Chapter 25
Chapter 25
Tamang panahon na ba?
The right time hasn't come. Hindi pa iyon ang sinasabi niyang tamang panahon para magpakita siya sa akin. Oo para sa akin, hindi pa talaga kasi ang inaasahan ko ay ang makikilala ko na siya in person, na makikita ko na kung sino nga ba talaga siya pero hindi pa rin eh, hindi ko pa rin siya makikilala dahil hindi naman niya inalis 'yong shades na dahilan talaga para hindi ko siya makilala. Maraming taong may dimples, maraming pwedeng hulaan na pangalan lang pero kung inalis niya iyon, 'yon na 'yon, makikilala ko na siya doon pa lamang.
Hindi rin ako nakatulog that night, paano ba naman kasi naaalala ko na naman 'yong gabing 'yon. No'ng tinanggal niya rin 'yong facemask niya, kulang na lang ay tanggalin ko 'yong shades niya, ang gwapo ng ngiti niya. Gustong gusto ko makita ang mukha niya noon pero nabato lang ako sa kinatatayuan ako.
At nang magsalita siya, parang kinilabutan ako na ewan. Halos may kaboses kasi siya, may kaboses siya na hindi ko naman alam kung sino. Ilang beses ko nang tinanong sas sarili ko kung kilala ko nga ba talaga in person itong si Bae dahil parang kilala niya, ako lang itong walang ideya na hindi siya kilala.
Pupunta rin ako mamaya sa university to get our grades. Oo ang bilis ng panahon, nakayanan kong mag-isa at maging independent sa unit ko, makikita at makakasama ko na rin ang lola ko. Hindi pa ako umaalis dahil hinihintay ko pa si Bae na lumabas sa kanyang terrace pero ito na naman ako sa asa, lagi na lang naghihintay sa wala. After that night, hindi na talaga kami nagkaroon ng chance na magkausap pa, kahit thru fansign lang, from terrace to terrace, wala.
Napabuntong hininga na lang ako nang umalis sa terrace at bumaba sakay ang elevator. Pagkadating ng elevator sa 1st floor, lumabas kaagad ako at tumungo sa bus station. Mabilis naman akong nakarating sa meeting place namin ni Anja at sabay na kaming pumasok sa university.
Pinagku-kwento ko naman sa kanya lahat ng nangyari this past few days lalo na rin 'yong naganap sa amin between ni Bae. Nasayangan at hindi niya daw maintindihan kung bakit pa kailangan gawin 'yon ni Bae. Wala naman akong ideya dahil kung trip niyang gano'n edi wala akong magagawa, masaya lang talaga akong nakakausap ko siya kaya gustong gusto ko makilala kung sino nga ba talaga siya pero meron din siyang tinatawag na tamang panahon na hindi ko alam kung kailan tatakdain.
Wala akong gana, after kasi nitong kuhaan ng grades uuwi na ako sa province para makasama ulit ang family ko at babalik for enrollment na din.
"Bakit ba ganyan ka, walang ka-ene-energy?"
I shrugged, wala nga lang talaga akong gana today. Pumila naman kami para makuha na ang grades, medyo mahaba haba na rin ang pila kaya kailangan mo talaga ng patience.
"Kailan ka babalik sa bahay niyo?"
"Baka bukas?"
"Agad agad? Wala ba munang gala tayo before ka umalis?"
Napakamot naman ako ng ulo ko, "siguro next time na lang Anja, lagi rin naman kasi tayong nasa galaan after ng klase kaya sa next sem na lang ulit." Sabi ko naman sa kanya.
Napanguso naman ito, "ang daya mo talaga."
"Hayaan mo na, mas matagal naman kitang makakasama eh." Ngiti ko pa sa kanya.
"Ang dami mo naman kasing iniisip! Hayaan mo na nga muna 'yan, sino sino ba kasi 'yan?"
"Anong sino sino? Bakit parang ang dami naman ng tinutukoy mo?" tanong ko pa sa kanya.
"Oo, sino sino ba iniisip mo? Tatlong lalaki 'yan diba? Si Bae, Si Richard at 'yang nawawalang si Alden."
Napailing na lang din ako sa kanya.
"What if these three person ay iisa lang?" nakangisi niyang tanong niya sa akin.
Napataas kilay naman ako sa sinabi niya. "How will it be happen? Alam mo namang imposible. Inisiip mo kasi na porque lalaki lahat 'yon eh iisa lang sila. Hindi eh. Si Bae na ayaw magpakita sa akin, si Richard na nagpakita sa akin at si Alden na ayaw magpahanap. See that? Iba iba sila, hindi sila iisa, Anja at 'wag kang mag-iisip ng imposible namang mangyari." Buntong hininga ko pa sa kanya.
"Masama bang imaginine lang, Meng? 'To naman!" aniya.
Nanahimik na lang din ako sa kahabaan ng pila. Si Anja na hindi natigil ang pagdadaldal niya, bumabalik na daw kasi ulit siya sa wisyo niya na bumili ng mga magazine and posters eh pero pinag-iipunan niya daw 'yong mga standees o kaya kumuha na lang sa mall kapag walang nakatingin, ibang klase ka An-an. Pero 'yon siya, hindi ko siya mapipigilan. Die hard fan ika nga.
Mga isang oras din kaming pumila para makuha ang grades namin and I was very satisfied, ilan din ang uno ko at wala namang tres. Mayamaya lang din habang naglalakad kami ni Anja palabas ng university tumawag naman si Klass.
"Meng! You have to belive what I'm saying!" beastmode kaagad ang bungad niya sa akin kaya nailayo ko pa sa tenga ko 'yong phone ko dahil parang sumisigaw na siya.
"Okay, hinahon ka lang, please?"
"Hindi! Hindi!" feeling ko nanginginig na si Klass sa kung ano man.
"Ano ba kasi 'yon?!"
"Tungkol kay Alden!"
Namintig naman ang mata ko sa sinabi niya kaya napahinto ako sa paglalakad nang sabihin niya ang lalaking hinahanap ko noon pa.
"Anong meron kay Alden?"
"Hindi ka maniniwala pero sana paniwalaan mo ako..." aniya. "Hindi ko man lang naisi-" hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Klass nang may bumangga sa akin at natapunan ang damit ko na hawak nitong juice.
"Klass, mamaya ka na ulit tumawag."
"Hind-" then I hung up.
Tiningnan ko naman ang lalaking nakabangga sa akin.
"Sorry Miss Maine! Hindi kop o sinasadya, tinulak po kasi ako nang mga kaibigan ko eh! Hindi ko po sinasadya."
Napailing na lang ako sa kanya. Look what he had done to me. Ang lagkit ko an tuloy ngayon.
"Elore akin na 'yang binili mong dress, kay Miss Maine na lang." binigay naman nila sa akin 'yong paper bag mula forever 21.
Tinanggihan ko naman ito, "hindi na kailangan, uuwi na lang din ako."
"Hindi po, sorry po talaga, kasalanan naman po naman kaya suotin niyo na po mara hindi kayo lalo maglagkit." Aniya.
Kinuha ko na lang 'yon, "salamat na lang." aniko.
"Sorry po ulit," sabi nilang magkakaibigan. Nginitian ko na lang din naman sila. At umalis na nagturuan pa sa isa't isa.
"Suotin mo na," sabi ni Anja sa akin.
"Badtrip naman kasi, ayoko, sayo na 'yan." Sabi ko pa.
"Dali na! Ang arte, hintayin na lang kita dito." Aniya.
Napabuntong hininga na lang din akong tumungo sa cr at pinalit ang dress na binigay nila sa akin. Dress na kulay red na hanggang tuhod at may print na mga bulaklak na kulay white. Hindi siya sleeveless pero ang OA nang damit kaasar.
Bumalik naman ako kung saan hinihintay ako ni Anja.
"Wow, you look good on that dress." Aniya pero inirapan ko na lang siya.
"Uuwi na ako."
"Ay ayaw mong mag-mall?"
"Na ganito ang suot ko?"
"Bagay naman ah!"
"Wala akong gana, Anja eh. Parang magkakasakit ako."
Nginisihan naman niya ako, "sige na nga, see you na lang sa enrollment." At kumaway na siya sa akin palayo.
Naghintay na lang din naman ako ng bus at sumakay na. Mga thirty minutes din bago ako bumaba sa tapat ng condo, dumiretsyo naman ako ng starbucks para may makain naman. Umorder naman ako at pagkalabas ko nang starbucks ay may nakita akong pamilyar na tao sa akin.
"Bae!" tumingin sa akin ang ibang taong paligid sa akin pero sa isang tao lang ako nakatingin at nang lumingon naman siya sa akin, with his usual jacket and shades. Saglit lang niya akong tiningnan at biglang tumakbo papasok ng condo. Tatawid na sana ako pero naka-red ang stoplight kaya hinintay ko muna at tumakbo papasok ng condominium. Hinanap ko kaagad siya nang makapasok ako sa condo. Lumapit ako sa front desk at tinanong kung may nakita pero wala silang napansin, nilapag ko muna doon ang binili ko nang makita ko si Alexander.
"Alexander-" hindi niya ako narinig dahil pumasok na ito ng elevator. Sinundan ko naman ito at sumakay sa kabilang elevator at sa 10th floor ko pinindot ang button kung saan siya nakacheck in.
Matagal ko na rin siyang hindi nakikita at nakakausap eh.
Ilang saglit lang din ay bumukas na ang elevator at hinanap ko kaagad si Alexander at ayun, papasok na siya sa unit niya.
Papasok na ito nang makatapat ako sa unit niya.
"Alexander." Banggit ko sa pangalan niya.
At halos magulat naman siya nang makita niya ako, "M-maine?"
"Yes, Alexander." Ngiti ko pa.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong naman niya.
"Sinundan ka, gusto kasi kita makausap at kung nasa baba ka man kanina, may tanong lang sana ako." Sabi ko pa sa kanya.
"Ano naman 'yon?" aniya.
"Sa loob pwede ba?"
"Ha? Makalat eh." Kamot pa niya sa batok niya.
"Hindi, okay lang sa akin, tara."
"Ha-eh." At tumuloy na ako sa loob ng unit niya.
Malaki naman ang unit niya at naupo ako sa couch. Napansin ko 'yong mga picture fram na bigla niyang tinaob at humarap naman bigla siya sa akin.
"Ano nga palang tanong mo?"
"May nakita ka bang lalaki kanina na naka-hood? Nakita kasi kita at sabi ko malay mo nakita mo 'yon."
"S-sino ba?"
"Si Bae." Ngisi ko pa sa kanya. "'Yon lang naman wala nang iba," sabi ko pa sa kanya.
"Ah, okay."
"Pwede ko bang maikot unit mo?"
"Ah-"
"Thanks!"
Pumunta ako sa kwarto nila, malinis at napansin ko na two beds ang meron doon pero di ko na tinanong kung sino kasama niya. Sinusundan ako ni Alexander kung saan ako magpunta at paglingon ko kakagaling niya lang ng terrace. Napakunot noo naman ako sa ginagawa niya, nang balikan ko naman ng tingin 'yong mga tinaob niyang picture ay doon ko lang napansin na dinala niya pala sa terrace iyon.
"Ah, Maine, aalis kasi ako eh." Aniya.
Napanguso naman ako, "ay gano'n ba? Saglit na lang please."
Dumiretsyo naman ako sa terrace at nakita ko kaagad doon ang mga picture frame, at nang kunin ko at makita ko kung sinong nandoon. Nagulat ako nang makilala ko kung sino ang lalaking nasa picture.
Alden...
Nakilala ko kaagad ito dahil sa peklat sa tabi ng mata nito. Naka-school uniform siya at hindi na siya gano'n kataba kundi ang payat na niya. Tiningnan ko pa 'yong ibang pictures at halos napapatitig na lang ako nang makita ko na si Alden at kamukha naman ni Alexander ang kasama nito. Naguguluhan ako. Nang lingunin ko si Alexander, umiiwas lang siya ng tingin sa akin. Nang tingnan ko naman ang paligid ng terrace at mas kinagulat ko pa nang makita kong nasa itaas lang no'n ang unit ko.
Hindi pwede.
Sino ba 'yong lalaking nakakausap ko?
Hinarap ko si Alexander.
"Alexander, ikaw ba?"
"Ah, Maine." Napalunok pa ito ng laway niya at pumasok kami sa loob ng unit. Namumuo na ang mga luha ko sa paligid ng mata pero pinipigilan ko lang.
"Alexander? Sino ba 'to?" pinakita ko sa kanya 'yong hawak kong picture frame na hawak ko na kamukha ni Alden pero mukhang si Alden talaga eh.
"Alex! Tara na!" napatingin kami sa pinto at nakita ko doon si Richard. Nagkatitigan kaming dalawa, bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang makita niya. Halos hindi ko naman maintindihan ang lahat.
"Alden..." bulong ni Alexander pero narinig ko pa rin.
"Maine..." banggit ni Richard sa pangalan ko.
"Richard, ikaw si Alden?" at tumulo na ang mga luha ko.
"Sorry Maine, pero hindi pa ito ang tamang panahon." Napansin ko ang pagtulo ng kanyang mag luha at sabay na tumakbo. Sinundan ko siya pero pinigilan ako ni Alexander.
"'Wag na Maine..."
"Hindi pwede, Alexander, hindi pwede." Pumiglas ako at sinundan ko siya pero wala na akong nakikita ang Alden.
Napaluhod na lang ako sa kakaiyak.
Ang tanga tanga ko. Hindi ko man lang naisip na iisang tao lang pala sila.
Na si Richard, Bae ay ang matagal ko na palang hinahanap na si Alden.
Hanggang kailan ko ba hihintayin ang tamang panahon?
Kailan pa ba?
"Alden... bakit kailangan mong lumayo pa?"
Hindi ko na kaya, hinintay ko 'tong panahon na 'to pero hindi ko naisip na masasaktan pala ako. Na akala ko, kapag nakita ko na si Alden, magiging okay na ang lahat pero bakit gano'n?
Ako ang nasaktan nang lumayo na naman siya sa akin.
Bakit Alden? Bakit?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro