumilos diba? Alam mo malalaman mo naman kapag bading ang isang lalaki, look at how he will walk, talk to you at kung paano ka niya tingnan. And if he's a gay, hinding hindi ka niya kakausapin!" usal pa niya sa akin.
"Okay, stop! Aaminin ko na he's hot on his abs."
"Oh shet! Ano?!" gulat na sabi niya. Tinakpan ko na lang ang mukha ko dahil napatingin pa 'yong ibang kalapit na upuan sa amin! Ang sasama ng mukha! Edi kayo na busy! Chura niyo! "Ano nakita mo? Bakit?" bulong niya at mangiyak-ngiyak.
"Oo," sa sinabi ko muntik na niya akong sabunutan pero dumating na si Des at nakisabat na rin ito. "First thing first is hindi dahil sinabi ko or what, nalulunod kasi ako so nakita niya kami and he help us kaya ayun, he off his shirt kaya kitang kita ko ang abs niya. He's tan kaya bagay na bagay sa kanya ang katawa niya." Hindi ko alam kung appreciation na ba ang mga sinasabi ko or pagnanasa na, aba ewan!
"Iba ka na girl, mukhang si Alexander na ang papalit sa Alden ng buhay mo." Sabi ni Klass.
"Oo nga, wala ka na kasing chance na mahanap mo pa si Alden. You know, baka nga isa pa rin siyang mataba at isang malaking nerd, diba?" sabi pa ni Des sa akin.
Ewan ko ba kung panunuya na ang sinabi niya kay Alden or what. Na-hurt lang dahil until now, hindi ko alam kung anong histura niya. Naaalala ko lang ang mukha niya.
"Makikita ko rin siya, tiwala lang." nakangiti ko pang tugon sa kanilang dalawa.
Tinaasan naman nila ako ng kilay, "for what pa ba, Meng? Siguro lumayo na rin 'yon kasi masyado kang pahamak kaya pati siya nasaktan sa ginawa mo. You know, kaya siya lumayo ayaw ka na niya ring makita." Dagdag pa ni Klass.
Hindi ko alam kung mahu-hurt ako sa mga sinabi ni Klass or not. There is something in my heart na magkikita kami in real time soon. Siguro this is not the time for me to face him, searching his name and remembering his childish features nab aka sa ngayon, iba na ang histura niya.
Yeah, Klass is right baka nga hindi na kami magkita.
"Kung gano'n, ano pa bang mga features na maaaalala mo sa kanya para kapag magkita kayo, sure na siya na 'yon." sabi pa ni Des.
Napakibit balikat naman ako, "ewan ko, pero siguro ngayon hindi na siya mataba. People change ika nga. Siguro, isa sa mga pwedeng makilala ko siya is 'yong peklat niya sa gilid ng mata niya." Sabi ko pa.
"Peklat?" takang tanong ni Klass.
Ngumiti at tumango naman ako.
"Yes, remember the day na dapat ako ang mabubunggo ng bike?" ani ko pa.
"Oo, ang tanga tanga mo nga doon eh!" sabat pa ni Klass. Sinamaan ko naman siya ng tingin at pinagpatuloy ang kwento ko.
"So 'yon, the first thing na nakita ko sa kanya is nagdudugo 'yong gilid ng mata niya na siguro tumama sa lupa or sa bike. Hindi niyo kasi ako hinayaan na lumapit! Hindi ko tuloy nalaman!" irap ko pa, "pero okay, hindi ko na siya nakikita pero no'ng nalaman nating siya ang valedictorian ay pinost ang picture niya sa tarpoline at doon ko nakita ang peklat sa tabi ng mata niya."
"Nakita mo pa 'yon?" tanong pa sa akin ni Des.
Tumango naman ako, "oo, hindi rin naman ata siya magsusuot ng salamin kung gano'n diba? He hid the scar on it."
"So? 'Yon na ang batayan mo para makilala mo siya?" ani Klass.
I just smiled, "hindi ko alam pero sana."
After namin mag-stay sa starbucks ay nagmall muna kaming tatlo. Ito na huling araw ng bakasyon ko kaya kailangan lubos lubusin ko na! Nagpunta kami sa quantum at kung saan saan pa. Bumili nang mga damit at sapatos. Syempre, kumain din kami. Dumaan din kami sa bookstores at doon kami halos nagtagal.
"Look girls, ang hot oh!" lumapit naman kami kay Klass at pinakita nito ang magazine na hawak hawak. "Ang hot no'ng guy."
Inagawa naman ni Desiree ang magazine pero inagaw ko rin iyon at tinitigan ang mukha. He seems familiar to me, nagkita na ba kami?
"Richard Howerdson." Banggit naman ng pangalan ni Des doon.
"Ang hottie ng guy na 'to ha, kahit balot na balot siya! And he's dimple, ang lalim!" pansin pa ni Klass doon.
And it reminds me of Alden na naman. That dimple on his left cheek. Parehong pareho sila pero syempre, hindi siya 'yon.
Binalik naman ni Des ang magazine pero kinuha ni Klass at bibilhin niya daw. Bumili naman ako ng libro pagkatapos ay binayaran na namin sa cashier ang mga pinamili namin. Nauna na rin akong nauwi sa kanilang dalawa at magkasabay silang paalis ng taxi.
Nang nasa tapat na ako ng building ng condo habang hawak hawak ang ilang paper bags ay bigla ba namang napigtas ang tali.
"Hey, Maine," may lumapit naman sa akin at tinulungan akong buhatin ang mga paper bags ko at ang nakuha niya ay ang paper bag kung saan may nahulog pa mula sa loob. Nagulat ako ng malaglag ang biniling magazine ni Klass doon. Shocks! Paano napunta 'to sakin? "A fan of Richard, huh?" aniya habang binabalik ulit sa loob ng paperbag.
"Ay hindi! Sa kaibigan ko 'yan, siniksik lang ata diyan! Baliw 'yon eh!" sagot ko sa kanya.
Natawa na lang siya hanggat sa sinamahan niya ako sa elevator.
"Dito na lang, thank you!" sabi ko pa, hindi ko alam kung kinakabahan ako o ewan dahil nagiging pilit na ang ngiti ko.
"No problem, I always get to help you," he smiles.
"Thank you ulit," bago pa magbukas ang elevator ay hinarap ko ulit siya, "wala ka bang kasama sa room mo? Mag-isa ka rin?"
"Uh-why?" he asked confused.
"Ah, wala! Sige, bye!" saka ako pumasok sa elevator, "thank you!" ani ko pa bago sumarado ang elevator. Bigat na bigat naman akong tumulak sa unit ko at nang makapasok naman ako ay nilapag ko na lang sila sa tabing gilid.
This day is fab. Bukas na ang start ng klase at alam kong magiging new adventure na naman sa akin ang lahat kaya ngayon start na para mag-ayos ng gamit ko.
Nilagay ko naman sa bookshelf ang mga nabili kong libro. Four deck ang bookshelf ko na pahaba kaya ang goal ko is punuin yan, hindi ng academic books okay? Hell.
It was nine in the evening at hindi pa rin ako tinatamaan ng antok kaya kumuha ako ng librong mababasa at hinatak ko ang isang comfy na upuan at dinala sa terrace, doon ako nagbasa. Dahil hindi rin ako makunteto ay kumuha ako ng makakain ko at pinagpatuloy lang ang pagbabasa.
Habang wiling-wiling ako sa pagbabasa ko ay napansin ko naman ang unit na lagi kong inaabangan. Hindi ko alam, simula nang lumipat ako dito parang gusto ko tuloy pasukin ang unit na 'yon at malaman kung sinong nakatira doon.
Ngayon lang talaga ako nagng curious sa mga ganito.
Isang oras simula ng magbasa ako ay tinamaan na rin ako ng antok ko. Sinara ko na ang libro na binabasa ko. napatingin naman ako sa terrace no'n. Wala pa siya. Anong oras kaya siya lumalabas? Gusto ko tuloy siya matsempuhan.
Nagkaroon rin naman kaagad ako ng idea kaya dali dali akong kumuha ng papel at pentel pen. Nagsulat ako ng isang malaking 'HELLO!' na 'yon at tinape ko sa railings ng terrace ko, may ilaw naman ang paligid kaya for sure is makikita niya 'yan.
"Sumagot kaya siya?" tanong ko pa sa sarili ko.
Hindi ko alam kung effective ba 'yong idea ko na sumulat sa papel para lang makapag-communicate sa kanya pero we'll see, give it a chance dahil kung sumagot man siya ibigsabihin hindi siya isang malaking snob.
Tumuloy na rin ako sa kwarto ko at nakangiting umaasa. Nangangarap lang ako. Ang gwapo kasi nang nasa unit na 'yon, malay mo forever ko na 'yon. pero shems! Hindi ako makatulog dahil sa excitement, ayoko naman lumabas dahil tiyak na magtatago rin siya and if I know, naka shades siya kahit na wala nang araw. Ano bang meron sa kanya? Pa-artista effect pa eh no!
****
Nag-alarm ang phone, first day of class. Medyo bangag ako dahil hindi ako masyadong nakatulog kagabi, ewan ko! Nakakabaliw lang! Nag-ayos naman ako ng sarili ko dahil papasok na ako sa university and it's time to face the reality again.
Paalis na ako nang maaalala ko ang ginawa ko kagabi kaya dali dali naman akong tumuloy sa terrace.
Nagulat ako ng may isang tao akong nakita. Oh my gahd.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro