Chapter 22
Chapter 22
Letter from who?
Few days passed, hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko na may kaibigan pala akong sikat na model. Hindi ko na rin siya nakakausap lately kaya hindi ko siya matsempuhan pati na rink ay Bae, hindi ko na rin siya nakakausap dahil may iba akong pinagkakaabalahan. Mukhang nandito na nga si Alden, ramdam na ramdam ko na dahil noong isang araw lang din pagkauwi namin ni Anja ng university, nakita na naman namin sa harap ng unit ko ang pictures ko noon.
Mas kinagulat ko pa nang may sulat ito sa likod.
'Mula noon hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago kung sino ka. Maganda ka pa rin, Maine Alvarez. -Alden' and that's make me froze for a minute actually, parang nabato na talaga ako sa kinatatayuan ko nang mabasa ko 'yon. Like what?! Makakabasa ka na lang bigla nang gano'ng sulat tapos mismong picture ko pa no'ng elementary days pa ang nando'n. How's that, diba? Nakakagulat, nae-ewan na ako dahil feeling ko ako lang 'yong walang alam na nandiyan na pala siya.
Hindi ko lang alam na matagal na pala kami nagkita.
May pinaghahandaan din akong event, actually, ako nga pala ang nakapasok sa audition at ang napili nila for drums. Nakakatuwa lang dahil sa bilis ng pangyayari, hindi ko akalain na may opportunity agad for me, so hindi ko na naman 'yon hinayaan dahil magper-perform lang naman. Friday night naman daw 'yon and sabi sabi pa na may ige-guest na mga artista and we still don't have any idea kung sino 'yon, siguro baka si Sarah Geronimo? KathNiel? JaDine? Wala akong maisip dahil sa dami ba naman ng artista sa bansang ito, sabi nga nila, surprise na lang daw para sa lahat.
Natapos na rin naman ang session namin sa isang concert hall kung saan may mga rent na instruments na pwedeng mapag-practisan, actually pagkatapos ng klase ay dito kami dumi-diretsyo ni Anja dahil nalilibang din naman siya sa paligid kaya ayun. Kaya dahil dito, nawalan din ako nang time sa iba kong gawain, kung mag papahinga naman, si Alden naman ang gumugulo sa isip ko.
Ang laging tanong ko sa sarili ko, ano kayang hitsura niya? Wala, curious lang kasi ako kung ano na siya ngayon. I don't care kung mataba pa rin siya, pangit siya, guso ko siyang makita kahit anong mangyari. Sa tagal ba naman ng panahon na hinintay ko, tatanggi pa ba ako?
"Ano, kaya pa?"
Napabuntong hininga na lang din naman ako sa kanya, "tatlong araw na lang, An-an." Sabi ko pa sa kanya.
"Naku, gusto mo 'yan eh! Saka nakaupo ka lang naman, napapagod ka pa?" taas kilay niya pa sa akin.
Binatukan ko naman siya, "ikaw kaya pumalo ng pumalo ha? Nakakangalay dahil tatlong performance ang gagawin ko tapos 'yong isa pa may kasama pa akong surprise guest."
"Edi galingan mo para ma-impress sayo 'yong artista, tapos malay mo i-refer ka niya sa isang manager, then boom! Instant artista ka kaagad?"
I rolled my eyes to her, "ewan ko sayo, Anja, dumaan muna tayo sa starbucks ha, para naman makapag-relax tayo."
"Oo nga naman, mas masarap din kapag libre."
"Utot, Anja."
"Dali na! Sila lang nilibre mo noon, ako hindi?" aniya pa.
"Oo na, kala mo naman." Ngisi ko pa sa kanya.
Mabilis din naman kaming nakarating sa condo pero tumuloy muna kami sa starbucks para iwas stress, nami-miss ko na rin ang coffee dahil busy sa mga ginagawa ko. Pagpasok pa lang ay sinalubong na ako ng bango ng kape sa paligid and as usual, si Anja na ang pina-order ko at naghanap ng mauupuan and gladly to saw Alexander.
"Alexander!" tawag ko sa pangalan nito.
Dahil busy ito sa kanyang phone, nagulat pa siya nang makita ako. Paano ba naman, ngayon lang niya ako pinanlakihan nang mata nang makita ko siya. Nakangiti ako nang makaupo rin ako sa usual table na kinauupuan niya.
"Oh, Maine." Aniya.
"Hi Alexander, tagal nating di nag-usap ah?"
Halata ko naman ang pag-ngiwi nito sa akin, "yeah, so how are you now?"
"Ito busy sa university dahil magpe-perform ako sa gagawing event this Friday."
"Really? Good for you, Maine."
I smiled, "ikaw? Anong pinagkakabalahanan mo?"
He shrugged, "works ofcourse."
"Modelling?" tanong ko pa sa kanya.
Tiningnan naman niya ako at natawa na lang. "Modelling? How serious are you?" ngisi pa niya sa akin.
Mayamaya lang din ay dumating na si Anja, "Meng, 'to na frappe mo." inabot naman niya at kinuha ko 'yon, saglit lang napatingin siya sa kausap ko, "omg, hindi ako na-orient."
Gaya gaya ka na rin, An-an huhuhu.
Naupo naman sa tabi ko si Anja.
"Your friend?" Alexander asked.
I nodded, "yup, Alexander meet Anja, Anja meet-"
"Yes! I know very much!" parang baliw na sabi niya, kinuha niya 'yong mga kamay ni Alexander. "Ilang beses na kitang nakikita at nakakasalubong pero ngayon, ngayon! Dumating na ang tamang panahon para sa ating dalawa."
"Like hello, Anja?"
"Ay sorry naman, Meng."
Natawa na lang din naman si Alexander sa kabaliwan ni Anja.
"So diba Anja, model siya?" ngisi ko pa.
"Oo, lagi silang magkasama ni Richard minsan sa mga event tapos ang hot hot niyo pang dalawa."
Ay naku, nakakabaliw 'tong si Anja ah! Mukhang nawawala na din ang stress ko sa tuwa ko.
Napangiwi pa si Alexander, "okay, you got me Meng, hindi ko kasi pinapaalam 'yong profession ko dahil ayoko naman magmayabang. Kung sino lang 'yong mga nakakakilala sa kin, I go for them. Kaya nga nagtaka ako noon na kahit ilang beses na tayo nagkakausap at nagsasalubong, still you don't me kaya naging kampante naman ako pagdating sayo pero ngayon na..."
I shook my hands, "no, ano ka ba! You're secret is safe on me pero mukhang dito sa starbucks hindi na secret 'yon dahil madalas ka naman dito pero don't worry, hindi naman namin ipagkakalat. Masaya lang ako for you."
"Naks naman!" ngisi pa niya. "Oh I have to go Maine and Anja, hinahanap na siguro ako nang kasama ko."
"Sino?" tanong naman ni Anja.
Pero nginitian lang siya ni Alexander at umalis na ito.
"Sino kaya 'yon?" takang tanong naman ni Anja sa akin.
Kinibit balikat ko lang siya, "wala akong alam diyan, basta ngayon, alam mo na, masaya ka na?" hagikgik ko pa.
"To the highest level teh! Okay pala kahit sinunog na 'yong mga poster ko eh, mas masaya pala kapag harapan eh." Kilig na kilig niyang sabi, kulang na lang maglampaso sa sahig eh.
"Bigte ka na, alam kong na-achieve mo na goal mo eh." Ngisi ko pa.
"Oh, hindi pa kaya!" aniya. "Hindi ko pa nakakasama si Richard, you know, Alexander and Richard is a good bestfriends at nagbabakasali ako na kasama niya minsan si Richard, diba, gusto mo rin naman 'yon?"
"Oo, slight lang." kunot noo ko pa.
"Ay choosy pa ba?"
"Baliw," iling iling kong sagot sa kanya.
Pagkalipas naman ng isang oras ay pumunta na rin kami sa unit ko. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag nang wala akong madatnan mula sa harapan ng unit ko. Lagi na lang kas ako kinakabahan, hindi ko alam kung anong pinapahiwatig ni Alden kaya kabang kaba ako ngayon.
Ang adik kasi, ayaw pa magpakita.
Mayamaya lang lalabas sana ako para bumili ng makakain, kasi si Anja nagpapabili rin. May bumungad naman sa harapan ng pinto ko.
Ayan na nga bang sinasabi ko eh.
Isang sulat, dahan dahan ko naman itong pinulot. Naka-envelope ito, mabango at mukhang handwritten ang laman. Walang nakalagay na address or pangalan mismo ng sender kaya naman si Anja na lang ang pinaalis ko at naiwan naman ako sa kwarto ko tinititigan ang envelope na 'yon.
Nakapangalumbaba lang akon habang nakadapa sa kama ko, anong gagawin ko sa sulat na 'to? Syempre babasahin pero hindi ko kasi alam kung anong nakaloob diyan kaya ayun 'yong nagpapakaba sa akin, kay Alden na naman ba galing 'to?
"Meng!" napaigtad ako nang biglang bumulaga sa harapan ko si Anja. "Kanina ka pa diyan ah! Nakaalis at nakabalik na ako, tulala ka lang diyan? Hindi mo ba bubuksan o ako ang magbubukas niyan for you?"
Kukunin niya sana 'yong envelope pero inagaw ko sa kanya agad.
"For Maine's eyes only, please?"
"K!"
"Labas ka muna, I need more minutes."
"Ay kaarteng girlalu." Aniya at lumabas na nang kwarto.
Napabuntong hininga naman ako. Napaupo na lang habang kaharap ang envelope na nasa harapan na naman ng unit ko. Sino ba kasing naglalagay niyan diyan? Sino ba kasing nagpapadala niyan? Si Alden ba talaga o may nangti-trip lang talaga sa akin? Dahil kung gano'n, hindi pala seryoso ang lahat ng ito?
Huminga ako nang malalim. Humugot ng lakas at kinuha na ang envelope.
"Kaya mo 'to, Meng!" sabi ko pa sa sarili.
"Hoy! Hindi mo pa ba bubuksan 'yan!" napasapo na lang ako nang marinig ko na naman si Anja. Hindi ko na lang din naman ito pinansin kundi dahan dahan kong binuksan ang envelope. Halos ang bigat nang bawat kabog ng dibdib ko, saan ba ako kinakabahan? Nakakakaba, promise.
Hindi ko kasi alam kung anong aasahan ko sa sulat na 'to tapos mamaya pala isang malaking joke time lang pala ang sulat na 'to!
Isang yellow scented paper ang nakapaloob dito at tama nga ako na handwritten ang sulat dahil bakat ang tinta ng ballpen na ginamit. Dahan dahan ko naman itong binuksan at napapikit na lang ako when I saw my name.
'Hi Maine!
It's been a long year since I met you, since I helped you. Alam mo bang ayaw na ayaw kong gawin ang bagay na 'to pero dahil gustong gusto ko na rin, ginawa ko na. Matagal na rin tayong hindi nagkita, I was so shocked when I saw you again for about 7 years? Am I right? You know, Maine Alvarez, I did this for you to believe that I'm everywhere watching over you but still I'm not prepared to face you now, ewan ko. Hiya ba? O takot? Hindi ko alam, basta 'yong nararamdaman ko sayo noon pa man, alam kong tama. Gusto mo bang malaman 'yon Maine? Malapit na, konting hintay na lang, darating na ang tamang panahon nating dalawa. And if you're curious about my face, I inserted a photo over the envelope. I hope it may help for you to see me what I am now. See you soon, Maine.
Sincerely,
Alden Henderson'
The way he write those words, naiyak na lang ako. Naiyak ako dahil sa tuwa, totoo nga. Hindi ako niloloko ng tadhana dahil si Alden mismo ang nagpapadala ng sulat na 'to. Dali dali ko rin namang kinuha 'yong picture daw naka-singit sa envelope and I was so happy nang makita 'yon but I was disappointed dahil blurd and pixelated ang picture.
How dare you Alden, pinaaasa mo ako. Huhuhu.
Pero bakit gano'n ang sulat niya sa akin? Bakit ayaw niya pang magpakita sa akin? Bakit kailangan ko pang hintayin 'yong tamang panahon na sinasabi niya kung gayon matagal ko nang hinihintay 'yon. Sana hindi ako masaktan pagkatapos nang lahat ng ito.
Umaaasa ako sa mga sinabi niya na magkikita nga kami. Kung hindi nga naman ngayon, sinabi na rin niya na nasa tamang panahon ang lahat.
Lumabas na rin naman ako ng kwarto at pinakita ko 'yong picture sa kanya, naasar naman daw siya dahil wala namang makikita pero isa lang ang naco-conclude namin ayon sa kuha, iba ang pinagbago ni Alden.
"Ngayon, 'wag muna si Alden ang isipin mo Meng, may performance ka pa sa Friday at baka mapahiya ka pa dahil sa kakaisip kay Alden."
"Okay, madam."
Natutuwa lang talaga ako.
Hindi pa pala huli ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro